Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

Random Tweets [March 5 - 12, 2018]

@AlphabetSenpai:
You were like Wattpad, Kdrama and Anime;
My greatest escape...
In this life I couldn't take.

@AlphabetSenpai:
You were the ambition I didn't have
The guts to seek,
Yet didn't have a heart to forget.

@AlphabetSenpai:
You were the puzzle I couldn't decode.
Every time I thought about you,
My mind tingled to burst.

@AlphabetSenpai:
You were my antidote,
When someone feed me a poisoned apple.

@AlphabetSenpai:
You were the song that soothed my anxieties.
When I was with you, I could hear the "Dug dug" lyrics.
I realized it was the rhythm of our heartbeats...
So it became my favorite music.

@AlphabetSenpai:
You were the sun, I was the ice cream.
I was too afraid to melt by your hotness...
So I stayed in my comfort zone, inside the ref.

@AlphabetSenpai:
You were the rain that poured when I was broken,
So no one could see my pain and tears that flowing.

@AlphabetSenpai:
You were my favorite star in the night sky.
I never wished you to tumble...
I was too afraid that someone might catch you,
When you fall.

@AlphabetSenpai:
You were the sea that lured me to swim.
I was good at swimming yet with just a cramp...
I ended up drowning.

@AlphabetSenpai:
You were the band-aid that concealed my blemishes;
The thread that healed my deep wounds through stitches.

@AlphabetSenpai:
You were the lamp, I was the moth.
You killed your own fire...
So I could stay by you side.

@AlphabetSenpai:
You were the king, I was the queen.
Your life was more important
Than the rook's, bishop's, knight's or even mine.
Then, why did you commit a suicide to save my life?

@AlphabetSenpai:
You were that character longing to be written,
But I couldn't because we wouldn't be the end game.
I was just a writer, not your leading lady or lover.

@AlphabetSenpai:
You and I were the story I've worked hard
To give "us" an illustrious ending,
But the plot got stolen.
The worst part, I was accused of plagiarism.

@AlphabetSenpai:
You were the carpenter that rebuild my broken pieces,
But you've smashed your heart in the process.

@AlphabetSenpai:
You were the rainbow after the storm.
The reminder that after the chaos, I wasn't alone.
The symbol that after everything, it'd be okay;
But like the storm, the rainbow couldn't stay.

@AlphabetSenpai:
You were that ideal man
Desired by everyone.
I even wished that you'd be mine,
But reality hit me... big time!
Oh! You were a fictional character.
I was just a reader.

@AlphabetSenpai:
You were the groom, I was the bride.
With a bright smile,
You were waiting for me in an aisle.
Then, we said our vows.
To each other, we promised... "Together forever."
I wept with happiness when we
Sealed it with a kiss.
I blinked, deep breathing...
I realized, it was only just a dream.

_..._..._

Updates as of March 13, 2018

AB Calan de Makapili facebook account: 1857 unread messages from KD Oppa Pereseo
AlphabetSenpai twitter account: 143 ignored tweets from KD_oppa
AlphabetSenpai wattpad account: 694 unnoticed messages from KD_oppa

- - -

March 13, 2018

TUE AT 1:43 PM

KD Oppa: Today is my birthday. Nandito sina Magnet at Angelito sa Antipolo. Bakit hindi ka sumama, Senpai? Iniiwasan mo ba ako?

Seen 1:45 PM

KD Oppa is typing...

KD Oppa: You're online. Kahit greetings lang mula sayo. Masaya na ako.

This person isn't receiving messages from you right now

KD Oppa: Ngdeavtibate k abs?

This person isn't receiving messages from you right now

KD Oppa: Vnlock mob a aki?

This person isn't receiving messages from you right now

KD Oppa: Shr! Donr do ths to me pleasr.

This person isn't receiving messages from you right now

KD Oppa: It's my bortjday, AB. :(

This person isn't receiving messages from you right now

- - -

KD Oppa Pereseo facebook account: Reported and blocked by AB Calan de Makapili
KD_oppa twitter account: Reported and blocked by AlphabetSenpai
KD_oppa wattpad account: Reported and muted by AlphabetSenpai

_..._..._

Posted: April 1, 2018; 1:34 PM

Wattpadislove
3 hours ago . Public

[CONFESSION]

"Love at First Read"

Dear AlphabetSenpai,

I know you won't like this long open letter for you. I'm sorry.

You're a secluded person and this is a public page. But... I just want to get a touch with you after you've completely cut our connections when you blocked me on facebook and twitter, and muted me on wattpad. You changed your contact number, too.

And MM won't tell me where I can find you.

It's been two weeks since then, and I'm running out of options on how to reach you.

This is the last resort I have. Dahil wattpader ka, at siguradong makikita mo 'to. I hope so.

For some wattpaders out there, please tag the beautiful lady named... Angelica Bianca C. de Makapili.

If you know her, please... I'm begging. She's a writer behind the penname AlphabetSenpai. I hope you can relay this message to her.

Senpai, I'm sorry... but I tried what you've said to me. I should stay away, let go, and forget you. I really tried. I did.

But failed. Dejectedly.

Kahit ano'ng laban ko o pilit sa sariling tigilan ko kasi ayaw mo... paulit-ulit pa rin akong bumabagsak sa 'yo.

Sabi mo, hindi sa lahat ng pagkakataon dapat ginagamit ang puso. Sabi mo, I'm too young for you. Sabi mo, mali 'tong nararamdaman ko. Pero bakit... paulit-ulit, paggising sa umaga, bago matulog sa gabi... ang sinisigaw ng buong pagkatao ko na tama 'to? 'Wag akong sumuko. Ipaglaban ko.

How could I fight if that someone I'd willing to gamble everything just left me behind?

Did I really annoy you that much, Senpai?

Or you just don't like me at all?

Wala ba talagang pag-asa... kahit katiting? Kahit 1%?

Ayokong maging makulit. Pero zero talaga?

Kahit friends? Wala pa rin?

I'm not expecting a promotion anymore, but you said that we could be friends. Then, why did you disappear in just a blink?

To prove to me that my feelings isn't real? Na magagawa rin kitang kalimutan? But it's almost a month since the last time I saw you... pero gano'n pa rin. No, mas lumalala pa. Mas lumalalim.

Maybe you were right, you were like the sea, that I was sinking so fast, so deep... and I was too ignorant to save myself from drowning.

Pakiramdam ko pinagmaneho ako ng sports car na nawalan ng preno at hindi ko alam kung paano hihinto... dahil hindi naman ako marunong magmaneho.

Save me from drowning. Save me from crashing. Dahil hindi ko na alam ang gagawin.

Sabi mo, I don't need you. Sabi mo, I can save myself from you. Paano kung simula pa lang, 'di ko na alam kung paano?

Paano kita kakalimutan kung makakita lang ako ng green na notebook, ikaw ang naaalala ko? O kahit anong green na bagay, ikaw agad pumapasok sa isip ko. Kapag nagkocommute ako at nabasa ang nakasulat sa mga sasakyan na... "May reklamo ka? Itawag sa LTFRB," o 'pag sumasakay sa MRT... naaalala kita. Ultimo sa panunuod ng PGT o bumungad lang ang commercial ni Angel Locsin, naiisip pa rin kita. Mapatingin lang ako sa mga ulap o sa buwan, makakita ng Bible, mapainom ng tubig, o mapapasok sa CR... naiisip ulit kita. Kahit sa paglalaro ng basketball o manuod lang ng NBA o PBA, naiisip kita. Makakita lang ako ng chinita na kulot, akala ko... ikaw na siya.

Kaya paano kita magagawang kalimutan kung kahit sa maliit na bagay... naaalala kita?

Sorry kung ang paranoid ko. Kasi wala naman gaanong memories... pero ang hirap makalimot.

Sorry if I'm being difficult. Maybe you're thinking that I'm so selfish right now. Na bakit hindi ko maintindihan ang point of view mo? Ang mga reasons? Pero inuunawa ko. Iniisip. Palagi, AB. Sa loob ng ilang linggo, 'yon lang ang laman ng utak ko... kaya nakakabaliw lalo kasi dun pa rin ako bumabalik.

Sa 'yo.

Ikaw ang sagot.

Ikaw ang gusto ko.

Para lang akong tumatakbo sa isang maze na kahit saan ako lumiko... ikaw ang nasa dulo.

I can't even explain how exactly I feel about you; how and when did it start and why can't I stop it now?

Is it because I read you diary?

Love at First Read?

Nakng! Siguro.

O iisipin ng karamihan na malaking kalokohan... pero 'tong nararamdaman ko, hindi isang kahibangan.

Naweweirduhan ka sa 'kin. Bakit ang bilis? Kailan pa? Bakit ikaw? Bakit ganito? Paano? Ano'ng nangyari? I'm wondering, too.

Back then, I was just a typical guy who didn't give a damn in everything. Until I read your diary, and my world suddenly turned upside-down.

In a snap, you stirred millions of emotions that I couldn't even put names.

You inspired me in different kind of ways.

You taught me to value more and appreciate life, family, friendship, love... and everything in between.

Sabi mo, bakit ikaw? Hindi tayo bagay. Na ang labo. Na hindi mo ako mabibigyan ng makulay na lovelife- o buhay.

No, AB. You're definitely wrong.

You are more than enough, a billion times enough.

Paano ka hindi magiging sapat kung ikaw pa lang ang nag-iisang babaeng nagparamdam sa 'kin nang ganito? Na hindi ko maipaliwanag kung ano. Na lahat ng prinsipyo at paninindigan ko dati... kukwesyonin ko.

Pero ang sabi mo, hindi pagmamahal 'to.

Gano'n din iniisip ko. O 'yon ang gusto kong paniwalaan sa simula pa lang. Kasi sobrang weird nga naman na mahuhulog ako sa 'yo nang dahil sa diary lang.

Binabalewala ko 'yon. Isinantabi. Hindi pinapakinggan ang mga sulsol ng mga pinsan ko. Kasi imposible. Mali sila. Tama ako.

Curious lang ako sa 'yo.

Inspired lang ako sa 'yo.

Siguro. But...

You made me feel things. You made me do things.

Kahit na hindi pa kita nakikilala o wala akong mavisualize na mukha mo sa isip ko.

Unang page pa lang, nakuha mo na atensiyon ko. Bata ka pa lang, nafascinate mo na ako. Pilit kong pinapaniwalaan na attraction lang 'to.

Kasi ang labo na mas lumalim pa doon. Ang weird.

Pero nagseselos ako sa mga lalaking isinusulat mo sa diary. Nagseselos ako kasi ramdam kong kinikilig ka. Masaya ka. Naiinggit ako kasi hindi ako ang lalaking nagpaparamdam sa 'yo nun... iba. Na wala naman akong karapatan na maramdaman kasi hindi mo ako kilala. Na nag-aalala ako kapag hindi ka okay. Na natatakot ako kapag may nangyaring hindi maganda. Na gusto kong salohin lahat ng pinagdadaanan mo para lang hindi ka mawasak nang ganito. Na sana nandoon ako sa tabi mo kapag kailangan mo ng kasama. Na sana ako na lang ang nakilala mo. Ang minahal mo. Kasi hindi kita iiwan. Hindi ako mawawala. Hindi kita ipagpapalit sa iba. Hindi kita lolokohin. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Ikaw lang. Pero sa bandang huli, hanggang sana lang ang mga 'yon...

Kasi hindi mo ako kilala.

Kaya nung malaman ko ang number mo... the moment I saw your digits appeared on my screen... I couldn't explain the feeling. Hindi ko alam kung paano kita kakausapin. Kung paano sisimulan.

Kaso... hindi ka na nagparamdam.

Kahit isang text.

Kaya nagstalk ako sa facebook at twitter account mo, nangulit... sakaling mapapansin mo ako. Kahit na ang out of character nun. Kasi hindi naman talaga ako gano'n. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Parang may sariling buhay lahat ng sistema na gawin ko 'to, dapat ganito...

Kahit na wala akong kasiguraduhan kung ano'ng naghihintay sa dulo.

Gumawa ako ng wattpad account para lang makarelate sa mga hilig mo. Nagbasa ako ng mga stories, kahit hindi ako mahilig magbasa. Tinry ko ring manuod ng Kdrama at anime, kahit wala akong simpatya sa romance.

Nagbabasa na ako ng Bible. Linggo-linggo na rin akong nagsisimba. Nag-aaral akong magluto. (Kahit na hindi pa pro, mag-aaral pa rin ako.)

No other woman can make me do unexpected things the way you can. No one else can make me happy the way you can, kahit na wala kang gawin, o sabihin... o hindi pa kita nakikita.

So tell me, kung hindi pagmamahal 'to... ano 'tong nararamdaman ko?

I drew you... at nakaattached sa confession na 'to ang portrait. (Hope you'll like it.)

Kung ikaw gumagaan ang pakiramdam kapag nagsusulat. Ako naman, kapag nakakapagsketch. Pero kahit ano'ng gawin ko ngayon... walang epekto.

Tipong iginuhit ko ang bawat anggulo mo sa buong sistema ko... using a permanent ink.

That day, when you suddenly appeared in front of me... mixed emotions. I was so happy at the same time... worried and terrified.

Ikaw 'yon, eh.

'Yong babaeng gustong-gusto kong makita. Makilala. Makasama. Nasa harapan ko. Kaso... nakakatakot dahil maling galaw ko lang o sabihin... mabubuko mo ako. I-rereject mo ako.

Lalayuan mo ako.

That time, pakiramdam ko hindi ako enough. Na hindi ako worth it para sa 'yo. That you were like the star, cool but unreachable. Na bigla lang sumulpot sa harap ko... pero hindi talaga para sa 'kin. Na inaakit lang ako pero hindi magiging akin.

Para kang oxygen na kailangan ko, pero hindi ko p'wedeng makita o maramdaman.

When it comes to you, it feels like I'm wishing what can't be granted, wanting what I can't have, and loving what can't love me back.

Ano ba naman kasing maipagmamalaki ko sa 'yo? Ang mga katangian ko para mahalin mo ako? Sabi mo nga, you don't know me that much.

Simpleng tao lang ako. Na hindi masyadong matayog ang mga pangarap. Simpleng buhay lang din ang gusto. Hindi mayaman. Walang maipagmamalaking achievements. Nag-aaral pa. Wala pang diploma.

Gustong-gusto kong maging akin ka... pero paano kita mapapasaya sa mga simpleng bagay lang?

You like a basketball player, pero sapat na ba 'yon... kung sa edad ko pa lang... wala na akong laban?

Kahit saang anggulo, alam ko na ang kahihinatnan ng nararamdaman ko. Aayawan mo ako. Masasaktan lang ako.

Kaya mali ka... dahil pinigilan ko naman, kaso ang hirap.

So, don't judge my feelings for you, AB.

Kasi sa existence ko sa mundo, ang dami kong what ifs at doubts sa buhay. Ang dami kong tanong. Iniisip. Madalas. Na kahit ang mga tipo ko sa babae... hindi ko mabigyan ng description o kung ano ba talagang hinahanap ko.

Ngayon lang ako naging sigurado sa isang bagay. Sa 'yo. Nangarap ng mga out of this world things... na kasama ka sa lahat ng scenes.

Tama ka na ngayon ko lang naranasan 'to, pero believe me or not... sinubukan ko. Kaso bago ko pa simulan sa kung sino mang babae, alam kong wala talaga. Kaya bakit ko pa itutuloy kung makakasakit lang ako sa dulo?

Hindi ko alam kung tatawanan ko ba ang sarili o kakaawaan. Dahil ikaw ang gumagawa sa 'kin ng bagay na 'yon ngayon.

Pinutol mo na ang ugnayan bago pa umpisahan.

Ang sakit pala talaga.

Sobra.

You came in my life in piece yet you left me in pieces.

Sinusubukan ko naman na kalimutan ka. Paano ba? Ano'ng gagawin ko?

Wala naman dapat kalimutan kasi wala naman talaga. Walang naumpisahan. But...

Why can't I move on from you?

Wala na rin dapat akong asahan. Kasi nilinaw mo na ang lahat bago mo ako iwasan. Pero bakit... ganito...

Here I am, still hoping... hoping that it's you and me in the end.

You said this isn't love, bakit ang hirap balewalain? Mababaw lang 'to, bakit nakakalunod?

Ayoko nang pairalin ang puso, sabi mo kasi. Ngayong isip ang pinapagana ko... parang masisiraan naman ako ng ulo.

Nakngtokwa, AB!

Baliw na yata ako.

Baliw na baliw na talaga ako.

Baliw na baliw na baliw... sa 'yo.

Ano ba'ng ginawa mo?

Wala ka namang ginawa sa 'kin, 'di ba?

Bakit nagkakaganito ako?

Tokwa! Ang dami ko pang gustong sabihin pero baka hindi mo naman basahin ang confession na 'to.

Ang tukmol ko lang talaga siguro. 'Wag mo sisihin ang sarili mo. I'm sorry... I am really sorry.

Sige, susubukan ko ulit ang gusto mo. Susubukan ko... kahit alam kong mahihirapan ako. Kakalimutan ko na ang tungkol sa promotion. O kahit 'wag mo na akong kaibiganin kung masyadong mahirap para sa 'yo na pakisamahan ako... o ang kausapin ako.

Pero, AB... isa lang ang hiling ko. Please, pagbigyan mo ako. Kahit hindi tayo mag-usap. Kahit hindi ka lumapit. Makita lang kita. Kahit meters away. Kahit 'wag kang lilingon. Ako lang ang titingin. Basta huwag kang lalayo. Please... ito lang.

I want you to stay.

Let me look at you even if you'll never look back. Let me love you even if you'll never love me back.

I'm not expecting anything in return, just let me love you... and... stay.

KD Oppa
2018

Attached Photo:

Attached Photo:


~.~.~



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE