Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

"Hanggang Kailan"
By: AlphabetSenpai

Ngingiti para ipakitang masaya,
Kahit may luha sa mga mata.
Sasambitin ang katagang "okay lang",
Kahit sobrang nasasaktan.
Kilalang matapang,
Kahit maraming kinakatakutan.
Mananatiling matatag,
Kahit puso'y nababasag.

Nakikiuso sa mga kakilala,
Nang 'di maging outcast sa kanila.
Magaling makisama sa kahit sinong kaibigan,
Nang walang maipintas ang sambayanan.
Role model sa kilos at salita kung titingnan at papakinggan,
Nang maging katanggap-tanggap sa lipunan.

Subalit...
Masaya nga ba?
Okay lang ba talaga?
Matapang?
Matatag?
Weah? Talaga ba?

Hanggang kailan katatakutan na maging outcast?
Hanggang kailan iisipin ang maaaring maipintas?
Hanggang kailan papanindigan ang role model sa kilos at salita?
Bakit? Alam ba talaga ng madla?
Ang mga flaws at kahinaan,
Nang walang pagkukunwari at pagpapanggap lang?

H'wag mag-alala. H'wag matakot at mangamba.
Dahil kahit ano'ng gawin at sabihin,
Butas, dumi at mali pa rin ang unang napapansin.

Spread your wings, iwagayway... soar high!
Tumayo sa sariling mga paa, maglakad... maglakbay!
Tanggalin ang nakatakip na maskara... ibasura,
Kahit na ito ang nakakatago ng sugat, sakit at... inggit.

Dahil walang katumbas na kasiyahan
'Pag naipakita at naipagsigawan ang tunay na nararamdaman.
Napangalanan at nabigyang kuhay... ang totoong buhay.
Mo. Niya. Ako. Ng totoong tayo... dito sa mapanghusgang mundo.

Kaya ano na, Aking Kaibigan? Hanggang kailan?

~.~.~

DD,

Hi, Mylabs!

Three years ulit ang mabilis na lumipas.

September 15, 2017 na.

Kaka-23 ko lang nung 11.

Gosh! I feel so old now. Ang gurang ko na.

Parang kelan lang nung kinukulit ko pa ang tutor kong si Ate Princess kung ano ang notebook na sinusulatan niya. Tapos... ngayon. Hala! Ang bilis ng panahon.

September 11, 2001 ang una kong sulat sa 'yo na walang kakwenta-kwenta. Hahahaha. Tapos 2017 na.

OMG! 16 years na kitang kapiling.

Happy 16th anniversary, Mylabs!

Buti pa tayo may anniversary!

Anyway, I'm sorry kung maraming ganap sa buhay ko... kaya napapadalang ang pagsusulat ko sa 'yo.

Busy kasi sa College. Maraming projects. Tapos tatlo pa ang thesis namin. Isang main na hardware, at dalawang software related apps.

Saka nung nag-OJT ako. 500 hours din 'yon. Dalawang sakay pa palagi. At dadaan sa EDSA.

Kailangan ko rin maging working student para makatulong kay mama sa tuition.

Hindi ko rin maiwan ang Wattpad. Nagsusulat pa rin ako dun. Nasisingit kahit sobrang busy sa buhay.

'Yang tula pala sa taas... isinulat ko para sa kaibigan kong bakla. Hahaha. Hirap na hirap kasi siyang ilabas ang tunay niyang kulay, ang alindog, ang kadiyosahan. Kaya inalalayan ko siya ng tula.

Hmm... siguro two years ago na. Sinulat ko lang for memories.

Ngayon? Mas diyosa na siya sa 'kin! Ang sarap pitikin nung nakalawit sa gitna ng singit. Hahahaha

Ah... magkasama pala kami ni bakla sa apartment ngayon. Kakalipat lang namin two years ago. Kasama namin ang... si... basta... anim kami lahat.

Wala naman k'wenta mga 'yon, 'wag natin sila pag-usapan. Hahaha.

Change topic.

Change topic.

Change topic.

Baka kasi mabasa ka nila.

Naku!

Mahirap na.

Mga pakialamera pa naman 'yong dalawa.

Mga walang magawa sa buhay... ang sarap paghahampasin ng takong sa perlas at sampaguita.

Three years.

Graduate na ako, Mylabs! Yas. Certified engineer na ako. Engr. de Makapili. Ang bantot. Hahaha.

May trabaho na rin ako, two months ago, sa isang Software Company sa Ortigas

Simula nang lumipat ako ng apartment sa Cubao, two years ago... medyo gumaan ang buhay ko. Hindi na ako hinahabol ng problema.

Ang sarap pala kapag may kasama ka. Kahit na madalas nag-aaway sa mga maliliit na bagay... kung sino maghuhugas, magluluto o mamamalengke... masaya. Dahil may nag-aalaga sa 'yo. May nag-iintindi. May karamay ka sa lahat.

Yep, masaya ako ngayon. Sobra.

'Yung stalker ko? Nasa rehab siya. (Hindi ko alam kung nakalabas na.)

Two years ago na rin kasi 'yon. 'Yon ang huli kong balita. Saka wala na rin naman ako pakialam.

May mental disorder nga yata siya. O nabaliw... dahil ayun sa mga kamag-anak niya (na nakausap namin dahil sa isang aksidente) namatayan siya ng girlfriend. Kamukha ko raw 'yong babae.

Ang diyosa naman ng girlfriend niya.

At 'yung aksidenteng 'yon ang isa sa mga dahilan kaya ibang-iba ang buhay ko ngayon. Two years ago... muntik na ulit ako magahasa. Ang galing 'no? Habulin ako ng gano'ng trahedya. Ayaw akong tantanan!

'Yung stalker ko 'yon. Inabangan ako pauwi sa apartment ko dati sa Kamuning. Kaya nga ako lumipat din kasi nakakatrauma ang nangyari.

Na hindi ko lang masyadong iniisip na... kasi nangyari na. Wala na akong magagawa. Tapos na.

Hindi ako narape. Wala akong galos kahit isa. Pero ang nakakatrauma... nasaksak ang isa sa mga importanteng tao sa buhay ko dahil sa *censored word* na stalker na 'yon! Nasaksak sa tagiliran. Buti nga hindi naman gano'n kalala.

Iyak ako nang iyak that time.

Dahil nagflashback lahat ng memories ko kay Toni. Ayoko nang mawalan ng mahal sa buhay.

Ngayon, ayos naman na.

Usapang pamilya?

Wala na talaga kaming balita kay papa. Zero. Dead end. Walang communication. Wala na. Mag-lilimang taon na. At hindi na rin kami aasa na uuwi pa siya sa 'min o magpapakita.

Si mama nga tanggap na ang nangyari. Na okay lang sa 'kin kasi ayokong madepress pa siya kasi tumatanda na rin siya.

Si Ate Shane. May asawa na. Last year. May baby na nga siya. At ang napangasawa niya? 'Yung first boyfriend niya na niloko siya at pinagpalit sa kaibigan niya. Nagkabalikan sila. Masaya sila ngayon.

Okay. May forever!

Si Dale. May asawa na rin. Jusko po! At mas nauna siyang mag-asawa kay Ate Shane. Okay, hindi naman talaga asawa. Ang totoo niyan... nakabuntis ang magaling kong kapatid. Two years ago. Ayun! Live in sila nung nabuntis niya. Mas matanda pa nga sa 'kin 'yong babae. Pero months lang. So, mas matanda siya kay Dale. Hays.

Dalawa at kalahating taon.

Ako? Diyosa lang talaga.

Si mama nga... hinahanapan na ako ng boyfriend. Kung sino-sino ang pinapakilala sa 'kin. May seaman, may engineer, may architect at nurse. Ay hala siya! Ginalingan ni mader. Noon, ayaw niya akong magjowa, ah. Anyare ngayon?

Dahilan niya, tumatanda na siya. At ako na lang daw ang kanyang pinoproblema. Kailangan niya raw makahanap ng lalaking 'di ako iiwan, mamahalin at aalagaan ako... kahit na wala na siya sa mundo.

Waaah! Mader, don't say bad words. Aabot ka pa ng 200 years old!

Kahit ang mga tita at tito ko, ultimo mga pinsan ko... kapag may get-together o reunion, madalas nilang tanong... "AB, may boyfriend ka na ba?", "Kelan mo ipapakilala pag-ibig mo?" at "Kelan ka mag-aasawa? Hindi ka bumabata!"

Ugh! I'm just 23 years old. Masyado na ba 'yong matanda sa panahon ngayon?

Porke karamihan ng millennials... malilibog... este... mahaharot... este... mapupusok... basta... conceited at aggressive, dapat gayahin ko? Eh, sa old school at conservative ako!

May madahilan lang, Mylabs. Hahahaha

Sabagay, 'yong mga kabatch ko nung High School... may mga pamilya na karamihan. Masasaya na sa buhay may pamilya. Kahit karamihan... single moms.

Si Rury nga... kakakasal lang this year, eh. Waaaah! Naiinggit ako kahit na ayoko naman talaga ng asawa. Eh, kasi may baby na siya. Huhuhu. Masaya siya. Tapos mahal na mahal pa siya nung asawa niya.

Ang sarap mag-headbang sa pader!

Alam mo, Mylabs... paasa talaga 'yang mga pelikula at libro, eh.

'Yung ang daming nangyayaring struggles sa mga bida pero bandang huli... sila pa rin naman pala. Sus! Sa totoong buhay naman... 'di gano'n.

Masyadong paasa. Umaasa na nga tayo buong buhay natin na magkakaroon ng magandang lovelife. Tapos kahit fiction... paasa pa rin?

Ang number 1 paasa talaga sa mundo... ang mga writers! Kaya ang tataas ng standard ng mga kabataan ngayon dahil sa kanila, eh. Na 'yong mga nababasa nila sa libro... magkakatotoo. Na 'yong mga ideal guy nila... someday, makikilala nila.

Sus! Kalokohan.

Si Owen Matinik nga na nangakong ako lang ang babaeng mamahalin at papakasalan... may girlfriend na, eh. Seaman na rin siya. Tapos malapit na rin yata sila magpakasal.

Waaah! Inggit na naman ako. 'Di dahil sa nagseselos ako kay Owen. Eh, kasi... eh. Masaya sila.

Ako lahat ng pag-ibig ko... palpak!

Si Cole, nakita ko siya nung umuwi ako last year. Nagkausap kami. He's happy. Sobrang saya niya na nakakawasak ng puso ang bawat ngiti.

Niyakap niya pa ako nun nang sobrang higpit at hinalikan sa pisngi, sabay bulong ng... "Thank you!"

Waaah! Ang happy family nila kasama 'yong asawa niya. Tapos dalawa na rin ang anak niya. Tapos dun sa ikalawa niyang anak na babae... ninang ako. Gosh!

Nakapagmove-on na rin ako. Masaya nga ako dahil nakakaproud 'yong desisyon namin. Saka masaya si Cole. 'Yon naman ang importante dun. At ang pogi nung panganay niya. Kamukhang-kamukha niya. Si little Cole.

Gusto ko tuloy nakawin at ilagay sa maleta para may baby na rin ako. Hahahaha.

Tapos 'yong asawa niya... ang bait. Na sobrang nakakaguilty kapag 'di ko ginawa ang desisyon ko dati.

'Di ba, Mylabs. This is reality.

Fiction stories, paasa ka! Paasa. Paasaaaa.

Sa 'yo na nga lang ako minsan nagbabase sa mga buhay pag-ibig... tapos puro pa paasa. Ugggh!

Si Migs? Wala na akong balita! Huhuhu

Si Commander Ellis? Bahala siya sa buhay niya! Hahahaha.

Si Matt? Going strong sila ng girlfriend niya. Ngayong graduate na kami... feeling ko mag-aasawa na rin sila. Waaaah.

Tapos ako... ito. Diyosa lang talaga.

Three years.

Dami pa nangyari, Mylabs.

Sa totoo lang, marami ulit nagtangkang manligaw, eh. Siguro may visible na karatula sa noo ko na invisible sa 'kin na may nakasulat na... "NBSB since 1994. 23 years ng single. Virgin. Kailangan ng boyfriend." Kaya ang daming nagpapapansin.

Ugggh!

Marunong naman ako magmahal. Marunong akong magpahalaga ng feelings. Pero lahat ng pinapahalagahan... nawawasak in the end. Lahat ng inumpisahan, may katapusan. Lahat ng bagay nasisira. Lahat.

Kung 'yong mga kakilala ko... nakatagpo ng taong magmamahal sa kanila. 'Yung ka-forever nila? Eh, sila kasi 'yon, eh. Hindi ako.

S'werte sila, eh. Pinalad.

Ako? Malas talaga ako sa lovelife. Sinumpa ako ng tadhana. Pinaglalaruan. I'm the favorite target of destiny.

Ang sabi ko... 'di na ako susubok ulit.

Pero tanga ako, eh. Bida-bida ako, eh. So, sumubok ako. Online ulit. Ang galing, eh. May fetish talaga ako sa chatmate o textmate. Huhu

Nakilala ko dahil sa Wattpad. Ang pangalan... Ryan. Reader ko. Ang taray 'no? Nagpapapansin kasi, eh. Ang kulit-kulit. Lagi nagchachat sa FB pati sa Wattpad. Gano'n din sa twitter. Hays.

'Yun! Pinansin ko naman. Nakakakonsensiya kasi. Siguro tumagal din 'yong ganap sa online world namin ng six months. Landian. Nagpaulan ng pick-up lines. Kumustahan. Palitan ng voice messages. Kung ano-ano pang ganap.

Hanggang sa magdecide kaming mag-meet up.

Pero ang nangyari... 'yong girlfriend niya ang naka-meet up ko. Sinampal ako. Magkabilaang pisngi. 'Yung anit ko... muntik na matuklap. At dumugo braso ko dahil sa kalmot niya. 'Di yata nagnailcutter ang bruha. Nakakahiya! Ang dami pa namang tao sa QC Circle. Huhuhu

Eksaherada 'yong babae. Malay ko bang may girlfriend ang *censored word* na Bryan na 'yon. Este Ryan pala.

Kung si Cole nga pinakawalan ko. 'Yun pa kaya na nakilala ko lang sa online world?

Nagtry lang naman ako, ah... kaso bakit ako ang lumabas na masama?

Kung alam ko lang, 'di ba?

Pero... matagal na 'yon, Mylabs.

Ngayon?

I'm happy. \o/

Yep, masaya ako.

Anyway...

Dahil bored ako.

Gumawa ako ng list kung bakit maraming NBSB sa mundo.

Mga posibleng dahilan kung bakit NBSB ang isang babae:

1. Kasingtaas ng Torre ng Babel ang Standard
- Dahil ang gusto mala-badboy, playboy o basagulero na handang magbago para sa kanya. O mala-prinsipe na ituturing siyang prinsesa. Na mayaman na handang isugal lahat ng ari-arian. Na ang totoo pang-fiction lang naman kaya hanggang ngayon, wala pa ring boyfriend. Uy. Uy! Be realistic. Don't be so idealistic.

2. Strikto sina Nanay at Tatay
- Mayroon kasing nagbabawal. Dapat munang mag-aral. Na totoo naman. Studies first, before landi. Kung kaya namang pagsabayin ang lovelife... why not? Pero... 'wag itago ang relasyon sa mga magulang. Diyan kasi nagkakaproblema. Pinagbabawalan kasi pinahahalagahan. Kaya 'wag sirain ang tiwala ng mga magulang.

3. Nilamon ng mga OPPA
- Connected din 'to sa number 1. Ang taas ng standard. Na ang gustong jowain... mukhang Korean. 'Yung mapapatili ng... "Saranghaeyo, Oppa!" ang peg. Wow, 'te! Pang-artista ang beauty?

4. Pihikan
- 'Yung ang arte pagdating sa pagpili ng lalaki. Kahit g'wapo naman o mabait. Pero ayaw pa rin. 'Yung ang dami namang nanliligaw at naghahabol pero walang mapili-pili. Kasi nga... maraming choices. Kaya hanggang sa huli... single pa rin si girl. Hays.

5. May Human Allergy
- Hindi literal. Pero ayaw makipag-interact sa tao. Natatakot. 'Yung tipong mas gustong nakakulong lang sa bahay. Nag-iisa. Nagbabasa ng libro. Nanunuod ng movies, Kdrama o TV series. Nakatutok sa cellphone o laptop. Ang motto nila: Books and gadgets first before boyfriend.

6. Kabitteran Level 101
- Manhid o nagmamanhid-manhidan. May pusong bato. Bitter. Hugot queen. Walang pinapansin. Deadma ang mga gustong manligaw. Walang pakialam. Lahat basted. Abot sa Mt. Everest ang kabitteran ni Inday.

7. Kaartehan Level 101
- Like what the ef! I want to buy new heels and dress na. I don't like this food. It's so ew! 50 kilos ang kulorete sa mukha. Sumabog ang kaartehan kaya madalas ang mga lalaki... turn-off. Lumalayo. Hindi naman kasi lahat ng lalaki, gusto ang ganitong babae. Meron, pero sobrang dalang. Ah, girl... be maarte lang, ha? Magkaka-bf ke telege.

8. One-sided Love
- Umaasa sa isang tao na mamahalin din siya pabalik nito. Kahit na may ibang mahal ang mahal niya. Kahit na may ibang girlfriend na. Hay, girl! Papatayuan na ba kita ng rebulto at bibigyan ng gintong medalyon sa kamartiran mo?

9. Right Love, Wrong Time
- 'Yung alam ng siya na si The One. 'Yung nakikita ang future na kayo na talaga. Pero masyado pang bata. O may hadlang. 'Di pa p'wede. May problema pa. Ang daming what ifs. Hanggang sa mapakanta na lang ng... The One That Got Away!

10. Napaglipasan ng Panahon
- 'Yung sa kakahintay ng tamang panahon at tamang tao... napag-iwanan. Napaglipasan. 'Yung lahat ng nakapaligid o kaibigan... may lovelife na. Siya na lang ang nganga. Kahit na gusto... mahirap na. Kasi lagpas na 'yung age para sa kilig-kilig at explore. Nasa marrying age na. At kadalasan ng lalaki... mas bata. O 'yung iba, pang-sugar daddy, masyadong matanda. Bigti na!

11. Wala pa si Mr. Right
- 'Di pa natatagpuan. Wala pa. O p'wedeng hindi na. O sinusulat pa ni Lord ang buhay pag-ibig. Konting hintay lang... 'wag masyadong atat. Hangga't 'di pa end of the world... may pag-asa pa. Tiwala lang, girl!

12. Broken-hearted
- 'Yung wasak na wasak. Hindi lang sa pag-ibig kung hindi sa pamilya. Sa mga nangyari sa buhay niya. Sa mga napagdaan. 'Yung basag na basag ang puso na hindi alam kung kaya pa bang buoin para umibig pa. Ang saklap, 'di ba?

Hmmm... 'yan, Mylabs! Ugggh. Based on personal experience ko yata 'yan, eh. Relate na relate ako kahit ako gumawa. Hahahaha

Well, hindi lang naman ako ang nag-iisang NBSB sa mundo... kaya ayokong pinoproblema ang bagay na 'yan.

PS: Ang dami ko ng "The One That Got Away". Kelan ko kaya makikilala ang totoong TOTGA ko? The One That God Allowed... for me? O baka... hindi na talaga?

O kaya... hmmm...

Proud NBSB at 23,
AB

~.~.~



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE