Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

(Blank Page)

Hi, AB!

You want some “facts” about the guy you like, but it’s still blank. I’d write “random facts” about myself, instead.

Hope you won’t get mad. >.<v

1. Full name: Kuen Lacrosse Seriozo Pereseo

2. Nickname: Kudos

3. Birthday: March 13, 1997

4. Current Age: 20

5. Zodiac Sign: Pisces

6. Birth Place: Antipolo

7. Height: 6’2”

8. Shoe size: 12 ½

9. I don’t know my blood type.

10. I can’t sing.

11. I can’t dance.

12. I can’t swim.

13. I’m not talented as you. Ah, I can draw. I can sketch. I can paint.

14. Favorite color: Blue

15. I’m not rich, but I have a happy family.

16. Pink, yellow and upbeat colors ang mga gamit at damit ko nung baby pa lang ako. Akala kasi ng mga magulang ko… “baby girl” ako nung sa tiyan pa lang.

17. Nung bata ako, bulol ako sa “R”. Ang banggit ko sa ruler… “lulel.” Kapag nagpapakilala ako sa harap ng klase… “Kuen Laclosse Seliozo Peleseo.” Nakng! Nakakahiya.

18. Nung bata rin ako ‘pag bumibili ng toothpaste sa tindahan… I used to say, “Pabili po ng colgate ‘yung close-up.” Huli ko na nalaman na magkaibang brands pala ‘yon ng toothpaste. Ang tukmol!

19. Allergic ako sa balahibo ng aso at pusa. Kaya wala kaming alaga sa bahay.

20. Takot ako sa lobo. (Naputukan kasi ako sa mukha nung bata pa… kaya hindi na ulit ako humawak ng balloon kahit kailan.)

21. Takot ako sa pabo. (Simula nung habulin ako’t tinuka sa binti, when I was 5.)

22. Takot ako sa tuko.

23. Takot ako sa palaka.

24. Marami akong kinakatakutan na insekto at hayop kaya madalas akong pagkamalang… bakla.

25. Muntik na akong malunod nung seven years old ako.

26. Eight ako nung nakabisado ang periodic table of elements dahil gusto ni bossing na maging chemist ako. Kaso limot ko na rin ngayon dahil ayoko talagang maging chemist.

27. When I was 9, nahulog ako sa hagdan sa school… wala kalampahan. Kaya may naiwang halos isang pulgada ang haba na puting peklat sa may kaliwang panga ko.

28. Ten ako nang madiskubre na may talent pala ako sa drawing… so I pursue it.

29. Ten din ako nagsimulang magbasketball nang seryoso. Tinrain ako ni bossing. Pamatay na training. Kaya simula nun… nabawasan pagiging lampa ko.

30. Nung High School, naospital ako nang malunok ang kinakagat-kagat na takip ng ballpen. After that… pinipigilan ko nang ‘wag magngatngat ng ballpen habang nagkaklase.

31. High School din ako nangyari ang most unforgettable moment ko… traffic pauwi sa Antipolo. Sobrang sakit na ng tiyan ko nun. Ang dami pang pasahero. Pawis na pawis magpigil. Nananalangin na sana ‘wag lumabas. Taeng-tae na talaga ako. Mabuti nakaabot sa bahay… pero bago pa makarating sa CR, lumabas na. Tokwa! Ba’t ko ba sinusulat ‘to? Nakakahiya!

32. Bago ako natutong magbasketball, mas nauna kong natutunan ang jackstones. (Kasalanan ng ate ko. Wala kasi siyang kalaro.)

33. The only vehicle I can ride is a bike. (Hindi ako marunong magmaneho ng motor o kotse dahil wala kami nun.)

34. Sabi nila, hindi ako palasalita. Himala na kapag lumagpas ng three sentences sa isang bagsakan. Pero ang ‘di nila alam… iniisip ko lahat ng sinasabi nila. Magulo ang utak ko. Palagi.

35. Wala akong masyadong kaibigan. Pili lang. Kaclose ko lang ‘yung mga tukmol kong pinsan, at ilang kakilala sa basketball.

36. Mas gusto kong nakaheadset o makinig na lang ng music kaysa makinig sa usapan ng mga tao sa paligid ko.

37. Maiksi lang din ako tumawa. Madalas tatlong tunog. Himala na kung umabot sa lima… kaya madalas napagkakamalang weirdo.

38. May birthmark ako sa ibaba ng likod. Pahorizontal. Kulay green na parang brown. Kitang-kita kapag nakapantalon lang ako’t walang damit. Itaas lang ng pants. Kaya akala ng iba minsan… tattoo.

39. I am a Civil Engineering student, 4th year next school year.

40. Paborito ko ang hipon. Kahit na anong klaseng luto.

41. Mahilig din ako sa street foods. Lalo na sa calamares at siomai.

42. Nababangohan ako sa usok ng barbecue. Masarap singhutin.

43. Pampawala ko ng stress at kaba ang Chuckie nung bata ako. Hanggang ngayon, nakasanayan ko na.

44. I don’t like spicy foods.

45. Mahilig ako sa matatamis.

46. Ayoko ng bawang, iginigilid ko sa plato lalo na kapag sa sinangag.

47. Gusto ko ng kalabasa.

48. Gusto ko ng brownies.

49. Paborito ko ang avocado na maraming gatas at yelo.

50. Nangingilo ako sa Styrofoam.

51. Hindi ako marunong magchopsticks.

52. Hindi pa ako nakakasakay ng barko.

53. Hindi pa ako nakakasakay ng eroplano.

54. Hindi ako mahilig sa horror movies. Bumabaliktad sikmura ko kapag nakakakita ng mga brutal scenes, mga lamang loob at maraming dugo.

55. Paborito kong TV series ang Breaking Bad at Game of Thrones.

56. I don’t smoke.

57. I’m an occasional drinker. Kapag kailangan lang talaga. (Simula nung 17 ako.)

58. Wala pang nililigawan. Hindi rin sinusubukan. ‘Di rin kasi alam kung paano simulan.

59. Wala pang nagiging girlfriend.

60. Madalas akong nasasabihan ng bakla, torpe at sumali lang sa basketball team para manantsing sa mga players. Kasi bakit daw lahat ng nagkakagusto sa ‘kin… tinatanggihan ko. Ang hindi nila alam… tinatanong ko rin sarili ko. Bakit walang nakakakuha ng interes ko?

61. Akala ko wala na akong magugustuhang babae, till I read your diary.

62. Simple lang ang pangarap ko… makapagtapos ng kolehiyo, maging PBA player at makatulong sa pamilya ko.

63. Ngayon, nadagdagan ang pangarap kong ‘yon. I want to have a simple family, to have kids… basta ikaw ‘yung babae. Someday…

64. May golden line kami ng mga tukmol kong pinsan na may golden rule. Sasabihin lang namin sa babaeng papakasalan namin.

65. I really want to say it to you. Sa ‘yo lang. “Hi, AB! I’m Kudos. Kudos ‘di para sa kanya. Kudos ‘di para sa iba. Kung ‘di… Kudos Pereseo.”

~.~.~

#LAFRwp @chiXnita


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE