Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

DD,

It’s been months since Toni died.

Almost 8 months.

He died on January 13, 2009.

Ilang araw na lang, September na. 4th year High School na ako. Malapit na birthday ko. Mag-15 na rin ako.

Pero hindi ako nagsulat para magcelebrate.

Hindi rin kita kukumustahin.

Hindi naman kasi kita namimiss.

I’m just starting to hate myself. And I want you to hate me as well.

Don’t blame Toni for this because I’m not blaming him.

Yes, I still miss him but I already stopped grieving.

Don’t think that I’m sad, because I just cried… once. And that was the time… na nalaman kong patay na siya.

Maybe, I realized that… what’s the use of crying? Can my tears bring him back to life again?

I’m fine. Really. Really. O.K.A.Y.

Mag-8 months na. Siguro naman nakapagmove-on na ako. Pero ‘yung mga kaibigan ko… ayaw maniwala. Gusto nilang magkwento ako. Ilabas ko raw lahat ng hinanakit ko sa mundo. Umiyak lang daw ako. Hindi sila satisfied kahit na palagi kong sinasabi na. “Okay lang ako.”

Tangina! Mas marunong pa sila sa ‘kin. Sila ba ako?

C’mon, Mylabs! Hate me to death. Do you think that I’ve changed, right? Well, I hate myself too because… I’m still changing!

Pakiramdam ko ang rebelde kong bata!

I started to hate life.

What’s the purpose of my life? Why am I even still alive?

I started to doubt God.

I still believe in Him. I still go to church. I still pray. However, why? Why does He give myriad problems to the people who believe?

I started to question death.

Ano’ng silbi na nabuhay tayo sa mundo kung mamamatay lang din naman lahat ng tao?

I cursed this year. 2009!

Namatay si lola.

Nalaman ng lintek na kabit ni papa na si mama ang unang pinakasalan kaya ‘yung madalang na pag-uwi ni papa… hindi na nasundan pa.

Muntik na mamatay si papa dahil nagkasakit siya.

Nakakatangina, ‘no? Bakit ‘di na lang ‘yung mga kabit ang maglaho? Bakit ‘yung mga manloloko at gago ang tagal ng buhay sa mundo? Bakit ‘yung mga nagtatangkang magpakamatay, nakakaligtas? Binibigyan ng chance? Bakit ‘yung mga mababait at gusto pang humaba ang buhay… bigla-biglang namamatay? Tanginang buhay!

Itinuturing akong black sheep ni mama! Kasi sa lahat ng pamilya, may isa daw na masama. Ako ang suwail niyang anak.

And you know what I hated the most? MYSELF!

I don’t know what to do about my life anymore.

Kung noon, marami akong pangarap. Ngayon, biglang naglaho lahat. Parang gumigising lang ako sa umaga, kakain, papasok sa school, at matutulog. Cycle.

Paulit-ulit. Nakakaumay.

Walang kwentang buhay!

Kaya bakit pa ako humihinga kung wala rin naman na akong pangarap?

Gusto ko nang mamatay pero kasalanan ang magpakamatay. Iniisip kong gawin pero hinding-hindi ko kayang gawin.

Gusto kong magrebelde. Gusto kong manigarilyo. Uminom ng alak. At manglalaki. Pero bakit ‘di ko pa rin magawa? Hanggang isip ko na lang ba ako masama?

Ipit na ipit ako.

I want to be a bad girl. But something or someone is pulling me that I shouldn’t do it.

Maybe Toni?

Ha. Ha. Ha. Patay na nga… may impluwensiya pa rin? Tangina naman, oh!

And I don’t want to back being a good girl. Because good girl is boring. Good girl is overrated!

Ang mga good girls… hindi masyadong napapansin. Mga pabebe. Palamuti sa mga kaibigang bad girls. Pang-balance. Walang kakaiba. Boring nga!

Kahit sa mga libro. Most of the readers even me prefer the bad girls over the good girls. Mas tinatangkilik ang mga bad boys kaysa sa good boys. Maraming nagkakagusto at naiinlove sa kanila. Kung pagiging “bad attitude” lang naman ang basehan ng mga dabarkads at madlang pipol... pucha! Magpaka-bad girl/bad boy tayong lahat. Kasi sila ang sikat. Mainstream!

But I can’t choose.

Parang katulad ni papa. Hindi niya alam kung sino sa ‘min o doon sa kabit ang pipiliin niya. Siguro kaya de Makapili ang apelyido namin kasi nahihirapan kaming mamili… palagi.

Mapapatangina ka na lang talaga! Pati jokes ko nagiging corny na.

Para akong mangingisda na namamangka sa dalawang ilog. Para akong nilipad na dahon mula sa malagong puno. Tinangay ng hangin sa malayo. ‘Yung dahon inanod sa ilog. Walang laban. Walang makapitan. Hindi makabalik sa pinagmulan. Kaya pinili na lang makisabay sa agos… sa agos ng buhay.

Go with the flow. Because it’s always the good choice, right?

‘Yung kahit saan p’wede ka.

Sa school, kapag may nagyayang magcutting class para gumimik sa labas o mag-inuman. Sasama ako. Sabay sa agos.

Pumupunta kami minsan sa beach, kung saan may falls, o sa liblib na lugar na may malalim na ilog. Magcucutting class kami para lang magswimming, maghiking, strolling gamit motor at mag-enjoy. Mas lumabas ‘yung natural kong mahilig sa adventure. I challenged myself. I did the not so normal things with girls.

Kung ‘yung mga kaibigan kong babae doon lang sa safe side naliligo, sa mababaw. At ‘yung mga lalaki naghahabulan sa malalim na parte, umaakyat sa mababato at matataas na lugar at sumasabit sa baging tapos tatalon… ginagawa ko kung paano mag-enjoy ang mga boys.

Actually, masaya! Sobra. Dahil ‘yung mga bagay na pinapanuod ko lang nung bata ako… nagagawa ko na ngayon.

O masaya ba talaga ako?

That time, namali ang hulog ko, pagbagsak ko tumama ang binti ko sa mabatong parte. May mga patulis. Nasugatan ako. Dagdag peklat na naman sa katawan. Pero tangna sayang… dapat ulo na lang ‘yung tumama. Para patay agad. Ha. Ha.

Natumba na rin ako habang nagmomotor. Pero bakit buhay pa rin ako? ‘Yun ang dahilan ng pagkamatay ni Toni. Eh, ba’t ako? Sobrang sama ko bang damo kaya hindi mamatay-matay?

Minsan, kung saan ang available na bahay ng kaklase ko… doon kami nag-iinuman. Nagyoyosi. Nagpapakawasted. Kasi nga… cool daw.

Sumasama ako madalas. Kaso nanunuod lang ako. I want to try it, too. Kaso sumasakit pa rin ang tiyan ko kapag nakakaamoy ng usok ng sigarilyo. Ayoko ring uminom ng alak kasi mabaho. At alam kong ‘pag sinubukan ko ng isa… uulitin ko ulit hanggang sa tuluyang maadik.
Ang wasted nilang tingnan kapag nalalasing. Ako ang naglilinis ng mga kalat nila tapos sila… nahuhuli kong may kahalikan na.

Mukhang ang saya-saya nila tingnan. Kailangan ba talaga ng alak para sumaya? Hindi ka ba mag-eenjoy kapag walang inuman na involved? Sumasama naman ako sa kanila… bakit ‘di ako masaya?

Pumupunta rin kami minsan sa night bar. ‘Yung hindi masyadong pang rated-X na napapanuod sa mga movies. May mga babae lang na maiiksi ang suot na nagseserve sa mga customers. Pinakimatyagan ko lahat… baka may makatrigger na isang moment o tao na ibalik kung ano ba talaga ang gusto ko.

I encountered different types of people. May mga professionals na pero pumupunta pa rin sa bar na ‘yon. Mga pulis (kasi nakauniform pa ang iba.) May mga mukhang adik. May mga mukhang problemado at naghahanap lang ng aliw. May gusto mag-enjoy kasi in demand. Pang-mundong gawain. Maraming nag-aabot ng pera sa mga babaeng maiiksi ang suot at puro kulorete ang mukha. May ibang palabas na ng bar. Naghahalikan. Lampungan. Siguro binayaran ‘yung babae.

Gano’n ba ang gusto kong mangyari? Sa ‘kin? Sa buhay ko? Gano’n ba dapat ang future ko?

Then, I realized. Kaya siguro ayokong magpaka-bad girl nang tuluyan kasi alam kong ‘di ko kayang panindigan. At ayokong bumalik sa pagiging good girl dahil ayoko nang maulit ang nakaraan.

I want something new for myself. I want to be unique from everyone else.

Dahil kung ako ang magiging lalaki, ‘di ko rin seseryosohin ang mga malandi at pariwarang babae. Siguro papatulan ko dahil ‘yon ang gusto nila, malandi… eh. Pero hanggang doon lang. Lalaki ako, eh. Sino ba nang-akit?

Kaya siguro maraming nanloloko kasi maraming nagpapaloko. Maraming natutukso dahil maraming nanunukso. At mahina ang tao sa tukso. Mabilis mabaliko. Matawag ng mundo. Mabilis malihis ng landas.

Gano’n ba ang gusto ko?

Sa huli ang pagsisisi. Hindi pa ako huli. Pero gusto ko bang dumating sa gano’ng punto? Gagawin ko pa rin kahit na alam kong magsisisi ako?

Pero dahil hindi ko pa rin alam kung ano ang gusto. Gumawa ulit ako ng mga bagay na ewan ko kung mabuti o masama para sa ‘kin.

Dahil kaibigan ko si Felix, ‘yung isa sa mga bakla kong kaklase… nagpatulong ako sa kanya. Tutal, gusto niyang nagmamake-over at balak magpatayo ng salon sa future. Alam ko na hindi ko naman kailangan ng gano’n dahil hindi naman ako nerd. Hindi ako loner. Hindi ako introvert. Hindi rin ako masyadong extrovert. In short, I am the “go with the flow girl.” Ambivert.

But I want something new. I want a new character. I want a new look for myself. ‘Yung hindi pang-bad girl look pero hindi pang-good girl look. ‘Yung hindi mukhang kalandi-landi, pero hindi rin mukhang magmamadre. Hindi malaswa, pero hindi rin inosente.

Bahala na si bakla.

Ginupitan niya ang buhok ko. Maiyak-iyak pa ako nun kasi ang haba nang ginupit. Binunutan niya ako ng kilay. Doon na ako naiyak kasi ang sakit. Sabi ko ‘wag na magmake-up, pero gusto niya raw makita ang mukha ko ng may make-up. Grabe! Nag-experiment siya sa mukha ko. Sinusumpa ko ang eyeliner at eyeshadow. Bakit pinapaiyak nila ako?

Inunat niya ang buhok ko. Saka niya ako pinicturan. Tatlong styles ang ginawa niya sa buhok ko. Straight. Nakapusod na may sosyal na braid. At ‘yung nakalugay with curly hair. Pipili lang daw ako.

Pero hindi ko pinili ang straight na buhok kasi walang kakaiba. Ang normal. Maraming may unat na buhok. Boring! Saka ano? Magpaparebond pa ako? Sayang ang dalawang libo!

Ayoko rin nung nakabraid. Masyado maere. Ang arte! Sayang ang oras sa pag-ayos para gumanda!

Kaya pinili ko ‘yung natural na meron ako. Kulot. Hindi naman matigas pagkakulot ng buhok ko kaya ayos lang na kahit nakalugay. Duh!

Kahit minake-upan ako ni bakla, binura ko rin pagkatapos. Makati sa mukha. Mahirap kumurap dahil sa fake-eyelashes. Ang bigat! Saka kahit gandang-ganda sila sa ‘kin. Pangit na pangit naman ako sa sarili ko. Mas okay pa rin ako sa natural kong mukha. Ayokong gumaya sa ibang babae.

Gusto ko nga maging unique sa kanila, eh.

Saka ayokong landian at mahalin ako ng lalaki dahil lang maganda ako ‘pag may make-up.

Hindi rin ako nakikisabay sa uso. Kung uso ang nakasleeveless at nakashort, ayos na ako sa t-shirt na hindi gano’n kasimple. Mas natripan ko ang mga statement shirts tapos nakamaong at sneakers. Hindi ko ipupush ang sariling mag-heels dahil ayokong mapahiya kapag natumba sa hallway. Ayokong masyadong magpaganda, ang exag. Ayoko rin masyadong simple, walang dating. Ayokong mag-angas-angasan, hindi sila nakakatuwa… mayabang. Ayokong magpadamsel in distress, ang loser.

Sa tuwing napapadaan kami sa hallway sa college, iba na ‘yung tingin sa ‘min. Lalo na sa ‘kin. Obvious na may naiba sa ‘kin. Hindi ko itatago. Kung noon, palangiti ako kapag may nakakasalubong na kakilala, ngayon kaya ko nang umirap o mangsnob. Pero kapag nawindang ‘yong tao o nagulat sa ginawa ko… saka ko siya ngingitian. Pero tipid lang. Ibabalik niya ang ngiti. Saka ako tatalikod. Ha!

Para sa ikabubuti ko ba ang pagbabago ko?

Am I good or bad now? I don’t know!

Dahil sa pagbabago ko, saka ko narealize na may iba’t ibang klase ng lalaki sa mundo. May lalaking mas prefer ‘yung good girls. May mga lalaking mas gusto ang bad girls kasi madaling kunin… at madali ring itapon. ‘Yung mga babaeng sila ang unang lalapitan at magbibigay ng motibo para hindi na sila mahirapan. Instant girlfriend agad!

May mga lalaking kapag gusto mo sila, gusto ka rin nila.

Pero mas maraming lalaki ang mas gusto ang challenging girls. ‘Yung hindi easy to get pero hindi pa-hard to get. ‘Yung hindi malandi pero hindi rin damsel-in-distress. ‘Yung hindi good girl pero hindi rin bad girl. ‘Yung parang Rubik cube na kailangan nilang buoin. ‘Yung tipong puzzle na kailangan nilang i-solve. ‘Yung akala mo isang sports, challenging… kailangan ng tamang atake at tactics para manalo sila sa game. ‘Yung manghihinayang sila kapag natalo sila. ‘Yung parang dota na kakaadikan nila. Gano’n!

And that’s reality, ladies and gentlemen. Hindi fiction!

One time, I challenged myself na itry ‘yung nakita kong ginawa ng isang babae sa Section 2. Nagconfess siya sa isang lalaki na gusto niya. Nakita ko ‘yun kasi mahilig akong manuod ng tao.

Naghanap ako ng biktima. ‘Yung mahihirapan ako. ‘Yung tatanggihan ako. ‘Yung walang interes sa ‘kin. ‘Yung may girlfriend.

Saka ko nakita si Ellis. Ang ganda gawing prospect. Sikat. Section 1. Matalino. Gwapo. Maraming nagkakagusto. Commander namin sa CAT. At ang good news… kakaaway lang nila ng girlfriend niya nun. (Pero hindi pa sila break. Good.)

Kaedad ko siya. Well, mas matanda siguro sa ‘kin ng ilang buwan o isang taon kasi ako ang pinakabata sa batch namin sa High School. Gusto ko sanang i-try sa College, kasi sila ang mga tipo ko talaga. Kaso… I want something different.

Kinuha ko muna ang number ni Ellis. Madali lang naman kasi may mga kaibigan siya sa Section 3 (sa ‘min) Madalas din siya doon. Palagi nagpapansin. Kaya nga napansin ko rin siya. Saka medyo mayabang din. Maingay. Maraming kwento. Masiyahin. Pero kapag nasa CAT na kami, ang seryoso niya. Kagalang-galang. Ang gwapo pa tingnan kapag nakamilitar uniform at combat shoes.

Dapat pala nung nagtraining para sa officers for CAT, sumali ako. Nagkamoment sana kami. Kaso busy ako sa church dahil weekends ang training. Pero may chance pa naman.

Palagi ko siyang kinukulit sa text. May signature pa ang mga messages ko sa kanya ng “Pretty Girl.” Pero nagpakilala na ako nung huli kasi walang thrill kung unknown ang aking identity. Mas exciting ‘pag kilala niya ‘yung lumalandi sa kanya.

Every Wednesday afternoon ang CAT namin. Ewan ko ba kung ba’t may CAT. Nasa Korea ba kami na required ang training for army? Masaya naman kaya ‘di na ako nagreklamo. Saka may evil plans ako.

Palagi kong naririnig ang boses ni Ellis, pasigaw, buong-buo kapag nagcocommand siya sa ‘min. “Harap sa likod!”, “Pasulong!”, “Attention!” Whatever!

Kapag nagagawi siya sa platoon namin para bigyan ng i-uutos ang platoon leader namin. Hinuhuli ko ang tingin niya… binubulong sa isip na… “Tumingin ka! Tumingin ka!” Epektibo ang aking panghihipnotismo dahil napalingon siya. Saka ako ngumiti at kumindat sa kanya. Saglit lang. Kunwari aksidente.

Ha!

Kaso lumapit siya sa ‘kin at pinarusahan ako. Bawal kasi ang gumalaw o parang naglalaro. Seryosong-seryoso siya nun. Pinagpumping niya ako ng 100. Jusko! Brutal pala ang loko. Bigla akong nagsisi. Sumakit likod at namanhid legs ko pagkatapos, eh.

Pero palagi ko ‘yun ginagawa kapag nag-CCAT kami. Habang tumatagal nga natatawa ako kasi mukhang gigil na gigil na siya sa ‘kin. Feel na feel ko na lang ang pagbibilang habang nagpapumping… “One, Sir! Two, Sir... Bulldozer!”

May nagtawanan sa platoon namin kaya lahat kami pinagpumping. ‘Yung mga lalaki pinag-push up. Ang tindi ni Commander Ellis… masyadong hot!

Tapos kapag hindi naman CAT at pumupunta siya sa room namin, ‘di ko siya pinapansin. Lalo na nung nagtangka siyang lumapit. Tumayo ako at bumili ng chicharon sa canteen.

Then, the right moment has come. Siguro tama na ‘yung pakikipaglaro sa apoy. ‘Yung urong-sulong. Kailangan nang umatake ni Ms. de Makapili!

Nang pinarusahan ulit ako ni Commander Ellis, nagkunwari akong nahihilo. Hindi naman ako best actress, pero sana epektibo. Kinakabahan pa ako kasi baka ‘yung platoon leader namin ang tumulong sa ‘kin o iutos niya sa ibang members na dalhin ako sa clinic… pero muntik na akong mapatalon nang buhatin niya ako.

Gosh! Pucha! ‘Di ko ‘yun iniexpect. Tapos inutusan niya lang ‘yung mga platoon leaders na magtake ng command sa bawat hinahawakan.

Parang gusto kong kainin ng lupa sa kahihiyan dahil sa kabaliwan. Ano ba ‘tong mga pinaggagawa ko? Kaso… ayoko namang umatras. Para ko na ring pinatunayan sa sarili kong ‘di ko kayang tapusin ang mga nasimulan.

Nung wala nang nakakakita sa ‘min at medyo malayo pa ang clinic… nagpumiglas na ako para mabitiwan niya ako. Nagulat pa siya. Bakit? Paniwala talaga siyang nahihilo ako? Weak ba ako? Neknek niya!

Inirapan ko siya pero bigla siyang natawa. Aba’t gago ang pucha!

“Hindi ka talaga nahihilo?” tanong niya. “Nag-inarte ka lang para masolo mo ako?” saka siya ngumiti.

“Hala siya! Ang kapal ng mukha,” umirap ulit ako pero nadidistract sa ngiti niya. Naniningkit pa ang mata. Ayoko nga ng singkit, ‘di ba? Malayong-malayo siya sa taste ko. Pero dahil gusto ko ng something new… sinubukan ko. Pero mukhang mapapalaban ako.

“Hindi? ‘Di ba crush mo ako?” G’wapo pero mayabang. Straightforward pero witty. Malayo sa taste ko pero parang gusto ko.

Pero ang pinakamain reason. Kailangan kong matapos ang sinimulan ko. Ibinalik ko ang ngiti sa kanya. “Oo! Crush kita. Okay na?”

Naglaho ang ngiti niya. Biglang nagseryoso. Kinabahan ako. Kaya mabilis akong tumalikod at tumakbo. Ilang hakbang pa lang narinig ko ang… “Attention!” kaya napahinto ako. Pucha naman, oh!

“Harap sa likod.” Sumunod ako. Kasi isa siya sa magbibigay ng grades sa CAT. Ayokong bumagsak! Putek. “Stop pouting!” Tsk. Pati ba naman pagnguso bawal? “Relax your eyes, Bea!” Hindi ako sumunod at mas pinatirik ang mata.

Kaloka! Bea? Ano ako aso? May karapatan siyang bigyan ng kahit anong palayaw? Ang layo ng Bea sa Bianca! Pero hindi ako makareklamo.

Humakbang siya palapit sa ‘kin. Habang ako hindi makagalaw at kung saan-saan ibinabaling ang mga mata. Para akong tanga kasi natatawa pa siya. Leche! Dapat talaga ibang tao na lang pinagtripan ko. Ako napagtripan, eh. Bwisit!

“Look at me, Bea!” Tumingin naman ako pero nagpaduling para hindi ko makita reaksiyon ng mukha niya. Kaso lalo naman siyang natawa.

Ba’t ba siya tawa nang tawa? ‘Di naman ako nagpapatawa. Bumalik na ba ang sense of humor ko sa katawan? Pucha!

Bago pa siya may masabi sa ‘kin… nakita kami ni Rue. ‘Yung first crush ko sa High School. Sumunod yata sa ‘min kasi isa siyang platoon leader. Doon ko narealize na nagbago na nga ako.

Naalala ko bigla si Toni. Matutuwa ba siya sa nangyayari sa ‘kin ngayon?

Naalala ko si Migs. ‘Yung nakalast night ko sa festival na palagi kong nakakatext at gustong manligaw.

Naalala ko si Cole.

Oo nga pala, si Cole.

Nung time na uwian na namin. Kakalabas lang naming magbabarkada sa gate. Sa tapat ng isang computer shop… ang daming tao. Tapos may biglang sumigaw. “’Yung nakapula, crush daw ni Cole.” at nakarinig din ako ng mura pagkatapos saka tawanan.

Hindi ko pinansin pero may humampas sa ‘kin. Isa sa mga kaibigan ko saka sila naghagikhikan na parang kinikilig. Tinuro nila ang damit ko. Napatitig naman tuloy ako. Ay! Nakapula ako.

Sana sinabi niya, "Kulot, crush ka raw ni Cole..." para alam ko agad na ako 'yon.

Nilingon ko ang mga lalaki sa tapat ng shop. Pero masyado silang marami. Mga college students. At may tumakbong isang nakaputi papasok sa loob.

Sino si Cole?

Kilala pala ni Maria Fe si Cole. Kilala rin ni Tintin. ‘Di sila na maraming kilalang College students. Binigay nila ang bagong number ko kay Cole. At dahil lahat ng mga nagtetext sa ‘kin… nirereplyan ko, nagreply ako. Lahat ng interesado sa ‘kin, pinapansin ko. Lahat ng lumalandi, nilalandi ko rin. Kasi ‘yun ang gusto nila, ‘di ba? Pagbigyan!

Pero hindi ako nagpapaligaw. Kasi wala naman akong gusto sa kanila!

Masyado na ba akong paasa?

Ano, Mylabs? Do you disgust me now? Ang kadiri ko na bang babae?

Hindi lang ikaw. Kinasusuklaman ko rin ang sarili.

Kasi kanina. Pinagalitan ako ni mama. Hindi niya ako pinalo pero sinigawan niya ako.

“Ano ba’ng nangyayari sa ‘yo, Angelica Bianca? Ganyan ba kita pinalaki, ha? May problema ka ba? Bakit bumababa ang grades mo? Bakit palagi kang late umuwi? Ano ‘tong nababalitaan ko na ang mga kasama mo puro lalaki? May nakakita sa ‘yo na nakikipag-inuman sa bar! Adik ka na ba? Umiinom ka ba? Naninigarilyo?

“Nung isang araw umuwi kang basa ang damit! Imbes na pumasok sa klase, gumigimik kayo? Kumukupit ka ng pera sa tindahan! Natuto ka ng magnakaw sa ‘kin ngayon?

“Naaksidente ka sa motor. Tapos may sugat ka ulit ngayon sa binti. Ano’ng gusto mong mangyari sa buhay mo? Magrerebelde ka na? Hindi na kita pag-aaralin? May boyfriend ka na ba? Ipakilala mo sa ‘kin nang paasawahin na lang kita. Nang maranasan mo kung gaano kahirap magkapamilya at magpalaki ng anak.

“Wala na nga akong katulong magpalaki sa inyo. Ako’ng nanay at tatay sa pamilyang ‘to. Tapos ganito igaganti mo sa ‘kin? Bakit hindi mo kagayahin si Roselee? Ang bait-bait na bata. Nahihirapan na akong magdisiplina sa ‘yo. Baka isang araw, umuwi ka ditong buntis na—”

Dahil sobrang sama ng loob ko at hinanakit… sumabog ako. Nasagot ko si mama.

“Bakit ba hindi mo pauwiin si papa nang siya naman ang magdisiplina? Bakit ka ba kasi nag-asawa ng may mga anak sa iba? Tapos ngayon, magrereklamo ka? Nagpaloko ka, eh. Face the consequences!

“Kung nababaitan ka kay Roselee, ampunin mo. Tutal naman siya ang palaging bida sa ‘yo. Tapos ‘tong sarili mong anak… pariwara. Bastos. Walang galang. Adik. Sumasama sa mga lalaki. Malandi.

“’Yan naman ang iniisip n’yo, ‘di ba? Na 15 pa lang ako, marami na akong magiging jowa. Na-16 ako, mabubuntis ako at tuluyang mapapariwara. Na ang sama-sama kong anak. Na wala akong ginawang tama para maging proud kayo. Puro kahihiyan ang binigay ko sa inyo.

“Bakit? Naging proud ba kayo nung marami akong awards nung elementary? Hindi! Ibang tao ang naghatid sa ‘kin sa stage. Tapos kayo… taga-picture. Si papa umuwi? Hindi! Na akala madadaan ako sa pa-cellphone na gift. Naappreciate n’yo ba kapag ang bait kong bata at sinusunod kayo? Hindi! Normal lang.

“Tapos ngayong ganito ako… sasabihin n’yo sa ‘kin ang mga ‘yan? Hindi n’yo ba talaga ako kilala? Akala ko ba anak n’yo ako? Ampon lang ba ako? Bakit wala kayong tiwala sa ‘kin? Bakit?

“Kapag ba adik ang mga kaibigan ko… magiging adik na rin ako? Kapag nabuntis ang kaibigan ko, magpapabuntis na rin ako? Ang problema kasi sa inyo, palagi n’yong pinapakinggan ang mga maling sinasabi ng ibang tao.

“Bakit hindi n’yo unawain ang anak mo? Ganyan ba talaga ang tingin mo sa ‘kin? Eh, kung ganyan na lang din pala… tama ngang magpakarebelde na lang ako. Tangina—”

Sinampal ako ni mama. Bigla akong napaiyak. Ang sakit nung sampal niya. Bumakat. Tapos nakikita ko na rin siyang umiiyak. ‘Yung iyak na hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko. Lalo lang tuloy akong namuhi sa sarili ko.

Bakit ko pinaiyak ang nanay ko? Makita ko nang humagulhol nang iyak ang ibang tao… ‘wag lang si mama.

Pero hindi ko siya nagawang aluhin kasi tumalikod siya. Hinayaan ako. Nagkulong ako sa kwarto. Umiyak. Gulong-gulo.

Pero hindi rin ako nakatiis. Ayoko talagang sumasakit ang loob sa ‘kin ni mama. Sa lahat ng mga iniisip kong pagbabago sa buhay ko… bakit hindi ko naiisip ang mga sakripisyo ng mga magulang ko?

Bakit sarili ko lang palagi ang iniisip ko?

Kung hindi ako masaya sa buhay ko… paano pa sila? Eh, sila ang bumuo sa ‘kin sa mundo. Nagpalaki.

Ganito na ba ako kaselfish?

Niyakap ko si mama. Ilang beses akong humingi ng sorry. Nag-iyakan kami. Sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Toni. At lahat ng mga kabaliwan na pinaggagawa ko for the past 8 months. Ang dami kong kwinento. Lahat ng hinanakit sinabi ko. Mga sama ng loob sa mundo. Wala akong tinira kahit isa.

Doon ko napansin na kailangan ko lang pala ng kausap… ng makikinig sa ‘kin.

Simula bata ako, open na ako kay mama, eh. Dahil gano’n niya kami pinalaki. Kaya sinasabi ko lahat ng mga nangyayari sa buhay ko sa kanya.

Pero nung nawala si Toni… huminto ako. Kinimkim ko lahat. Sinarili ko ang emosyon ko.

Na mali pala. Na hindi dapat. Kasi bata pa ako. Kahit na parang alam ko na ang mali at tama… hindi dapat ako nagmagaling. Na porke observant ako, independent at tingin ko kaya ko na ang sarili… hindi pa rin ako ganap na matured. Marami pa akong pagdadaanan para marating ang stage na ‘yon. Hindi ‘yun basta-basta nakukuha.

Maturity takes time.

Kailangan ko pa rin ng guidance… ng taong gagabay sa mga gagawin ko sa buhay.

Ang pangit pala kapag kinimkim mo lahat. Kapag sinarili mo ang problema. Na dapat ikaw lang ang magdedesisyon sa buhay mo. Kasi bata ka pa. Kung feeling mo marami ka ng alam sa mundo o matured ka na… paano na lang ‘yung edad ng ating mga magulang? ‘Yung napagdaanan nila? Ano’ng tawag doon?

Sabi nga nila, no man is an island.

Tama naman. Kasi kapag pinili mong mag-isa sa lahat ng bagay, may mga pagkakataon na malilihis ka ng landas. Magkakamali ka ng mga desisyon. Na p’wedeng ikapahamak mo o pagsisihan mo kalaunan. At kapag natisod ka, tingin mo may tutulong sa ‘yo? Wala! Kasi pinili mong mag-isa.

At ayokong dumating sa puntong maging gano’n ako.

Kaya habang maaga pa, itutuwid ko lahat ng mga pagkakamali ko.

I know, sobrang bigat nung impact sa ‘kin nung pagkawala ni Toni. Ngayon ko lang tinanggap sa sarili ang katotohan na sobrang halaga niya sa ‘kin kaya naging ganito ako. At alam ko na baka maturn-off siya bigla kapag nagkita ulit kami.

‘Di pwede!

Dapat kapag nagkita ulit kami. Mas mamahalin niya pa ako.

Mylabs, this is my last entry na sobrang haba. Peksman!

Sorry for my bad words. Sorry kung sumama ang loob mo sa ‘kin. Sorry talaga.

I know I can’t undo what I’ve said and done. Hindi ko na rin maibabalik ang dating Angelica Bianca C. de Makapili na kilala mo at ng karamihan.

Pero itong bagong ako. Hindi ko gagawing bad girl. Pero hindi rin good girl. Hahahaha.

I will make this new me the great version of myself!

Toni, I know you’ll never know this. But if ever you’re watching me writing this or maybe you’re my guardian angel now… I know that you’re happy. I’d never let you down. I swear, ‘di ka matuturn-off. Haha. I will always love you. Kahit ‘di mo alam. And if ever I’ll love someone else, you’ll always have a part inside my heart.

Kilala kita. You’re not a selfish guy. Kaya kung ikaw ang tatanungin, gusto mo akong magmahal ng iba. Ayaw mong ikulong ang sarili ko sa ‘yo.

Promise! Susubukan ko.

Kahit na hindi ako mabilis mahulog at mainlove… susubukan ko.

At kapag nakita ko ‘yung lalaking ‘yon. Mamahalin ko katulad ng pagmamahal ko sa ‘yo. O higit pa. Hanggat may ihihigit pa sa pagmamahal na kaya kong ibigay.

PS: May facebook na pala ako. Uso kasi, kaya gumawa ako.

Bolder, Fiercer, and Diyosaer,
AB

_..._..._

< Kudos Pereseo >

(Present Time)

KUNG HINDI lang magmumukhang tanga, kanina ko pa sinuntok ang sarili.

“Aw…” Impit na napadaing si AB at napatingin sa paa. Nakatsinelas siyang itim. Then, I saw that her left foot is bleeding.

Sht!

Without thinking, my body moved. Na parang may sariling isip. Hinawakan ko siya sa braso at maingat na pinaupo sa bakanteng upoan. Napabitaw agad ako kasi para akong sinilaban. Ni hindi ko na napagtuonan ng pansin ang reaksiyon niya o ang pagsinghap ng mga kasama namin.

Tumalungko ako. Hinawakan ko ang kanyang paa. Pero bigla niyang hinila. Tumutulo na ang dugo. Sa taranta, hinubad ko ang damit para ipangpunas.

“Jusko po! Porn!” Tumili siya. Muntik na mahulog sa upoan. “Bakit ka naghubad?!”

Inangat ko ang tingin sa kanya.

Natutop niya ang bibig. Ang isang kamay nakatakip sa mga mata pero nakahiwalay ang index at middle fingers. Sumisilip ang isa na nanlaki tapos biglang naningkit. Hinagod ako ng tingin. Kumurap-kurap. “Inaakit mo ba ako, Kudos?”

Napahawak ako sa tuktok ng tainga at mariing pisil. Sht!

Tapos bigla siyang tumawa nang mahina. “Joke lang. Isuot mo ‘yan! Hindi ako naaakit sa may…” Tinuro niya katawan ko saka nagbilang. “Isa. Dalawa… Anim na pantal sa tiyan.” Ibinalik niya sa ‘kin ang damit ko.

Pantal sa tiyan?

Nakatingin lang ako sa kanya. Mukha akong tuod. Hindi makagalaw sa pwesto. Pinipilit kong maging kalmado pero ramdam ang panginginig ng mga kamay ko. Pinigilan kong punasan ang namumuong pawis sa noo.

Right now, I feel like someone is pointing a gun right into my chest. And I’m just anticipating if that someone will pull the trigger.

Pinahid niya ang dugo gamit ang hinlalaki. Saka tumayo. “Galos lang ‘yan. Wala ‘yan. Sanay akong masugatan at masaktan,” biglang niyang seryosong sabi. At tumawa ulit. “’Wag mo na masyadong isipin. Be careful next time, you could hurt yourself, too… if you don’t.”

Doon lang tila natauhan ang mga nanunuod sa ‘min at lumapit.

May madiin na kumurot sa tagiliran ko. Akala ko si Magnet pero si Angelito. Na nakakagat sa labi niya at namumungay ang mga matang nakatitig sa katawan ko. “May baon akong palaman, Baby Kudos. Margarine, peanut butter, at Nutella. Patikim ng pandesal, ha?” Napasuot tuloy ako bigla ng damit. Tokwa!

‘Yung mga tukmol, inasikaso si AB. Si Shield agad na naghanap ng walis at dustpan para linisin ang mga bubog.

Si Magnet hinila ako palayo. Saka bumulong, “Ano ba, Kudos… ang obvious mo! Umayos ka. Kukutusan kita.”

Lumingon ako. “But she’s…”

“Hindi ‘yon mamamatay sa sugat. ‘Wag kang OA!” Aligaga siya. Kulang na lang batukan niya ako. Kaso titingkayad muna siya bago magawa dahil hanggang ibaba ng balikat ko lang ang ulo niya. Maswerte na yata kung lumagpas sa limang talampakan ang tantiya kong height ni MM. “Umalis ka muna. ‘Wag kang lalapit kay Angel, ha? Just compose yourself first. Layas!”

Tinulak niya ako. Ang liit-liit pero ang lakas ng loob.

Pinandilatan niya pa ako nung tinangka kong bumalik. Nakng! ‘Yung mga tukmol… ngiting-ngiti habang kinakausap at inaasikaso si AB. Tuwang-tuwa. Mga tokwa! Magigilitan ko talaga sila.

Bumalik ako sa kwarto. Kahit kakainom ko lang ng tubig tila natuyo ulit lalamunan ko. Ilang beses akong huminga nang malalim para bumalik sa normal ang paghinga. Dumiretso ako sa kwarto para maligo.

Kailangan kong malamigan. Sobrang init sa pakiramdam.

Saka lang ako lumabas nang mahimasmasan. Parang tukmol na pabalik-balik sa harap ng salamin para i-check kung maayos o may something sa mukha. Ilang beses inayos at ginulo ang buhok dahil… alam ko, ayaw ni AB ng naka-wax. Kumupit pa ako ng pabango kay Risk dahil hindi ako nagpapabago. Sige, ngayon lang. Matry.

Pumunta ako sa dalampasigan. Hinanap ko agad ang mga tukmol. ‘Di man lang sila sumilip sa kwarto o alamin kung ano’ng ginagawa ko. Talagang nag-enjoy ang mga tokwa?

Pero ‘di ko nakita kahit anino nila. Saan na ang mga tukmol na ‘yon?

Sumibol na ang araw at may mga naliligo na rin. Lagpas alas otso na yata ng umaga. Wala sila sa mga nagvovolleyball. May binabalak ba ang mga tukmol? Kasama nila sina Angelito at Magnet? Eh, sina Hazel at Paris? Sina master at bossing din wala sa rest house.

Nagulo ko ang buhok. Nakakangitngit. Malilintikan talaga ang mga—

May kumalabit sa ‘kin. “Nakng—”

Tokwa! Bakit palagi siyang nagpapakita nang hindi ako handa?

“Gosh! Aatakehin ako sa puso dahil sa ‘yo…” Umiling-iling si AB sa reaksiyon ko. Nakahawak siya sa tapat ng dibdib at bahagyang napatalon paglingon ko. “Bakit ka ba nagugulat palagi? May human allergy ka ba katulad ni Kim Min Kyu?” Bigla siyang ngumiti. Who’s that? “O masyado akong pangit? Grabe siya, oh!”

Damn! Stop smiling. Don’t smile like that. You don’t have any idea what you’re doing to me. You don’t have any idea how I want to… to hold you tight in my arms right now. Don’t smile.

She bit her lower lip and held the back of her neck. “Nakita mo ba sila?” Tumingin siya sa paligid. “Sigurado ako, may hinahandang kalokohan mga ‘yon.”

I unconsciously studied her frame, her reactions… her hair was still pinned in a bun. Na may mga nakatakas na maliliit at kumukulot na strands na gumagalaw sa ihip ng hangin. Nakapagpalit na rin siya ng damit. Black shirt at dark green jersey shorts na parang pang-volleyball. Kumunot ang noo ko. ‘Di ko magawang ibaba pa ang tingin.

May nakasulat na "JESUS SAVES" sa t-shirt niya.

Napapihit siya paharap sa ‘kin, napabaling agad ako sa dagat. Tokwa! Gusto kong ibulsa ang mga kamay pero walang bulsa ang suot kong shorts. Naikuyom ko nang mariin ang mga kamao. Kinagat ko ang labi at hinawakan ang tainga.

Nakng, Kudos! Don’t ruin this moment… again!

“Ilag ka pa rin sa ‘kin?” She chuckled. “Wala naman akong contagious na sakit. O nagtataka ka kung ba’t kilala kita?”

Napalingon ako sa kanya. I almost forgot. She was familiar. Pero ‘di ko matandaan kung paano ko siya nakilala o nakita.

“We met before. Once. ‘Di mo yata tanda. Saglit lang kasi ‘yon. Saka ‘di naman importante. ‘Wag mo na isipin. Matandain lang talaga ako. And I like sports. Nanunuod ako ng intercollegiate competition. Congrats, Mr. MVP!” Magaan niya akong siniko, nagthumbs-up at… ngumiti.

Sht!

I know I should suppress this… my feelings. But how can I if she’s right in front of me? She’s this near to me? That I can smell her scent? That I can see her frame? That I can feel everything?

One wrong move… and I’ll be busted. But I want to look at her… to etch in every part of my mind… the way her eyes sparkled. The way her eyebrows stirred. The way her nose wrinkled. The way she smiled. The way she bit those pink lips. The way she talked. Everything.

Makakatagal ako nang walang gagawin sa buong araw. Tititigan ko lang siya.

Nakng, Kudos! Ang lala. Sobrang lala.

Humakbang pa siya palapit sa ‘kin at doon na ako tuluyang nawala sa katinuan. Nahigit ang hininga. Kabado na baka marinig niya ang nagrerebeldeng tibok ng puso.

Magtiwala. Magtiwala sa ingay ng mga tao. Magtiwala sa alon ng dagat.

Do me a favor. Step back. Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin kita at ‘di na pakawalan pa.

Damn!

Five counts.

Five.

Tumingala siya at tiningnan ang buhok ko. Ang seryoso ng mukha na itinaas ang kamay para ilagay sa ibabaw ng aking ulo.

Four.

Nakatitig lang ako sa mukha niya. Na ang lapit-lapit. Sobrang nakakatempt na ibaba pa ang mukha ko sa kanya. I wasn’t blinking. Pansin kong may maliit siyang nunal sa ibaba ng kaliwang mata, ibabaw ng kanang kilay, at gilid ng labi… left side. She has cleft chin, too. Cute.

Three.

“Ano’ng height mo?” tanong niya. “Ako, 5’7”…” I know. Kapantay ng baba ko ang kanyang ulo. “6’1” or 6’2”? Mukhang kasing-tangkad mo ‘yong kaibigan ko.” Kaibigan? Lalaki?

Two.

“Si Bakal pinakamatangkad sa inyo, ‘no?” Tumawa siya. “Kaya nga mukhang David at Goliath sila ni Magnet, eh.”

On—

She stepped back. Napabuntong-hininga ako.

Nagsalubong mga kilay niya. “Masama ba pakiramdam mo?” Tinangka niya pang hawakan ang noo ko pero humakbang ako patalikod.

Hindi ko na nga makalma ang sarili dahil ang lapit-lapit niya. Hahawakan niya pa? Parang tanga akong umiling-iling.

Tumango-tango siya. “May itatanong lang sana ako.” Titig na titig sa ‘kin na parang pinag-aaralan ako. Masyado na ba akong obvious? Kailangan ko na bang magpaliwanag? “P’wede kang magsalita, Kudos. Gosh! Ang tahimik mo. Hindi kita kakagatin. O baka gusto mo?”

“Sige…”

“Sige?” Tumawa siya. “Saan ba? Sa mga pantal?”

Bigla akong nasamid. “N-No! I mean… ah…” Napahawak ako sa ulo. Nakngtokwa, Kudos! Minsan ka na nga lang magsasalita, pahamak pa ang lalabas!

“Ang cute mong asarin, ‘no?” Lalo siyang natawa. “Tama nga ‘yong sabi ng mga pinsan mo, mabilis kang mamula at mahiyain.”

Ako? Mahiyain? Nakng! Iniligtas ba ako ng mga tukmol? O mas lalong nilaglag?

“Saka ‘di ka rin daw marunong magsinungaling. Nice!’’ Nagthumbs-up siya at tumango. “Dahil diyan, may itatanong nga ako. P’wede ba?”

Tumango lang ako kasi masyadong kabado na baka ano na naman masabi ko. Pakiramdam ko malalagutan ako ng hininga.

“Iniwan ako nina Magnet at Baks sa labas kanina. Pumasok sila sa loob. May sinabi ba sila? Mga baliw ‘yon, eh. Hindi ako isasama nun dito kung walang gagawing milagro. Palagi ako pinagtitripan nung mga loko. ‘Yung mga pinsan mo naman… mukhang gano’n din. At based sa reaksiyon mo kanina nung makita ako… may sinabi nga sila. Pwede mo bang sabihin sa ‘kin kung ano?”

Para akong may hawak na tinidor at aksidenteng nasaksak sa saksakan ng basa ang buong katawan. Nakuryente. Nablangko.

Ano ang sasabihin ko? Sht!

“Ay… oo nga pala. May pinsan ka bang KD ang pangalan?”

_._._



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE