Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

Page 9


Dear Diary,

Umiiyak po si mama ngayon.

Pinagbabato kasi ng tito ko, kuya ni papa, ang bubong ng bahay po namin. Lasing si tito. Nagwawala. Nagmumura.

'Di ba siya marunong magmahal?

'Di ko alam kung bakit galit na galit siya sa 'min. Gusto kaming palayasin.

Eh, lupa naman ni papa 'yong tinitirahan namin. Bunso si papa pero lahat naman silang magkakapatid may lupa. Saka 'di pa tapos ang bahay namin. 'Di pa natatapos ipagawa ang kwarto ni Dale. Saka 'yong basement papunta sa tindahan namin... tatapusin pa ni papa, eh.

Paano na lang 'yong ginagawang landscape at garden ni mama kung aalis kami? Kawawa ang mga bulaklak at santan. Saka gusto ko pa patayuan ng playing ground 'yung sa tapat ng bahay namin na may Bermuda grass.

Pero 'di po nakauwi si papa. Sabi ni mama busy daw sa trabaho niya.

Umiiyak din pala si Ate Shane. Sabi niya sa 'min ni Dale totoo raw na may kabit si papa.

Umiiyak ba sila ni mama dahil sa pagpapalayas sa 'min ni tito o dahil may kabit si papa?

PS: Ano po ba 'yong kabit?

Walang maintindihan,
Angelica Bianca C. de Makapili


... ... ...

AlphabetSenpai's WL (Wish List)

I wish...

To turn back the time. To go back to the past... to where I was still a kid. Just to say and show to my parents how much I love them. To correct my mistakes I never thought I committed. Accidentally. Unintentionally. So, I can change what've happened; and to strengthen our family's love, trust, foundation, connection, and affection.

Maybe there will be no "mistress" that can ruin our happy home.

*.*.*

< Kudos Pereseo >

Totoo nga? May kabit?

Hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksiyon ko.

Kung maaaliw sa mga kalokohan niya kahit bata pa o mapapabilib sa katatagan niya kahit na may pinagdadaanan siya.

I want to hug her right now.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE