Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

< Kudos Pereseo >

MABILIS NA lumipas ang tatlong linggo matapos kong makita ang green card na maingat na nakadikit sa back cover ng diary.

‘Yon din ang gabi ng una at huling pag-uusap namin ni AB.

Sa loob ng tatlong linggo, medyo marami ring nangyari sa paligid ko. Okay na si Risk mula sa pagkakabugbog. Nagmamayabang na naman ang tukmol dahil wala nang nangingitim na pasa sa mukha at katawan niya.

Ipagulpi ko kaya nang tumino ulit?

Tapos na ang school year last week. May two weeks kaming vacation bago ang enrollment for Summer classes.

Kaya ngayon, nagyaya si Kuya Yuen na magbakasyon kaming magpipinsan. Syempre, mga Pereseo na nakatira sa Antipolo. May kilala si Kuya Yuen na nagmamay-ari ng isang beach resort sa Batangas. Mura lang ang parenta sa kanya. Magstay kami ng 3 days and 2 nights.

Sasakay na ulit kasi si kuya ng barko sa April. March na ngayon at magsisimula na ang summer classes kaya ngayon lang kami free lahat. Kasama rin sina Ate Kira, bossing at master. Tapos sina Paris at Hazel. Mga taga-Antipolo rin kasi at isinama naman ni kuya. Saka ‘yong mga tukmol. Medyo marami pa. Bahala si kuya, sagot naman niya.

At usapang Kuya Yuen, nabadtrip ako nung isang araw. Paano… siya pala ang naglalagay ng mga bawas na condoms sa kwarto ko sa Antipolo. Loko talaga! Akala ko nung una pinagtitripan ulit ako ni Risk. Akala niya naman maniniwala sina bossing at master na ako gumagamit ng mga ‘yon?

Baka ibang tao pa… huhusgahan agad ako dahil lang may bawas na condoms sa drawer ko.

Pero sina bossing at master? Baka nga matuwa pa sila dahil sa kaweirduhan nila sa buhay.

O baka ‘yon nga ang purpose ni kuya.

Nalaman ko rin kay master na Bicol ang probinsiya niya. ‘Yung mga Seriozo. At hindi naman ‘yon ang province ni AB. So, malamang ‘di ko kamag-anak ‘yong sinasabi niyang Levi.

Alam ko na ang province ni AB… Romblon.

Nabasa ko na ang lahat ng nakasulat sa diary niya. Tinapos ko last last week pa. Hindi ako mapakali hangga’t ‘di ko nababasa lahat kaya pinagpuyatan ko na.

Punong-puno na rin ang garapon doon sa drawer sa apartment ng mga notes… na hindi ko alam kung magagawa ko pa bang iabot ng personal sa kanya.

Habang binabasa ko lahat ng nakasulat, naiinis ako. Sa sarili. Ang pathetic sa pakiramdam. Nangingiti. Tumatawa. Nababadtrip. Nagagalit. Nalulungkot. Higit sa lahat… nagseselos.

Na sobrang nakakapikon kasi wala naman akong magawa.

Bakit ko mararamdaman ang mga bagay na ‘yon eh hindi ko pa naman siya nakikita? And worst, she doesn’t even know me.

Yes, I talked to her. Once. Pero aksidente. Nakakatawang aksidente.

Ni hindi na nga siya nagreply sa text ko sa kanya na… “Okay lang”, eh.

Ilang beses ko rin siyang tinawagan kaso ‘di niya sinasagot. Ring lang nang ring hanggang sa maputol.

Araw-araw ko rin siyang tinitext, walang palya. “Good morning”, “Don’t skip your lunch”, “How’s your day?”, “Good evening”, and “Goodnight” messages. Parang naka-template na ang mga ‘yan sa phone ko na automatic ko lang na isesend sa kanya.

Pero kahit isang reply na ‘smiley’, wala akong natanggap.

Did I annoy or creep her out? O sadyang naaalibadbaran siya sa ‘kin?

Sinunod ko lang naman ang payo ni Risk nung nag-usap kami nung nakaraan. Sabi niya, kung talagang gusto ko na… ‘wag akong magpakatorpe.

Walang mapapala ang mga torpe. Nauunahan lang palagi.

At dahil ngayon ko lang naramdaman ang mga ganitong pakiramdam, bakit ko tatalikuran?

Tinaga ko na sa sarili ko… noon pa… na kapag may nagustuhan akong babae, gagawin ko ang lahat. Magkaroon lang ng katiting na chance na maging kami. Konti lang. Okay na ako dun.

Kahit konti lang, AB.

I added her on facebook, pero nareach na ‘yong limit ng friends niya. Dumagdag lang ako sa dami ng kanyang followers.

Nakakapikon kasi dummy account niya pa ‘yon. Naka-private yata ang real account niya kaya kahit ano’ng search ko dati, hindi ko mahanap. ‘Yung nakalagay sa green card sa diary niya, dummy account. Wala rin siyang picture. ‘Yong DP niya… isang Bible verse.

Marami siyang facebook followers. Dahil nakafollow ako sa kanya, tuwing nagstastatus siya, hindi ko makuha-kuha ang first reaction or first comment. Ni hindi ko nga alam kung nababasa niya ang comment ko dahil flood masyado. Baka ‘yong mga pagpapapansin ko ring messages sa kanya… napunta lang sa requests.

Kasi hanggang ngayon… kahit ‘seen’ wala.

Nagstatus siya nung nakaraan ng, “Sorry for unreply messages. Flood ang inbox. Nakakatamad. But I really appreciate your messages. Lalo na sa mga sumusuporta sa stories ko. Thank you. Saka mas active ako sa twitter. Haha.”

Dahil sa katukmolan ko, napagawa rin ako ng dummy account sa twitter at facebook. Nakafollow na ang RA ko sa FB niya, pero hindi ko p’wedeng gamitin ang acct ko sa twitter para lang mangulit sa kanya.

Mayayari ako kay coach.

Ginagamit ko ang mga real accounts ko para sa public life ko, for school, lalo na sa varsity sa basketball. (In short, for updates.) Medyo marami ring followers ang mga accts ko na ‘di ko kilala kaya hindi ko na siniseen at inaaccept. Pinapalabas kasi ang intercollegiate ng basketball sa isang sports channel. Kaya marami ring nakakakilala sa ‘kin dahil dun.

Kaya napagawa ako ng DA para kung sakali na mapansin ni AB ang mga kaepalan ko, makikita ko agad. Exclusive lang sa kanya ang account na ‘yon.

Isa pa, baka mabash si AB dahil sa ginagawa kong pangungulit ‘pag nakita ng mga followers ko sa twitter. Hindi ko naman siya ma-direct message dahil hindi siya nakafollowback sa ‘kin. Private. Marami pa namang mga active at exaggerated na tao.

Lalo na at maraming nakakakilala sa kanya sa online world dahil nagsusulat siya sa Wattpad.

Kung gaano siya ka-open sa diary niya, gano’n naman siya kapribado sa social media. Piling-pili ang mga pinopost at tweets. More on about her stories, inspirational quotes and bible verses. Kahit sa Instagram niya, wala siyang selfie kahit isa.

Lahat ng alam kong social media accounts niya… siya ang gumagamit pero parang hindi dahil nga dummies. She’s too reserved. She’s too professional sa online world. Parang ingat na ingat sa mga p’wedeng masabi ng ibang tao tungkol sa kanya.

Maybe because… she’s a Wattpad writer. Alam niya na ang mga salita niya, ang bawat sabihin niya, may magiging impact sa kanyang mga readers.

She pushed her dream to be a writer. Siguro stepping stone niya ang Wattpad.

Dahil sa kanya, napadownload ako ng Wattpad app.

Asar! Stalker na stalker ang dating ko. Tokwa!

Siya lang ang finollow ko sa Wattpad. Hindi niya naman ‘yon mapapansin dahil marami siyang followers. Pero naglagay ako ng mga ibang stories sa library bukod sa mga stories niya.

Binasa ko ang mga stories niya, pero hindi ko pa natatapos. Masakit kasing basahin. Parang ‘di ko kayang tapusin. Kung gaano kamasayahin ang character niya na binase ko sa kanyang diary, kasalungat lahat iyon ng mga characters niya sa Wattpad.

Lahat ng sinusulat niya… kabaliktaran ng buhay na meron siya.

Mahilig din siya sa mga heavy drama, brutal scenes at tragic endings. (Tearjerker stories) Pero mas lamang ‘yong realistic concepts para siguro maraming makakarelate.

I read stories from other authors, so I can relate with her hobbies and interest. Dahil alam ko… matutuwa siya sa gano’n.

I also stalked wattpad related pages, lalo na ang Wattpadislove. Sila kasi ang madalas na nagpopromote ng mga stories sa Wattpad.

Nakngtokwa! Nagmumukha na akong ewan. Parang tanga. Asar!

I was doing those things for three weeks now but there’s no progress.

Alam ko naman kung bakit, eh.

May trust issues si AB. Sobrang dami.

Matapang at matatag siyang tao pero marami siyang kinakatukan at puro what ifs ang iniisip niya.

One of her greatest fear is… commitment. She’s really scared to be in a serious relationship.

Kung ‘yung mga characters niya kaya niyang bigyan ng problema at kaya rin solusyonan ‘yon ng bawat character… siya hindi. Ibang-iba.

Ang layo-layo ng personalities niya sa mga protagonists niya.

Dahil binasa ko ang kanyang diary, kahit ‘di ko pa siya nakikita at ‘di niya ako kilala… pakiramdam ko, lahat ng tungkol sa kanya, ang buong pagkatao niya… kilalang-kilala ko na.

Ang unfair kasi bakit parang walang chance na makilala niya ako?

Nakakapikon.

Para akong nangangarap na maabot ang mga bituin na hinding-hindi mahuhulog sa ‘kin.

Para akong humihiling na magkatotoo lahat ng mga napapanaginipan ko.

Para akong nag-iilusyon na ang isang fictional character… magkakatotoo.

But AB is real. She’s real. Totoong tao.

Pero mas masahol pa siya sa isang fictional character. Nag-eexist siya. Kaso malabo kami. Ni hindi ko nga sigurado kung magkikita kami.

Masakit kung nasa fiction lang siya. Pero mas masakit kung nasa reality siya pero wala kayong pag-asa na dalawa.

Kung ano-ano ang pinaggagawa ko nitong nakaraang mga linggo habang nagbabasa pa ako para lang mameet ko ‘yong standard niya sa isang lalaki.

Sinulat niya roon sa inserted page na… hindi naman kailangan ng lalaki magbago para sa kanya.

Hindi ko naman gagawin ‘yon. I won’t change myself. Ako pa rin naman ‘to. Walang pagbabago.

Gusto ko lang mag-effort na gawin lahat ng mga gusto niya.

Kahit ‘di niya alam. Kahit walang pagdedemand.

Kahit na malaki ang posibilidad na walang patutunguhan at ‘di masusuklian.

Ginagawa ko pa rin.

Kaya siguro tayo nasasaktan kasi ang hilig nating umasa kahit wala naman dapat asahan.

Kahit na walang assurance at dapat na kapitan.

Alam ko, nagmumukha na akong timang.

Pinagtatawanan ako ng mga tukmol at inaasar. Madalas. Na pinapakinggan ko lang pero pinapalabas sa kabilang tainga. Kinasanayan ko na.

Kay tagal kong hinintay ang ganitong pakiramdam.

Pero bakit? Bakit hindi na lang kay Paris? O kay Hazel? O sa kung sinong babae diyan na nagconfess o interesado sa ‘kin?

Bakit doon pa sa taong sobrang hirap hanapin?

Taga-Cubao lang naman siya, eh. ‘Yon ang nakasulat sa diary.

Pero saan sa Cubao? Malawak ang Cubao. Ang daming tao sa Cubao. Traffic palagi sa Cubao.

‘Yung naiisip kong baka nakasalubong ko na siya sa SM, Farmers o Gateway, o baka nakasakay sa jeep… pero hindi ako sure. I know almost everything about her but she’s still faceless.

Huminga ako nang malalim at tinitigan ang cellphone ko. Naupo ako sa isa sa mga cottages dito sa resort. Naglakad-lakad kanina para iwanan ‘yong mga tukmol na magkakasamang nagsasight-seeing. (Translation: Naghahanap ng mga nakabikini.)

Marami kasing tao dito sa beach. Saka summer na at bakasyon pa. Maraming turista.

Umilaw ang cellphone ko. May bagong notif galing sa Wattpad.

March 2, 2018 at 5:37 PM

AlphabetSenpai updated Love at First Read – Chapter 23: Unnoticed Feelings

Matagal akong nakatitig lang sa update. Ito ang latest story ni AB na ongoing. Nag-uupdate siya twice or thrice a week. Ito rin ang kauna-unahan niyang story na light novel at hindi tearjerker. Magaan lang ang concept. Nakakatawa. Nakakaaliw basahin. Nakakawala ng stress.

About a girl reader who fell in love with a guy writer. (A faceless writer. Mysterious. Unknown identity.)

Cliché sa umpisa. ‘Yung tipong alam mo na ang mangyayari. Kasi magpapapansin ‘yong reader sa writer. Magkakaroon ng conversation. Mahuhulog ang mga loob sa isa’t isa. Magkakamabutihan. Hanggang sa maging sila.

‘Yun ang unang maiisip kung ikaw ay isang reader. Pero nung binasa ko ang story… akala ko cliché, pero mali ako. Makakarelate ka pero maiinis ka rin kasi bakit hindi pa rin sila nagkikita? Love story ang kwento pero bakit wala pa ring connection?

Doon na, eh. ‘Yun na ‘yong moment. Nanotice na nung writer ‘yong reader. May first convo na. Nagkaroon na ng ganap. ‘Yung kilig factor. ‘Yung makakapaexcite sa mga readers.

Kaso hindi na muling nasundan.

‘Yung tipong…

Start of the conversation:

Reader: Notice me, senpai!
Writer: Hi!
Reader: Waah! Idol na idol po kita. Crush din po kita.

End of the conversation.

Wala ng reply si writer.

Tokwa!

Bokya!

Pinaasa ka lang.

‘Yung maiinis ka na lang sa author na gusto mo nang magcomment ng: “Bakit, author? Ang paasa mo! Kelan ba sila magkikita? Kelan ba sila magiging sila? Magiging sila ba talaga o paaasahin mo lang kami hanggang wakas?”

‘Yun ang nararamdaman ko habang binabasa ang Love at First Read ni AB. Nakng! Relate na relate ako.

Natigilan ako sa naisip. Nakakarelate? Ako?

Nakng! Oo.

Gano’n din nararamdaman ko sa ‘reader’ habang binabasa ang diary niya. Lalo na ngayong binabasa ko ang mga stories niya.

Mas lalo lang lumalim.

Ang kaibahan lang baliktad ang mga characters. Babae ‘yong writer. Lalaki ang reader. Parang gusto ko tuloy magdemand ng updates para mabasa na kung ano ang ending o kung magiging sila ba sa epilogue.

Doon ko lang malalaman kung ano’ng point of view ni AB sa ginagawa niyang story. Kung kaya niya bang bigyan ng happy ending ‘yong mga protagonists niya? Kung naniniwala ba siya na p’wedeng magkaroon ng isang relasyon nang dahil sa social media?

Kasi kung happy ending, ‘di ayos.

May pag-asa ako.

Pero nasa kalahati pa lang ‘yong story. Marami pang p’wedeng mangyari.

Paano kung tragic ang ending?

Nakng! Nakakafrustrate.

Napamasahe ako sa batok at ilang beses pinindot ang tuktok ng tainga. Ito na naman ako, eh. Nag-ooverthink.

Pinagmasdan ko ang mga taong naglalakad sa buhangin at naliligo sa dagat. May araw pa pero papalubog na. Nagkukulay kahel na ang langit. May iilang ibon na lumilipad sa kalawakan. Hindi marahas ang mga alon.

Mabuti pa ang panahon, maaliwalas. ‘Di tulad ng nararamdaman ko.

Dumaan na naman ang isang araw na walang progress.

Bumuntong-hininga ako.

Walang mangyayari kung wala akong gagawin.

Ano nga ulit ang sabi ni Risk sa ‘kin?

“If you love someone, work hard. Make an effort. Do everything. Keep fighting. Don’t surrender unless that ‘someone’ became your own ‘the one’.”

Tinawanan ko pa siya nun kasi lasing ang tukmol. Babaero. Tapos gano’ng linyahan ang lalabas sa bunganga?

Tokwa! Wala na. Uwian na. Magdasal. Magsisi sa mga kasalanan. Baka end of the world na.

Binuksan ko ang wattpad app. Nagtype.

Online si AB sa Wattpad ngayon dahil kaka-update niya lang. For sure, mababasa niya agad kahit flood ang notifications at inbox niya.

Siguro naman mapapansin na niya kung ganito ang message?

@KD_oppa: Notice me, AB Senpai! >_<

@KD_oppa: I know you’ll receive this. I sent you messages on facebook but I’m not sure if you’ve already read it. You didn’t “seen” my messages. I tweeted you but you didn’t even give a ♥ on my tweets.

@KD_oppa: You always ignore me. Why?

@KD_oppa: Is that really your talent? Are you an expert on hurting other people’s feelings?

@KD_oppa: A writer shouldn’t ignore her readers.

@KD_oppa: A writer must reply if the readers sent her a “love” message about her story or an appreciation message.

@KD_oppa: A writer must “love back” her readers.

@KD_oppa: A writer won’t be called a writer if she doesn’t have “readers.”

@KD_oppa: It’s not an obligation, a responsibility or a writer’s duty to always notice her readers. But a reply to a reader wouldn’t hurt.

@KD_oppa: I’m not forcing you to reply to me but I’m guilt-tripping you to do so.

@KD_oppa: Can you handle it if one of your readers has a “tampo” to you?

@AlphabetSenpai: Ay hala siya! May pinaglalaban ka, Ate? May reklamo ka?

Muntik ko nang mabitiwan ang cellphone nang magpop ang reply niya. Napatalon pa ako’t napasuntok sa ere. Natigilan lang nang may napalingon sa ‘kin na mga naglalakad sa beach at binigyan ako ng weirdong tingin.

Tahimik akong naupo ulit. Nagpatay-malisya.

Nangingiti.

Hindi ko alam na effective ang gano’ng strategy. Kung alam ko lang, ‘di sana dati ko pa ginawa.

Blackmailing.

Ginaya ko lang naman ‘yung kabaliwan nung “babaeng reader” na bida sa story ni AB. ‘Yun ang mga sinabi ng reader doon sa “guy writer.”

Kaso ang nangyari binlock nung writer ‘yong reader.

Nag-alangan pa ako kanina kasi baka i-block din niya ako. Pero kung ibablock niya, madali lang naman gumawa ng bagong account.

Kung siguro hindi ko nabasa ang diary niya, ‘di ko magagawa ang mga bagay na ginagawa ko ngayon.

Kung ‘di rin siguro sa mga panunulsol ng mga tukmol, baka magpapakatorpe na lang ako at hihintaying dumating ang tamang panahon.

@KD_oppa: I am a guy, actually. Can’t you see the ‘OPPA’, AB Senpai?

@AlphabetSenpai: Oh, really? You’re a guy? But you act like a girl. I bet you’re gay!

@KD_oppa: You’re so cute, Senpai.

@AlphabetSenpai: DON’T SENPAI ME!

@KD_oppa: You can call me OPPA, Senpai. I won’t mind.

@AlphabetSenpai: Did you just send me a message to pester me off?

@KD_oppa: Masungit ka ba talaga sa mga readers mo, Senpai?

@AlphabetSenpai: Sa mga readers lang na ‘di marunong lumugar katulad mo.

@KD_oppa: What did I do? I just want you to notice me. Was that a crime? Then you’re guilty, too… because you stole something from me.

@KD_oppa: You stole my heart, Senpai!

@AlphabetSenpai: STOP IMITATING MY CHARACTER!

@KD_oppa: Hahaha. Galit ka na, Senpai? Ang kulit kasi ng character ni Bettina. Bakit ba binlock siya ni @IamKingLion? Sila ba ang magkakatuluyan sa huli? Sana happy ending at hindi tragic, Senpai.

@AlphabetSenpai: Bakit ba nangingialam ka? Gusto mo iblock din kita?

@KD_oppa: I know you can’t do that to your avid reader, AB Senpai.

@AlphabetSenpai: Wanna bet? I don’t need an annoying reader like you. ‘Di ka kawalan!

@KD_oppa: Are you serious?

@AlphabetSenpai: DO YOU THINK I’M JOKING?!

@KD_oppa: No! No. Don’t block me.

@KD_oppa: Wala akong masamang intensiyon.

@KD_oppa: I just want you to notice me.

@KD_oppa: Matagal na akong nagpapapansin pero ngayon mo lang nabigyan ng atensiyon.

@KD_oppa: Gusto ko lang naman maging kaibigan ka.

@KD_oppa: I swear, I’m harmless.

@KD_oppa: Don’t block me, Senpai. Please?! >_<

@AlphabetSenpai: HAHAHAHAHA

@AlphabetSenpai: What’s your facebook account, Oppa?

@KD_oppa: Ha?

@AlphabetSenpai: You want us to be friends, right? ‘Di mo na ako maaadd kaya ako na lang mag-aadd sa ‘yo. Don’t worry, ‘di ako galit. Hahahaha. Nantitrip ka kasi, eh. Kaya nantrip ako pabalik. ‘Di mo naman pala kaya panindigan. HAHAHAHAHA. So, ano’ng facebook mo, Oppa?

@KD_oppa: SHIT!

@AlphabetSenpai: Minumura mo ba ako?

@KD_oppa: No. No. Ano… masaya lang. Sorry. Hindi mo nga pala gusto ang mga nagmumura.

@AlphabetSenpai: What? How did you know that?!

_._._



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE