Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

DD,

Bakasyon na naman. Kapag bakasyon, ibig sabihin... malapit na ang Piesta sa barangay namin. At isa lang ang ibig sabihin nun, may mga palaro na naman si Kapitan. Paliga sa basketball, volleyball girls and boys, baseball, sabong at peryahan.

Active na active na naman si Lolo Matikas sa sabongan. Pati sina Tito Polo. May sarili nga silang alagang manok na sinali sa sabong, eh. Nanunuod lang ako. Sa pula, sa puti. Pero hindi naman pula ang manok, kulay itim na may orange.

Nagtitinda rin ulit kami ni Lola Marikit. Tinutulungan ko si lola, mga tinda rin kasi 'yon ni mama na tinubuan lang ni lola. Mabenta ang mga ice tubig, ice candy, yosi, malalaking chichirya, chicharon at mani, softdrinks, beer at red horse. May malaking cooler na maraming yelo, doon nakalagay ang mga bote.

Kapag nauubos nga ang tinda namin, inuutusan ako ni lola na magbike pauwi sa bahay, dala-dala ang basket para kumuha ulit ng tinda. Galing-galing ko na kaya magbike. Grade 6 na ako sa pasukan, eh.

'Di ko na sinulat sa 'yo mga nangyari nung Grade 5 ako, DD. Gano'n lang din naman kasi sa Grade 4. Walang kakaiba. Saka busy ako. Siguro ang achievement ko lang nun ay nung sumali ako sa Quiz Bee sa Math. Second place ako nun overall sa division namin. Saka 'yung sa Sports Olympics. 3rd place kami sa volleyball girls. 2nd ako sa badminton at champion sa table tennis. Wala. Mas bet ko lang talaga ang table tennis.

If you really put God first before anything else, mag-uumapaw po talaga sa mga blessings at talents.

Asan na nga tayo? Ah, 'yon... piesta. Hirap na hirap akong magbitbit nung basket ng mga paninda habang nagbabike. Hinahabol ko pa ang oras dahil may laban ng basketball si igso Levi. 'Yung crush ko na inaanak ni mama. Seven years yata tanda sa 'kin. Or eight. (Dumadami crush ko lately. Crush is paghanga lang naman daw. Sulitin na. Libre lang naman magkacrush, eh.) Kapitbahay namin 'yon at palagi kong nakakalaban sa table tennis. Natatalo ko nga, eh. Kaso ang galing niya magbasketball. Sila pa ng dalawang kuya niya.

At dahil din sa kanila... minahal ko ang basketball. Pinangarap kong makapag-asawa ng basketball player. At kahit naglalaro ako ng ibang sports, basketball ang number 1 sa puso ko. Lakas lang makaimpluwensiya ng mga Seriozo. Ang ganda siguro kapag ang apelyidong 'yon ang dinugtong sa pangalan ko.

Angelica Bianca de Makapili Seriozo. Ang bongga!

*.*.*

< Kudos Pereseo >

Napahinto ako sa pagbabasa. Nanlalaki ang mga mata. Nakng! Seryoso? Seriozo ang apelyido?

That's my middle name, AB!

Muntik pa akong matisod ng sariling paa nang bumaba sa double-deck kamamadali. Mabuti 'di ko nagising si Risk na mahinang humihilik. Hinintay ko lang talaga makatulog ang tukmol bago magbasa ulit. Kanina pa niya ako kinukulit kung sino si AB, pero 'di ko sinasagot. Bahala siya.

Paano ko ipapakilala ang taong 'di ko pa nakikita?

Binunot ko sa charger ang itim na cellphone na second hand din katulad ng laptop ko. Pinagsawaan din 'to ni Risk at ako ang sumalo, iPhone 6. Sayang naman. Balak nang itapon ng tukmol, eh. Punong-puno pa nga 'to ng porn nang ibigay sa 'kin.

2:03 AM na sabi ng screen ng phone.

Napapindot ako sa tuktok ng tainga. Paano ko tatawagan si Master nang ganitong oras para lang tanungin kung saan ang probinsiya niya?

Ang mga kamag-anak ni Master ay taga-probinsiya. Pero dito sa Lungsod si master ipinanganak at lumaki. Kaya hindi niya rin nababanggit sa 'min madalas ang province nila.

Hindi kaya nagkataon lang na Seriozo rin ang apelyido? Nakng! Gaano ba karaming Seriozo sa Pilipinas?

Bumalik na lang ako sa taas ng double-deck at nag-alarm ng ala-sais; 7:30 AM ang unang klase ko, pero nagpupuyat ako.

Dinampot ko ang diary at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Sana lang 'di ako makatulog sa klase bukas.

*.*.*

Angelica Bianca de Makapili Seriozo. Ang bongga!

Nakikisigaw pa ako ng... "Go, Seriozo! I-shoot mo lang nang i-shoot ang bola. Ang galing mo na, ang g'wapo mo pa!" Natatawa si Igzo Levi 'pag naririnig ang boses ko. Kinikindatan niya pa nga ako, eh. Nanalo sila. Tapos nilibre niya ako ng barbecue.

Mas kikiligin sana ako kung bumili siya sa mga paninda namin ni lola. Pero ayos lang, masarap naman ang barbecue ni Ante Cara.

Tapos nakita ko sina Rury kasama si Brent at ilang mga pinsan niya. Sumama ako sa kanila sa peryahan. Kung ano-ano nilaro namin. Merong maghahagis ng piso at dapat sakto doon sa square, iba't ibang kulay, maglalagay ng mga barya at dapat doon babagsak ang ilaw. May mga stuffed toys, chichirya at kung ano-anong makukuha. Marami pang ibang laro. Naubos nga barya ko na binigay ni lola, wala naman ako masyado napanalunan.

Feeling ko, may daya 'yon. Ang dugas!

'Yung dalawang piso na natira sa 'kin, binili ko na lang ng Hany Coin at Hany Bar. Masarap 'yon, eh. Tapos plinansiya ko 'yong kumikintab na foil gamit ang cover. Saka ko ginawang braces sa ngipin. At habang naglalakad ako, nakangisi ako sa mga kakilala ko. Natatawa pa nga sila. Sinasabihan ako ng... "Baliw ka talaga, AB!"

Sus! Ako, baliw? Ha! Ang cute kaya nung braces.

Kinagabihan, routine ko na ang panunuod ng Darna... gabi-gabi. Tapos na kasi ang Mulawin ng ChardGel (Angel L. and Richard G.) tapos ang pumalit ay Darna ni Angel. Muntik ko pa nga subukan ang lumunok ng puting bato baka sakaling maging si Darna rin ako.

Pagkatapos ng Darna, nangapitbahay ako kay na Lola Marikit at Lolo Makisig. Nagpaturo ako kay lolo ng Solitaryo. (Solitaire in English.) Naamaze kasi ako kapag nakukumpleto ni lolo ang laro. Ang alam ko lang kasing laruin sa baraha ay ungguy-ungguyan at pusoy dos na palagi naming nilalaro magpipinsan. Palagi ngang ubos ang pulbo ni mama dahil inilalagay namin sa mukha bilang parusa. Tapos nung pinagalitan kami, uling na lang ginamit namin. Haha.

O kaya pinupudpod namin ang lipstick ni mama.

Nagpakwento rin ako kay lola kung paano sila nagkakilala ni lolo. Sabi ni lola, naglalakad daw si lolo ng 5 kilometers palagi para lang manligaw sa kanya. 'Di pa kasi uso ang bike nung kapanahunan nila. Nanghaharana rin. Naiinggit tuloy ako. Feeling ko kasi sa panahon namin, hindi na uso ang ganyan. Ang dami na ngang may mga kabit, tulad ni papa, naglolokohan.

Paano pa kaya sa future? Ano na lang ang mangyayari sa mga kabataan?

Sabi ni lola, kapag daw mahawakan ng lalaki ang kamay ng babae... dapat pakasalan nung lalaki ang babae. Eh, ba't 'yong kaklase ko hinalikan 'yong classmate kong babae sa lips, dapat magpakasal na sila, 'di ba? Pero wala.

Paano pa kaya sa future? Siguro, kahit may nangyayari na... wala pa ring kasalang magaganap.

Nagtataka ka siguro, DD mylabs, kung bakit curious ako at medyo marami na akong alam pagdating sa pag-ibig, ano? Nagbabasa kasi ako ng romance novels, eh. 'Yung mga pocketbooks. Hinihiram namin ni Ate Shane kay Tita Grace. Marami kasi siyang pocketbooks collection.

Pinapagalitan pa nga ako ni mama kapag nahuhuli niya akong nagbabasa sa gabi. Nagpupuyat kasi ako palagi. Pinapatayan niya ako ng ilaw. Eh, hindi niya alam na may nakatago akong lighter na may flashlight. 'Yun ang ginagamit ko sa pagbabasa. Utakan lang 'yan, Mylabs. Hahaha

PS: May bago na akong pangarap kapag lumaki ako. Parang 'yong apelyido ng crush kong Seriozo, seryoso rin ako. Gusto kong maging writer. Sana matupad ko. Nagsisimula na nga akong magsulat ngayon, eh. May naisip na akong plot at title. "Crush, I love you." Tapos ang concept... bakit kaya nahihirapan tayong sabihin sa crush natin ang feelings natin para sa kanya?

Pero feeling ko, Mylabs... corny.

Writer wannabe,
Angelica Bianca C. de Makapili

... ... ...

AlphabetSenpai's WOW

Do the things you love, while you're still young. Keep learning. Try to discover your talents. Challenge yourself. Don't be afraid to take risks. Fall in love. You'll get frustrated and hurt, but that's what makes you stronger and braver as you get older.

Spend your time on the things that bring you happiness and serenity. Because the reality is none of us are getting younger. Remember that life is too short and you only have one shot in life.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE