Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

< Kudos Pereseo >

Search: How to know if you are in love?

Mahigit dalawang libong results ang lumabas sa google. Napapisil ako sa tainga, nangingitngit, dahil hindi alam kung saan ang unang bubuksan na article.

Umingit ang pinto ng k'warto. Hindi na ako lumingon. Amoy pa lang ng pabango, alam ko ng si Risk. Ilang beses na ba akong kumupit ng pabango sa kanya?

"Kudos boy, Happy Birthday! Binata ka na. P'wede nang magpaputok." Malakas niya akong hinampas sa balikat. Lumagatok talaga ang buto. Nakng!

Ginantihan ko nga ng suntok. Kaso nakailag ang tukmol. Sumilip siya sa laptop. Bago ko pa maitiklop, nabasa na niya't humagalpak. "Tsk. Tsk. Malupet! Ang lakas ng tama mo kay Angel. Hindi ka naman mahal nun!"

Tokwa! Gulpihin ko kaya ang lokong 'to?

Itinabi niya ang laptop at nakisiksik sa paghiga sa kama ko. Ipinatong ang ulo sa nakasalikop na mga braso. Tumitig sa kisame. Siya nakahilata, ako nakadapa kaya bigla akong umupo. Kinunutan siya ng noo dahil umaalingasaw ang alcohol.

Ngayon nga lang dumating. Mag-aalas dose na ng gabi. Buti nga... nabati niya pa ako dahil patapos na ang March 13. Nakauwi na ang mga bisita, kanina pa. Gano'n din sina Magnet, Angelito at mga tukmol. Pumunta rin ang ibang mga teammates ko sa varsity sa basketball. Hindi lang natuloy si Train. May emergency. Babawi na lang daw siya. Manlilibre.

Naibalik ko na rin ang diary ni AB kay Magnet.

Kasi gusto nilang kunin. Kasalanan naman daw nila, umpisa pa lang. Malungkot ang expression ng mukha. Tipong may gustong sabihin... pero hindi itinutuloy. Binati lang ako. At tinapik sa balikat. Saka humingi ng sorry.

Pero hanggang mag-uwian sila... walang Angelica Bianca na nagpakita.

Bumuntong-hininga ako. "May problema?" untag ko kay Risk.

Hindi naman 'yan palainom. At tiyak na makikitulog siya sa k'warto ko ngayon. Nag-away yata ulit sila ni Tita Minerva. Kaya hindi siya nakarating nang maaga?

O may iba pang rason?

Gawain na niya ang pagtakas sa kanila... at makikituloy dito simula nung bata pa. Alam niya kung saan nakalagay ang susi namin sa main door kaya nakakalusot kay na Bossing at Master.

Nakng! Gago, eh. Kahit gaano pa kabigat ang problema... 'di 'yan nagsasabi. Maliban na lang kung mabuko o macorner namin.

"Bakit si Angel ang nagustuhan mo, Boy? Flat screen 'yon-"

"Nakng! Lumayas ka kung mambibwisit ka lang."

Humagalpak siya. Sumisilip ang dimple sa kaliwang pisngi. Saka tumikhim. Natahimik kaming dalawa. May problema nga. Sobrang halata. Eh, ayoko namang magtanong. Kahit na best friend ko ang tukmol (kahit 'di halata), mas okay kung siya ang magsasabi nang direkta.

Wala namang kaso sa 'kin... kung makikinig lang ako.

"Malalaman mong in love ka..." Banayad niyang usal. "Kapag lahat ng desisyon mo... palaging siya muna ang maiisip mo, bago mo gawin. Na mas okay nang mawasak ka, basta buo lang siya. Na lahat ng salita niya... nagiging batas. Na handa kang gawin ang lahat para sa kanya. Na ang dami mong pinapangarap na maranasan... basta siya ang kasama. Kung ganito ang nararamdaman mo... in love ka."

Naningkit ang mga mata ko, naweirduhan sa mga katagang sinabi ni Risk. Nakainom nga. Nagiging ibang tao lang naman ang tukmol na 'to, tipong may split personality... o nagiging malalim kapag nakainom.

'Yong hindi mo maiisip na babaero at marami nang ginago.

Sinapian yata ng alien o mahabaging espiritu.

"Tokwa! In love ka ba?"

Tiningnan niya ako. Nabwisit lang ako sa pagngisi niya. "Kudos-babes, I love you..." Napasadsad ako sa dingding nang bigla siyang bumangon at niyakap ako. Ibinaon ang mukha sa dibdib ko at suminghot-singhot. "Marry me!"

Nagtangis ang mga bagang na sinapok ko siya. "Risky boy!" Tukmol talaga.

Humagalpak ang loko. Lumayo. Sinuklay ng kamay ang nagulong buhok sa bandang noo. "Nasa labas 'yong regalo kong isang ref na Chuckie-babes. Wala na akong maisip, eh." Nailing na lang ako. Hindi alam kung matutuwa ako o maaalibadbaran.

Muli siyang nahiga. "Pumunta ba si Angel? Binati ka? Ano regalo?"

Agaran ang pag-iling ko. "Birthday gift? Binlock ako." Nagsalubong ang mga kilay niya. "Sa twitter at facebook."

Hinimas ni Risk ang baba. Mataman lang na nakamata sa 'kin. "Suko ka na?"

Huminga ako nang malalim. "Sabi mo nga, hindi ako mahal."

"Susuko ka na nga?"

Hindi ako nakakibo. Nagkibit na lang ng balikat.

Ano pa bang magagawa ko... kung ayaw nga sa 'kin?

"First-timer..." Umiling si Risk. Sumandal sa mahabang unan. Habang ang isang unan nakapatong sa kandungan... binubuksan ang zipper at muling isasara. Iniisip niya sigurong babae 'yong unan. "Alam mo kasi, Boy... may pitong klase ng babae.

"Una, virgin. Natatakot makipagcommit kasi wala pang experience. At ang madalas na gusto nila... 'yong unang boyfriend, siya na rin ang huli. Pangalawa, gamit na gamit. Laspag na ang puso. Ilang beses nang nagmahal; ilang beses na ring nasaktan o niloko. Kaya ayaw nang sumubok ulit kasi... mayroong trust issues. Pangatlo, komplikado. Sa dami ng problema sa buhay, pamilya o kung ano man... wala ng panahon para sa mga lalaki o pakikipagrelasyon. Pang-apat, pa-hard-to-get. Nagbibigay ng motibo pero hindi isasagad... hints lang. At kapag nagustuhan mo na... papahabulin ka muna, pahihirapan bago mo makuha. Panglima, mahal ka. Naghihintay lang na mapansin mo rin siya. 'Yon nga lang... desisyon mo na kung gugustuhin mo rin. Pang-anim, kaibigan mo. May major rule na walang talo-talo. Pang-pito, taken. Kahit na gaano mo pa kamahal kung ganito na ang status... back-off."

Kung literal na nalalaglag ang panga... kanina pa bumagsak ang sa 'kin. Nakng! Minsan lang magsabi ng mga ganito si Risky boy. Madalas puro kalokohan at kamanyakan.

Kaya gusto kong nakainom 'to, eh. Mas matino. Baliktad. Katukmolan.

Patanong pa lang ako, sinagot na niya... "Binase ko sa mga babaeng nakilala ko..."

Sabi ko nga. Ang dami niyang babae.

Babaerong wala pang ginagawang girlfriend. Puro flings.

Seryoso lang akong nakamasid sa kanya. Nakapatay ang ilaw sa kwarto pero may liwanag na nagmumula sa sala, na tumatagos sa nakaawang na pinto. Kaya kita ko ang reaksiyon ng mukha niya. May lamlam sa mga mata, at gatla sa noo.

May problema talaga siya?

Nakabuntis siguro ang tukmol na 'to.

"Kung gano'n... bakit wala kang girlfriend?" Hanggang kalandian lang alam niyang gawin, eh.

Kung tutuusin, kung gugustuhin niya... kayang-kaya. Siya kaya ang habulin. Tapos ang galing pang mang-uto ng babae.

Ngisi at kibit-balikat lang ang napala ko. Sarap sapokin. Lahat ng tungkol sa 'kin... alam niya. Siya? Masikreto. Ni hindi ko nalaman kung ba't sumugod mga kuya ni Paris sa school. Kaya niya naman sarili niya. Pero... nakng! Bahala nga siya. Matanda na siya.

"Ikaw ba, Birthday boy. Gusto mong maging girlfriend si Angel?"

Tumahimik na lang ulit ako. Tukmol! Nagtatanong ng obvious ang sagot.

Mukhang nahalata niya naman na kailangan ko ng 'words of wisdom' niya... kaya nagpatuloy siya. "Kung nasa ikapitong category si Angel, mahirap 'yan. Kailangan nang tigilan. Pero ang alam ko... single siya."

Hindi ako nagkomento. Pero tutok ang atensiyon sa kanya. Madalas kasi ang mga sinasabi ni Risk... malakas ang impact. Kaya nga may kalokohan na golden rule na may golden line kaming mga tukmol.

"Malupet! Mukhang kailangang-kailangan mo ng advice, ah. Sobrang lunod na ba?" Ang lakas ng tawa niya. Pero natahimik din dahil hindi ako nakitawa. "Kung pasok sa isang category lang out of seven, madali. Kaso kung umabot sa tatlo o pataas... mahirap tibagin ang pader. Sa kaso ni Angel? Six out of seven 'yon."

"Three out of seven lang pala..." Mabilis niyang bawi. "Hindi mo naman kasi kaibigan... at hindi ka rin mahal." Tapos tumawa ulit siya.

Nakng! Magugulpi ko na talaga ang tukmol!

"Seryoso, Boy..."

"Seryoso 'yon." Tumitig siya sa 'kin. "Sinubukan ko, 'di ba?"

Naumid dila ko. Napalunok. "S-Sinubukan mo talaga?"

Itinaas-baba niya ang mga kilay. Kumurba ang gilid ng labi. Tipong nang-aasar. Ang sarap bangasan!

"Mahal mo na ba?" tanong niya.

Hindi ulit ako nakakibo. Bakit ba kailangan pang magtanong ng obvious? Kailangan pa bang sagutin? Hindi na lang pansinin sa kilos?

"Kung hindi mo naman mahal, 'wag mo nang ituloy. Dahil real talk... mahihirapan ka sa baliw na 'yon," litanya niya. "Pero kung lunod na lunod na... kahit mahirap, kailangan mong matutong lumangoy.

"Don't get tired and give up so easily until she became yours. Falling in love for someone for real isn't happening every day; it's like... once in a blue moon feeling. If you really feel that she's the right one, why not fight and give your all? Risk everything.

"Siya ang mahal mo, eh. Bakit lilimitahan mo ang sarili? Kahit gaano pa kasakit. Kahit gaano pa kahirap. Kahit sino pa ang humarang. Kung sa kanya ka sasaya... at alam mong sa bandang huli, sulit lahat ng ipinaglaban at sakripisyo mo... bakit hindi gawin ang lahat? Effort, Boy!" Tumango-tango siya. Wala na yatang ikukunot ang noo ko.

Ako pa ba ang pinagsasabihan niya sa mga oras na 'to?

"Walang babaeng ayaw ng maeffort, ng handang ipaglaban sila hanggang sa huli. Doon kasi sila mas nahuhulog. Trust me!"

Inilagay niya ang kamay sa ilalim ng baba at ngumisi. "Bonus na lang 'yong mala-greek god na itsura katulad nito... Lupet, 'no?"

Napa-tsk ako. Nakngtokwa! Tukmol talaga. Okay na sana... kaso natangay ng kahanginan.

"Nainlove ka na ba?" Ang daming alam, eh. Sarap supalpalin.

"Birthday mo, ikaw ang topic dito..." Lakas makalusot. Bumalik siya sa pagkakahiga. Nahiga na rin ako.

"Walang tao na hindi naiinlove," mahina niyang sambit.

"Seryoso, Risk..." Napahawak ako sa tainga. "May problema ka ba?"

Tumagilid siya. Humarap sa 'kin. Walang kangiti-ngiti. Saka seryosong nagsalita. "Nakabuntis ako, Boy..."

"Sabi ko na nga ba-" Napabalikwas ako ng bangon. "A-Ano? Seryoso?" Wala na yatang ilalaki ang mga mata ko. Ang tukmol! Kaya pala. Pinalayas siguro ni Tita Minerva. "S-Si Paris ba? Nabuntis mo si Paris-?"

Hinampas niya ako ng unan sa mukha. Nakng! Muntik pa ako mauntog sa pader. Ang lakas ng impact. Naalog yata bungo ko.

"Ang ingay mo..."

"T-Tokwa!?" Nalaglag panga ko. "Nabuntis mo nga?"

"Siraulo! Hindi..." Umiling siya. Napakamot sa ulo. "Wala pa akong balak buntisin."

"Tukmol ka, Risk!"

"Ano?"

"B-Balak mo talagang buntisin si Paris?"

Nahampas niya ulit ako ng unan. This time, nauntog na ako sa pader. "Ogag! Hindi. Ang sabi ko, wala pa akong babae na balak buntisin." Tumawa siya kalaunan. "Masyado kang nagpapaniwala. Hindi ako nakabuntis. Malabo 'yon. Lalo na si Klarisse."

Tinitigan ko lang siya habang hinihimas ang likod ng ulo. "Walang malabo sa status na laspag na laspag."

"At least hindi tuyot na tuyot..." Umilag siya nang tinangka kong sapukin. Humagalpak lang ang tukmol.

Bumalik ako sa pagkakahiga. Dumaan ang ilang sandali na tahimik kaming dalawa. Nilamon ng mga tanong ang isip. Lalo na siguro si Risk. Ang lakas talaga ng kutob ko... may tinatago ang tukmol na 'to.

Hindi naman siguro siya nakabuntis talaga?

"Boy..." Ang tagal ko nang gustong tanungin 'to sa kanya. Ah, natanong ko na dati... pero hindi niya sinasagot. "Wala ka talagang gusto kay Paris?"

Kung nakabuntis nga siya, kawawa ang isang 'yon. Malakas pakiramdam ko... may magpapakamatay.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Risk.

"Mahal na mahal ka nun. Kung wala ka naman balak mahalin. Sana naman, Boy... 'wag harap-harapan..." tukoy ko sa mga kabalbalan niya. "Alam mo naman sigurong ilang beses ka na nung iniyakan-"

"Kudos boy..." pagputol niya sa 'kin. "Shhh..." Inilagay niya ang hintuturo sa tapat ng bibig niya. Kumunot ang noo ko nang bigla siyang tumalikod sa 'kin. Saka ako nakarinig nang malakas na sumabog. Nakngtokwa! Umutot ang tukmol.

Whistle blow.

Ako naman ang humampas ng unan sa kanya. Habang si Risk... ang lakas ng hagalpak. Tukmol talaga. Tinakpan ko ang ilong. Nakng! Pamatay... tokwa na 'yan.

Pumunta ba siya dito para bigyan ako ng words of wisdom, o gusto niya ng makakausap... o sadyang nagpapalaganap ng katukmolan?!

_..._..._

TIRIK ANG araw. Mag-aalas-tres ng hapon. Maalinsangan ang hangin. Ramdam na ramdam ang summer sa bawat pawis na humahalik sa noo, at humahaplos sa katawan ko.

Tumakbo ako sa kabilang side ng open court. Para dumipensa sa kalaban. Maingay ang bawat kaskas at hampas ng mga sapatos sa sahig. May iilang babae na tumitili sa gilid. Mga nakikiisyuso sa pustahan.

For the past few weeks, madalas akong sumasama sa imbitasyon ni Train na dumayo sa pagbabasketball. Noon, paminsan-minsan. Mas trip kong makipaglaro sa may kanto sa Antipolo... kasama ang mga tukmol.

Kaso... nakabalik na si Kuya Yuen sa Guam. Mas napaaga ang flight. Kaya walang nag-aasikaso para sa mga ganito.

At... kailangan ko ng gagawin para magpalipas ng oras, at 'wag munang mag-isip ng mga kung ano-ano... kahit saglit lang.

Ganito ang pinagkakaabalahan ko kapag walang summer classes. Sumasama kay Train. Dalawang linggo na rin matapos kong magsend ng confession sa Wattpadislove. April 14 na ngayon.

Subalit walang naging progress dahil... hindi ako kinokontak ni AB. Kahit nina Magnet o si Angelito.

Bumuntong-hininga ako. Umiling.

Don't overthink.

Itinuon na lang ang buong atensiyon sa pagdedepensa. Ito ang kailangan ko. Distraction. Matinding distraction.

Lamang ang kalaban ng isang puntos. 78-77. At wala ng dalawampung segundo sa oras.

Nakakabingi ang hiyawan. Lalo na at nakidayo lang kami ni Train dito sa Marikina. Mga lalaking madalas na sumasali sa mga paliga sa barangay. Marami silang tagahanga. Mas sikat pa yata sila kaysa sa 'ming mga intercollegiate players. Mas bihasa na rin dahil masyado silang pisikal maglaro. Nangbabalya. Ilang beses na akong nasadsad sa semento. Nagkagalos na ako sa tuhod at siko.

Wala naman matinong referee. Katuwaan lang sana 'to. Kaso katulad ng panahon... uminit ang laban. Naglalagablab simula nung sumalaksak si Train kanina. Muntik nang magpaamok 'yong isa sa mga kakampi namin at 'yong burdado ang katawan sa kabilang panig.

Pangisi-ngisi lang si Train. Mukhang wala naman talab sa kanya ang nangyari. Tinapik niya lang ako sa balikat... saka bumalik sa depensa.

Hindi ko nga kilala kung sino sila. Kahit ang mga kateammates ko. Si Train lang. Paano niya ba nakilala mga 'to?

Sinungkit ko ang bola nang magside-step at balak mag-drive ng binabantayan ko. Tumama ang bola sa dulo ng aking hintuturo... kaya kumawala sa pagdidribol. Naiwan niya ang bola. Saka ako kumilos para tapikin at magdribble papunta sa court namin.

Nagmura ang lalaki. Lumakas ang hiyawan. Sa sulok ng mga mata ko... may tumatalon at nagtutulakang mga babae. Ipinilig ko ang ulo, kumunot ang noo. Kokonti lang sila kanina. Bakit... dumami bigla?

Umiral ang natural na pagiging sharp-eyed sa loob ng court. Nasanay sa tagal na pagiging point guard, minsan small forward. May mga humabol sa 'kin. Nagtakbuhan din ang iba kong kakampi... para tumulong.

Nauuna si Train, suminyas sa 'kin. Pagsulyap ko sa oras... pitong segundo na lang.

Hinihingal na rin ako. Mas nakakadrain ang larong 'to kaysa sa finals game last year. Pisikil masyado. At tirik na tirik ang araw. Open court at tumutusok sa balat ko ang init. May pakiramdam ako na namumula na ang buong mukha ko. Wala na ring tuyong parte sa suot kong number 13 jersey na blue.

Si Train nga na sadyang tisoy... pati leeg at tuktok ng tainga... sobrang pula na. Namumula lang, hindi nangingitim.

Pinasa ko ang bola kay Train. May humarang. 'Yong maraming tattoo na balak yatang tupukin sa umaapoy na titig si Train. Sa intense ng aura, at panggigigil ng mga pangil... kapag ibinalya niya ang katawan kay Train... tiyak matutuloy ang naunsuming pag-aamok nitong si burdado.

Kaso si Train... kalmado. Naningkit lang lalo ang mga mata sa pagkurba ng mga labi. Nanghahamon ang ngisi. Idinribol pa ang bola sa pagitan ng mga binti.

Nangiti ako. Ibang klase.

Muling suminyas si Train. Kaming dalawa lang nagkakaintindihan nun. Binilisan ko ang pagtakbo. Gumilid si Train doon sa burdado. Umikot. Ihinagis niya ang bola sa ere. Malapit sa ring. Tumalon ako. Sinalo ang bola. Sinalaksak sa ring.

Paglapag ng mga paa ko sa sahig... malakas na 'woooh' ni Train na nakihalo sa mga tilian ng babae ang halos bumalot sa buong paligid. At mga malulutong na mura nung burdado.

Sumugod sa 'kin si Train. Sabay kaming naghalf-jump para magbody-bump. Hinampas ang mga kanang palad sa isa't isa, harap at likod... tig-dalawang beses, nagfist-bump at inilayo ang mga sumasayaw na daliri. Pauso niya 'to. Lalo na kapag nananalo kami sa game.

Nakitawa ako sa kanya nang ginulo niya ang buhok ko. Napailing na lang ako. Déjà vu kasi. Ganito rin ang eksena sa finals game namin. Ang winning shot. Buzzer-beater. Mula sa kanya ang assist. Kung siya nga ang huling tumira sa bola... baka siya ang MVP.

Mas naeenjoy ko ang paglalaro ng basketball kapag kasama siya sa court. Nakakahawa kasi ang pagkahyper niyang maglaro. Ibinabase niya rin kung paano siya kumilos... sa kalaban niya. Kung maangas ang kalaban, kaya niyang makipag-angasan.

Hindi tulad ko na walang masyadong reaksiyon kahit makascore. Nadadala lang talaga ako sa kanya. Captain na captain ang kilos, eh.

Maliban sa mga tukmol... si Train ang masasabi kong tunay na kaibigan. Magaling kasi siyang makisama. At napagsasabihan ko rin. Pursigido pang magturo magluto.

"Kudos kay Mr. MVP!" Sinundot niya ako sa tagiliran. "Kapag nakita kang maglaro nung chix mo, Pre. 'Di ka na pahihirapan nun."

"Anakan mo ako, Mr. Pereseo!"

"Paputukin mo obaryo ko, Mr. Zapusumo!"

Sabay kaming bumaling sa mga nagtilian sa gilid. May mga babae at bakla na mukhang senior high students. (Kaso mga naka-civilian.) Sumaludo si Train sa kanila. Kita ko ang paghyperventilate nung isang bakla. Tumalon-talon. Nanghampas ng katabi. Nagflying-kiss sa 'min. Inalog ang katawan. Tapos nagkunwaring nahimatay. Pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay.

Ang lakas ng tawa ni Train. Malupit talagang makisakay sa trip ang isang 'to, eh. Kinagat ko ang labi, naiiling habang nakatitig sa likod ng jersey niyang may naka-imprint na Zapusumo at number 11.

"Anong oras na pala, Pre?" baling niya sa 'kin pagkatapos.

Nahagip ng mga mata ko ang dumaan na dalawang bulto sa likuran niya banda. Pamilyar. Nakilala ko agad dahil bigla silang tumigil sa paglalakad at naramdaman yata ang titig ko. Nilingon nila kami. Na bigla nanlaki ang mga mata... pagkakita sa 'kin.

Binalak pang magtago ni Magnet pero napigilan siya ni Angelito at pasimpleng gumilid sa mga nakalandscape na santan.

Agaran ang pagkangarag ng buong sistema ko. Nabuhay lahat ng emosyon. Sinilaban. Kaya nagningas agad-agad. Parang manunupok. Mabilis ang bawat tahip ng dibdib. Hindi 'yon sa pagod o dahil hinihingal pa ako.

Ano'ng ginagawa nila dito?

"L-Lagpas alas-tres yata," wala sa sariling sagot ko kay Train.

Bigla siyang naalarma. Mahina akong tinapik. "Sige, Pre. Mauna na ako. May lakad pala kami..." Kinaltukan niya ang sarili. Tinakbo niya ang CR.

Paglingon ko sa p'westo nina MM... wala na sila dun. Kumurap ako. Namalikmata lang ba ako?

Pinunasan ko ang pawis sa noo gamit ang likod ng kamao. Parang gustong maghubad ng suot na jersey sa sobrang init ng panahon... at pakiramdam.

May sariling buhay ang mga mata kong naglakbay sa buong paligid. Pinadaan sa bawat sulok. Hindi pinansin ang mga impit na tilian kapag nahagip ko ng tingin... pero blurred silang lahat.

May bultong hinahanap ang mga mata ko.

I really feel that... she's here.

Hanggang sa tumigil ako sa pag-ikot. Tila hinampas ng martilyo ang dibdib. Gustong huminto sa pagtibok ang puso pero parang nang-aasar dahil mas lalong bumilis. Nafocus ang buong atensiyon ko sa babaeng nakabun ang buhok, may nakalambitin na maliliit na kulot na hibla sa gilid ng mga tainga. Nakasuot ng light green na statement shirt na nakatupi ang mga manggas. Tinernuhan ng kupas na maong na may malaking mga butas sa magkabilaang tuhod at dark green with white strips na Vans shoes.

Her shirt was imprinted with... "STAY POSITIVE. YOU ARE LOVED."

I don't know what to feel right now.

Automatic lang ang pagkurba ng mga labi sa isang ngiti.

Sht! Sht! I really miss her.

So. Freaking. Bad.

Halos isa't kalahating buwan na ang lumipas nang huli ko siyang makita. At lahat ng gusto kong patayin na pakiramdam... nabuhay lahat. Tipong natuyong halaman na isang sulyap lang sa kanya... namulaklak na, gusto pang magkabunga.

And here are the signs I've been waiting for.

Bago makatulog si Risk sa k'warto ko... nabanggit niya ang tungkol doon. Kung gulong-gulo ka na sa mga dapat mong gawin, magpapaulan ang tadhana ng mga signs. Signs kung dapat mo pa bang ituloy... o tigilan.

Today, I received three signs.

Kanina bago ako pumunta dito... nakita ko ang nakatagong garapon na naglalaman ng mga notes na ginawa ko para kay AB. (Na hindi ko na yata maibibigay pa sa kanya.) At ang flames na sinubukan ko dati. Saka ko napansin ang mali sa computation; 8 + 8 = 16 at hindi "sweet" ang dapat na resulta nun... kung hindi, "marriage."

Basic. Walang sense kung tutuusin. Kaso nakita ko sina Angelito at MM.

Then, now... here she is, standing in front of me.

Not just an illusion... but a real person.

Si tadhana na ang gumawa ng paraan.

All I need to do is walk towards her and never turn away.

Nagtitipa siya sa cellphone niya. "Gosh! Bakit ba hindi sinasagot ng lalaking 'yon?" Hindi niya pa ako napapansin. Tumalikod siya. Sumulpot ang hinihingal na sina Magnet at Angelito. Parehas na natataranta at nanlalaki ang mga mata na itinuturo ako ng nguso nila. "Ano'ng nangyari sa inyo?! Nasaan na si-"

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik. Walang balak kalabanin ang emosyon. Ang pigilan ang sarili. Bahala na kung ano'ng mangyari. Gusto ko lang sundin lahat ng pinangangalandakan ng buong sistema.

Susundin ko si Risk. Itataya ko lahat.

Mabilis akong naglakad palapit. Hindi napigilan ang mapangiti. Umaapaw ang nararamdaman. Wala ng mapagsidlan. Kaya hahayaan na lang na umalab nang tuluyan. Nais ring kumawala ng puso. Nanayo ang mga balahibo. Wala akong ibang naiisip sa mga oras na 'to... kung hindi ang makasama siya.

Lumaban. Hanggang sa huli.

Patunayan na dapat niya akong bigyan ng chance. Kahit isa lang.

Niyakap ko siya mula sa likuran. Mahigpit. Isiniksik ko ang mukha sa pagitan ng kanyang leeg.

Ramdam ko ang pagtense ng katawan niya. Ang pagsinghap. Sabay ang pagtili niya sa nakakabinging sigaw nina Magnet at Angelito na halos mahimatay kakatalon-talon. Gustong kumawala ni AB pero mas humigpit ang yakap ko.

Stay, AB. Please... please... don't go away.

Mariin akong pumikit. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko mula sa kanyang likod. Ang paninikip ng lalamunan. Ang pag-init ng mga tainga. Ang panglalata ng mga tuhod... ang panginginig ng buong katawan, sa pagsabog ng emosyon. Lahat-lahat.

At wala na akong pakialam.

I just want to pause the moment. Na sana kaya talagang pahintuin ang paggalaw ng oras at pag-ikot ng mundo.

"A-Ay hala!" Inapakan niya ang sapatos ko. Marahas na siniko sa sikmura. Napapiksi ako. Lumuwag ang yakap ko dahil doon. Sinamantala niya 'yon para makawala. Magaspang ang tono... sumigaw siya. "Sino ka ba-?!"

Natigilan siya pagkakita sa 'kin. Nanlaki ang mga chinitang mata. Agaran ang pagtakas ng dugo sa mukha. Namutla. Halatang gulat na gulat dahil nabitiwan niya ang cellphone. Tinangka niya pang saluhin, pero tumama lang sa pulso niya't... tumalbog sa sahig.

Ngumiti ako. Alanganin. Nananantiya. Sobrang kabado sa reaksiyon niya. Na baka takbuhan niya ako. Layuan. Ewan ko kung kakayanin ko pa 'pag ginawa niya... ulit.

"Hi, I'm Kudos..." Lumunok ako. Kinagat ang labi. Nakng! Screw everything! I just want to say this to her... "Kudos 'di para sa kanya. Kudos 'di para sa iba. Kung 'di... Kudos Pereseo."

Kumurap-kurap siya. Pansin kong 'di siya humihinga. Nabasa ko ang pagsambit niya ng... "Oh, my gosh!" kahit walang boses.

Sa sulok ng mga mata ko, natutop nina MM at Angelito ang bunganga. Nanginginig sila. Ewan ko kung para saan o bakit.

Me too... I was trembling.

Na kahit ang pakiramdam ko... ang tapang-tapang ko sa mga oras na 'to, sa likod naman ng lahat ng 'yon... matinding kaba at nagtatagong takot. Na sobrang hirap supilin.

But...

I've decided. She's that girl I'd give my all. Everything... including my surname. "Para sa 'yo lang, Angelica Bianca C. de Makapili. Para sa 'yo lang."

"H-Humigosh! Humigosh! Humigosh!" Hysterical na hiyaw ni Angelito na kanina pa yata nagpipigil. Tumakbo na lang siya bigla. Dumaan sa likod ko.

"Teka... Baks!" Sumunod sa kanya si Magnet.

Naiwan kami ni AB. Nanatili akong nakatitig sa kanya. 'Yong takot na pilit kong tinatago... kumakawala. Lalo ngayong kitang-kita ko ang panginginig ng mga labi niya. Napahawak siya sa dibdib. Huminga nang malalim. Sinapo ang mukha at pinisil ang ilong. Suminghot.

"G-Gosh! W-Wha... wha..." Ngayon ko lang siya nakitang nataranta nang ganito. "A-Ano'ng ginagawa mo dito?" Kulang na lang siya mismo ang bumuka ng lupa para lamunin siya nito at makapagtago.

Lumingon-lingon siya sa paligid habang kinakagat ang labi nang mariin. Pinulot niya ang cellphone. Walang imik na hinawakan ang siko ko. Nanulay ang hindi mapangalanang kiliti mula sa hawak niya na sumakop sa buong pagkatao ko.

Kaso... bago pa kami makalayo o makarating sa gusto niyang puntahan... nabunggo siya sa isang bulto sa pagmamadali.

"Hey!" Boses 'yon ni Train, ang nakabunggo ni AB. Mabilis ang pagbitaw ni AB sa siko ko. Tipong napaso. Lumingon si Train sa likuran niya. Kay na MM at Angelito na mukhang pinipigilan siya sa paglalakad. At ang mas nakakapagtaka... lalo silang namutla. "Ano ba ang hindi ko p'wedeng makita?"

Nakngtokwa! Teka... teka... magkakilala sila?

"G-Gosh... n-no!" Tinakpan ni AB ang mukha niya at tumalikod sa 'ming lahat.

Mahinang tumawa si Train. "Anong NO... Bree?!"

Doon tuluyang nagsalubong ang mga kilay ko. Napakurap. Umawang ang bibig. Hindi huminga. Pero ayaw magtrabaho ang utak. Ayaw iproseso ang narinig. Ang nakikita. Ang nangyayari.

Bree?!

Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Train at kay AB na nakatalikod pa rin. Ilang beses. Pero wala akong maintindihan. Paglingon ko kay MM... nakayuko siya. Kinukutkot ang mga daliri sa kamay. Habang si Angelito, nagpulot ng maliit na bato at mahinang ikinaltok sa ulo.

"What's wrong with you?" Tumigil si Train sa pagtawa. Na ngayon nangunot na rin ang noo. "May problema ba?" Lumapit siya kay AB at humawak sa siko. "Bree..."

Bahagyang napatalon si AB at tarantang lumingon. "H-Ha?" Parang uminom siya ng isang boteng suka sa aura ng mukha niya. Sunod-sunod siyang umiling. "A-Ah..." Tumikhim siya. Bumuntong-hininga. At nginitian si Train. "Masyadong traffic mula Cubao papunta dito sa Marikina. Nakakahilo. Hindi tuloy namin naabutan ang laro. 'Di ba? 'Di ba?!" Baling niya kay na MM. Parang laruan na aso na dinidisplay sa mga kotse na tumango-tango sila ni Angelito.

Sumulyap sa 'kin si AB. Ang paraan ng pagtitig niya sa 'kin... may banta. Hindi, nakikiusap.

Lumunok ako. Mariing kinagat ang labi.

Bumaba ang titig sa kanyang kamay na biglang kumapit sa kamay ni Train. Dumikit ang mga palad nila... hanggang sa maghugpong ang mga daliri. Humigpit ang kapit. Kitang-kita ko ang pagpisil-pisil ni AB na parang gustong pakalmahin si Train.

Kinuyom ko ang mga kamao. Unti-unting uminit ang sulok ng mga mata ko. Bawat pitik ng segundo, may nababasag sa loob ko. Mabilisang pagkabasag na walang kahit ano... ang makakapagpabuo.

Wala akong maintindihan. Pero mukhang may ideya na ako kung ano. Ayaw ko lang intindihin. Paniwalaan. Tanggapin.

Sht! Masyadong... masyadong masakit!

"Sigurado ka?" Inilapit ni Train ang mukha kay AB para sipatin. "Bakit ka naiiyak?" Sinapo ang mukha gamit ang libreng kamay. Iginilid ang mga hibla ng buhok sa likod ng tainga.

Gusto kong ipikit ang mga mata. Nakakawasak ang mga nakikita ko. Kaso nanatili akong dilat. Tulala sa kanila. Nanginginig ang mga kamao. Mariin ang pagkakalapat ng mga ngipin. Nagtatangis ang bagang... pero nanatili ako sa puwesto. Kahit kanina ko pa gustong tumalikod.

Para wala na akong nakikita.

May humawak sa siko ko. Si MM. Doon ko napansin na buong katawan ko... nanginginig. Nanginginig sa pagpipigil ng emosyon. Na sana wala akong magawang mali. O masabi. Gusto kong palakpakan ang sarili na nakakatayo pa rin ako nang tuwid... kahit na nanlalambot ang mga tuhod.

Bumubulong si Magnet sa tabi ko. Nangangatal ang tinig. Ilang beses humingi ng sorry. Paulit-ulit. Na ako lang ang nakakarinig. Saka dinugtungan... "S-Sorry talaga. Wala kaming alam ni Baks. N-Nitong huli lang namin nalaman."

Huminga ako nang malalim. Ilang beses kumurap para pigilan ang gustong bumagsak mula sa mga mata.

Don't, Kudos... don't. Not here.

"Tara na..." Hinawakan ni AB ang isa pang kamay ni Train. "Umuwi na tayo."

"Umuwi? May lakad tayo, 'di ba?"

"Basta... umuwi na tayo... ha?" Sobrang hina ng boses niya. Nagsusumamo. Gano'n din ang expression ng mukha niya. "Please?"

Napakamot sa ulo si Train pero... tumango. "Sandali lang..." Humarap siya sa 'kin.

"H-Hindi..." Hinatak ni AB ang kamay niya. "Tara na kasi..." Mariin kong kinagat ang nanginginig na labi.

Don't be so scared, AB. I won't do anything stupid. Kung 'yon ang kinakatakutan mo.

I won't...

Binitiwan ni Train ang kamay niya. Inilipat sa kanyang balikat at hinatak siya palapit. "Oo nga, Bree... uuwi na tayo. Teka lang." Dinampian siya ni Train nang mabilis na halik sa noo.

Tumitig ako sa sapatos ko. Sht!

Para akong isinabak sa hazing. May humagupit na hampas sa ibabaw ng tuhod ko. Napaatras ako. Pinipilit tumayo nang maayos... kasi may mga darating pang mga pagpalo. Mas malakas. Mas nakakapanlambot ng mga kalamnan. Na mag-iiwan ng mga permanenteng marka.

Sana lang pagkatapos ng hazing na 'to... buhay pa rin ako.

"Pre-"

"M-Magkakilala kayo?" tanong ko, mahina ang boses. Nanginig din. Gusto kong sakalin ang sarili. Dapat 'di na lang ako umimik. Dapat pinigilan ko pa.

Tukmol ka, Kudos! Nagpapahalata ka na naman.

"Ha?" Lalong naningkit ang mga mata ni Train pag-angat ko ng tingin sa kanya. "Hindi mo alam? Pumunta sina MM at Angel nung birthday mo sa Antipilo, 'di ba? Hindi lang ako natuloy kasi... may emergency." Panandalian siyang sumulyap kay AB.

Emergency?!

O baka gumawa ng paraan si AB para hindi siya matuloy? Kaya hindi rin nakapunta si AB... kasi iniiwasan niyang mangyari ang tagpong 'to?

Now, everything started to make sense... kaso sadyang mahirap tanggapin.

Umiling ako. Sumulyap kay AB. Mariing nakatikom ang mga labi niya. Umiling sa 'kin. Kumikislap ang mga mata. Nakikiusap. Malapit na ring umiyak. Kitang-kita ko ang takot sa aura niya ngayon.

"Ah... si Bree?" Mahinang tumawa si Train. "Hindi mo natandaan? Ipinakilala ko siya sa 'yo, 'di ba?" Kumunot ang noo ko. Ipinakilala? "Nung final game natin last year, Pre. Nandoon siya. Masyado ka kasing pre-occupied sa laban, eh."

Pinilit kong ngumiti. Tumango. "Siya ba 'yong sinasabi mong pinsan?"

Nakng, Kudos! Are you fooling yourself?

Hindi ginagawa ng magpinsan ang mga bagay na nakikita mo.

Hanggang kailan mo paaasahin ang sarili mo?

Kaso 'yon ang gusto kong isipin. Ang paniwalaan. Kailangan kong gumawa ng sarili kong rason sa mga oras na 'to. Kasi kapag 'yong isang posibilidad... ayoko. Mahirap tanggapin. Masyadong... masakit.

Umiling si Train at ngumisi. "Hindi, Pre. 'Yong pinsan ko ba na ipapakilala sa 'yo? Si Angel 'yon... kilala mo na pala. Sayang!" Ang lakas ng hagalpak niya at hinimas pa ang tiyan. "Ang chix kong pinsan. Ang diyosa, 'no?" Ininguso niya si Angelito.

"Humigash..." Nilingon ko si Angelito na kinakaltokan pa rin ng bato ang ulo. "Tell me this isn't happening, Magnet Mace!"

Sht! Now... I get it.

Balak lang akong pagtripan ni Train sa sinasabi niyang pinsan. Kasi literal talaga siyang mahilig mantrip. Parang si... AB.

Nakng! I want to punch myself. Nang matauhan.

Paano ba ibaklas ang sarili sa picture na hindi ka naman dapat kasali? 'Yong bigla ka na lang sumulpot. Photobomber!

Paano ba ilubog ang sarili sa lupa o tumakas nang walang nakakahalata? Na sasabihin ng lahat na okay ka lang? Na hindi ka sobrang nasasaktan?

All along, Train doesn't know that the girl I'm talking to him... is AB.

Ang babaeng gusto ko, hindi... mahal na mahal ko na, pero katabi niya ngayon. Na mahigpit niyang hawak na tipong natatakot siyang mawala. Na hinalikan niya sa noo na parang isang babasaging krystal.

Tuwang-tuwa pa siya kasi may babae na akong kinukwento sa kanya. Na gustong ligawan. Kinababaliwan. Nagpapaturo pa akong magluto sa kanya. Todo support naman siya.

Tukmol ka, Kudos! Ano'ng pinasok mong gulo?

Kinurot ni AB si Train sa tagiliran. "Aw! Bakit-?" Binaklas niya ang kamay ni Train sa kanyang balikat. Saka walang pasabing tumalikod. Mabibigat ang bawat hakbang palayo. "Bree, sandali..." Humabol agad sa kanya si Train, hindi na nagawang makapagpaalam sa 'kin.

Tumakbo si AB patungo sa may kalsada. Humabol si Train sa kanya.

Habang ako... pinapatay ang sarili sa ginawang pagsunod ng tingin sa kanilang dalawa.

"Hindi ko rin kasi maintindihan... bakit ako? I mean, paanong ako? Gayong nung makaharap kita... hindi mo ako natandaan kahit nagkita na tayo dati. You didn't even remember when, where or how."

Umeecho sa 'kin ang boses ni AB. Now, I remember. Siya 'yong babaeng madalas na nababanggit ni Train. Na ipinakilala nung final game. Pero hindi niya pa girlfriend. Nililigawan pa lang. Na hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin. Parang wala lang. Normal na kasi 'yon sa mga teammates ko.

Eh, ano kung may dinala silang babae sa praktis namin? O sa mismong laro?

Kailangan ko bang tandaan lahat? Ang kilalanin? Ang pumasok sa buhay nila? No!

I always respect their privacy.

Now, I regret it. I should've recognize the signs. Nandoon na, eh. Lahat ng hints. Nilatag na sa harapan ko. Kung parang ahas... matagal na akong natuklaw sa sobrang slow ko.

Kaya pala updated si AB sa nangyayari sa intercollegiate basketball. Kaya sabi niya madalas siyang nanunuod. At kaya alam niya ring MVP ako... dahil kay Train.

Mariin akong pumikit. Tumingala. Unti-unting pinakawalan ang pagkakakuyom ng mga kamao. Huminga nang malalim kahit sabog ang pakiramdam. Na kahit ang ulo... nananakit at gustong pumutok.

Tama na, Kudos!

Kahit ngayon lang.

Don't kill yourself for thinking too much. Don't kill yourself for feeling too much.

Have a break and grab a Kitkat.

Ganyan... humor yourself, tukmol ka! O maglaklak ka na lang ng isang drum na Chuckie. Nakngtokwa!

"K-Kudos..." May tumapik sa 'kin. Pagmulat ko... nag-aalalang mukha ni MM ang nakatingala sa 'kin. "I know you're not okay... right now. I'm sorry. S-Should I explain? Angel? Train? Kailangan ba naming magpaliwanag? O... ano'ng kailangan mo-"

Sunod-sunod akong umiling. Hinawakan siya sa balikat kasi malapit na siyang umiyak. Baka bigla akong mahawa sa mood niya. Nginitian ko siya. Tumango lang. Kasi hindi ko rin alam kung ano'ng sasabihin ko.

Kung aamin ako... baka nga ngumawa talaga siya sa harapan ko. Kung sasabihin kong okay lang ako... niloloko ko naman ang sarili ko.

"A-Alam ko, gusto mo mapag-isa ngayon..." pagpatuloy niya. "Pero kasi hindi ako makakalma kung hindi ako makakapagpaliwanag. Ayaw na kasi ni Angel na manghimasok pa kami... kaya ngayon ko lang masasabi. Sorry." Yumuko siya at kinagat ang labi.

"Binasa namin ni Baks ang diary niya. Kaso... huminto kami nung mamatay si Toni. Kasi masyadong masakit. Hindi namin kayang basahin lahat. So, we assumed that... 'yon ang main reason kaya hanggang ngayon... NBSB pa rin siya. Hindi nagpapaligaw. Lahat nirereject. We didn't know that there's something between them. I mean... s-sila ni Train." Napamasahe siya sa ulo. Si Angelito... tumayo na. Tumigil na rin sa pagkaltok ng bato.

Napatitig na lang ako sa mga nakalaban namin kanina na nagbasketball ulit. Medyo dumalang na ang nanunuod. Nagsialisan na. Mabuti... at wala naman masyadong napapatingin sa 'min.

Tagus-tagusan ang aking tingin.

"A-Ang tanga... kasi ilang taon na kaming magkasama sa apartment pero wala kaming napapansin. Siguro magaling lang sila magtago ng feelings... o masyado lang kaming manhid?! Normal lang kasi sa 'min. Sila. Pero puwet na 'yan... hindi namin iniexpect, eh." Ginulo niya ang buhok. "Nalaman lang namin nitong nakaraan. S-Si Angel mismo ang nagsabi. Kaya nga... mixed emotions kami."

Pinakatitigan niya ako. Namumula ang kanyang mga mata. "N-Nabasa mo ang mga nakasulat sa diary, 'di ba? Nakasulat ba dun ang tungkol kay Train? A-Alam mo? S-Sorry talaga, Kudos. Kung alam lang namin 'di sana-"

"Okay lang 'yon, MM..." Nginitian ko ulit siya.

Hindi naman nila kailangan sisihin ang sarili.

Hindi naman nila sinabing pulutin at basahin ko ang diary.

Hindi naman nila ako inutusang mahalin ko si AB.

Lahat 'yon... ako ang nagdesisyon. Ginusto ko.

Wala kaming magagawa kasi lahat 'yon... nangyari na. May rewind, cut o retake ba sa realidad? P'wedeng maedit? Hindi!

Kung maaaring mafilter o maedit ang lahat ng problema, pagmumukha, ugali at kung ano mang trahedya... mapapulitika, pamilya o relasyon... ang perpekto sana ng mundo.

"I didn't write all the things that happened in my life."

True, she didn't write everything. In fact, may mga pinunit na pahina sa huling bahagi ng diary. Maging sa gitna. Medyo marami rin 'yon.

Kaya pala... konti lang ang pages nung college na siya.

Siguro... nandoon ang mga sinulat niya about kay Train. Na ayaw niyang malaman nina MM. Kaya lahat ng p'wedeng maging hints... pinitas niya.

O mali ako? O nag-ooverthink lang ulit ako ngayon?

Hindi naman ako nagsisisi. Kasi kung nauulit ang oras o panahon, o totoo ang time-travelling... pupulutin at babasahin ko pa rin ang diary.

Because of AB... I learned a lot of things. The worth of... Life. Family. Friendship. Everything. Even... Love.

Na akala ko never kong mararanasan. Na hinding-hindi ko mararamdaman.

Dahil sa kanya... nalaman ko na ganito pala ang magmahal. Na ganito pala ako magmahal. Na ganito pala ang mga kaya kong gawin para sa pagmamahal.

Na sobrang sakit pa lang magmahal.

Because... nakng... I didn't expect this coming.

Train?!

Parang bullet train na hindi masyadong maingay, kalmado lang, pero sobrang bilis na marerealize mo na lang... sumalpok na sa 'yo. Binundol ka nang hagupit ng realidad. Na ito 'yong totoo.

Gumising ka, tukmol ka!

Walang kayo.

Wala kang pag-asa.

Nakakatawang isipin. Nagsimula sa diary na napulot sa may MRT... at ang magiging dulo... Train nga talaga. How ironic!

Naghahanap ako ng masisisi. But I can't blame MM and Angelito for this. Lalo na si AB. Kasalanan ba talaga nila?

Kasalanan ba ni AB na hindi niya ako kayang mahalin kasi may mahal na siyang iba?

Kapag nasasaktan tayo, kapag may problema tayo... palagi tayong naghahanap ng masisisi na ibang tao. Na hindi natin narerealize na ang totoo, tayo naman talaga ang may kasalanan.

That's what I'm feeling right now. I can't blame anyone even if I want to.

Kasi ako... kasalanan ko. Desisyon ko 'to. Ako 'yong may gusto nito. Ang lahat ng ito.

But I don't regret it. I won't regret this.

Kahit wasak na wasak ngayon ang puso ko, hinding-hindi ko pagsisisihan na siya ang minahal ko.

Kung siya nga... ilang beses nabasag. Ilang beses nadapa't nasaktan. Ilang beses nadurog. Paulit-ulit. Pero... kinaya niya. Alam ko... kakayanin ko. Kahit pa gaano kasakit at kahirap.

'Yon nga lang hindi ko siya p'wedeng hilingin na maging akin... kahit siya pa 'yong makakabuo sa 'kin.

Ang problema kasi. Nahuli ako. Hindi ako ang nauna.

'Yong basketball game na gustong-gusto kong ipanalo para sa taong mahal ko... may lumalaban din pala para dito. At ang masaklap? Kateammate ko!

Kaibigan ko.

Nanalo nga kami... kaso siya ang pinili.

Siguro nga ako 'yong totoong Most Valuable Player sa basketball game. But...

In reality, he is the Most Valuable Person for AB!

And. That. Hurts. So. Much.

Reality sucks!

Sapul na sapul ako ng realidad. Bugbog-sarado!

Ang lakas mantrip at makipaglaro ng tadhana.

Na akala ko 'yong mga signs na ibinigay niya kanina... papunta na sa infinity... 'yon pala may blackhole to misery.

Love deserves to be granted. But sometimes, love is taken for granted or can't be granted.

At 'yon ang totoo...

Hindi lahat ng pag-ibig nasusuklian o nagagawang suklian.

"Magnet Mace..." Naputol ang malalim kong pag-iisip sa boses na 'yon. Na gustong tuluyang huminto ng puso ko. Nasa likuran nina MM at Angelito si AB... pero hindi siya nakatingin sa 'kin.

"Puntahan n'yo..." dugtong niya pero nakatunganga lang kami sa kanya. Napatadyak siya at tinuro ang kalsada. "B-Bantayan n'yo sabi, eh..."

Mabilis namang sumunod sina Magnet at Angelito. Nataranta. Kumaripas sila papunta sa kalsada. Hindi na umimik pa.

Habang ako nakatitig lang nang matiim sa kanya. Umiinit ang sulok ng mga mata. Pigil-pigil ang hininga. Hindi siya nag-angat ng tingin... at hinawakan na lang ako bigla sa pulsohan. Saka ako hinatak... papasok sa public comfort room ng mga lalaki.

Napamura pa 'yong isang umiihi sa cubicle. Siya lang mag-isa. Pinanlisikan kami. Habang nakatalikod at hawak-hawak ang alaga niya. Hindi magkandaugaga sa pagsara ng zipper. Pagkatapos... tinapunan niya ng nag-aapoy na tingin si AB. Isa siya sa mga nakalaban namin ni Train kanina. Kaya mas sumama ang timpla ng mukha pag-angat ng tingin sa 'kin.

Pasimple ko tuloy nahatak si AB patago sa likod ko.

"Bawal babae dito!" magaspang na saad ng lalaki.

"Baklush po ako, Kuya!" turan naman ni AB sa pinipilipit na boses. Humakbang siya paharap at taas-babang tinitigan ang lalaki. Magkasing-tangkad sila. Inangat ni AB ang mga manggas ng T-shirt pero may pagpilantik ng mga daliri. "Sobrang diyosang baklush!" Sabay irap. "Ano... may reklamo ka?"

Pinasadahan siya ng tingin ng lalaki mula ulo papuntang paa at pabalik. Nagtangis ang mga bagang. Kumuyom ang mga kamao ko at parang gustong manapak bigla. Kaso tumalikod ang lalaki... at lumabas na.

Inilock ni AB ang pinto. "'Yan, layas! 'Wag mong pinapainit ang ulo ko ganitong nababadtrip ako." Sinipa niya ang pinto. "Nakakainis! Ang liit naman ng titi."

Umawang ang bibig ko at napakurap nang ilang beses. Humarap siya sa 'kin... sobrang aburido ng mukha. Isang linya ang mga kilay. Na ako pa yata ang masusuntok.

Kaso... wala naman akong mapagtaguan... nakasara ang pinto. Pasimple ko tuloy inalisa ang loob ng banyo. Dalawang cubicle. Tatlong open-basin. Puti ang buong pintura. May lababo at may bitak na salamin. Tuyo ang sahig. May mga vandal sa dingding.

"Ikaw!" Bahagya akong napatalon. Napabalik ang titig sa diin ng boses niya.

Ilang beses akong lumunok. Pero hindi naman na siya nagsalita. Mariin niya lang na kagat ang ibabang labi. Halatang nanggigigil dahil nakikita ko ang ilang ngipin. Na kapag mas bumaon pa... dudugo. Sht!

"Aish!" Ilang beses siyang napahilamos sa mukha. Saka tumitig sa 'kin nang nanunuot sa kaibuturan ko... na hindi ko napigilan ang mapaatras. Naibulsa ko ang mga kamay, pero inilabas din agad. Ayaw makalma ng buong sistema ko. "Ano pa ba'ng gusto mong sabihin ko sa 'yo?"

Naidala ko ang isang kamay sa tainga. Hindi nagsalita. Tuminga. Para hindi ko makita ang mukha niya. Naghanap ng interesanteng bagay sa kisame. Napansin kong walang ilaw ang CR. Kaso nangungulit sa pandinig ko ang mahinang pagtawa ni AB. Punong-puno ng sarkasmo. Mapait. Na unti-unting napalitan ng mahinang paghikbi.

Kaya ayoko siyang titigan dahil nakakabasag ang expression niya. Lalo ang mga mata. Na mas matindi pala ang tunog ng kanyang pagtawa na napapalitan ng hikbi. Na kapag tumagal pa... baka sumabog na talaga ako.

"S-Sinabi ko naman na, eh..." Nilinis niya ang bara sa lalamunan. "Stop loving me. Hindi ba? Sinabi ko 'yon... kaya bakit-?"

Ako naman ang natawa nang pagak. Hindi ko na kasi kayang kimkimin. Tinitigan ko siya. Na wala na akong pakialam kung pati kaluluwa ko ngayon... kaya niyang basahin. "I can't..." Umiling ako. Nanginig ang mga labi, kahit anong pigil. "I... I can't unlove you for just a day. I can't unlove you even if you give me a decade, a century, or a millennium, AB. D-Don't ask for the impossible, please..."

Mahaba at hindi kayang sisirin ang ginawa niyang paghinga. Ipinagdikit ang mga palad sa tapat ng mukha, para takpan ang ilong at bibig. "O-Okay..." Tumango-tango siya. Saka pumikit. "Okay..."

Napasalampak siya bigla ng upo sa sahig. Humakbang ako palapit... pero nanigas na lang dahil nanginig ang buong katawan niya. Na ang epekto sa 'kin... sobra sobra. Pag-angat niya ng tingin, nag-uunahan tumulo ang kanyang mga luha.

Sht! Don't cry, AB. Please...

Muli akong humakbang palapit. Inangat ang kamay para patayuin siya... pero hinawakan niya ang palad ko. Mahigpit. "J-Just don't hurt Ellis, please..."

Natigilan ako. Umeecho sa 'kin ang sinabi niya, pero nakakabingi. "E-Ellis?"

Nahatak niya ako, o sadyang nanlalata ang mga tuhod ko kaya napaluhod. Hanggang sa parehas na kaming nakaupo sa malamig na tiles.

Lumakas ang paghikbi niya. Humigpit hawak sa kamay ko. Sobra ang panginginig... o parehas lang kami. Dahil hindi ko na yata matatagalan pang nakatitig sa kanya... na basang-basa ang mukha ng luha.

"G-Gosh! B-Bree... I mean... T-Train..." Sinisinok siyang nagsalita. "Train is Ellis. Okay?"

Tumama ang huling hampas ng paghahazing. Na tuluyang nagpamanhid sa buong pakiramdam ko. Nanlumo. Ultimo ang pagtibok ng puso... tila hihinto. Parang susungaw na rin ang pinipigilan ng mga mata. Natulala na lang ako sa kanya.

"Razille Traijin Zapusumo..." Naghahabol siya ng hangin. "T-The Commander Ellis I know... na kilala mo bilang Train."

Napapikit ako nang mariin. Hindi alam kung paano tanggapin ang impormasyon na 'to.

Meron pa ba? Meron pa bang mas nakakabigla? Mas nakakawasak? Sana sabihin na lahat. Sana malaman ko na lahat. Isang bagsakan. Para isang buhusan na lang ang sakit. Para matapos na. Durog na agad. Kasi kung paunti-unti... damang-dama ang torture.

Pinapatay... pero ginugulpi muna. Dahan-dahan.

Sobrang sakit.

Bakit?!

Razille Traijin Zapusumo.

That's the real name of Train. Gusto kong pagtawanan ang sarili. Ang bugbugin sa katangahan.

Ang pangalan ni Train sa facebook... Ellizar Nijiart Zapusumo.

The hints were all over there. But I was so... clueless. Slow. Insensible.

At tanda ko... sabi ni Train dati, pangarap niyang maging sundalo. Pero nagbago 'yon simula nung mahulog siya sa isang babae. Na lahat ng pangarap niya... nag-iba sa isang kisapmata. Na lahat ng gusto niyang gawin... may kinalaman na sa babaeng 'yon. Pero paulit-ulit siyang tinanggihan. Nireject. Binibilang niya lang pero hindi siya sumuko. Naghiwalay sila nung mag-College. Pinutol nung babae ang contact. Hindi na nagparamdam pa. Nag-aral siya dito sa Manila. Tinuloy ang pangarap na maging sundalo. Pero... after ng ilang taon... nagkita ulit sila. Dahil kaibigan ng pinsan niya 'yong babae.

Ngayon ko lang napagtanto na 'yong pinsan niya... si Angelito. Akala ko kasi babae. Oo nga pala, babae. Binabae.

Masaya si Train habang nagkukwento. Baka raw sila talaga ang itinadhana kaya muli silang nagkita.

Kahit hindi naman sinabi nung babae, nag-quit siya sa dating school niya. Nagtransfer sa 'min. Nag-aral ng Civil Engineering. Nagsimula sa umpisa. Sumali sa varsity ng basketball. Sa lahat ng ginagawa niya, sobrang proud siya. Ang saya-saya niya.

Ibinida niya pa sa 'kin habang tinuturuan niya ako magluto na wala naman siyang talent sa gano'n noon. Pinapalakas niya ang loob ko na magagawa ko rin. Tuwang-tuwa pa siya, dahil ginawa niya rin ang mga ginagawa ko ngayon... tulad niya para sa babaeng mahal niya.

One time, nung naghubad siya ng damit after ng praktis namin para magpalit. Nakita ko ang malaking peklat niya sa tagiliran. Tinanong ko kung ano'ng nangyari dun. Kasi mukhang peklat mula sa saksak. Nginitian niya lang ako at sinabing... "Wala 'to. Maliit na bagay para kay Bea."

Ipinagkibit-balikat ko lang lahat ng 'yon. Sanay na kasi ako na palagi siyang gano'n. Ang hyper. Lalo na kung tungkol kay Bea. Puro Bea. Bea siya nang Bea.

Kaya paano ko iisipin na ang Bea na tinutukoy niya... si Angelica Bianca?

Nakngtokwa! Oo nga pala... ang tawag ni Ellis kay AB... Bea.

Pero sino'ng makakapagsabi na si Ellis... si Train pala?

Tukmol ka, Kudos! Sobrang tanga.

Ano'ng laban mo sa gano'n?

Kahit saang anggulo... kahit mag-effort ka nang todo... hinding-hindi ka mananalo.

Talo ka.

Talong-talo.

"S-Since you've read my diary... there's no reason for me to keep this from you." Dinala niya ang kamay ko sa tapat ng kanyang mukha. Nanginginig ang hawak sa 'kin gamit ang dalawang palad. Yumuko siya. "But... please... don't hurt him because of me. D-Don't avoid him because of me..."

"I... I don't want him to get hurt again... b-because of me." Wala ng tunog ang kanyang paghikbi. Pero mas nanginig siya. Na parang mauubusan ng hangin ano mang oras. At hindi ko alam ang gagawin. Ang bigat-bigat sa pakiramdam. "P-Palagi na lang kasi. P-Palagi siyang nasasaktan nang dahil sa 'kin. H-He got stabbed... because of me. H-He almost died... because of me. A-And I don't want to experience it again... k-kasi sobrang sakit. P-Please, Kudos... please-"

Hinila ko ang kamay niya para yakapin siya... nang mahigpit. "O-Okay... AB." Tumango-tango ako. Ibinaon ang mukha sa pagitan ng balikat at leeg niya. Magaan kong tinapik-tapik ang kanyang likod. Mas lalo siyang napahikbi. "I... I understand."

Naiintindihan ko na sobrang mahal mo siya.

At mahal na mahal ka niya.

Naiintindihan ko na ayaw mong may ibang nanliligaw sa 'yo... dahil sa kanya. Kaya lahat ng lalaki, basted agad... at hindi mo binibigyan ng chance.

Dahil sa kanya.

Siguro kung hindi ako kaibigan ni Train... baka hindi mo na ako nilapitan, simula pa lang. Na hinding-hindi ka magpapakita sa 'kin at pupunta sa Batangas.

Pero dahil sobrang mahal mo siya... gumawa ka ng paraan para makausap ako. Na tumigil ako. Na lumayo ako. Para sa kanya.

Hindi ko man maintindihan nung una... kuhang-kuha ko ngayon, AB.

Na ayaw mo lang na magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan namin. Na magkakagulo kami. Kasi masasaktan siya. At ayaw mo nun. Kaya mo ako kinausap. Pero hindi ko maunawaan agad... kasi ayaw mong sabihin sa 'kin ang totoo. Dahil ayaw mo rin akong masaktan nang direkta. Kaya gumawa ka ng mga bagay... para maging at ease muna ako. Hindi binigla. Kaya idinaan mo sa mga logical reasons. Pilit ipinaintindi sa 'kin.

Kaso... sadyang ang kulit-kulit ko. Ayaw magpatalo.

Na kahit ang mga tweets mo hindi ko pinapansin, nagbulag-bulagan... kahit na ang lahat ng 'yon... para sa kanya.

Nagsend pa ako ng confession na nakalagay ang pangalan mo... na maaari niyang mabasa.

Kuhang-kuha ko ngayon. Huwag kang mag-alala.

At this moment, reality just hit me... that maybe we're not meant to be.

Pinagtatawanan ako ng tadhana. Dahil...

Sa mga oras na 'to... alam ko nang hinding-hindi magiging tayo.

Kahit na paunti-unti akong pinapatay. Tanggap ko na. Tanggap ko nang wala tayong pag-asa na dalawa.

Dahil mahal n'yo ang isa't isa. Sobra pa sa sobra.

May laban pa ba ako? Wala na!

Siguro nga... photobomber lang talaga ako sa sweet selfie picture n'yo. Napadaan. Nahagip ng camera... kaya hindi naging perfect shot. Kailangan... i-crop.

O siguro nga... ako 'yong bishop o 'yong knight na hindi naman masyadong importante ang buhay. Kailangan mag-suicide para sagipin ang queen. Kung hindi, 'yong queen mismo ang magsasacrifice bago pa mag-commint ng suicide ang king para sa queen.

Alam ko na, AB.

Siya ang nagpapasaya sa 'yo. Siya ang kailangan mo para maging buo... hindi ako.

Ayokong ako ang maging dahilan... para mawasak ka ulit. Ayokong masaktan ka ulit... nang dahil sa 'kin. Ayoko.

Okay. I understand.

"K-Kudos..." Pinipilit niyang baklasin ang yakap ko sa kanya. Siguro naiilang siya... dahil nababasa na ang balikat niya ng likidong kanina ko pa pinipigilang kumawala. Kaso... habang kinikimkim, lalong nagpupumiglas na umagos. Masyado na kasing mabigat... kaya bumuhos.

At ayokong makita niya ako sa ganitong kalagayan. Ayokong makita niya ang expression ko. Ayokong kaawaan niya ako.

"J-Just let me do this, AB..." Hindi ko siya binitiwan. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko. Ibinaon ang mukha.

Alam kong hindi mo magagawang pagbigyan ang hiling ko sa confession. Kaya kahit ito na lang.

Hayaan mo akong hawakan ka. Yakapin ka. Kahit saglit lang. Dahil hanggang ngayon lang 'to. Kapag binitiwan kita... hinding-hindi ko na ulit magagawa. Kapag pinakawalan kita... kailangan ko na ring huminto. Putulin ang lahat.

Kaya sige na. Hayaan mo ako. Ang gawin 'to... bago kita isuko.

"K-Kudos..." Hinawakan niya ang balikat ko. "Oh, gosh! Y-You're shaking..." Hindi ko alam kung paano niya ako nagawang ilayo sa kanya. Agaran ang panlalaki ng namumugtong mga mata pagsipat sa 'kin. Tinakpan ko ang mga mata niya. Pero hinawakan niya ang kamay ko. Yumuko ako. Sht! "Oh, gosh... I... I'm sorry."

Ilang beses niyang pinunasan ang mukha. At tarantang may hinugot sa bulsa. Panyo. Inangat niya ang baba ko... at pinunasan ang pisngi. Tuyong-tuyo ang lalamunan na ilang beses akong lumunok. Hinawakan ang nanginginig niyang kamay. O ako ang nanginginig?

Don't be like this, AB. Please...

Paano kita bibitiwan kung ganito ka?

Huminto siya sa pagpupunas. Pinahawakan sa 'kin ang light green na panyo. "D-Don't waste your tears for someone like me." Huminga siya nang malalim. "Don't waste yourself for me. You're a great guy, Kudos... and this is a cliché line... but you really deserve someone who's more worthy of your love... than me."

"I... I am sorry. I really am..." Mahina ang boses niya. Na nanunulay na huwag makasambit ng nakakabasag na kataga. Pero kahit parang kagat lang ng langgam... kapag masyado silang madami... nakakapamanhid sa sakit. "I know my words can't heal the scars I've caused you. A million apologies will never be enough to mend you... but be strong." Tinuro niya ang nakasulat sa shirt niya. "Stay positive. You are loved. I may not be that 'the one' for you, but the right person is always worth the wait, Kudos. Remember that..."

"Look at me... I've been loved, left by the people I love, almost got raped; twice..." Mahina siyang natawa, pinapakalma ang sarili. "Family's fragmented, betrayed by friends, bullied, stalked and threatened, cheated, rejected, failed, shattered, ruined, broken..." She almost choked her words when her voice broke. But then, she chuckled again. "Right... maybe, I'm the most favorite target of destiny."

Marahan niyang sinapo ang mukha ko, gamit ang dalawang kamay. Nanlalabo siya sa paningin ko. Pinunasan niya ang magkabilaan kong pisngi gamit ang mga hinlalaki. Magaan ang hawak na napatiim ako ng bagang. Kinagat ang labi nang mariin. Nginitian niya ulit ako. Nakakakalmang ngiti... kahit ang lahat-lahat sa 'kin... sumabog na.

Wasak na wasak na.

Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi alam kung ano'ng gagawin. Kung pipigilan ko siya sa ginagawa. Kung aalis na ba. O mananatili muna saglit... para makasama pa siya.

Bakit kasi?

Bakit hindi p'wede? Bakit hindi na lang kami?

Muli siyang bumuntong-hininga. "I almost gave up on life, on love, on everything... but I realized... what's the point of tormenting myself if there's still hope for me?" Bumaba ang mga kamay niya patungo sa nanginginig kong mga balikat. At marahang tumapik-tapik. "I'm not the worst or the most broken person on Earth to be depressed by the things that already happened. I shouldn't be stuck in the past. I am living in the present, and past is past... there's still life ahead of me, and people waiting for me. I want a strong future self. So, I chose to stay positive because... I am loved."

Tumango-tango siya. Pinakatitigan ang mukha ko. Saka muli akong nginitian. Kumikislap ang mga mata. "Now, here I am... alive and kicking, and still capable of loving."

Hinawakan niya ang ulo ko at magaang ginulo ang buhok. Wala akong nagawa kung hindi ang lumunok. "I want you to do that, too. For yourself, Kudos. Okay?"

Tumayo siya. Inayos ang sarili. Saka tumalikod. Tumungo sa pinto. Bawat hakbang niya, may ibibigat pa pala sa nararamdaman ko. May ibabasag pa pala. May iwawasak pa pala. Hindi pa pala said ang mga luha. May ibubuhos pa.

Na gusto kong pigilan na umalis siya... kaso 'yon lang ang tapos na... wala na akong magagawa.

Binuksan niya ang pinto. Kaso hindi siya lumabas agad... nakatitig lang siya sa harap niya.

Muli siyang nagsalita. Pero hindi na ako tinapunan ng tingin. "In life, I realized that you should be careful with the things and people you ignored. One day, reality will slap you the fact that what you ignored... sometimes it's what you really need more."

Pag-angat ko ng tingin, muling nagtama ang paningin namin. She smiled at me. A candid one. "I forgot to tell you that there's a vacant position, Oppa. We can still be friends. But it's not my call; it's yours."

Naglakad siya palayo. Sumarado ang pinto. Dahilan para matanggal ang pin sa granadang nakakabit sa 'king puso.

Nanatili akong nakaupo. Hindi alam kung paano magagawa ang muling tumayo.

Ewan kung ilang minuto ang lumipas nang muling bumukas ang pinto. May mag-CCR siguro. Kaso pamilyar na boses ng babae ang narinig ko.

"O-Okay na ba 'to?" Bumungad sa 'kin si Hazel na may hawak na tatlong Chuckie? Lima? Ewan... nahulog pa ang isa sa panginginig niya. "Uhmm... I still have extras inside my bag. Don't worry about that."

Kumunot ang noo ko. Ano'ng ginagawa niya dito?

Ah... sumama nga pala siya dito sa Marikina. Gusto niyang sumama kasi bakasyon naman. At... wala siyang magawa.

Sa dami ng nangyari. Sunod-sunod.

Nakalimutan ko siya.

Bigla siyang umupo sa tapat ko. Aligaga sa paglapag ng mga Chuckie sa sahig. At walang pasabing niyakap ako nang mahigpit. Hindi alintana kung marinig ko ang biglaan niyang paghagulhol. "I... I told you to don't get hurt, right... Kuen Lacrosse."

Ipinikit ko na lamang ang mga mata. Ayoko nang mag-isip ng mga kung ano-ano pa.

That's right, Kudos. AB's right. Be strong. You can do it.

Stay positive. You are loved.

~ T H E E N D ~

_..._..._



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE