Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

< Kudos Pereseo >

I GRIPPED the door knob of the comfort room firmly. May kung ano'ng bumabara sa 'king lalamunan nang lumunok.

I tried to hush my nerves as I let out a deep breath.

Nakng, Kudos! Kumalma ka.

I opened the door, my eyes were on the floor. Inangat ko ang ulo para samaan ng tingin ang mga nagtatawanang tukmol nang may impit na tumili. May sumugod sa 'kin. Saka ibinato ang dalawang braso. Lumambitin sa 'king leeg.

"Baby Kudos!" That someone shrieked while smooching my chest. Inamoy-amoy. I was stunned nang kumagat siya sa bandang leeg. Gumapang ang isang kamay sa ilalim ng puti kong damit at kumurot sa tiyan. "Holy abs! Ang firm. Yummybels!"

Sht!

"Angelito!" malakas na sigaw ni Magnet. Dahilan para mapabalikwas ng bangon si Risk. Naalimpungatan.

Tinulak ko ang lalaking dumamba sa 'kin... or bading. Hinawakan siya nina Steel at Shield sa magkabilaang balikat, hinila palayo sa 'kin. Sina Philemon at Psalm... halos mamatay sa kakatawa.

Naglakbay ang tingin ko sa buong kwarto, pero walo lang kami dito... wala ng ibang tao.

I sighed sharply.

Nakng! Nauto na naman ako.

"I told you na call me Angel, MM. Goddess Angel..." nakangusong sabi nung bakla. Saka ibinalik ang tingin sa 'kin at kumurap-kurap. Parang isang obra maestra ang mukha dahil maraming coloring at shades.

Napamasahe ako sa batok. Sumakit yata bigla ang ulo ko. May natira pang pulang lipstick sa t-shirt ko.

"Don't get carried away, Baks! Isinama kita rito hindi para halayin si Kudos." I looked at Magnet. She sneered. "Don't look at me like you're going to kill me, Dude."

Napailing na lang ako. I don't have time for their absurdity.

Pero hinarang ako ni Steel bago pa ako makalabas ng kwarto. Nakangisi. "'Di ka pa p'wedeng lumabas, Boy. Sabi ni Pards..."

Tiningnan ko si Steel. Pero hindi man lang natinag ang tukmol. Tokwa! Ano ba'ng laban ko kapag si Magnet na? Of course, he'd oblige... in a blink.

I'm wondering why they're not in a relationship. They're always beside each other.

I settled myself on the floor. Sumandal sa kama. Humalukipkip. Si Risk humihikab. Pero nagising yata ang diwa nang lumapit sa kanya si Angelito at yumakap. Pero tumalsik ito nang lumipad ang kamao ni Risk sa panga nito.

Ngumawa ang tokwa na agad tinulungan ng kambal na kanina pa tumatawa. "Halayin mo na lahat kami dito, 'wag lang si Risk, Angelito," sabi ni Psalm. "Allergic 'yan sa mga bekimon," dugtong ni Philemon.

Nagsiupo na rin sila sa sahig. Nakikimatyag lang ako. Pero kanina pa ako nangingitngit.

Minsan talaga hindi ko masasabi kung kelan seryoso 'tong mga tukmol o kung kelan mang-gogood time, eh.

"Simulan mo na, Pards..." sabi ni Steel na hindi na yata matatanggal ang ngiti habang nandito si Magnet. Ang OA ng kinang ng mga mata. Tokwa!

"You're not gonna ask me why AB isn't here with us, Kudos?" tanong ni Magnet.

Nagkibit-balikat ako. Obvious. Maybe, she's busy. Or she doesn't want to come. Maraming p'wedeng dahilan.

Madidisappoint lang ako 'pag nagtanong ako.

"Diretsuhin mo na, MM," ani Shield na sumampa sa kama at dumapa. "Ganyan 'yan, mahilig magtago ng emosyon kahit madali namang basahin."

"Kahit na deep inside, kating-kati ang puwet na malaman ang dahilan," si Psalm.

"Kahit na mabilis ang tibok ng puso at kumukulo ang tiyan dahil kinakabahan," sabi ni Phil. "Tingnan mo, tumutulo ang pawis sa noo."

Napapunas ako sa noo. "Naghilamos ako," dahilan ko.

"Kasi akala... nandito si Kulot," iling ni Steel.

Nagtawanan sila. Pero hindi ako natatawa. Walang nakakatawa.

"Ano ba'ng binabalak n'yo kay Kudos, boy?" seryosong sabi ni Risk. "Alam n'yo namang hindi pa 'yan umiibig kahit kailan sa isang babae. Ngayon pa lang. Seryoso 'yan. Tapos ibebenta n'yo nang gano'n lang? Nang walang kasiguraduhan? Wala kayong pakialam kahit na masaktan?" Tumikhim siya. "Pero kung ang balak n'yong ibenta ang virginity ni Kudos, game ako diyan... nang mabinyagan naman!"

Hinablot ko ang unan at sinapak kay Risk na humagalpak. Nakngtokwa! Tukmol talaga.

"I'd volunteer, Mga beshies! I'm willing to help para sa katawan at dignidad ni Baby Kudos... basta I'm the victim," hagikhik ni Angelito. Nagtawanan ang mga tukmol.

Tumindig yata ang mga balahibo ko sa kilabot.

Nakng, I'd rather die a virgin.

"Susmeyo, Bakla! Ikaw pa talaga ang victim, ha?" Umiling si Magnet. "Seryoso na, Guys. Actually, Angel and I... I mean, Angelito and I are having an experiment."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Experiment?" sabay ang kambal.

"Yeshie!" si Angelito. "Don't think about the bet or dare, Papabels. We're doing this for Angel... I mean AB," then he winked at me.

"Mamaya ka na kumerengkeng, Bakla!" si Magnet ulit. "Don't comment while I'm talking. Let me finish first. Ganito. I'd make the story short. Hinahanapan namin ng lalaki si Angel."

"Tae! Hinahanapan?" Natawa si Steel. "Bakit? Puro naman lalaki ang kaibigan ni Kulot-"

"Mamaya ka na magcomment, Pards! Kasi, eh. 'Yung bruhang 'yon. Dami naman nagkakagusto. Maraming gustong manligaw. Saka mga lalaki rin karamihan ng kaibigan. Kami-kami lang ni Angelito ang babae. Habulin 'yon. Pero wala... eh. Lahat binabasted. Kahit g'wapo. Kahit mabait. Kahit matangkad. Kahit mapera. Ayaw niya.

"I mean, she doesn't want to commit anymore. Not she's been in a relationship before. Hindi rin naman siya galit sa lalaki. Hanggang kaibigan lang talaga. Kahit maeffort pa. Kapag nalaman niyang may gusto sa kanya, iiwas agad siya.

"Limang taon na namin siyang kilala ni bakla. Pero kahit iyakan yata siya ng lalaki ng dugo, 'di siya papasok sa isang relasyon. Sabi niya pa nga, mas okay pa na maging matandang dalaga na lang siya. O kaya magpapabuntis na lang siya para magkaanak, basta 'yung lalaki... walang habol sa kanya. 'Di siya papanagutan. Gusto niya ng anak, pero ayaw niya ng asawa. Iniisip nga namin, baka tomboy si AB, eh." Tumawa si Magnet at sumulyap sa 'kin.

Umiwas ako ng tingin at tumingin sa may pinto. Ayokong magkomento. Kasi alam ko naman na lahat ng sinasabi niya.

"Willing akong magdonate ng sperm cell," singit ni Risk. "Basta ba may sexual inter-" Napatayo agad siya nung mag-amba kaming sasapakin siya. "Chill! Masyado kayong hot," sabay tawa.

"Hanggang sa mabasa namin ang diary niya," pagpapatuloy ni Magnet, hindi pinansin ang katukmolan ni Risk. "Magkasama kami sa apartment nina Angelito, eh. Anim kami doon, 'di ba, Pards?" Tumango-tango si Steel. "Tatlong lalaki, dalawang diyosa, isang beki- ay!" Pinalo siya ni Angelito.

"What's with the experiment?" tanong ko.

"Excited much, Baby Kudos?" Hagikhik ni bakla. "It's because we want our Angel to be masaya. She's masaya naman with her friends. Pero iba ang feels kapag may lalaki sa life naming mga girls. That's why inihulog namin sa MRT station sa Cubao ang diary niya. Oh, ha! Pang-teleserye ang peg." Hinawi niya pa ang suot niyang blonde wig.

"Pussycat! Sa MRT?" tawa ni Philemon. "Sa MRT mo napulot ang diary ni AB, Boy?"

"Bakit naman sa MRT, MM?" napapailing sina Shield at Psalm pero nangingiti naman.

"Dahil may forever sa EDSA!" sabay na hagikhik nina Magnet at Angelito. Nakngtokwa!

Nagtawanan ang mga tukmol.

"Pero maraming beses kaming nag-attempt ni bakla," natatawa si Magnet na parang may inaalala. "May video pa nga 'yon, eh. Pang-documentary sana. Baka mafeature sa KMJS o Rated K ang lovelife ni Angel sa future. O 'di kaya isadula sa MMK o Magpakailanman. Dapat paghandaan namin kasi kami ang human cupids... mga extras."

"Tae! Baliw ka talaga, Pards," halakhak ni Steel. "Yari ka kay Kulot."

Tumawa si Magnet. "Kaso 'yong mga unang nakapulot... parang ewan, eh. Baka isumpa kami ni Angel kapag ang nakapulot ng diary niya 'yong mga amoy-kanal ang katawan na sumasakay sa MRT. May mukhang adik. May mukhang isang ihip lang ng hangin... liliparin. May mga 'di pumansin. Meron ding mga babae... pero hinahabol namin para bawiin.

"Hindi na nga alam ni Angel ang pagkupit namin sa diary niya... ipapahamak pa namin siya sa mga mukhang... nevermind."

"Eh, bakit hindi mo kinuha nung napulot ko?" kumunot ang noo ko.

"'Wag kang assuming, Kudos, ha!" Umirap si Magnet pero nakangisi naman. Baliw. "Hinabol kita. Kasi kilala kita... ayoko ng complicated situation. Baka maipit ako sa future, no. Kaso nagmamadali ka. At si bakla... pinigilan ako. Saka g'wapo ka naman, eh. Yieee! Kinikilig ang puwet."

Nakng!

"Saka nagsisi ka ba? Pinagsisihan mong binasa ang diary ni Angel? Akin na nga... nang makaulit kami sa umpisa-"

"No!"

"'Yun naman pala, eh. 'Wag ka nang umangal diyan. Makisali ka na lang sa experiment namin," sumilay ang kanyang ngiting tagumpay.

"Ano bang experiment?"

"Experiment: L O V E
Living Materials: Kuen Lacrosse and Angelica Bianca
Objective: To develop a relationship."

Iba-iba ang mga reaksiyon ng mga tukmol. Inaasahan ko naman na 'yun ang gusto nilang mangyari pero... hindi ko alam kung ano'ng iisipin o sasabihin.

Tokwa! To develop a relationship?

"Impossible 'yan!" komento ni Risk.

"Impossible talaga kung babaero 'yung lalaki," irap ni Magnet. "So, ano, Kudos? Deal or no deal?"

"No! I can't do that, MM," sunod-sunod akong umiling.

Bumagsak ang mga balikat nila. "Bakit? Akala ko ba gusto mo siya?"

"Yes," I admitted. "But it doesn't mean that we're going to play with her feelings. Experiment? Love isn't a research. Relationship isn't a test or a trial and error. Commitment isn't a game. It doesn't work like that. That if it succeeded, you'd continue to play, if it failed... game over."

Umiling ako. "No! I can't... I can't do that to her."

Natahimik silang lahat. Ni walang nakapagsalita agad. Nakatitig lang sa 'kin na parang tinubuan ako ng isa pang ulo. Nakanganga si Magnet. Si Angelito natutop ang bibig, pinipigilan yatang tumili.

"Ano'ng balak mo, Boy?" tanong ni Steel.

"Ewan? Ano ba ginagawa mo para makuha ang babaeng gusto mo?" balik na tanong ko. Hinithit siya ng ubo. Pinalo-palo tuloy siya ni Magnet sa likod.

Tiningnan ko sina Philemon at Psalm. "Kayo? May niligawan na kayo?" Sabay silang umiling at natameme. Sumeryoso. Parang biglang nag-isip. "Ikaw, Shield?"

Nagkibit-balikat. "I don't want to try," simpleng sagot niya.

"Hindi mo ako tatanungin, Boy?" natatawang sabi ni Risk.

Hindi na ako nag-abala pa. Katukmolan lang mapapala ko sa kanya. Matino lang naman kausap 'yan kapag nakainom ng alak.

Humagikhik si Angelito. "Nakakaloka! Puputok obaryo ko sa inyo. G'wapo. Athletic. Kalandi-landi ang genes, masarap magpa-hybrid, pero... Jusko po, pare-parehong legwak pagdating sa girls!" Pinaypay niya ang mga kamay sa mukha. Saka ako tiningnan. "So, no experiment, Baby Kudos? Then, give us the diary of Angel."

Kinunutan ko siya. "You're still going to do the experiment? With other guy?"

"Wiit, baby," iling niya. "You need to return the diary to us because you're too transparent. You're so easy to read. Kapag nakita ka ni Angel, mapapansin agad niyang interesado ka sa kanya. Magaling 'yung makiramdam. She's always right with her observation. Not always, but most of the time. Vigilant 'yon. Hindi lang pinapahalata madalas kasi sensitive rin sa feelings ng iba... pero kapag nahuli niya kami sa ginawa namin. Lalo ka na... I don't know..."

Tiningnan ko si Magnet. Malungkot siyang tumango. "But I don't have the diary," sabi ko. "Nasa apartment."

"Basta, sa 'min mo ibabalik, Kudos, ha?" sabi ni Magnet. "We're going to do anything for you to meet her in a different tactic. Pero basta... hindi niya p'wedeng malaman na sinadya naming mawala ang diary niya. At nabasa mo."

"Why? Didn't you lose her diary for that purpose?" takang tanong ko.

"Oo! Kasi experiment nga. 'Yun ang balak. Ayaw mo naman. Gusto mo yata seryosohan na agad. Fine! We're going to do this seriously. Pero kapag nalaman niyang nakilala mo siya dahil binasa mo ang diary... get ready for the consequences. For sure, iiwasan ka ni Angel. Kung matagal na nga niyang kaibigan, 'di niya mabigyan-bigyan ng chance. Ikaw pa kaya na nagustuhan siya sa weird na paraan? Just trust us on this, Kudos. Okay? Don't do anything reckless. And if ever you'll meet her... sooner or later, 'wag masyadong pahalata ha? Kahit halatang-halata ka!"

Sht! I just got goosebumps.

Pakiramdam ko sasabak ako sa gyera kahit walang training sa pagiging sundalo. Defenseless.

Bumuntong-hininga ako. "I'll try."

"Wait, one more thing..." pigil ni Magnet nang palabas na ako ng kwarto.

I need to breathe. I can't do it if it's too crowded. Nakakasakal sa pakiramdam. 'Di ako nakakapag-isip nang tama.

"I got it, thanks..." nginitian ko siya. Lumabas na ako't dumiretso sa kusina ng rest house bago pa nila ako mapigilan ulit. Nanunuyo aking lalamunan. Kailangan ko ng tubig.

*.*.*

DD,

I'm sad right now. Mali. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang aking nararamdaman. Naiiyak na naman ako.

Mag-iisang buwan na rin ang lumipas simula nung mangyari 'yong nakita ko sa Tabing-dagat. Halos isang linggo ko ring iniwasan si Toni pagkatapos ng nangyari. Hindi ako nagrereply sa kanyang mga text. Hindi ko sinasagot ang kanyang mga tawag. Iniiwasan ko siya sa school. Kapag alam kong nandoon siya sa hallway, sa ibang gate ako lalabas.

Pero after a week... wala na akong balita sa kanya. Isang text, isang miscall, ni anino niya... 'di ko na nakita.

Inisip ko nung mga araw na 'yon na... siguro nga, hindi niya ako mahal. Siguro nga, niloko niya ako. Siguro nga, kasama niya na ang babaeng nakita ko. Siguro, sila na. Siguro, masaya na sila.

Pero kanina... nakasalubong ko ang isa sa mga tropa niya. Iiwasan ko rin sana. Pero hinarang niya ako... at tumigil ang mundo ko dahil sa sinabi niya.

"AB, ba't 'di ka pumunta sa lamay ni Toni?"

Para akong sinaksak sa puso nang paulit-ulit. Akala ko nabingi ako. Ilang beses kong pinaulit sa kanya 'yung sinabi niya, pero paulit-ulit lang din pinunit ang puso ko ng mga masasakit at matatalim na kataga.

Lamay? Ni Toni?

Ano? Paano 'yon nangyari?

Nananaginip ba ako? Panaginip lang ba 'to?

Kahit may pasok pa ako... tinakbo ko ang daan papunta sa apartment nila kahit malayo. Humahagulhol ako nang iyak habang tumatakbo. Nanlalabo ang paningin. Ilang beses akong nadapa dahil sa panlalambot ng mga tuhod. Muntik pa akong masagasaan nang tumawid.

Pero wala akong pakialam. Gusto ko siyang makita. Gusto kong malaman kung prank lang ba 'to. April fools ba? Kaso hindi naman April 1. Tactic lang ba 'yon ni Toni para magpakita ako? Joke ba 'to?

'Yun ang mga gusto kong isipin. Ang paniwalaan.

Pero pagdating ng apartment... hindi lang ako sinampal ng isang babae. Sinampal din ako ng katotohanan. 'Yung nakita kong kasama ni Toni sa Tabing-dagat. Pagkakita ng babae sa 'kin... bigla siyang humagulhol ng iyak. Nanlambot akong napaupo sa pintuan, lalong lumakas ang paghikbi ko.

Minura niya ako. Sinisi. Lahat ng masasakit na salita, narinig ko sa kanyang bibig.

At alam mo 'yung masakit, Mylabs? Tama siya, eh.

Kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat.

Kung hindi ko siya hinusgahan agad, hindi 'yun mangyayari. Kung nakinig ako, hindi 'yun mangyayari. Kung hindi ako umiwas, hindi 'yun mangyayari.

He just wanted to surprise me that day.

But it doesn't matter anymore. Kung ano man 'yon, wala naman nang magagawa, eh.

Because he's gone. He left me and he'll never come back anymore.

It's all my fault. Naaksidente siya dahil sa 'kin. Nawala siya dahil sa 'kin.

Nung gabing maaksidente siya, papunta siya sa bahay namin para kausapin ako. Nakamotor. 'Yun 'yung gabing pinatay ko ang cellphone ko para hindi na makareceive pa ng kung anong tungkol sa kanya. Kahit nung sumunod na araw... kahit anong bagay na related sa kanya, wala akong pinapakinggan. Pasalita pa lang sila... nakatalikod na ako.

Nagpalit din ako ng SIM card.

I was so stubborn.

Ngayon... gusto kong saksakin ang sarili. Sinisisi ko ang sarili sa lahat ng nangyari. Alam ko na aksidente, walang may gusto nun. Pero hindi naman mauuwi sa gano'n kung 'di ko pinangunahan ang lahat.

I'm the one to blame.

Ang sama-sama ko.

Umuwi ako nang hindi sinasabi sa 'kin nung babae kung saan nakalibing si Toni. Siguro pinsan siya ni Toni o kaibigan... pero bakit ko pa aalamin? Wala na rin namang silbi. Walang silbi ang lahat ng mga impormasyon.

Huli na. Huli na ang lahat.

Wala na siya, Mylabs. :(

Iniwan niya ako. Hinding-hindi na siya magpapakita sa 'kin. Kailanman.

Ang sakit kasi hindi ko man lang siya nakita sa huling sandali. Ni hindi ko nalaman kung ano 'yung surprise niya. Ni hindi ko pinakinggan kung ano'ng paliwanag niya.

Ni hindi niya nalaman na mahal ko rin siya.

Ang sakit kasi nawala siya na 'yung huling alam niya... kinamumuhian ko siya.

Ang sakit, Mylabs. Na hindi ko alam kung paano ko mababawasan 'tong sakit na nararamdaman. Namumugto ang mga mata. Hindi na naman alam ni mama kung ano'ng nangyayari sa 'kin.

Nagsulat ako sa 'yo kasi 'yon ang ginagawa ko kapag malungkot ako, pero hindi nababawasan ang sakit na nararamdaman ko. Parang nilalamukos ang puso ko.

Gumawa rin ako ng tula para sa kanya kasi umaaliwalas pakiramdam ko pagkatapos, pero wala. Lahat ng ginagawa ko para gumaan ang loob ko... walang silbi lahat.

Mylabs, tulungan mo ako. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Ang bigat-bigat. Alam ko namang masakit magmahal, pero bakit ganito kasakit? Bakit?

Ano'ng gagawin ko? I want him here. Gusto ko siyang bumalik. Tulungan mo ako... ano'ng gagawin ko?

~.~

"To My First Love"

Nais kong isulat lahat ng gusto kong sabihin at nararamdaman
Ngunit 'di ko alam kung paano uumpisahan.
Sisimulan ko ba sa salitang "paalam"
O sa mga alaala ng una nating pagkakakilanlan?

Tanda mo pa ba, kung paano tayo ipinagtagpo ng tadhana?
Dahil sa mga kaibigan kong baliw na gusto yata akong maaliw.
Ivinandal ang numero ko with "Wanted Textmate" sa freedom wall.
Ikaw namang siraulo at loko-loko... pumatol.

You texted me "You want a boyfriend? I'm free!" just for fun.
I texted back that "Your SIM won in a promo" para 'di mapagtripan.
Hanggang sa maging textmates tayo na ang mga topic puro kalokohan.
Tapos niloadan mo ako ng five hundred
I thought, "Naks rich kid! Binibili mo ba ako para maging girlfriend?"

Badtrip ka! Blinackmail mo ako na bayaran kita at dapat may meet-up.
Oh boy, hindi ako uto-uto at babaeng madaling i-pick up.
Binalik ko ang load para asarin ka.
Subalit hindi ako nainform na makulit ka pala.
Isang araw, inambush mo ako habang kasama ang mga tropa
Ako namang si eng-eng nataranta at napatakbo
Habang iniisip ang... "Putek! Ba't ang g'wapo mo?"

One day, you asked... "Date me?"
I said, "Yes!" because you make me complete and happy.
Lumipas ang mga araw na nahuhuli mo na ang kiliti ko.
Nilagyan mo ba ng gayuma ang mga pagkain na binibigay mo?
Pati mga kaibigan ko... parati akong binibenta sa 'yo.
'Di na rin naman nila kailangan gawin sapagkat nahuhulog na ako.

Dahil sa 'yo, lahat ng bagay nabibigyan ko ng meaning.
Magmula sa FLAMES, bananacue, tsinelas, Cracklings, ultimo Sting.
Dahil sa 'yo, natuto akong magbilliards.
Gosh! Kakailanganin ko na ba ng lifeguard?
Dahil sa 'yo, unti-unting nalulunod ang puso ko.
Nalulunod sa wagas at tunay na pagmamahal mo.
Dahil sa 'yo, naranasan ko na masarap pala ang mahalin.
Lalo na kung ang nagpaparamdam nito'y ang taong gusto mong maangkin.

Kung effort at effort lang naman ang pag-uusapan.
Wala na yatang lalaking makakatalo sa 'yo diyan.
I want to shout to the whole world that... "I LOVE THIS MAN!"
Then I realized... "You're my THE ONE."

Subalit, pilit kong kinitil ang pagmamahal ko sa 'yo
Dahil alam ko sa sariling... bata pa ako.
Kahit sino'ng nakakatanda ang nakakakita sa 'ting dalawa na magkasama
Ang madalas nilang sinasabi, "INFATUATION" lang ang ating nadarama.
You're more than fours years older than me.
Hindi naman masyadong malayo, then... "Why can't it be?"

Dumating ang araw na sinubok ang tatag ng pag-ibig natin sa isa't isa
Patawarin mo ako, kasi ako ang unang bumitaw sa 'ting dalawa.
Hindi ko kasi nakayanan na makitang may ibang babae kang kasama
Nahuli pa kitang nagsinungaling, kitang-kita ng aking mga mata.
Aminado akong masyado akong mapanghusga at naging mahina.
Pero bakit? Bakit naging literal na "Nakamamatay ang maling hinala?"

I'm sorry, imbes na pagkatiwalaan ang pag-ibig mo
Tinakbuhan kita at hindi pinakinggan ang paliwanag mo.
I'm sorry, mas pinaniwalaan kong niloloko at pinaglalaruan mo ako
Kaysa ang ipadamang mahal din kita katulad ng pagmamahal mo.
I'm sorry, wala kang ginawa kung 'di ang ibigin ako
Pero sinaktan lang kita at winasak ang puso mo.
I'm sorry. I'm so sorry.

But why? Ang sabi mo mamahalin mo ako hanggang katapusan
Kaya bakit mo ako iniwan?
You promised me that you'll never go away
Then, why didn't you stay?
And you told me that wherever I go, you can follow me... always.
I trust you. I do.
Buy why did you go to a place where I can't find you?

Umalis ka ng walang paalam. Iniwan mo ako't 'di na babalikan.
Alam kong 'di ka na magpapakita sa 'kin kailanman.
Pero... iyo sanang pakatandaan, hinding-hindi kita magagawang kalimutan.

You'll always be my first love.
You're the first man to feel me that I'm worthy to be loved.
I'll never regret that I've met a great man like you. Thank you!

Hindi ko pa nasasabi sa 'yo ang mga salitang nais mong marinig
Ako lang palagi ang 'yong pinapakilig ng 'yong wagas na pag-ibig

Patawad kong huli na, ngunit nais kong malaman mo na...
Mahal din kita.
Mahal na mahal kita.
Hanggang dulo, mamahalin pa rin kita.

We will never see each other again.
But please, promise me one thing... be happy in Heaven.

*.*.*

Notes to AB:

#15 You're shattered and hurt right now, and I don't know what to do. You're too broken... I wonder if my love is enough to make you whole again.

_..._..._

< Kudos Pereseo >

NAKADALAWANG BASO na ako pero parang tuyong-tuyo pa rin ang lalamunan. Nagsalin ulit ako ng tubig at dinala sa bibig, nang may nagsalita sa likod.

"Excuse me po," boses babae. Mababa ang timbre. Pabulong. Nag-aalangan.

Mabilis akong napapihit paharap dahil sa gulat.

I saw a lady staring at me. A candid and heartfelt smile slowly appeared on her lips. Tiny curls of hair spread out on her temple from her messy bun. She was wearing a black t-shirt paired with fitted jeans. A green knapsack on her shoulder. She was panting and dripping with sweat. She looked like she run a hundred miles.

The moment our eyes met, it felt like I was walking in a road then hit by hurtling car.

"Oh, ikaw pala, Kudos..." mas lumawak ang ngiti niya nang makilala ako. Kilala niya ako? Ipinilig ko ang ulo. She looked familiar, too... but I can't point out when and where did I meet her. "Nakita mo ba sina Magnet? Iniwan kasi nila ako sa labas."

I found myself staring back at her face. Ni hindi ko na narinig ang huling sinabi niya. I couldn't help it... na parang may sariling buhay ang mga mata ko kaya ayaw umiwas ng tingin sa kanya. Sa kabuoan ng mukha niya.

Her face was bare. She has a pair of black and serene eyes like a peaceful night. Mga pisnging bahagyang namumula dahil siguro sa pagod. Na bahagyang tumatambok 'pag ngumingiti... na tila masarap pisil-pisilin. She has those lips... those lips that I think can capture souls every time she smiled.

Hindi ko maintindihan... kasi bigla akong kinabahan.

She has this certain aura that I couldn't explain. It just felt like she'd stand out among the rest of the girls in the resort. Like my gaze will fall on her in a crowded place... always.

Why? Why do I think this way now? Nakng!

I blinked several times to make sure I wasn't hallucinating. She raised her eyebrow and her smile vanished... and that brought me back to my senses.

My eyes grew wider when I realized that- sht!

Sht! Sht!

Narinig ko ang mga yabag na paparating. "Kudos... kasi ano..." Sumunod yata si Magnet sa 'kin, nakabuntot naman sa kanya ang mga tukmol. Pero hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita ang taong nakatayo sa harapan ko. Nanlaki ang kanyang mga mata. Natigilan silang lahat. Saka ako binalalaan ng mga tingin ni Magnet. She cleared her throat. "Angel, sabi ko naman na mamaya ka na pumasok."

Nawalan yata ako ng kontrol sa sistema ko. Mabilis. Agad-agad. A quiver of panic made its way inside me, making my whole body shuddered with edginess. By just hearing her name, my hands vibrated. My heart was piercingly trouncing on my chest.

The girl standing in front of me is AB!

Sht! I need to calm down.

But how can I compose myself now?

The girl in front of me is the girl I'm dying to see. The girl staring back intently at me is the girl I really want to be with me.

But I need to be extra cautious with my actions because the moment she knew that I like her... she'd run away from me.

Kailangan kong kumalma. Pero nasasalamin ko ang kaba sa reaksiyon ng mga tukmol na pinandidilatan ako ng mga mata. Sa halip na ibalik ang ngiti kay AB, napahakbang ako paatras. Sa halip na hawakan siya dahil baka tumakbo siya sa nakikitang reaksiyon ko, nabitiwan ko ang hawak na baso.

Narinig ko ang pagbagsak. Pagkabasag. Napatitig ako sa mga bubog na kumalat... imagining it was my heart.

I cursed inside my head. Napapamura rin nang mahina ang mga tukmol. Sht! I ruined it. Ibinuko ko ang sarili ko.

I just ended the relationship that had never been started. I think I just lost her even she wasn't mine to begin with.

_._._



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE