Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.


< Kudos Pereseo >


"LOOK AT that girl!" Sinundan ko ng tingin ang tinuturo ng mga mata ni Paris. "Siya 'yong babae na nag-aabot sa 'yo ng mineral water tuwing may praktis kayo. Right? Ang tatalas ng mga titig, eh. Bagong hasa yata. Kelan ka ba kasi maggigirlfriend, Kudos? Nakakastress na 'yong mga babaeng may gusto sa 'yo na pinapatay ako sa tingin, ah."

Nang tumama ang mga mata namin nung babaeng nakalugay ang buhok na hanggang balikat, umiwas siya ng tingin at hinila ang dalawang babae na kasama niya pa. "'Di ko maalala." Sinaid ko ang laman ng buko shake. Inilagay ang plastic bottle sa bench na tinatambayan namin sa lilim ng punong mangga.

"Asonggala! 'Di mo maalala?" Huminto si Paris sa pagsipsip ng melon shake niya. "Halos araw-araw kang inaabutan ng mineral water, tapos 'di mo maalala?"

"Si Train umiinom ng mga 'yon," tukoy ko sa varsity captain namin sa basketball. Tumanaw ako sa mga naglalaro ng baseball sa 'di kalayuan. 'Di masyadong tirik ang araw. Presko ang pang-ala unang hangin na tumatama sa balat ko.

Umiling na lang si Paris. "Ibang klase! 'Di ko tuloy alam kung sino'ng mas magaling magpaiyak sa inyo ni Risk ng mga babae. Magkaiba ang mga paraan. Pero parehas na nakakasakit. I'm a girl, so I know how it feels."

Katatapos lang namin kumain ng lunch. Katulad ni Risk, matalik ko ring kaibigan si Paris. Minsan nga mas naiintindihan niya ako kaysa sa tukmol na 'yon.

Halos magkababata kami ni Paris. Mas matanda siya sa 'kin ng isang taon. Graduating na siya ngayon. BS in Medical Technology .

Lumipat ang pamilya nila sa Antipolo nung nine years old siya. Naging kapitbahay ng mga Pereseo ang mga Demaloco. From time to time, palagi kaming magkasama nina Paris. Solid Pereseo fan. Always present sa mga events kung saan dumadalo kaming magpipinsan. Kulang na nga lang pati sa reunion namin... pumunta siya.

Kaya madalas, nagagawan kami ng issue. Na nililigawan ko si Paris. May gusto sa 'kin si Paris. O kami na ni Paris, inililihim lang namin sa publiko. Ultimo parents ko boto sa kanya. Siguro isang maling salita lang... gagawa na ng nuptial invitation sina master at bossing.

Pero ang hindi alam ng mga tao... hindi lahat ng tsismis, totoo.

Close man kami ni Paris pero wala, zero, blangko ang romantic intimacy namin sa isa't isa. Siguro kaya komportable ako sa kanya kasi alam ko... hinding-hindi siya mahuhulog sa 'kin. Vice-versa.

Paano ako nakakasiguro?

Because she's in love with Risk. 'Yung tukmol kong pinsan na walang pakialam kay Paris.

It's a long story. Kukulangin ang buong araw kung ikukwento ko.

Paris is beautiful. Nagtataka nga ako sa sarili bakit hindi ko man lang siya magustuhan. She has rounded eyes. Na kapag tumitig sa 'yo, alam mo na kung ano'ng nararamdaman niya. Mabilis siyang mabasa dahil dun. That's one of her assets. Her eyes.

Hindi nalalayo ang ganda niya kay Ate Kira. Nagiging magkamukha na nga sila. Close sila, eh. Palaging magkasamang magwork-out. Daming naiinggit sa kanila. Ang hindi alam ng iba, pinaghirapan nila ang kutis at katawang 'yan. Kapag palagi kang nagwowork-out at pinagpapawisan, iwas-pimples at gumaganda ang kutis ng balat mo.

"It's better than giving false hopes," sabi ko na lang.

"Hindi gano'n, Kudos. A little appreciation is more than enough. Nag-effort sila, dahil gusto ka nila."

"I didn't ask them to."

"But still you should acknowledge—"

"Girls like to assume things. Pakitaan lang ng lalaki ng konting motibo, akala nila serious commitment na ang hinahanap mo."

Okay. Kasalanan naman ng ibang lalaki. Bakit ba nagbibigay motibo kung wala naman balak mahalin?

But, I'm not like that.

"Grabe 'to! Hindi naman pagbibigay motibo ang appreciation--"

"People are greedy. They wouldn't be satisfied with just a simple appreciation or acknowledgement. Once you gave them signs, they'd continue and pursue what they wanted to own. When they failed, that's the moment wherein... pain, whines, heartaches, and blame would follow. Most of all, people's judgement; they'd throw harsh comments on you, without knowing first the main reason of those issues. Paasa. Manloloko. Mahilig magpaiyak ng babae. Bakla. And the list goes on."

Nilingon ko si Paris na nakabuka ang bunganga, at nanlalaki ang mga mata sa 'kin. Kulang na lang mabitiwan niya ang hawak na shake. Napapindot ako sa tuktok ng tainga. Nakng! Kaya ayokong sinasabi mga naiisip ko dahil pinagkakamalan akong weirdo madalas. Mas trip ko talaga manahimik na lang.

"Asonggala! Seryoso ka na naman niyan? Haba ng speech mo, eh." Bigla na lang siyang tumawa. "Pero, Kudos, may mga nasasabi pa rin naman ang mga tao—"

"That's the point," I cut her words. "People have always a say on everything; whether it's a fact or concocted statement. So, why bother arguing with them, if in the end, they'd still believe what they wanted to believe? Just learn to keep your mouth locked."

"Oo na! Ikaw na ang hari ng deadma." Paris rolled her eyes. "Hihintayin ko na lang na mainlove ka. Tingnan lang natin kung hanggang saan ka dadalhin ng mga paninindigan mo." Saka niya inubos ang shake.

Ewan. Dahil sa sinabi niya, bigla akong kinabahan. Natahimik kami ng ilang saglit. Ayaw niyang nakikipagdebate sa 'kin pagdating sa ganito dahil 'di siya nananalo.

"Paris..." tawag ko sa kanya matapos maka-homerun nung tinitingnan kong player sa baseball.

"Naku, Kuen Lacrosse, ha! 'Wag kang maiinlove sa 'kin. Ayokong magkaroon kayo ng issue ni Risky Love ko. And I don't want to hurt you. I always choose him, you know that."

Natawa ako. Kahit kailan talaga. "'Yung mahal mong maraming babae at walang gusto sa 'yo."

"Sa lahat ng taong madalas walang pakialam, ikaw ang masakit magsalita."

"I just said the truth."

"Sige idiin mo pa, masakit na nga. Para ka lang dumidiin ng bulak na may alcohol sa sugat ko, ah."

"I just wanna ask something, Paris."

Napanguso siya. "Oh, ano ba kasi 'yon?"

"Nagsusulat ka ba sa diary? Or do you own one?"

"Ha?" Parang loading pa 'yong sinabi ko sa kanya. Tapos bigla siyang tumawa. Nakng! Bagay nga sila ni Risk. Ba't ba ayaw ng tukmol na 'yon kay Paris? "Nagdadiary ka, Kudos?"

"Nakngtokwa! No. Just answer, Demaloco."

"Asonggala naman, Pereseo! 21st century na. New millennium. Diary is so old school. Saka ayaw ko ngang nagsusulat ng mga lectures sa school, tapos magdadiary pa ako? Bakit ba kasi? What's with the diary?"

"This is just a scenario, what if... you've seen a lost diary and you picked it up. Would you read it?"

"Hindi ko babasahin. Bakit? Kasi in the first place, 'di ko pupulutin. Baka may sakit pa may-ari nun—"

"What if nga lang... pinulot mo—"

Tumawa na naman siya. "Hindi ka talaga marunong magpretend, Lacrosse. Stop fidgeting. Diretsuhin mo ako. Ganito. Paris, may napulot akong diary. Kulay green. Binasa ko. There. Madali lang. So, ako naman magtatanong. Babae ba may-ari? Malamang, oo. Konti sa madalang lang ang lalaking magdadiary. Now, what's your real concern?"

Napamaang lang ako sa kanya. Madali ba talaga akong i-annalyze? Kahit sa mga pinsan ko, bilang sa isang kamay ang mga natatago kong sekreto. Kahit hindi ako umiimik, nabubuking nila ako. Akala ko... talent lang talaga nila 'yon.

"Nung nakita mo ang green na notebook kanina, alam mo na?"

Umiling siya. "Nagtaka. Tinago mo agad nung dumating ako, eh. Meaning, you don't want other people see or read the stuffs that were written on that notebook. Narealize ko lang na diary 'yon na napulot mo dahil sa sinabi mo ngayon. You're not a nosy person. Hari ng deadma ka, 'di ba? So, bakit nagtatanong ka tungkol sa diary lang? Gumawa ka pa talaga ng scenario." Tumawa ulit siya.

Nakng! Fine. Nasukol na ako. Bakit ko pa itatago?

"I read it to find an information. Para mabalik ko kay AB ang diary."

"So, her name is AB?" Ngumisi siya.

Hindi ko nagustuhan ang ngiti niya. "Nabasa rin nina Psalm at Phil—"

"At nababahala ka?"

"No! Why would I? I just don't like that they were assuming things."

"Like what?"

Hindi ako sumagot. Pinindot ko na lang ang tuktok ng tainga. Bumuntong-hininga. "Wala."

"C'mon, Lacrosse. Gusto mo ba ako ulit magtanong ng mga gusto mong itanong sa 'kin?" Tiningnan ko lang siya. Naghahamon ang kanyang mga mata. Hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy siya. "Paris, why am I so curious with this certain girl I haven't even met? Why I am so bothered with just a diary? Is it possible to fall in love with a person I don't even know personally?"

"Hey! That's not what I'm gonna ask you."

"Then what?" Ang lapad ng ngisi niya na parang tama siya. At hindi dapat ako kumontra. Hindi ako nakarason kasi tumayo siya. Magstastart na ang kanyang next class. "Those feelings are normal, Kudos. Now, I'm certain that you're a human. Stop overthinking, okay?"

Ihinagis niya ang empty plastic bottle sa basurahan. Napasimangot nang hindi pumasok sa trashcan. Saka siya naglakad patungo sa building nila. Nakatulala lang ako sa kanyang likod. Kaso bigla siyang humarap na tila naramdaman ang titig ko. Saka ngumisi at bumalik.

"I have an idea to prove you that I'm right..." She's smiling from ear to ear. Kilala ko si Paris. Kapag may gusto siya, gusto niya talaga. "Throw the diary, Kudos. Dump it anywhere. May makakapulot na iba niyan. Siya na bahala bumalik ng diary kay AB. Siguro naman gagawin n'ya 'yon. Para 'di ka na rin mahirapan maghanap ng info. Right? See you tomorrow, Pereseo!" Kumindat pa siya para umalis na nang tuluyan.

Hindi ko masabi sa kanya ang sagot ko. Pero 'di pa man siya nakakatalikod, alam ko na gagawin ko.

No! Why would I throw the diary?

Ako ang nakapulot. Ako ang magbabalik kay AB. Sa personal.

*.*.*

Page 19

Mylabs,

Tapos na ang graduation namin. Masaya ako pero hindi sagad ang kasiyahan. Hindi kasi nakauwi si papa. O choice niyang 'wag umattend ng graduation katulad nung kay Ate Shane.

Binilhan niya lang ako ng gift. Cellphone. 1110 ang unit. Hindi colored. Hindi latest ng Nokia pero may flashlight kaya ayos na.

Pero mas gusto kong umuwi siya. Kahit walang cellphone. Ayos lang. Wala naman ako itetext, eh. Ah sige. Itetext ko palagi si papa. Textmate kami.

Pero nakapagmove-on na ako sa mga happenings.

Kilala ko na rin kung sino 'yong nagbibigay ng mga love letters. Inaabot lang kasi sa 'kin 'yon ng isang kaklase ko dati pero 'di niya sinasabi kung kanino galing. This time, 'yong mismong gumagawa ng letters ang nag-abot sa 'kin. Nashock pa ako kasi ahead ng isang taon 'yong guy. Grade 6 ako. High School na siya. Si Kuya Alexis. Dapat ko ba siyang tawaging kuya? Pero mas matanda siya. One or two years yata.

Nakalagay doon sa huling letter niya na doon ako mag-aral ng high school sa school nila. National High School 'yon. Kung kailangan ko ng tour guide, willing daw siya. Crush niya raw ako kahit nakalagay na 'yon sa mga unang letters niya. Marami pa nakalagay.

Excited pa rin ako sa darating na pasukan. Pero 'di talaga ako makapagdecide kung anong school.

Tinatanong ako ni mama kung gusto ko sa National High School or Science High School. Si Rury kasi sa NHS lang kasi walang pang-tuition. Eh, maraming nagsasabi sa 'min na i-try daw namin magtake ng entrance exam sa SHS kasi maganda ang school. Sayang ang talino namin.

Pero ayoko naman mag-aral sa NHS. Baka ano ang isipin ni (Kuya) Alexis. Hindi ko naman siya crush, eh. Baka kapag doon ako pumasok, isipin niya na crush ko rin siya. Kaso ayoko naman malayo kay Rury. Gusto ko parehas pa rin kami ng papasukan.

So, hanggang ngayon... pinag-iisipan ko pa.

Tinatawag pala ako ni mama. Nagtatago ako. Eh, paano... nagpupu 'yong alaga niyang pusa sa ilalim ng kama. Pinapadakot sa 'kin. Yuck! Ang kadirdir. Kaya ayaw namin ng pusa ni Ate Shane, eh. Mas okay na sa 'kin mag-alaga ng benteng aso, 'wag lang talaga pusa. Huhu.

"Angelica Biancaaaaa!"

Nahuli ako ni mama, DD. Huhu. BRB.

Mylabs, ito na ang continuation. Pinadakot pa rin sa 'kin ang umaalingasaw na longganisang itim. Walang justice. Halos mag-iisang minuto rin akong hindi humihinga habang gumagapang sa ilalim ng kama. Ililista ko 'to sa mga most unforgettable moment ko.

Tapos pinagprito ako ng tilapia. Pinagalitan din ako pagkatapos. Ganito mga linyahan ni mother, oh.

"Bakit minurder mo na naman ang isda, AB? Bakit durog-durog 'to?"

"Sabi ko nang painitin mo muna ang kawali at mantika bago mo isalang ang isda."

"'Wag ka nang magluluto!"

Sus! Ilang beses niya nang sinasabi ang ikatlong linya, pero pinagpiprito pa rin ako. Eh, sa hindi nga ako marunong magluto.

Ang nakakainis pa, nagagamit ko ang skills ko sa pagsayaw habang may hawak na shield at sumasabak sa gyera. 'Yung takip ng kaldero ang armor ko tapos 'yong tumatalsik na mantika ang kalaban ko. Kainis! Masakit ang mga talsik.

Tapos kapag nagreklamo ako. Ito lang sasabihin ni mama... "Tatalsik 'yan dahil may tubig. Nilagyan mo ba ng tubig?" Hindi ko naman nilagyan, eh. Binanlawan ko lang 'yong sandok tapos nung babaliktarin ko na ang isda, nagwala ang mantika. Problema nun sa 'kin?

Tapos pinahirapan pa ako nung tilapia sa pagbaliktad sa kanya. May relasyon yata sila nung kawali. Masyado silang madikit sa isa't isa. Ginawa pa akong kontrabida. Ayun! Nadurog ang isda. Maharot, eh.

Inaway ko pa si Ate Shane. Kainis kasi. Task niya ang pagluluto. Kaya nga ako naghuhugas palagi ng mga plato, eh. May kanya-kanya kaming gawain sa bahay. Tapos nung nagsagutan kami ni ate, sumabat na naman si mama. "Ito, kutsilyo... magpatayan na lang kayo!"

Grabe po si mother. Ginawa pa akong murderer. Hindi naman ako si Cain na kayang patayin ang kapatid niya. Baka si Ate Shane pa. Sama ng tingin sa 'kin, eh. Nagalit dahil durog ang paborito niyang tilapia.

Kaya ayokong magluto, eh. Daming kaartehan. Mag-aasawa talaga ako ng magaling magluto sa future. Hindi na ako maghahanap ng g'wapo. Basta lagi akong busog, kuntento na ako.

PS: Pumunta ng bahay si Brent. Nagtatanong kung saan daw ako mag-eenroll. Balak niya raw magtake ng exam sa Science High School. Niyaya niya ako. Sabay daw kami. Hala! May crush na rin ba siya sa 'kin? Paano 'yon? Eh, 'di ko na siya crush, eh.

Mahaba ang buhok,
Angelica Bianca C. de Makapili

... ... ...

AlphabetSenpai's PHL (Pa-hugot Lang)

Ang pag-ibig minsan parang pagpiprito ng tilapia. Kailangan munang painitin ang inyong pagkakakilanlan bago isalang ang sarili sa isang relasyong walang kasiguraduhan. Hindi kailangang madaliin dahil kapag sumundot ang kapalaran at binaliktad kayo ng mga problema... maari n'yong i-kadurog na dalawa. Mabuti kung may titikim pa sa 'yo kung sobrang wasak ka na.

Hala! May pagtikim? Hahaha.

Dear Kabiyak ko, don't mind my kaechosan at kabaliwan. Sige lang, dahil CUTE ka naman... basa ka lang diyan. Kung bored ka na at aminado kang hindi cute, stop reading na lang.

Naks! Aminado talaga siyang cute siya. Yiee.

Anyway, please handle it with care. Kasi ipapabasa ko pa ang diary ko sa mga future kids natin. Wabyuu! \(*3*)/


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE