Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

Page 1


Caution: Bawal makitsismis, slippery when wet.

Translation: Bawal basahin, nakamamatay.


Private property. Permit required. Unauthorized persons. Keep out!


Per DTI-NCR Permit No. 14369, Series of 2018. (I'm sure, 'di mo binasa.)


Danger: Beware of dogs! (Kapapanganak pa lang.)


Kaya habang maaga pa, itigil mo na. Parang ‘yong feelings mo sa taong may ibang gusto, hangga’t maaga pa kailangan nang ihinto.


Ang diary na ‘to… pagmamay-ari ko. Ako. Solo ko. Nag-iisa. Hindi dalawa. Hindi rin tatlo katulad ng mga babae ng mga lalaking manloloko.


Isinulat ko ‘to para ipabasa sa magiging asawa ko at mga anak namin sa future. Sila lang ang nararapat makaalam ng naging buhay pag-ibig ko bago kami magkakilala.


‘Yon nga lang, hindi pa tapos. Ongoing. Parang ‘yong paghahanap ko kay The One na aking magiging Husband. Hanggang ngayon, ongoing pa rin.


Pasensiya na! ‘Di mo talaga p’wedeng basahin, kung ‘di kita boyfriend.


PS: May reklamo ka? Itawag sa LTFRB, 09214487777.


*.*.*


< Kudos Pereseo >


Natawa ako. Siguro kaya walang nagkamaling manligaw sa babaeng ‘to kasi baliw. Nilagay talaga ang number ng LTFRB. Ano? Sa LTFRB ko ibabalik ang kanyang diary?


Well, she’s funny.


Cute.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE