Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

Mylabs,

Inabala ko ang sarili ko, lately.

Kung ano-ano ang pinagkakaabalahan. Kung iisipin ko kasi palagi ang mga napagdaanan, paano ako mabubuhay sa araw-araw? Paano ako uusad?

Hindi ko 'yon makakalimutan hanggang sa lumaki ako. Maiisip at maaalala ko. Pero nangyari na. Hindi ko mababago ang nakaraan. Wala akong kapangyarihan. Saka imposible.

People are weak. Maraming kahinaan. Curious. Mahina sa temptasyon. Mabilis madala sa bugso ng damdamin. Natutukso. Nababasag. Nasasaktan. Lahat ng tao may kakayahang gumawa ng kasalanan at kasamaan. Nobody's perfect.

Therefore, Jake's not perfect.

Pero hindi porke may kakayahan na tayong gumawa ng masama... dapat na tayong gumawa ng masama. Choice pa rin naman natin 'yon. Kaya nga binigyan tayo ng freewill ni God.

Katulad ng binigay niya kay na Eva at Adan.

May sarili tayong mga desisyon. Ang tanong... ano ang pipiliin mo?

Susundin mo ba siya o lalabagin?

Magiging masama ka bang tao o mabuti?

Gagawa ka ba ng krimen sa kapwa o magiging matulungin?

Manghuhusga ka ba o mang-uunawa?

Magtatanim ka ba ng galit sa mga nakagawa ng kasalanan sa 'yo o magpapatawad?

Pero dahil marupok ang tao, maraming maling desisyon ang nagagawa natin. Na syempre pagsisisihan natin.

Katulad ng pagkain ni Eva ng ipinagbabawal na bunga.

Katulad ng pagpaslang ni Cain kay Abel na kapatid niya.

Katulad ng ginawa nina Jake sa 'kin.

At dahil tao lang din ako tulad nila, alam ko, deep inside, masama pa rin ang loob ko. Nagagalit. Namumuhi. Hindi ko alam kung kaya kong magpatawad.

Pero kahit puro katanungan ang isip ko, na walang kasagutan... sigurado ako, kahit hindi masagot kung bakit ginawa nila 'yon sa 'kin... darating ang panahon na mapapatawad ko rin sila.

Pero ngayon? Baka hindi pa. Mabigat pa kasi, eh. Kabubuhos lang ng gasolina sa nagliliyab na apoy, mahirap apulahin. Katatapos lang ng bagyo, bumabaha pa, mahirap pahupain. Sariwa pa ang sugat, nangangailangan ng panahon para tuluyang gumaling at paghilomin.

Oras. Lahat ng bagay nangangailangan ng oras. Kaya nga may motto na... time is gold.

Parang metamorphoses. Ang butterfly, nagsimula sa uod. Ang ibon, sa simula... 'di pa marunong lumipad. Bago maging sisiw, itlog muna. Bago maging bata, fetus muna.

Kailangan ng oras. Kailangan din ng proseso.

Hala, mylabs! Kung ano-ano na naman pinagsusulat ko sa 'yo. Mahirap i-connect sa topic. Hindi lang kasi Bible ang binabasa ko ngayon, eh. Ang dami ko na ring nabasang romance novels. Nagiging makata na yata ako. Pinaninindigan ko na ba ang pagiging writer kuno kahit wala pa naman akong nasusulat na novel kahit isa? Hahaha.

Puro plot nga lang ang meron ako't title, eh. Kahit draft... ayokong gumawa. Nasa isip ko lang lahat. 'Yong iba't ibang personalities ng bawat characters, 'yong takbo ng story... heavy drama ba o light novel. Science fiction ba, fantasy o SPG. (Horror, action o thriller-mystery. Baka kung ano na naman naisip mo sa SPG, eh.)

May conflicts na rin ako. May climax. Alam ko na kung saan ilalagay ang mga twists. Kung saan ipapasok ang turning point ng story. Alam ko na rin ang magiging ending bago ko gawan ng title. Ayoko ng happy ending. Ayoko rin ng tragic. Ayoko ng exaggerated at OA na story. Ayoko ng hango sa reality pero nagiging fantasy. Ang gusto ko realistic na ending dahil realistic din ang isusulat ko.

'Yung akala nila cliché sa umpisa, o common na at palagi nilang nababasa pero may bulagang sasabog sa kanila. Makakarelate sila. Tatawa. Iiyak. Kikiligin. Maiinis. Magagalit. Realistic pero lahat ng emosyon, mararamdaman nila. Higit sa lahat, gusto ko na mainspire sila. Mainspire sa magandang paraan. May mapupulot na lesson in a good way. Yes, in a good way.

I want to write a story for good purpose only.

Hindi 'yong magsusulat ako ng kung ano-anong plot at puro bad manners lang naman ang matututunan ng mga readers ko. Naks! Akala mo naman may readers na. LOL. Akala mo naman ang bait-bait, pero nagbabasa naman ng SPG. Hahaha. Kasalanan 'yon ng writer ng pocketbook, eh. Nilagyan ba naman ng eksena sa sala, sa kusina, sa pool, at sa loob ng banyo. Hala mylabs, corrupted na tuloy ang 13-year-old self ko.

Kung ano-ano lang kasi binabasa ko, eh. Sikat kasi 'yong writer kaya basa lang ako nang basa. Sa sunod nga mamimili na ako ng babasahin. Kahit hindi sikat pero nakakainspire.

Balik sa usapang writer. Hindi ko pa yata kaya, Mylabs. Ang taas kasi ng expectations ko sa mga writers. Ang taas ng tingin ko sa kanila. Lalo na doon sa mga writers na pinag-iisipan talagang maigi ang bawat eksena at isusulat. Sa tingin ko, 'di ko pa magagawa. Ang tamad-tamad ko kaya. Hanggang prologue pa lang naisusulat ko. 'Yung chapter 1 ko nga 'di pa tapos.

Ang sipag kaya ng mga writers. Sa diary pa nga lang ako nagsusulat, ilang oras na ang kinakain sa loob ng isang araw. What more kung isang buong novel? Grabe! Saludo na ako sa mga writers.

Saka baka masira ko lang ang literacy sa Pilipinas kapag naging writer ako. Tapos mababash ako kasi kung ano-ano lang ang mga sinusulat ko. Baka sabihin nilang basura lang ang story ko. Tapos walang k'wentang writer kasi hindi alam ang tamang way ng pagsusulat... chuchuchu.

Kaya sa notebook lang ako nagsusulat, eh. 'Yong mga pinsan ko lang ang pinapabasa ko saka si Ate Shane. Si ate ang unang critic ko. Puro wrong spelling at mali raw ang grammar. Ang jejemon ng mga characters. Nahuhulaan ang sunod na mangyayari. Walang lesson na mapupulot. Puro kalokohan at kaartehan lang nung bidang babae. Nagsasayang lang daw ako ng oras. Marami pang magagaling na writers sa Pinas, bakit pa raw ako makikisiksik? Maging reader na lang daw ako forever.

Sakit, ah! 'Pag ako talaga naging writer... hu u, I mean who you siya sa 'kin. (Ayan, Ate Shane! Tama na spelling ko.) Hahalikan mo ang p'wet ko 'pag naging writer ako.

Kaya, Mylabs... tigil na muna ako sa pangarap kong maging writer. Bata pa naman ako, eh. Siguro naman bago ako mag-70, nakapagsulat na ako ng isang inspiring novel.

Ngayon, balik sa dating gawi ang buhay ko. School, bahay, at church.

Palagi kaming may activities sa church. 13 na kami ni Rury, kaya kabilang na kami sa Youth organization. 'Di na kami cadets. Makakasama na kami sa Youth Festival tuwing December at Youth Camp tuwing April or May. Yes!

Kaya tuwing Saturday at Sunday, nasa church kami palagi. Nagpapaturo kasi kami nina Rury, Brent, Owen, Ate Shane, Dale at ibang pinsan ko pa sa mga instruments. Sina Brent, Owen at Dale sa drums. Nagtry ako nung isang araw, pero ang hirap pala. Jusko! Sumasabay ang pitik at bagsak ng mga kamay sa paa ko. Kaya kami nina Rury, Ate Shane at ibang pinsan ko... gitara na lang ang inatupag.

Every weekends, gano'n ang pinagkakaabalahan namin. Tapos tinuturuan kaming mga babae sa tambourine. Para makasali na kami sa tambourine competition sa Youth Festival. Malapit na kasi. Excited na naman ako sa panibagong chapter ng buhay ko, Mylabs. Gustong-gusto kong sumayaw. Tapos bagong style 'to kasi may tambourine. Iniisip ko pa lang... parang ang saya na.

New goal: Matuto maggitara at mamaster ang lahat ng steps sa tambourine.

Madali lang ang tambourine, eh. Pero ang gitara? Ang hirap pala. May kalyo tuloy ang mga daliri ko ngayon. Ang sakit. Bumabaon ang mga strings. Pero masaya naman. Alam na namin ni Rury tugtugin ang mga basic chords, from A to G. Una naming natutunang tugtugin nang buo ang kanta na... Haway Kamay by Yeng Constantino.

Sa school? Masaya rin. Kahit pinatawag ako ng Principal namin sa office niya.

Hindi naman ako nambubully ng kaklase, ah. Wala akong pinatid. Wala akong sinabuyan ng tubig. Wala akong tinulak sa hagdan. Wala akong dinikit na bubblegum sa upoan o buhok ng kaklase. Wala akong ninakaw na libro. Hindi ako nagpapalibre sa canteen. Hindi ako nagpapagawa ng assignments. Hindi rin ako nangongodigo. Kaya bakit? Ano'ng kasalanan ko?

"Ms. de Makapili..." Bungad sa 'kin ni Ma'am Malupetan pagkatapos kong umupo sa harapan ng table niya. Inaayos pa niya 'yong suot na eyeglasses.

"P-Po?" Nanginginig mga kamay ko nun. Pati boses. Pinipigilan ko ring 'wag maihi kahit sasabog na pantog ko.

"Ano 'tong nabalitaan ko?" Diyan pa lang... namumutla na ako. "Bakit sa section 3 ka pumapasok? Nasa section 1 ang pangalan mo. Four months ka nang pumapasok sa section 3. Gusto mo bang ilipat kita sa section 1? Doon ka dapat—"

"Ma'am, 'wag po."

Todo paliwanag talaga ako. Ayokong malipat sa section 1. Dati, hindi ko alam kung bakit gusto ko sa section 3.

Siguro dahil nandoon ang crush ko? Siguro 'yon nga.

Pero ngayong matagal na ako sa section 3, alam ko na kung bakit sa section nila ako pumasok.

Nung first year ako, palagi kong nakikita ang mga section 3 sa hallway. Naririnig kong usap-usapan, sabi ng mga teachers, 'yong section 3 sa batch namin, I mean, sa buong High School ang pinakapasaway. Maraming rebeldeng estudyante. Maraming hindi nag-aaral nang mabuti. Maraming umiinom at nagyoyosi kahit bata pa. Maraming nagcucutting classes. Maraming nahuhulihan ng kodigo. Maraming nagmumura at matindi ang tabas ng mga dila. Pero tuwing nakikita ko silang dumadaan... masasaya sila't nagtatawanan.

At dahil literal na mahilig ako sa kakaiba at gusto ko ng may thrill sa buhay, sa section 3 ako pumasok kahit bawal.

Napatunayan ko sa apat na buwan na nasa section 3 ako, na hindi lang sa pag-aaral umiikot ang buhay ng mga estudyante.

Masasaya silang kasama. Oo, mga pasaway. Minsan, nagbabatuhan ng mga nilukot na papel. Pero ginagawa nila 'yon 'pag wala ng teachers. Nagcucutting classes, pero 'pag lang trip at paulit-ulit na 'yong tinuturo ng prof namin. Actually, sumama na akong mag-cut ng class. First time 'yon. Never akong nagcut nung elementary ako. Kasi hindi sila magcucut ng class hangga't 'di kami pumapayag lahat.

Iba-iba ang ugali nila, namin pala. Feeling ko kasi hindi ako outcast 'pag magkakasama kami kahit na iba-iba ang mga personalities namin. 28 kami lahat. 10 babae. 2 bakla. At majority ang mga lalaki.

Maraming nag-aasaran, pero walang nagkakapikunan. Totoo nga, mga pasaway sila... pero kaya nilang ilagay sa lugar. Kasi minsan, napapatawag pa rin kami sa guidance office. First time ko rin 'yon... paano kasi may nagbutas ng gulong nung kalbong teacher namin. Napikon kasi sa 'min. Walang umamin, usapan namin 'yon. Kaya lahat kami... naguidance. Pero nagtatawanan kami paglabasan. Lahat kasi kami pinaglinis sa likod ng school. Pinagkuskos ng CR. Pero masaya pa sila kasi walang klase. Mga abnormal.

Family kasi ang turing namin sa isa't isa. Magkakapatid. Kahit 'yong adviser namin, natutuwa sa 'min. 'Yong ibang teachers lang talaga ang mahilig gumawa ng mga k'wento about sa section namin. Pero wala naman pakialam mga kaklase ko, kami pala. Basta sama-sama kami sa mga trip, okay kami.

Kaya nakiusap ako kay Ma'am Malupetan para lang magstay ako sa section 3. Tumayo pa ako. Yumuko. Paluhod na nung tumawa siya dahil sa mga reaksiyon ko. Ako lang daw ang unang gumawa nun sa tagal niya bilang Principal ng High School. 'Di ko alam kung compliment 'yon, eh. Pero tumawa naman siya kaya nakahinga ako nang maluwag.

Pinayagan niya akong manatili sa section 3. Kahit hanggang 4th year. Basta ba mag-aral lang akong mabuti. Sa SHS kasi strikto pero bandang huli, kahit magbulakbol ka o pasaway... basta mataas ang grades mo.

Nagtatalon ako pabalik ng room namin. Muntik pa ako mahulog sa hagdan kasi sa second floor ang Principal's office. Nag-usisa kaagad sila kung bakit ako pinatawag. Saktong vacant na namin nun. Sinabi ko 'yung reason sa kanila.

Nagulat ako nung bigla nila akong sinugod. Group hug, tapos ako sa gitna. 'Di ako makahinga habang tumatawa. Muntik pa akong buhatin ng mga lalaki para ihagis sa ere. Nabatukan ko lang agad kasi nakapalda ako. Mga abnormal.

FYI, masaya lang sila kasi hindi mawawala ang isa sa sources ng mga sagot nila sa quizzes at exam. Dahil sa kanila, natuto ako magcheat. Hindi ako ang nangongopya. Sila ang nangongopya sa 'kin. Pero paninja moves. Bawal pa rin kasi 'yon. Nung elementary ako, cover your paper talaga ang peg ko. Madamot. Hindi ako nagpapakopya ng sagot. Hanggang assignment lang. Ngayon, kahit essay muntik ko na mashare. Natuto akong magpasimple ng insert ng papel sa calculator. Kunwari manghihiram 'yong katabi ko. Magpunit ng papel at paninja ng pasa. Minsan ginagawa pa naming eroplano. Tapos nalilintikan 'pag bumagsak sa tapat nung proctor 'pag exam. Tapos wala na namang aamin sa amin kung sino ang salarin. Hahaha.

Sumang-ayon ako sa kalokohan nilang body language para mas magets agad ang sagot kasya ibubulong mo dahil ang obvious. Kakamot sa noo, letter A. Pipisil sa ilong, letter B. Hahawak sa tenga, letter C. Hihimas sa baba, letter D.

Dahil sa mga paganyan-ganyan namin, walang bagsak sa amin. Effective.

Top 1 ako sa section namin nung first grading. Pero hindi 'yon big deal sa 'kin. Lalo na sa kanila. Wala kaming pakialam sa ranking.

Ako rin ang class president. Pero ayoko talaga dahil mas gusto ko maging muse.

Charot.

Treasurer talaga ang gusto ko. Sanay na kasi akong gano'n ang position ko nung elementary pa lang ako. Kaso majority wins. Kainis. Saka inappoint din ako ng adviser namin. Kaya kahit walang botohon, president pa rin ako.

Tapos habang election ng officers, pasaway pa rin mga kaklase ko. Nung sa muse nga, 'yong bakla naming kaklase ang binoto nila. Kaloka. 'Yong may pinakapanget na sulat ang secretary. Pero masaya naman ako kasi si Rue ang treasurer. Siya 'yong crush ko nung 1st year ako. Na dapat crush ko lang para makasabay sa uso. Pero ngayon... crush ko na talaga siya.

Sabay-sabay kami sa uwian. Minsan, may mga sariling lakad ang boys. Kaming mga girls tumatambay na lang sa mga nipang shed at tree houses sa campus. Kapag dumadaan kami, minsan naririnig namin ang usapan. Katulad ng mga naririnig ko nung nasa section 2 pa ako. Puro negative.

Pero doon ko narealize na hindi pala totoo na ayokong mag-entertain ng negative vibes. Dahil kasi doon... may mga natutunan ako. Dahil sa mga kritiko ng tao, mas gusto kong patunayan sa kanila na mali sila. Hindi ko man maipagsigawan na mali sila... pero ipinapakita ko 'yon sa mga kilos.

Bahala na silang humusga. Diyan naman sila magaling.

Hindi naman lahat ng nakikita mong masama, masama na talaga. At hindi lahat ng akala mong mabait, mabait na talaga.

Ang mga tao parang politician, nagiging mabait at matulungin 'pag malapit na ang botohan.

Uulitin ko.

Ang mga tao parang politician, maraming corrupt.

Corrupted ang isip pati sa gawa.

Learn the entire story, before you judge.

Don't just learn it, feel it. Try to put youself in one's shoes before concluding things.

Paano kung ikaw na ang hinuhusgahan? Ano ang 'yong mararamdaman?

Don't worry about me, Mylabs. I'm perfectly fine because I'm a big girl now. Naks! Haha.


Ang mga nangyari sa 'kin, 'wag mo na masyadong isipin.

Halata naman na ayos lang ako at masaya ako, 'di ba? Dami ko nga katext ngayon. Kainis kasi 'yong mga lalaki kong kaklase. Pinagkakaisahan ako. Okay lang naman sana kung sila-sila lang ang nantitrip sa 'kin, eh. Kaso hindi.

Wala kasi akong hilig sa textmate-textmate na 'yan. Kaya siguro kung ano-anong kalokohan pinaggagawa nila. Para naman daw magkaroon ng kulay ang buhay ko. Puro aral lang kasi inaatupag ko.

Hello! Sinasabi ba nilang boring ako?

Baka gusto nilang ipabasa ko sa kanila 'yong isinulat kong SPG sa kusina? Dark at intense 'yon. For sure, titigasan sila 'pag nabasa nila. Haaa!

'Yong scene na nadulas ang malanding babae habang nagluluto. May hawak na kutsilyo. Paharap ang pagkakadulas. Nauntog ang ulo sa counter ng lababo. Bago napahiga. Nabitiwan ang kutsilyo. Bumagsak sa mata nung babae. Tumusok. Muntik na lumuwa ang mata. Maraming dugo. Lumapit 'yong alagang aso tapos dinilaan ang dugo hanggang sa sinipsip ang mata. Oh, 'di ba? Dark at intense. SPG! Horror. For sure, maninigas sila sa takot.

Ano na naman ba iniisip mo, Mylabs? Utak mo talaga, eh. Ano? Effective na ba akong maging writer? Hahaha. Next time, 'yong eksena namang dadalhin ka sa langit. Strong, hard and deep.

'Yung story na tagos-puso ang aral na matututunan. Strong, hard and deep. Heaven like. Pang-Kristiyano. Ano naman bang heaven iniisip mo? Ayoko na!

'Yon nga, Mylabs. Dami nagtetext na unknown numbers sa 'kin nitong nakaraang mga araw.

Paano ba naman kasi nagvandalize 'yong mga kaklase kong lalaki sa pinto ng CR nila. May nagsabi sa 'kin na sinulat daw doon ang number ko. Jusko! Napapasok ako sa CR ng mga lalaki nung wala nang tao para lang burahin.

Eh, kaso meron pa pala doon sa freedom wall ng HS. Eh, bawal na bawal magbura doon kasi nga freedom wall. Okay lang sana, eh. Pero ang lakas talaga ng topak ng mga kaklase ko. Pati sa College freedom wall nagsulat sila kahit bawal kami magsulat doon.

At ang nakalagay sa pinagsusulat nila.

Textmate ba ang hanap mo? Swak na swak sa 'yo 'to:
-NBSB
-Maganda
-Matalino
-Matangkad
-Chinita
-Mabait (pero malapit nang ipadala sa mental kasi baliw at may saltik)
-Flatchested (pero malaki ang puso)
-Kulot (sa taas, ewan lang sa baba)
No.: 09143277895

Mga siraulo! Malamang flat pa kasi 13 pa lang ako. Kung gupitin ko kaya ang curly hair nila sa singit?!


Pero hindi ko alam na may mga papatol sa kalokohan nila. Wala namang nakalagay na pangalan doon sa vandal pero number ko 'yon. Kainis! Bakit kasi bawal magbura sa freedom wall?

PS: Pinapatulan ko na lang minsan ang mga nagtetext sa 'kin. Naghahanap yata sila ng lolokohin. Oh, sige. Ito nirereply ko. "Hi! Good day. Your number won in a raffle promo worth of 500, 000 play money, invisible house and lot, and a brand new car with no wheels. You can claim the prizes after you give 500 worth of load on this number. Congratulations!"

Napagtitripan pero nantitrip pabalik,
ABCD

*.*.*

< Kudos Pereseo >

Natatawa ako.

Baliw talaga si AB. Ang kulit. Pero ang cute.

Pinipigilan ko gumawa ng tunog dahil baka magising ulit si Risk at gumanti na talaga ng suntok sa 'kin. Mabuti 'di ako pinatulan kanina. Napapamura lang siyang bumalik sa higaan at natulog ulit.

Pumasok na lang ako sa banyo para magpalamig ng ulo. Naligo.

Hindi na sana ulit ako magbabasa at matutulog na lang. Kaso hindi ako mapakali. Kaya nagbasa ulit. Hindi naman ako nabigo. Natuwa pa nga ako dahil sa nabasa ko ngayon lang.

Nanginginig ang mga kamay ko habang sinisave ang number ni AB. Nakng! Hindi naman siguro ako excited na itext siya?

Kinagat ko nang mariin ang labi kasi para akong tanga dahil nakangiti.

Hindi ako p'wedeng makita ng kambal na sina Psalm at Philemon lalo na si Paris na ganito. Tatawanan ako ng mga tukmol. Pare-parehas pa silang mga P. Mga Pisti.

Natigilan ako nang makita ang nilagay kong pangalan matapos i-save ang number ni AB.

Mylabs

Nakngtokwa! Mylabs? Mabilis kong nirename. Parang ewan. Nakng! Nasanay ako sa kakabasa ng mylabs, eh. Feeling ko tuloy ako tinatawag ni AB na mylabs at hindi 'tong diary niya.

Isa kang malaking double-T, Kudos! Tanga na, tukmol pa.

Ginulo ko ang buhok. Namamanhid na ang tuktok ng tainga ko sa kakapisil ko. Asar!

Ano ba isisave kong pangalan? AB? ABCD? Masyadong obvious. Pakialamero pa naman ng mga gamit 'yong dalawang kambal. Palagi ring nanghihiram ng cellphone si Paris. Mahilig makitsismis.

Alphabet? Abnormal na babae? Angel baby? (In short, AB). Kaso hindi naman ako mahilig magbigay ng soubriquets. Halata pa rin.

Tokwa 'yan.

Isinave ko na lang sa paraan kung paano ko isave ang number ko sa cellphone ko.

My property.

Siguro naman... hindi na halata?

Nakatitig lang ako sa number ni AB. Tulog na siguro siya. Itetext ko na lang siya... mamaya.

Saka ako natigilan. Nagsalubong ang mga kilay. Nabura ang ngiti. Hanggang 1st year college na ang nabasa nina Psalm at Philemon. Hindi kaya... tinext din nila si AB? Textmate na sila? Sht!

Paano ko maiisahan 'yong kambal na 'yon? Ayoko naman kausapin. Tatawanan ako ng mga tukmol. Paano ko machecheck ang cellphone nila?

Kailangan kong mabura ang number ni AB sa contacts nila at maiblock para hindi na sila magkatext ulit.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE