Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

DD,

Malungkot ako ngayon. Nagluluksa. Makiramay ka, ha? Namatay kasi si Alwina. 'Yong alaga kong manok. Kakaiyak, 'di ba?

Inilibing ko sa likod ng bahay namin. Si Dale ang naghukay. Ipinagtirik namin ng kandila at nilagyan ng mga bulaklak ng santan, bougainvillea, orchids at cactus.

Tinawanan pa ako ni Ate Shane, manok lang naman daw, pero iniyakan ko. Ang babaw daw ng luha ko. Eh, gano'n naman dapat, 'di ba? Kapag nawala 'yong tao, bagay o hayop man na mahal mo... iiyakan mo. Kasi nga mahal mo. Pinapahalagahan mo. Importante sa 'yo.

Kaso imbes na damayan ako ni mama, pinagalitan din ako. Sinira ko raw ang cactus at orchids niya. Minsan na nga lang daw namumulaklak. Eh, saan ako kukuha ng bulaklak? Dapat maganda ang libing ni Alwina.

Tapos ito pa, bad news... ipapakatay daw sina Aguiluz at Pagaspas para gawing ulam. Nagkaroon kasi ng sakit dahil tag-ulan. Sayang naman daw kung susunod lang sa yapak ni Alwina. Mas mainam nang mapakinabangan. Ang bad ni mama!

Sa inis ko, inubos ko ang tindang yakult ni mama sa tindahan. Tapos hindi ako nag-ulam kinagabihan. Pinagalitan na naman ako. May ulam naman daw na manok, pero ang inulam ko gatas at milo na inihalo sa kanin. Eh, kasi... alaga ko 'yong pinatay. Paano ako kakain? Saka masarap naman ulam ko, ah. Favorite ko nga 'to, eh. Pinapapak ko pa nga ang gatas at milo. O kung hindi gatas ang inuulam ko, 'yong gata ng niyog na nilagyan ng asin. Ang sarap kaya nun.

Palagi tuloy ako wala sa bahay. Sumasama na lang ako kay Lola Marikit, naghahanap kami ng patay na dahon ng niyog para gawing walis tingting. Gano'n kasi kabuhayan ni lola. Tumutulong na lang ako. Para makaiwas na rin kay mama. Naghahanap din kami ng mga bote, lata at bakal na ibebenta ni lola.

The Cutest Batang Mangangalakal at Your Service po.

Pero pag-uwi ko sa bahay, 'di ako iniimik ni mama. Nakonsensiya naman ako. Saka hindi ako rebeldeng bata. Nagsorry na lang ako at bumawi sa kanya. Sinaulo ko ang... Ten Commandments para sa darating na Cadets Rally. Baka kasi itanong sa Bible Quiz, eh.

Mababasa ang whole version, Mylabs, sa old testament po. Exodus 20:1-17 and Deuteronomy 5:6-21.

Kung tao ka, ipapabasa ko rin sa 'yo. Para maisapuso mo. Hindi kagaya ng mga ibang kalaro at kaklase ko. Mga bad sila po!

Hindi sila nagbabasa ng Bible po. Tapos po hindi rin nagpi-pray palagi. Tapos po sumasagot din sa mga parents nila. Tapos po palagi ring nagmumura ng... t-a-n-g-i-n-a.

Gosh! It's so bad po kaya.

Pero sabi nila po, expression lang naman daw po.

Expression? Ang dami naman p'wedeng maging expression, 'di ba po? Bakit bad words? Meaning... it's bad. So, they're bad.

P'wede naman pong expressions ang Hingamomaba, Taemomaba, o kaya po Utotmomaba. Hingamomaba is the short term of "Hininga mo mabaho." And you know the rest po.

O kaya po...

Dyokowakapak! Meaning... D'yosa ako, wala kang paki.

Ako kahit pasaway akong bata, nagsosorry ako kay mama. Sinusunod ko ang number 5 sa ten commandments. Tapos po hindi ako nagmumura. Tapos po nagpi-pray ako. Tapos po nagbabasa ako ng Bible.

I'm so cool! Right po?

PS: Akala mo siguro, DD, sobrang good girl ako? Hindi, ah! Curious din akong bata. Pinagalitan nga ulit ako ni mama, eh. Nahuli niya kasi kami ni Dale na nag-iikot ng papel at sinindihan para gawing yosi. Nagyosi kami. Hinanger kami ni mama. Bad daw 'yon. Eh, marami kaming nakikitang naninigarilyo sa tindahan namin. Saka 'di naman totoong sigarilyo 'yon, eh. Papel lang!

Pero hindi na kami uulit ni Dale. Masakit sa ilong ang usok. Hinithit kami ng ubo pagkatapos. Totoo nga, smoking is dangerous to your health.

Sa susunod na susubok ako, Stik-O na lang gagamitin ko.

Not so good girl,
Angelica Bianca C. de Makapili

... ... ...

AlphabetSenpai's WOW

No one was born bad or evil. Remember that Lucifer was once an angel.

We were born with brain and the privilege to choose. It's not true that we don't have a choice. We all have a choice. "To be wicked" or "To be an inspiration"; you just have to pick your option.

The only person who can make the best version of you is... you.

*.*.*

< Kudos Pereseo >

Napangiti ako. AB has never failed to amuse me.

Ginawa ko rin 'yon dati. Kami ni Kuya Yuen. Yosing papel. Natatawa na lang ako 'pag naaalala. Lakas lang makathrowback ng childhood memories habang nagbabasa.

Don't worry, AB. I don't smoke.

Tried, once; never again. Lalo na ngayon.

She said that it's bad, that's why.

Ang galing niya kasing mangonsensiya.

'Yon lang. Nakakakonsensiya lang.

Her words are potent and influential.

I'm not a religious person.

Nagsisimba ako, pero hindi madalas. Nagdadasal, pero kapag sobrang bigat lang ng problema. Madalas, nakakalimutan pa.

Aaminin ko, hindi rin ako nagbabasa ng Bibliya.

Bibili na ba ako ng Bible?


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE