Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

Page 10


Dear Diary,

Alam ko na po kung ano 'yong kabit.

Sobrang sakit po sa puso. 'Di ko alam kung maniniwala ako na may ibang pamilya ang papa ko. Gusto ko pong itanong kay papa kung totoo ba ang mga nalaman ko. Pero nasa Manila po siya kaya sa 'yo ko lang nasasabi 'to.

'Di ko naman po makausap si mama. Ayaw niya po kasing pag-usapan.

P'wede ba diary na 'yong mga gusto kong sabihin kay papa, sa 'yo ko na lang sasabihin? Kunwari ikaw si papa, ha?

Papa, totoo po ba na may ibang pamilya ka po?

Bakit po? Hindi po ba kayo masaya kay mama po? Hindi po ba kayo masaya sa 'ming tatlo nina Ate Shane at Dale po?

Totoo po ba na may mga iba pa kaming mga kapatid po?

Naririnig ko po sa mga kapitbahay namin na anim daw po ang kapatid ko sa ibang mama po. Bakit po mas marami sa kanila kaysa sa tunay kong mama po?

Tapos mas matanda pa po ang mga kapatid ko doon kaysa po kay Ate Shane. Ibig po bang sabihin kami ang kabit po?

Wala po akong maintindihan, Papa. Alam n'yo ba na kayo ang idol ko po? Wala po akong pakialam kay na Superman at Batman kasi kayo ang superhero ko po.


Pero bakit po, Papa?

Pasaway ba akong anak po? Palagi naman akong may mga stars sa mga assignments at quizzes ko po. Hindi ko na ibebenta lahat ng perfect scores ko po sa 'yo, mas magiging mabait pa ako po.

Kaya bakit po?

Alam n'yo po, palagi ko pong nakikitang umiiyak si mama po. Nagkukunwari lang po siyang ayos lang kapag sumusulpot ako sa tabi niya po. Niyayakap ko po siya nang mahigpit na mahigpit. Kami pong tatlong magkakapatid, hanggang sa humagulhol na po siya.

Papa, I love you po.

Kasi kahit po ano'ng mangyari, ikaw ang papa ko po. Kung 'di po dahil sa 'yo, wala po ako sa mundong 'to.

Mahal na mahal ko po kayo, Papa. Sobrang mahal na mahal na mahal ko po kayo ni mama. Mahal na mahal ko po kayo nina Ate Shane at Dale.

Kaya alam ko po na hindi totoong may kabit po kayo. Hindi n'yo po magagawa sa 'min 'yon, Papa, 'di ba po?

PS: Kung totoo man po, hindi na ako mag-aasawa 'pag tumanda po ako. Kasi gusto ko pong ako lang ang babaeng mamahalin ng mapapangasawa ko.

Nagpipigil umiyak,
Angelica Bianca C. de Makapili



... ... ...

AlphabetSenpai's R-23 (Realization at 23)

At 23, I've realized that...

Ang mga babae, hindi parang sigarilyo. Kaya ikaw lalaki 'wag mong gawing addiction na kapag 'yong pinagsawaan... bigla mo na lang itatapon at aapakan.

Ang mga babae, hindi parang sigarilyo. Na hahanap-hanapin mo lang kapag kinakailangan ng 'yong katawan at sistema para lang bigyan ka ng panandaliang aliw at saya.

Siguro nga, ang babae parang sigarilyo. Dahil handa niyang ipaubaya ang lahat ng meron siya, kahit paunti-unti siyang nauubos at tinutupok... para lang makumpleto ka... kahit sa sandaling panahon na kapiling mo siya.

I just want to ask you Papa, sigarilyo lang po ba si Mama?!

*.*.*

< Kudos Pereseo >

Napamasahe ako sa sintido at itiniklop ang notebook. Sumakit bigla ang ulo ko.

Tumayo ako't itinago ang diary sa drawer. Natigilan nang makita ang isang box ng condom na nabawasan na ng tatlo. Kumuyom ang mga kamao. Sa inis, dinampot ko ang box ng condom at hinagis sa basurahan. Pabagsak na isinara ang drawer. Saka dumapa sa kama.

Makatulog na nga.

Kaso hindi ako maidlip. Nagsusumiksik sa 'kin kung ano'ng laman ng diary. Nangungulit. 'Di ako mapakali. Gusto kong malaman kung ano'ng sunod na nangyari sa buhay ni AB.

Para akong nalason. At tanging sa diary lang nakasulat ang lunas para matanggal ang lason sa katawan ko.

Nakngtokwa!

Tumayo ako't binuksan ang drawer. Mabilis na dinampot ang diary at binasa ang nakasulat sa sunod na pahina.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE