Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

DD,

MWAHAHAHA. BWAHAHAHAHAHA.

Akala mo siguro, Mylabs... ang saya-saya ko?

Nope... just gratified.

Dahil kasi sa mga kabaliwan at kolokohan ko last year...

Nalaman ko kung sino ang mga totoong kaibigan o kung sino ang nampaplastik lang.

Kung sino ang handang samahan ako kahit sa pinakaworst self ko, hindi 'yung pinakikitunguhan lang ako... dahil too good to be true ang ugali na meron ako.

NYAHAHAHAAHAHAHA.

'Yan lang ang kaya kong sabihin sa kanila. Tawanan. Itawa lang.

Because I realized that...

I don't need a lot of friends. I just need real friends who can support me and understand me during the darkest hours of my life and even I'm in my worst attitude, not just they're good to me because I'm always the "best" friend they want me to be.

Hindi nasusukat ang worth mo bilang isang tao sa dami ng kaibigan mo.

Sometimes, it's better to have a few real friends than to have a platoon of fake friends.

May mga tao talaga na mabuti lang sa 'yo dahil mabait ka, pero konting pagkakamali mo lang... who you ka na.

And that's reality. Again. And. Again.

People wouldn't remember all the good things you've done once you committed a mistake. Kahit kasing liit ng butas ng karayom pa 'yan. 'Yung pagkakamali mo pa rin ang kanilang titingnan.

Bakit kaya, Mylabs, 'no? Hindi ko rin kasi maintindihan.

Akala ko pagsisisihan ko ang ginawa ko dati. Yada!

I considered it as a blessing in disguise.

Kasi marami akong natutunan. Narealize.

Tama nga, sa mga pagkakamali mo lang ikaw matututo.

Paano mo masasabing matapang ka kung hindi ka naging duwag nung una?

Paano mo masasabing malakas ka kung hindi mo naranasan ang maging mahina?

Paano mo masasabing mabait ka kung hindi mo alam kung ano ba talaga ang masama?

People changed. People always change.

P'wedeng sa ikabubuti o sa ikasasama.

Alam mo 'yung masakit, Mylabs?

I just think about it... to be a bad girl. Note: Think. But I never considered. I never did. Then, why? Why did they judge me kahit na wala pa ako sa puntong 'yon?

Are they really my friends?

Alam mo kung bakit nagsusumbong ako sa 'yo ngayon? Because they said painful things behind my back.

"Kaimbyerna si AB! May tinatago pa lang kalandian sa katawan. Bait-baitan lang pala ang disguise ng gaga."

"Oo nga! Impakta. Kabwisit. Nagbreak tuloy sina Ellis at Bless."

"Mismo! Ang arte. Papansin palagi sa CAT."

"Hindi naman sila bagay. Nagpalit lang ng pormahan, akala mo kung sino'ng ubod nang ganda. Ang dami namang peklat sa legs."

Nagtawanan sila.

Palagi ba nilang ginagawa 'to? Palagi nila akong pinag-uusapan 'pag nakatalikod ako?

Okay lang sa 'kin 'yon. Kaya ko pang magtimpi. Mapapalagpas ko. Pero ang hinding-hindi ko makakalimutan?

"Namatayan lang, lumandi na."

Wow! Sabihan n'yo na ako ng masasakit na salita. Malandi. Papansin. Bida-bida. Mahangin. Feeling diyosa. O kung ano pa 'yan.

Pero 'yung... "Namatayan lang?" Lang?

Grabe! Ang sakit kasi, eh.

Ginawa nilang katatawanan 'yung salitang "kamatayan." Siguro hindi pa sila "namamatayan" kaya hindi nila ako maiintindihan. Hinding-hindi nila ako maiintindihan. Lalo na kung makitid lang ang utak na meron sila.

Sorry, I won't judge them. Baka may mga problema rin sila. Pero wala na akong pakialam dun. Lahat naman ng tao may problema. At kahit naman ano'ng sabihin ko... o ipaliwanag ang sitwasyon ko... hindi nila ako maiintindihan.

Bakit pa ako magsasayang ng oras kung nahusgahan na ang pagkatao ko?

Siguro kaya kinuha sa 'kin si Toni dahil sa mga reasons na 'to. Na hindi talaga kami itinadhana na magsama hanggang sa huli. Ipinakilala lang siya sa 'kin para tisurin ako... for me to be a stronger woman when I stand up again.

Kaya siguro... "God Gave Me You" ang theme song namin. Because God gave him to me... to show me what's real. There's more to life than just how I feel.

Sabi nga sa Bible...

1 Corinthians 15:33-34 Do not be misled: "Bad company corrupts good character." Come back to your senses as you ought, and stop sinning; for there are some who are ignorant.

Oo, nakakatampo. Masakit. Pero wala, eh. Makapangyarihan ang tsismis. Makapangyarihan ang kasamaan. Pero pinakamakapangyarihan ang Diyos na aking pinaniniwalaan. Kaya... ako na lang ang mag-aadjust. Ang iiwas.

Dahil ayun sa book of Proverbs...

Proverbs 11:13 A gossip betrays a confidence, but a trustworthy person keeps a secret.

Proverbs 16:28 A perverse person stirs up conflict, and a gossip separates close friends.

Proverbs 20:19 A gossip betrays a confidence; so avoid anyone who talks too much.

Alam mo ang ginawa ko, Mylabs?

Hindi ko sila tinarayan, sinumbatan, inaway o sinabunutan. I'm not a bad girl. (Saka ang cheap!)

Hindi ko rin sila hinayaan lang na yurakan ang pagkatao ko. I'm not a good girl.

No need to explain. I'm just ME. The real me.

Nagpakita ako sa kanila. Of course, nawindang sila na narinig ko ang pangbabackstab nila. Iba-iba pa nga ang mga reactions. Ngumiti ako. Malawak. Masilaw sana sila. Saka ko tinaas ang dalawang kamay sa tapat ng ulo nila at taimtim na nagdasal na maririnig nilang lahat.

"Lord, bless their souls. Forgive their sins like You always forgive me. 'Wag Mo po silang hayaan na tuluyang maging ganyan ang ugali hanggang po sa huli. Sana po makatagpo sila ng mga totoong kaibigan na makakaunawa sa kanila kahit na maging sino man sila. Amen!"

NYAHAHAHAHA.

Saka ako tumalikod. Natatawa sa sarili. Actually, gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos. Parang nabunutan ako ng tinik. Kung ano'ng magiging reaksiyon nila... bahala na sila.

Hindi na ako magpapaliwanag. Tatahimik na lang. Because according to the Bible again...

Exodus 14:14 The Lord will fight for you, and you have only to be silent.

At mamimili na rin ako ng kakaibiganin sa susunod.

Proverbs 12:26 The righteous choose their friends carefully, but the way of the wicked leads them astray.

Sabi rin kasi dati sa 'kin ni mama, mamili ako ng kakaibigan. Dapat 'yung good influence.

Oo lang ako nang oo nun. Pero hindi ko kinokonsider. Kasi bakit? Lahat naman ng tao, p'wede kong maging kaibigan, 'di ba?

Kaya nga hindi ako marunong tumanggi kapag may humihingi ng favor sa 'kin. I always say YES to everyone. Lalo na kung aking kaibigan.

Kaya nga ang tawag ko sa sarili... "go with the flow girl" dahil palagi kong iniisip ang mga sasabihin sa 'kin ng ibang tao. Ayoko silang madisappoint sa 'kin.

Pero ngayon ko lang narealize na masyado nilang inaabuso ang kabaitan ko.

Masama rin pala ang gano'n. Dapat alam mo kung kelan mo ilulugar ang sarili mo. Kung kelan ka hi-hindi at kung kelan ka o-oo.

Always remember: No matter what you do, you can never satisfy everyone.

May masasabi at masasabi pa rin sila sa 'yo, kahit na mabait ka o masama ka.

Naniniwala na ako. Totoo sila. Ang fake friends. Sa buhay, makakaencounter talaga tayo ng gano'ng klaseng tao.

Ganitong-ganito sila. Tumpak na tumpak.

Proverbs 26:24-25 Enemies disguise themselves with their lips, but in their hearts they harbor deceit. Though their speech is charming, do not believe them, for seven abominations fill their hearts.

I have a self-reflection. Sinabi ko 'to sa harap ng salamin nang paulit-ulit hanggang sa nanuot sa utak ko.

"When choosing friends, don't pick people who will only bring you down and draw you away from Jesus. Trying to "fit in" to them isn't worth it. It will never be worth it."

Dahil dun, nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Hanggang sa makabuo ako ng ideas kung paano ba makaiwas sa mga gano'ng klaseng tao. Pero para magawa ko 'yun... paano ko muna malalaman kung fake nga ba sila or not? So, nag-isip ako ng qualities ng isang fake friend. Isusulat ko na lang sa 'yo, Mylabs... para mareread ko sa future.

Dear, Myself. From now on, here are the qualities of the fake friends you should avoid:

1. They smile and laugh with you, but then insult you behind your back. In short, they are double faced.
2. They want to know you more and your secrets so they can gossip to others.
3. They always bad mouth their friends. That's their talent.
4. When you're alone with them, no problem. But when you're gone, they always tell things to make you look depraved.
5. They appreciate your talents and accomplishments, but deep inside... they're insecure and to them... everything is really a competition.
6. They use you for what you know and have, and constantly try to take advantage of you.
7. When you make a mistake, they always rejoice. (Silently or when you're not looking.)
8. You can't find them, when you really need them. They always hide, when you're going through bad things.
9. They never build you up, but they are always bringing you down.
10. They never see the good side, but they always looking at the bad side.

Kaya, ikaw... Angelica Bianca, madala ka na!

Pero... hayaan na natin sila, Mylabs.

I still have friends. Na kahit umiinom at naninigarilyo... hindi naman plastic. Palamura pero marunong makisama. Walang inaapakan na ibang tao. Totoo sa sarili nila.

Sila 'yong mga taong madalas na nahuhusgahan ng madla. Pero sa kanila ko narealize na ayokong maging "go with the flow girl" na lang forever.

Ayokong maging dahon na sumasabay lang sa agos.

I want to be the "light" like the sun that shines through day or the moon that sparks when the darkness came.

I want to be proud of my new self.

Siguro, kokontrahin ako ni mama... kasi ayaw niya talaga sa mga balahurang kabataan. Pero hindi ko hahayaan na mangyari 'yon sa 'kin. Kasi kung talagang gusto ko... matagal na akong naadik lalo na nung mga gulong-gulo ako sa sarili ko. Lalo pa ngayon na alam ko na kung ano'ng gusto ko sa buhay ko?

Why would I do things that I'd regret in the end?

Kaya 'yung mga kaibigan ko... hindi ko sila naririnig na nagmumura kapag kasama ako. Minsan, 'di maiiwasan pero natatawa na lang ako kapag nagsosorry sila.

Old habits will never die instantly.

Kapag nag-iinuman naman sila... ako madalas ang nakakaubos ng pulutan. Dapat lang. 'Wag nila akong gutumin. Aba! At kapag may nagyoyosi... lumalayo sila sa 'kin. (Because I'm really allergic sa usok ng sigarilyo.)

Kapag may nalalasing... doon na ako aaksiyon. Pinapatigil ko na sila. Dahil lahat ng sobra, nakakasama. Hindi masamang uminom, pero aminin natin na may iba na nawawala sa sarili kapag nalalasing. Nakakagawa ng mali. 'Yun ang masama.

Kaya 'pag kasama nila ako... hindi sila napapaaway.

Yes, it's just a simple thing, but I considered it as my achievement.

Nakakatuwa. Nakakaproud sa sarili.

Halos lahat ng kaibigan ko ngayon... LALAKI.

Oo, maraming nagsasalita ng mga kung ano-ano sa likod ko. Malandi. Kaladkaring babae. Na ilang araw lang... uuwi akong bumubukol ang tiyan.

Tinatawanan ko lang.

Kasi alam kong hindi totoo. Hindi ba nila alam na mas masarap maging kaibigan ang mga lalaki? Kasi hindi sila plastic katulad ng ibang mga babae. Hindi ko nilalahat, because I'm a girl, too kahit maraming nagsabi na titibo-tibo ako.

Sadyang walang kaek-ekan ang mga kalalakihan. Walang arte sa katawan. And I'm happy na sumama ako sa kanila nung windang na windang ako.

Because of them, I've found real friends.

Of course, kasama sina Maria Fe at Tintin na kahit iba ang tabas ng mga dila... totoong tao at hindi nagiging basura 'pag nakatalikod ka sa kanila.

At si Rury Anjosa na pinakabestfriend ko sa buong mundo na hinding-hindi ko ipagpapalit kahit kanino. (Sadyang sa church activities lang kami nagkakasama dahil magkaiba kami ng school.)

'Yung mga kaibigan na maganda ang panlabas pero kapag sinunog mo... mangangamoy Tupperware? Hayaan natin sila!

At bago ko makalimutan, Mylabs. May lilinawin lang ako sa 'yo.

I know you won't judge me kasi notebook ka lang. Hahaha. Pero kasi kung naging tao ka... kinutusan mo ako sa huling sinulat ko sa 'yo.

Don't worry... hindi talaga ako nagmumura. Sinubukan ko lang isulat sa 'yo. Kasi, 'di ba? Baka masabi ko rin sa personal. Pero hindi ko pala talaga kaya. (Epic fail!)

Hindi ko rin minura si mama. Hindi ako gano'n kasama katulad ng iniisip mo ('pag naging tao ka.) Hindi ko rin siya nasagot.

Ang totoo niyan, pinagalitan niya talaga ako dahil totoong naging bulakbol ako. Totoo rin ang mga nakasulat sa last entry ko. Kaso nung tinry kong sumagot sa kanya... nasampal na ako. Oo, sinampal talaga ako ni mama.

Ang sakit, Mylabs!

At 'yung mga gusto kong isumbat... hanggang isip ko lang. Sinulat ko lang sa 'yo. Wala lang... baka aksidenteng mabasa ka niya. Tapos makonsensiya siya. NYAHAHAHA!

Pero totoong nag-open up ako sa kanya, at doon ko na sinabi ang lahat.

Kaya don't hate me, ha? Sige, itatapon kita. Mwahahaha

Totoo rin na naaksidente ako sa motor.

Totoo rin na pumunta kami sa night bar.

Totoo rin na namali ang hulog ko sa falls.

Totoo rin na sumasama ako sa mga loko-loko (na totoong kaibigan ko na.)

Totoo rin na niligawan ako ni Migs. (Pero may girlfriend na siya ngayon dahil hindi ko siya sinagot.)

Totoo rin na may crush sa 'kin si Cole. (Close na kami sa text.)

Totoo rin na kinulit ko si Ellis. (Pero hindi ako ang reason kung bakit sila nagbreak ni Bless.)

Bago ko siya kulitin nun... magulo na ang relasyon nila. Kaya bakit sa 'kin napunta lahat ng sisi?

Sa ngayon, nagfofocus ako sa church activities. (Para makabawi kay Jesus.)

101 ang effort ko sa acads. (Para makabawi kay mama.)

Kung sabi ko... nagbago ako? Parang hindi naman. Hahahaha. Sinapian lang siguro ako ng masama at malanding espiritu nung nakaraan. Siguro... mas naging matapang lang ako.

At nagpapasalamat ako sa nangyari dahil nagkaroon ako ng salaan. Nasala ko kung sino'ng ginto na kailangan ingatan o plastic na dapat itapon sa basurahan.

Saka, Mylabs. Tigil na rin natin 'yung kalokohan natin. Hahaha.

'Wag na nating hanapin si Mr. Right slash Mr. Worth It.

Bakit?

I do believe that true love... ay basta, ang tunay na pag-ibig, hindi hinahanap. Kusa itong dumarating.

Naniniwala ako sa destiny o sa free will ng tao. Pero mas nangingibabaw sa 'kin ang God's will.

Ayoko rin na magpaligaw muna. 'Yang love life? Sus! Hindi naman importante 'yan, eh. Oo, inspiration.

Pero marami naman p'wedeng gawing inspirasyon. Family. Friendship. Relationship din ang matatawag dun. Commitment sa pamilya. Commitment sa kaibigan.

Commitment kay God!

Boyfriend? Ayokoooooo. 'Di ko kailangan niyan.

Masaya ako kahit walang love life!

Kaso may mga makukulit talagang lalaki. Tulad ni Cole... na kahit ayokong makipagmeet sa kanya, 'di pa rin sumusuko. Naalala ko na naman kasi si Toni. Sa text din 'yon nagsimula, eh.

Kilala ko naman mukha na ni Cole. Mabait siya kahit na loko-loko ang mga tropa. 4 years or 5 years yata sa 'kin ang tanda?

Pogi siya, Mylabs. Kaso mas maputi sa 'kin. Gosh! Tisoy. Ang kinis. Eh, ako? Peklat girl!

Palagi siyang nagpapadala ng kung ano-ano sa bahay. Minsan, chocolates. (Na si Ate Shane ang madalas umuubos kasi hindi ako mahilig sa matamis.)

Nung nalaman niya 'yon... maasim na pinadala niya. Mangga! Jusko, Cole!

Si Ellis? 'Yun ang ubod nang kulit!

Sarap sundutin sa puwet nang maglabasan ang mga bulateng makukulit!

Susme! Dapat talaga hindi ko pinagtripan ang adik.

Ang tindi kasi ni Commander Ellis, inaning ko lang... bumigay na. Nakakaloka!

Pero magkaibigan na kami. Medyo matagal na rin kasi 'yon nangyari. Hmm... four months? Five? Not sure.

Kung ako ang nangungulit sa kanya dati, bumaliktad ang mundo ngayon. Parang linta si commander. Mahirap pagpagin. Makapit. Ang possessive. Jusko! 'Di pa nga kami... gano'n na siya?

No! Ayoko ng possessive. Nakakasakal. Sweet lang sila basahin sa libro. Pero 'pag sa reality? Hindi!

Kinaibigan ko para tumigil ang loko.

Kaso, Mylabs. Matindi talaga si commander. Huhu. Sumasakit ulo ko sa kanya. Binibilang niya 'yong mga NO, pagtanggi o pangbabasted ko. Jusmiyo! Magaling mangonsensiya. Ilan na ba 'yon. 19? 21? Malay ko. Siya ang nagbibilang.

Titigil lang daw siya sa pagbilang kapag naging kami.

Eh, malamang! YES 'yon at hindi na NO! Uggggggh.

Kaya nung last na tinanggihan ko ang loko na may kaartehang inabot na bulaklak na gawa sa papel, sinabihan ko ng... "After 10 years, tapos gusto mo pa rin ako... sasagutin kita!"

Sumimangot siya. Nadismaya. Nagreklamo pa. Ba't daw ang tagal?

Natawa na lang ako. Bahala siya! Ewan ko lang kung makatagal si commander. Susuko rin 'yon.

Btw, 2010 na, Mylabs. March.

Ang bilis ng panahon. Isang taon at dalawang buwan na nung mawala si Toni.

Ilang buwan na lang din at graduation ko na.

Pinaghahandaan ko na rin ang pagtake ng mga entrance exams sa magagandang schools sa Manila. Mas gusto kong mag-aral doon. Hindi dahil mas maganda ang school. (Kasi maganda naman ang school namin. Romblon State University.)

Tatakasan ko lang 'yung mga makukulit na tao dito. Hahahaha.

PS: Soon to be a college student. Yay!

Simpleng habulin ('Wag ka sanang liparin),
AB

*.*.*

< Kudos Pereseo >

(Inserted Scene - Flashback)

PAGLABAS KO ng kwarto, sumilip ako kung nasa labas sina Kuya Yuen at Ate Kira. Sasaglit lang akong tumakas... babalik din naman agad.

Pagpihit ko ng pinto sa main door ng bahay, nagsalita si master sa likod... "Bunso, ba't bihis na bihis ka? Saan ka pupunta?"

Napabuntong-hininga ako't napapihit. "Lalabas lang po..."

"Sa'n nga? May date ka ba?"

Napahawak ako sa tainga. "Magsisimba..."

"Magsisimba?" Sumilip si Ate Kira mula sa kwarto niya. Sumulpot din si Kuya Yuen sa likod ni master, galing kusina.

Hindi na ako sumagot pa. Mahabang usapan na naman. Lumabas na ako. Saglit lang naman ang simba, eh. Saka wala naman ako ginagawa.

"Oh, boy!" Nabungaran ko si Risk sa labas na may hawak na bola ng basketball. Kasama niya ang mga tukmol. "Tara... basketball. 3 on 3?"

"May lakad ako."

"Saan?" tanong ni Shield.

"'Di nagyaya!" usal ni Steel.

"Sisimba 'yan!" Napangiwi ako nang marinig ang boses ni master sa likod. Nakng! Tatawanan ako ng mga tukmol. "'Di ba kayo ang kasama?"

"Sisimba si Kudos, Mama Beth?" sabay na tumawa sina Philemon at Psalm.

Bago pa kung saan mapunta ang pang-aasar nila, tumakas na ako. Bahala sila sa buhay nila.

_..._..._

(Present Time)

"Ay... oo nga pala. May pinsan ka bang KD ang pangalan?"

Nakagat ko ang dila. Napatitig kay AB.

Tama ba rinig ko? Did she just ask me about KD_oppa?

How can I tell her that the person she's asking is just standing in front of her?

Will she run away if I say the truth?

"I..." I opened my mouth to speak.

"Kudos!" May tumili mula sa likod.

"Angel..." sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng hyper na tinig. Kumaripas si Magnet ng takbo mula sa niyog na pinagtataguan. Buntot si Angelito. Kumunot noo ko.

Sumunod din ang mga tukmol. Nakngtokwa! Hinahanap ko... nag-eenjoy lang pala ng panunuod sa 'ming dalawa.

Pangisi-ngisi pa sina Philemon at Psalm. Si Shield kalmado lang. Si Steel... napapailing sa pinaggagawa ni Magnet. Si Risk, malamang sasali 'yan kapag ako ang pinagtripan.

"Kakain na raw, sabi ni Mama Beth," tukoy ni Phil kay master sabay kaladkad nila ni Psalm sa 'kin.

Napalingon ako kay AB. Bahagyang kumunot ang noo niyang pinagmasdan ang mga tukmol.

I want to know what she's thinking.

Nadatnan namin sa isang nipa cottage sina bossing at master. Kasama sina Pariz at Hazel na nag-aasikaso sa paglagay ng mga paper plates at utensils. Iba-iba ang putahe na nakalapag sa kawayang mesa. Inihaw na isda, pusit, alimango, barbecue, at nagluto yata si master ng kaldereta. Umuusok pa ang kanin.

"Wow! Almusal lang 'yan?" nagkasabay sina AB at MM. Sabay rin silang natawa.

"Hala't kumain na kayo... nang makauwi na kami," sabi ni master.

"Ohmege! Uuwi na kayo, Tita?" tanong ni Angelito. "Paano kami?"

Kanya-kanyang kuha ang mga tukmol ng kanin at ulam. Sinasaway ni Hazel dahil nag-uunahan. Tumabi si Paris kay Risk. Tumayo si Risk at sumunod kay Steel na hila-hila si Magnet.

Tumigas ang panga ko nang hawakan ni Risk ang siko ni AB at hinila para maupo sa tabi niya. "Ay! Makahatak naman 'to..." sinuntok siya ni AB sa braso na ikinatawa lang ng tukmol.

Pasunod na ako pero naunahang maupo nina Psalm at Philemon... sa kabilang side ni AB. At ang natitirang space sa pwesto nila... inupoan na ni Shield. Matalim ko silang tinitigan pero lihim lang nila akong nginisian.

Saka naman hinawakan ni Angelito ang braso ko para paupoin sa kabilang side. Katabi nina Hazel, Paris, Master, Bossing at siya.

Nakng! Ang unfair.

"Nauna na kasing umuwi sina Kira at Yolo. May emergency si Yolo sa agency niya tapos si Kira nakisabay na..." sagot ni master kay Angelito. "Kaya uuwi na rin kami pagkakain."

"Sayang naman po," sumimangot si bakla. "Pero p'wede kaming magpaiwan? Hanggang bukas pa naman p'wedeng gamitin ang resthouse?"

"Oo," sagot ni bossing. "Basta 'wag mo lang halayin anak ko." Matalas ang titig sa mga braso ni bakla na nakapulot sa 'kin na hindi ko mabaklas.

Humagikhik si Angelito na pasimpleng tinanggal ang hawak sa 'kin. Tumawa si master.

Nagsimula nang kumain ang mga tukmol.

"Ay hala! 'Wag muna kayong kumain," pigil ni AB sa kanila. "'Di pa nakakapagpray."

Halos lahat kami napatitig sa kanya. Ramdam niya yata ang mga matang nangmamatyag kaya inilibot niya ang tingin sa 'min. Naningkit ang mga mata sa pagngiti... na parang nahiya bigla. Kinagat ko ang labi para mapigilan din ang mapangiti.

"Hindi po ba kayo nagpipray?"

"Nagpipray!" mabilis na sagot ni Risk.

"Talaga?" tumaas ang kilay ni AB. "Sige, lead the prayer, Risk."

"Fuc-" Tumikhim si Risk. Pinanlakihan ng mata si AB. "Ba't ako? Sina teteng makadiyos at teteng nagsisimba na lang. 'Yang mga katabi mo."

"Nananahimik kami dito, boy!" sabay na anas nina Phil at Psalm. "'Wag mandamay!" Pero tumigil sa pagkain.

"Si bunso na lang..." Automatic na nanlaki ang mga mata ko kay master. "Sige na, Bunso. Palagi ka namang nagsisimba nitong nakaraang mga linggo," dagdag ni bossing.

Gusto kong guluhin ang buhok ko. Nakng!

Bakit ang galing manglaglag at manulak sa corner ang angkan na meron ako? Tokwa!

Nginitian ako ni AB. Parang sasabog ang ulo ko. 'Di ko alam kung uminit bigla ang mukha ko dahil sa pagkapahiya o ano.

Tumikhim ako. "L-Let's pray..."

Muntik nang mabulunan si Risk sa pagpipigil ng tawa. Gano'n din ang mga tukmol. Panay nakayuko para hindi halata pero gumagalaw mga balikat. 'Yung kambal tinakpan pa ang mukha.

Titig na titig sina Hazel at Paris na ewan ko kung namamangha o ano.

Nakngtokwa!

Iniksian ko lang. Nang matapos, sabay-sabay pa sa pagsambit ang mga tukmol ng... "Amen!"

"Ano na ngang pangalan mo, hi'ja?" usisa ni master kay AB kalaunan.

"Angel po..."

"Angel? Kaya pala. Pero akala ko ba siya si Angel?" turo ni master kay bakla.

"Ako po talaga si Angel, Tita..." singit ni bakla. "Mukhang anghel sa taglay na alindog at kagandahan!"

Tumawa si AB. "Opo! Angelica po ako. Siya po Angelito. Pero para po 'di kayo malito, AB na lang po."

"Eybe?" Nilingon ni master si bossing. "Hal, déjà vu. Parang narinig ko na ang pangalan niya. Ganitong-ganito. Kumakain din tayo."

Mariin kong naipaglapat ang mga ngipin. Humigpit ang hawak sa mga kubyertos. Tokwa! Kapag naalala ni master 'yong sinabi ko dati... siguradong hindi niya titigilan si AB.

"Taga-saan ka, Eybe?" tanong ni bossing.

Nakng! Bakit ba tanong sila nang tanong. Nakakahiya!

"Taga-Quezon City po. Pero pasensiya na po, hindi ako makapag-budots dance. Kumakain." Nagtawanan sila. Pero hindi na ako mapakali.

"Kaibigan mo si Magnet? Ngayon ka lang namin nakita. Itong si Angel... sumama na sa Antipolo nung nakaraan," si Master ulit

"Busy lang po sa career."

"Eh, sa lovelife?"

Nakngtokwa!

Ito talaga ang problema kay master. May makakuha lang na isang tao ng interes niya... dadaldalin niya talaga. Daig pa ang isang interviewer.

"Mas masarap po kumain, eh..." tawa ni AB. "Ang sarap po nitong niluto n'yo. Pwede pong magpa-ampon?" Pansin ko ang paglihis niya sa usapan.

"Pakasalan mo na lang anak ko..." magiliw na suggestion ni master.

Muntik ko nang maibuga ang nginunguya. Nakatitig na lang ako sa plato dahil hindi ko na kayang mag-angat ng tingin.

"Wala po akong balak magpakasal, eh..." magaan na usal ni AB. Tinitigan ko siya sa sulok ng mga mata at naiba na ang ngiti niya. Bigla akong kinabahan.

"Uhmm... tita..." si Magnet na parang may biglang gustong sabihin pero tumigil.

"Ako na lang, tita!" masiglang itinaas ni Angelito ang kamay niya. "Papakasalan ko ang anak n'yo. Sa 'kin lahat ng gastos. Simula bachelor party hanggang honeymoon."

"Ay sayang naman! Ilang taon ka na ba, Eybe?" Kinagat ko ang labi nang mariin. Gusto ko nang hawakan sa balikat si master para lang tumigil siya sa pagtatanong.

Ramdam ko na hindi na komportable si AB. "23 po..."

Tumango si Master. "Magkasing-edad pala kayo ni Kira. Tamang-tama, 'yung panganay kong si Yolo... walang girlfriend."

Nabitiwan ko ang kutsara. Ramdam ko ang titig ng mga tukmol sa 'kin. Pinipigilan ko ang sariling magreact para hindi mahalata... pero tokwa! Ang hirap.

"Master..." Gulat siyang napalingon sa 'kin. "She's getting uncomfortable."

Ngumuso siya na parang bata. "Pasensiya ka na, Eybe..." Pinalungkot niya pa ang mga mata. Nakng! "Pero last na..." Tokwa, master! Hihirit ka pa talaga. "Ano ang mas tipo mo? Mas matanda sa 'yo o mas bata? 'Tong si Kudos, single rin. Wala pang nagiging girlfriend."

Nabulunan ako nang tuluyan. Mabilis akong napainom ng tubig.

Mahinang natatawa si Paris sa tabi ko na pinalo-palo ang likod ko. "Mukhang kilala ko na kung sino may-ari ng diary," nagawa pa niyang bumulong.

Binantaan ko siya ng tingin. Tokwa! Ang iingay nila. Kabadong-kabado na nga ako rito. Para akong sinisilaban. Siguradong mahahalata na ni AB. Sht!

"Mas matanda po," kalmadong sagot niya, walang kangiti-ngiti. Sumubo siya at nakatitig sa plato niya. Saka nag-angat ng tingin at tipid na ngumiti kay master. "Pero wala po talaga sa isip ko ang lovelife."

"Sayang!" maktol na naman ni master. "Basta punta kayo sa birthday debut ni Kudos. Ngayong March 13. Sa Antipolo. Ha, Magnet, Angel, Eybe? Nandoon din mga pinsan niya saka sina Hazel at Paris. Saka 'yung dalawa ko pang anak na sina Kira... at Yolo."

Ngali-ngaling ihilamos ko ang dalawang palad sa mukha sa frustration. Nawalan na ako ng ganang kumain.

"Sige po, Tita..." sagot nina Magnet at bakla. Ngumiti lang si AB. Bakit pakiramdam ko 'di siya pupunta?

Naghari ang katahimikan. Wala na ulit nagsalita. Ramdam ko ang pagnakaw sa 'kin ng tingin ng mga tukmol. At si master... walang kamalay-malay na siya ang gumawa ng awkward dead air sa paligid.

Huminga ako nang malalim at panandaliang pumikit. "Bakit ayaw mo ng bata?" Napalingon silang lahat sa 'kin. Diretso ang tingin ko kay AB.

Lumingon siya kay Risk. At sa dalawang kambal. Bago ibinalik ang tingin sa 'kin. Kumunot ang noo niya at tinuro ang sarili. "Ako ulit?" Natawa siya. Umiling. "I like kids, Kudos..."

Hindi ko napigilan na maikuyom ang mga kamao. Ang galing niyang ibahin ang topic. Iliko.

I sighed.

"Paano kung mag-effort? Paano kung gagawin lahat para sa 'yo? Paano kung hindi ka hahayaang masaktan? Paano kung hindi ka lolokohin? Paano kung mahal ka? Paano kung mahal na mahal ka? Paano kung ikaw lang ang babaeng mamahalin hanggang dulo... tatanggihan mo pa rin ba kasi mas bata sa 'yo?"

_._._



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE