Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

DD,

I think, I'm in big trouble.

I'm starting to like Toni. Help me!

Ano'ng gagawin ko, Mylabs?

Itetext ko pa ba siya o lalayuan na?

Pero kasi... hindi ko kaya.

Ang daming what ifs na umiikot sa utak ko ngayon. Gulong-gulo ako. Feeling ko mababaliw ako.

Hindi naman 'to ang priority ko, eh. Pero bakit 'di ko kayang huminto? Bakit 'di ko kayang lumayo?

Ang bata-bata ko pa. Studies muna.

Pero masaya ako kapag nakakatext ko siya.

Kahit sobrang hirap ng signal sa lugar namin, pumupunta pa ako sa may tulay, sa ilog, o umaakyat ng mangga para lang makapagreply ako sa kanya.

Effort kung effort ako.

Hindi naman ako ganito. Minsan ko lang hawakan ang cellphone ko. Hindi ako mahilig sa textmate. Hindi ako madalas mag-isip ng tungkol sa lalaki. Hindi ako nagcoconsider ng pwede na kaya akong pumasok sa isang relationship?

Pero bakit pagdating sa kanya... nababasag lahat ng 'yon? Nasisira ko 'yung sinet kong tamang panahon para sa sarili ko?

Ang gusto ko... 20 ako magboboyfriend.

26 or 27 ako mag-aasawa.

Higit sa lahat, I want my first boyfriend to be my last. Siya na dapat 'yung mapangasawa ko. Oo, corny. Pero hindi ba p'wedeng mangarap nang gano'n? Babae ako, eh.

Pero mag-14 pa lang ako. Masyadong malayo pa 'yung right time. Kung magiging kami ba... tatagal kaya kami? Aabot kaya kami sa sinet kong age? Posible. Pero mas malaki 'yung porsyento ng imposible.

Malabo kami. Kaya bakit ako nagkakaganito?

Gusto ko na ba talaga siya?

Pero kahit gusto ko nang mas matanda sa 'kin. 'Yung mas matured sa 'kin. 'Yung mas maraming alam sa 'kin... 'di kami bagay, eh.

Kasi sa tuwing nakikita ko siya kapag dumadaan kami sa hallway ng college, sa quadrangle, sa tambayan nila, sa kainan sa labas, sa canteen, sa bilyaran, sa computer shop, sa kung saan-saan... maraming taong nakapaligid sa kanya, mga barkada. Halo-halo. May mga babae. Magaganda. Feeling ko mas bagay 'yong mga gano'n sa kanya.

So why me, Toni?

Nakakainis siya, Mylabs!

Bakit ba palagi ko siya nakikita nitong nakaraang mga linggo? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?

Saka bakit ba gano'n siya?

Last last week, inambush niya kami paglabas namin ng gate nina Cristine at ng buong barkada. Kilala na siya ng mga barkada, eh. Dahil doon sa tinakbuhan ko siya nung nakaraan. Saka nagkakatext din sila ni Cristine.

Binibenta ako nung bruha. Ugh!

Wala naman ginawa. Inabutan lang ako ng malaking balot ng Cracklings at butong pakwan. Gosh! Paborito ko kasi 'yon. Nabanggit ko yata sa text.

Tapos sumibat na siya. Wala nang sinabi pero nabingi ako sa tili ng mga kaibigan ko at nagkapasa ako sa braso dahil sa lakas ng hampas at kurot nila. Kinagat pa ako ni Cristine sa ibaba ng balikat.

Mga walang hiya!

Sarap ipakagat sa mga hantik ang kanilang mga singit.

Last week, bumuka ang black shoes ko. Tapos hirap na hirap akong maglakad sa hallway. Hinihila ko ang paa. Hanggang sa mapigtal nang tuluyan. Kaya naglakad ako nang nakamedyas. Tawang-tawa pa 'yung buang na si Cristine.

Bakit feeling ko sinira niya ang sapatos ko? Naghuhubad kasi ako ng sapatos 'pag break para magpalamig ng mga paa.

At saka katext niya ulit si Toni. Nagreport ang baliw. Kaya 'yon may bitbit na tsinelas 'yung isa nung lumapit sa 'kin. Grabe ang panlalaki ng mga mata ko nun. Tumitingin pa ako sa paligid kasi pinagtitinginan kami. Nakakahiya. Gosh! Ang showbiz. Tapos bagong bili pa yata ang tsinelas na kulay green dahil may presyo pa. 199 yata. Huhu.

Paglingon ko sa tabi ko, kay Cristine, wala na siya. Nagtakbuhan na sila ng barkada.

Waaaaah! Binenta na naman nila ako.

Hindi ako makatingin kay Toni nun habang naglalakad kami palabas ng campus. Tango at iling lang ginagawa ko kapag nagsasalita siya. Gusto niya pang bitbitin ang bag ko, kaya todo iling ako at humigpit hawak sa strap ng bag. Naririnig ko pa ang mahina niyang pagtawa madalas. Tapos amoy na amoy ko 'yung pabango niya. 'Di ko alam kung ano'ng brand pero masarap singhutin. Parang 'di ako magsasawa sa tabi niya kung gano'n siya kabango palagi.

Naconscious tuloy ako. Gosh! Baka ang baho ko. O amoy pawis. 'Di kasi ako nagpapabango. Iniisip ko talaga nung mga oras na 'yon na... pagkaalis niya sa tabi ko, bibili na ako ng pabango.

Hindi ko nga gaano maintindihan sinasabi niya, eh. Kasi parang mabibingi ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Umiinit din ang pisngi ko at tuktok ng tainga. Para akong nilalagnat. At kaya hindi ako nagsasalita... kasi alam ko nang mauutal ako.

Waaaah! Ang epic ko talaga, Mylabs.

Hinatid niya ako hanggang sa sinasakyan namin ni Roselee.

Kinabukasan, binatukan ko si Cristine. Kainis siya! Aatakehin ako sa puso dahil sa pagbebentang ginagawa niya. Humagalpak lang ang bruha.

Three days ago, P.E. class namin sa quadrangle. Badminton. Tapos may stretching muna at jogging. Eh, isa lang ang quadrangle sa buong campus. Joined ang HS at College nun. May paschedule lang. At malapit ang quad sa Eng'g building. As in katapat.

Kitang-kita ko tuloy ang grupo nina Toni na nakaupo sa benches sa tapat ng quad. Gosh naman! Para akong matutunaw sa paraan nang pagtitig niya. Waaah!

Ang sarap mag-headbang!

#GandaProblems

#TalandiNiAlphabet

Hindi ko na nga napagtutuunan ng pansin si Igzo Levi na nagbabasketball lang sa gilid ng quad dahil sobrang nacoconscious ako kay Toni.

Kahit nung by partner at match ang paggrade sa 'min ni Sir nun sa P.E., mas kabado ako sa mga titig ni Toni kaysa sa magiging grades ko. Minadali ko na lang ang paglaro para mabilis na matalo ang kalaban. Diretso agad ako sa CR kasi nakakaihi ang feeling.

Ang tagal ko sa loob ng CR dahil pinapakalma ko ang sarili. Sobrang pula ng mukha ko, mabilis ang hininga at nakakabingi ang tibok ng puso. Napagod siguro ako sa laro?

Paglabas ko, naambush muli ako. Napatili at muntik na namang tumakbo. Kaso wala. Nasa harapan ko siya. Si Toni. May hawak na bananacue at Sting na kulay pula. Waaah!

Inabot niya sa 'kin. Nanginginig mga kamay ko (pasmado ako). Ngumiti siya at sinabing... "Ang galing mo."

Gusto ko rin sabihin sa kanya ang... "Ang g'wapo mo!" Kaso kinagat ko ang dila bago ko pa masabi.

'Yung titig niya. 'Yung ngiti niya. Hindi ako nagmumura pero parang gusto kong tumili ng... "Fcksht!" huhuhu.

Nagpiplay sa utak ko ang kantang God Gave Me You by Bryan White.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE