Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

DD,

Today is September 19, 2011.

Katatapos lang ng 17th birthday ko.

Pasensiya kung ngayon ko lang ulit naisipan magkwento. Kung kelan feeling ko ang loner ko.

Bago ko simulan, i-share ko lang sa 'yo ang mga bumabagabag sa 'kin ngayon.

L O V E.

Pag-ibig na naman.

Tanggapin man natin o hindi, pag-ibig ang pinakamaimpluwensiyang pakiramdam sa daigdig.

Love can complicate everything.

Love can make a family happy or make it broken.

Love can change a person into something virtuous or vicious.

Love can alter our beliefs in life.

Love can make us do things we never consider we can do in the beginning.

Love can be our angel that accompanies us to a utopia feeling or our demon that traps us to depression.

Love.

Love is meaningful.

Love doesn't have an exact description.

Love can't be learned from a class discussion.

Love doesn't have a syllabus that can guide us.

Love isn't a game that has mechanics on how to play.

Love isn't a subject but why there's always a test?

Love isn't a game but why there are players and cheaters?

Love is pag-ibig.

At ang pag-ibig ang batas ng daigdig.

Ang pag-ibig ang bumubuo sa isang tao. Pag-ibig din ang nagwawasak sa 'ting puso.

Ang gulo. Ang gulo-gulo ng pag-ibig. Siguro... pinaglihi ang pag-ibig sa abstract painting kaya mahirap intindihin. O kaya sa Wikipedia kaya maraming meanings. O baka sa Math kaya sangkatutak ang problems.

P'wede rin na ang pag-ibig... isang contagious disease. Kumakalat. May kakayahang apektuhan ang buong sistema natin. Puso na bumibilis ang tibok. Utak na nagkaka-insomnia. Matang kumikinang. Labing nangingiti. Dilang namumulaklak ng mga nag-aalab na pangako. Tiyan na nag-aalaga ng mga paru-paro.

Tama, baka nga sakit ang pag-ibig... kaso venomous. Toxic. May kakayahang manglason ng sistema. Puso na nawawasak. Utak na nadedepress. Matang lumuluha. Labing nalulungkot. Dilang nagsisinungaling para maitago ang sakit. Tiyang nagugutom dahil 'di makakain.

But... love can also be a medicine or antidote. Love can cure a broken heart. Love can inspire. Right?

Ugggh! Ayoko na... ayoko na mag-isip.

Bakit, pag-ibig? Bakit ang gulo mo? Bakit ang lupit mo sa 'min? Inaano ka ba namin?

Suntukan na lang, oh!

Jack-en-poy tayo! Kapag ako nanalo... tatantanan mo ako!

Mylabs, ang tanga ko 'no?

Parang nag-jack-en-poy ako sa harap ng salamin... kasi kahit ano'ng gawin ko, 'di ako mananalo o matatalo. Ang pag-ibig na 'yan, kahit kailan 'di ako magagawang tantanan.

Maliban na lang siguro kung nakahiga na ako sa ilalim ng lupa o naging isang living statue that doesn't have any emotions.

'Yan ang mga bumabagabag sa utak ko ngayon, Mylabs. Ang gulo 'no? Sisihin natin ang pag-ibig kasi siya ang salarin.

Pag-ibig, walang hiya ka! Ang dami mong atraso at utang sa 'kin. Kailangan mong magbayad!

Kaso... sino sisingilin natin, Mylabs? Si Kupido? Ang shunga kasing pumana, eh. Mali-mali. Hindi ko naman hiniling na mainlove. Tinatakasan ko nga. Tinatakbuhan. Bakit hinihabol pa rin ako?

Mylabs... napapraning ka na ba kasi ang deep ulit ng mga sinusulat ko? Sige, simplehan natin.

I'm in love with Cole but he doesn't know my feelings for him.

'Yung gustong-gusto kong ipaalam kaso natatakot ako.

Ito na naman kasi tayo, eh. Nagsimula ulit sa textmate. Ayoko na. May trauma na ako sa gano'n, eh. Bakit same procedure ulit?

But what's wrong with me?

Nagpalit ako ng SIM para lang putulin ang communication namin ni Ellis. (Nang walang pasabi.)

Ni wala akong pinagbigyan na ibang lalaki ng number ko. Wala akong nirereplyan... maliban kay Cole. I felt like I'm cheating even we're not in a relationship. (Kaya ginawa ko 'yon.)

Dapat siya lang bigyan ko ng atensiyon. Dapat sa kanya lang ako. Dapat siya lang. Kasi siya 'yung gusto ko.

'Yung gusto ko subukan pero natatakot akong umpisahan.

'Yung gusto ko ang nararamdaman kaso baka may katapusan.

At alam mo, Mylabs... dahil sa takot at doubts ko sa sarili, nagbackfire 'yon.

Last April 2011, umuwi ako sa Romblon. Nagbakasyon. Mga ilang linggo lang.

For the first time, ako 'yung gustong makipagkita kay Cole... pero sa ilang araw na lang daw. Busy siya. Kaya kami na lang nina Tintin, Maria Fe at ilang tropa ang gumimik. Namiss ko rin kasi sila.

But unexpected things happened. Nakita namin si Cole na may angkas na babae sa motor. At 'yung babae malaki ang tiyan.

Sa araw din na 'yon, hinintay namin siya sa plaza. Nagpasama ulit ako kay Tintin. Siya kakampi ko sa mga gano'n, eh. Hindi na sila magkasama nung babae. Pero ramdam ko agad na may mali.

Hindi naman ako manhid.

Na sana nga... manhid na lang ako. Para walang nararamdaman. Na sana 'di ako observant... para hindi napapansin lahat ng mga bagay sa paligid ko.

"'W-Wag kang magsisinungaling sa 'kin," umpisa ko sa basag na tinig. "I-Ikaw nakabuntis dun sa babae?"

Hindi nakasagot si Cole. Yumuko lang siya. Kinakagat-kagat ang labing tila binabad sa suka. Namumutla. Hinawakan niya ang kamay ko. Tinabig ko 'yon. Pag-angat niya ng tingin naluluha siya. "O-Oo, pero-"

Tumalikod agad ako. Ang sakit. Putek!

Pinunasan ko ang papatak na luha. 'Di dapat ako umiyak. Lalo na sa harapan niya. Mamaya na.

Pigilan mo muna, Alphabet!

"H-Hindi... I-Ikaw ang mahal-"

Tumakbo ako palayo. Kamuntik-muntikan madapa. Sumakay agad sa nagpapasadang motor sa paradahan. Habang sa biyahe, nililipad ng hangin ang mga luhang nag-uunahan.

Ako ang mahal? Kalokohan!

If he loves me, he'll never cheat.

Ang panloloko... hindi aksidente o nagkataon. Ang panloloko... sinadya o pinili.

Ganito lang 'yan, eh. Cheating is like a true or false in examination. O para mas madali, multiple choice. Question: "Are you going to cheat?" A: Yes. B: No. Wala ng ibang choices na C: Maybe or D: It depends. Wala na ring additional option na... E: Natempt lang.

Ano ba! Ayan na naman tayo, eh. Sa mga dahilan. Diyan naman tayo magaling... sa pag-isip ng mga palusot kapag nahuli. Hindi muna naisip ang mga possibilities bago gawin ang isang bagay.

Natukso lang. Nadala sa bugso ng damdamin. No choice. Sus... Kalokohan! Kahibangan!

Nilasing ba? Nirape? Pinilit? Puputulan ng hiyas? Kaya pinasok? Tinutukan ng baril? Kaya nagpaputok? May death threats?

Gosh! Okay, I should stop sucking and ranting right now.

What's done is done.

Wala naman kaming relasyon... kaya makakalimutan ko rin siguro 'to.

Mahal ako? Okay!

Porke ba mahal ako at mahal ko... push agad?

'Di na iisipin ang mga nangyayari sa paligid? Ang mga taong p'wedeng maipit sa desisyon? Ang pamilyang p'wedeng maapakan o masira?

May baby, eh. May family na. Kahit sa ayaw at sa gusto ko... mali. Maling-mali.

Oo, uso naman, eh. Marami ng broken families. Marami ng may mga kabit. Maraming naglilive-in. Maraming naanakan lang.

So, porke uso... makikiuso rin ako?

No way!

Mas okay nang ako ang mawasak, 'wag lang akong makawasak.

Kasi ramdam ko. Alam ko 'yung feeling na broken ang family. And that baby... I don't want him or her to feel those crappy feelings.

Sige, ako na lang ang masaktan.

Sige, ako na lang ang lalayo.

Sige, ako na lang.

Sanay naman ako. Sanay akong mag-adjust sa kahit anong sitwasyon.

Tinadtad ako ng tawag at text ni Cole. Hindi ko sinagot ang tawag... namamalat ang boses ko. Pero nagreply ako sa dami ng messages niyang 'di ko na binasa lahat.

Bakit pa? Magpapaliwanag lang siya. Na 'di niya sinasadya. 'Di ginusto. Na ako ang mahal. Na ako ang pipiliin. Bla bla bla.

I sent him a message. "Don't run away. You did it. Stand for it. An accident or a choice; one night stand, twice or every night... it doesn't matter anymore. You enjoyed those things you've done with that girl. Then, man-up... marry her and be a father!"

And another message. "I know, you still love me. But love can't solve everything. Even if I love you, too... it can't fix what have been broken. This love, our love... already cracked. It can break you, me... us. It can break your soon to be family. Let's end "us" even we never started. That's the right thing to do. Kahit masakit."

At isa pa. "Kalimutan mo na ako. Kakalimutan din kita. Putulin ang komunikasyon. 'Wag magkikita. Maybe a year, or two... o mas matagal pa. Sabay tayong mag-move on na dalawa. Who knows, baka 'pag nagkita ulit tayo... magagawa na nating ngitian ang isa't isa. Walang halong bitterness at pain. Na tatawanan na lang natin ang nangyari. Malay mo, maging magkaibigan ulit tayo. Yeah, someday. Maybe. There's always a possibility."

And my final message. "But for now... I'm really sorry, Cole. I can't do it. I really can't. I never dream to be in this kind or relationship. Thank you because you love me. Ramdam ko 'yon. Sagad. Salamat sa mga efforts. I appreciate all the things you've done for me. 'Yung mga binigay mo? Pasensiya... 'di ko magagawang ibalik. HAHAHAHAHA. Sige. Thank you. I'm sorry. Please, be happy."

Saka ko tinanggal at pinutol ang SIM.

Kailangan kong gawin 'yon. Na dapat isipin niyang magiging okay ako kaya dapat gano'n din siya.

Sa pagputol ko ng SIM, pinutol ko na rin ang lahat sa 'min.

Sa sinabi ko sa message, kailangan... para wala nang aasa pa. Para may conclusion na. Wala ng mga manggugulong 'what ifs' sa utak.

Ginawa ko na rin agad-agad. Hangga't sariwa pa. Hangga't nakakapag-isip pa ako nang tama. Hangga't kaya ko pang putulin ang tali. Hangga't nananalo pa ang prinsipyo ng utak ko at 'di pa nilalamon ng pagmamahal ang puso.

Dahil ayokong makagawa ng mga desisyon na pagsisisihan ko sa dulo.

Doon kasi tayo nasasaktan. Sa mga unfinished business. Sa walang closure.

Kaya bakit pa papatagalin, kung wala naman na pupuntahan?

Mas okay nang masaktan sa umpisa pa lang... kaysa umasa kang may happy ending 'yon pala pinapaasa ka lang.

Iniyak ko lang.

Sige lang, Alphabet! Wala naman masamang umiyak. Nasasaktan ka, eh. Iiyak mo lang hangga't masakit. Damhin mo lang hangga't may nararamdaman. Wala namang nakakakita. Walang nakakaalam. Ikaw lang.

Ayoko na yatang magmahal.

Ayoko na!

'Di bale na lang. Mamatay nang single. Virgin. NBSB. Wala akong paki!

Dumagdag pa 'yong feeling pogi kong kaklase na naging stalker ko na sa sobrang kakulitan.

Si Dexter.

Sabi niya, gusto niya ako.

Mahal na mahal niya raw ako.

And soooo?!

Ayun, ilang beses kong binasted.

Binlock ko na rin sa facebook. Kaso gumawa ng dummy account ang linta.

For the first time, parang gusto kong magmura for real para lang mailabas 'yung feels na... "AYOKO NGA SA 'YO! TANTANAN MO AKO! *insert censored violent words.*"

Kaya nag-deactivate na lang ako ng account para matapos na.

Pero masyado siyang makulit na sobrang creepy na.

Nung iniyakan niya ako't sinabi na... "Seryoso nga ako." Naiyak din ako at sinabing... "Ayoko nga sa 'yo! Ba't ba ang kulit-kulit mo?"

Nakakainis naaaa!

Bakit ba ang mga lalaki may choice kung sino ang gustong ligawan? Pero kaming mga babae walang choice kung sino ang gusto naming manligaw o magkagusto sa 'min?!

Ang unfaiiir!

Eh, sa ayokooo.

Ang heartbreaker ko na yata, Mylabs!

Pero ayoko talaga. Ayoko na yata.

PS: Natatakot na tuloy akong magpapasok ng lalaki sa buhay ko... na hihigit pa sa kaibigan lang.

Traumatized,
AB

*.*.*

< Kudos Pereseo >

(Present Time)

"Kumapit ka. 'Wag kang tuluyang mahuhulog sa 'kin. Masasaktan ka lang... hindi kita kayang saluhin."

Natuod ako sa kinatatayuan. Mariing pumikit. Para niyang ibinaon ang kamay sa dibdib ko para hawakan ang puso. Higpitan. Hanggang sa paunti-unting tumigil sa mabilis na pagtibok. Madurog. Na pati ang utak ko... ayoko nang mag-isip pa.

"Kasi ano... hindi ka naman mangga na nahulog sa puno at kailangan kong saluhin..." Mahina siyang tumawa. Sinisinok. Idinilat ko ang mga mata. Nakatitig siya sa dibdib ko. Nakahawak sa ulo. Kinuyom. Saka pinalo-palo sa gilid ng ulo. "Saka hindi ako catcher."

"I'm ham-fisted," she looked at me straight into my eyes. "Lahat ng sinasalo ko... nawawala. Lahat ng sinasalo ko... nabibitiwan ko't nahuhulog sa iba. Lahat ng sinasalo ko... nang-iiwan. Lahat. Kaya kapit ka lang. Higpitan mo. Kahit may nang-uga o may nanungkit. 'Wag... 'wag kang papahulog."

Loading ang sinabi niya. Na ang tagal i-process ng utak ko. Kaya nung tumalikod siya para layuan ako... tulala lang ako sa kanyang likod.

Paano... paano ako kakapit nang mahigpit kung nakabitaw na ako?

I should just endure the fall.

Endure the crash.

Endure the pain.

Endure everything.

Endure, Kudos. Endure.

The gravity is too much for you to handle. You don't have a choice... but to suffer.

You can't climb up anymore. There's no ladder.

Dumiretso ako kay na Steel na nagvivideoke na. Tinapik ako ni Magnet na nakita yata ang nangyari. Parehas sila ni Angelito na binabantayan ang kinikilos ni AB.

Inabutan ako ni Shield ng isang bote ng Tanduay Ice na kulay blue. Umupo ako sa tabi niya. Huminga nang malalim at pinukpok ang dibdib. Saka kinuha ang T-ice at tinungga.

Don't think too much.

Kahit ngayon lang.

Lumabas si AB mula sa kwarto nilang mga babae... nakatapat sa tainga ang cellphone. "'Wag ka munang tumawag..." Ibinaba niya 'to at lumapit kay na Philemon at Psalm.

"Ayos ka lang, Angel?" usisa ni Phil nang muntik nang matisod... sabay silang napatayo ni Psalm para umalalay.

Bumungisngis si AB. "Ito... maganda pa rin."

"Ang lakas!" tawa ni Psalm. "Lasing ka na ba?"

"I'm not lasing..." Suminok siya. Kaya inagaw ang basong hawak ni Paris at tinungga.

"Asonggala! Akin 'yan..." Pumagitna sa kanila ang kambal. Kinuha ni Psalm ang hawak ni Risk na bote at binigay kay Paris para pakalmahin. Pumalatak si Risk.

"Sino'ng mas g'wapo sa inyo?" Tinulak ni AB ang dalawang tukmol paupo sa mahabang sofa at pumagitna. Nahinto si Steel sa pagkanta. "Magkamukha kayo. Nakataas ang mga buhok. Malinis. Parehas matangos ilong. Malalim ang mga mata... kulay itim ba 'yan o dark brown?"

Hinawakan niya ang pisngi ng mga tuko at pinisil-pisil. Tumatawa ang mga tukmol. Nag-iinit tuktok ng mga tainga ko.

"Parehas na matapang ang mga panga. G'wapo. Pero bakit ikaw... may hati sa kaliwang kilay?" turo niya kay Phil. "At ikaw naman sa kanan," ngumuso kay Psalm. "Salamin ba kayo?"

Humagalpak ang mga tukmol. "Kambal kami, Angel."

"Eh, sino mas masarap magmahal?"

"Mag-aapply ka bang girlfriend?" pabibong tanong ni Phil. "May magagalit, Angel." Halakhak ni Psalm.

"WFD!" asik ni AB.

"Walang forever, Dre?" Kinunutan niya ng noo ang mga tukmol. "Bakit nga?"

Nagtipa si AB sa phone niya. "Kailangan ko ng info... realistic details para sa characters ng story ko."

"Pussycat! Gagawin mo kaming main character?"

"Ay hala! Assumero. Mas bagay kayong third party. 'Yung mga sidekicks ng bida. 'Yung hindi napapansin agad. 'Yung masarap saktan..." Hagalpak ni AB. "Tapos may naisip na rin akong plot na bagay sa inyo. Mafafall kayo sa isang girl. May mamamatay na isa... may mawawasak. Walang end game. Then... tragic."

"Holycow! Ang lupit..." Kumamot si Psalm sa ulo.

Tawa nang tawa si AB. Lumapit si MM sa kanya. Para patigilin pero parang iiyak siya nung hinila. Kaya bumalik si Magnet sa dating p'westo. Napapabuntong-hininga. Wala na rin ulit nagbalak umawat sa kakulitan niya. Mukhang aliw na aliw silang manuod. Si Hazel nakatulog na sa isang sofa.

"Ano pala pangalan ng grupo n'yong magpipinsan?" tanong niya ulit.

"MTP."

"MTP?"

"Mga Teteng Pereseo..." humagalpak ulit ang mga tukmol. Wala naman kasing pangalan ang grupo namin. Name 'yon ng GC! Tokwa.

"Sino type mo sa 'ming magpipinsan, Angel?" lakas-loob na tanong ni Phil. Sarap batuhin ng bote ng T-ice.

"Si Steel..." mabilis niyang sagot. Tumigil ako sa paghingang napalingon kay Steel. Kumunot ang noo niyang nakatingin kay AB.

"Ideal guy. Siya pinakamatangkad sa inyo. Moreno. Magaling magluto. Maraming alam na sports. Singer. Nakakaintimidate kung tumitig. Parang mangangain nang buhay 'pag seryoso. Ang amo naman ng mukha 'pag nakangiti. Ano pa ba? Ah... 'wagas kung magmahal."

"Pinaramdam sa 'yo?" halos mapatayo ang dalawang tukmol.

Humagikhik siya. "Hindi sa 'kin... kay-"

"Tae, kulot!" Tumayo si Steel at lumapit sa kanila. Tawang-tawa sila. "Ang ingay mo na..."

Hindi siya pinansin ni AB. "May linyahan din ba kayo katulad ni bakal? Ano nga 'yon?" Sandali siyang nag-isip. Minamasahe ang ulo. "Ah... naalala ko na..."

"Stealing is a sin yet you stole my heart in a blink. Surrender! Be imprisoned in Steel Pereseo's heart forever."

Napa-wooh ang mga tukmol. "Ang lupit nun, boy!" komento ni Phil. "Nilamon 'yung sa 'min..." Umiling-iling si Psalm. Napamasahe si Steel sa sintido niya.

Si AB panay ang sambit ng... "WFD! WFD!"

Napapailing na lang ako. Gulong-gulo ang utak. Pero 'di napigilan ang mapangiti sa kakulitan niya.

"Ano 'yong sa 'yo?" siniko ni AB si Phil.

"Kapag sinabi ko sa 'yo, dapat tayo ang end game, Angel."

"Sus! Kalokohan. Sabihin mo na. Tatanggalan ko ng bala 'yang baril mo."

"'Di p'wede, may rule kasi kami."

"Rule? Aysus! Kayo lang naman gumawa nun. Walang rules-rules sa 'kin. Lahat kayo... null and void. Kaya ano nga?"

Lumingon muna si Phil sa 'kin. Nagpapahiwatig ang tingin na... 'Hindi 'to seryoso, boy. Ang kulit, eh.' Uminom ako sa T-ice.

Pabulong ang pagsambit ni Phil, "Kung feeling mo walang nagmamahal sa 'yo... nandito si Philemon Pereseo." Lumubog si Phil sa inuupoan pagkatapos. Tinakpan ng unan ang mukha.

Tumahimik kami. Saka halakhak ni AB ang pumailanlang. "Pinag-isipan mo 'yan? Seryoso na 'yan? 'Yan na pinakamalupit mong linyahan? Kung ako ang babae... basted ka agad sa 'kin. Ang jeje. Ang corny."

Kahit sina MM at Angelito... nagpipigil ng tawa.

"Aray, Angel!" Hinawakan ni Phil ang dibdib. "Sakit mo magsalita. Buhay ko ang linyang 'yon. 'Wag mong yurakan."

"Kaartehan mo..." Pinitik niya ang tainga ni Phil. "Ikaw, men?" Nilingon niya si Psalm.

Ngumisi si Psalm, "Some left you hanging. Some made you broken. But Psalm Pereseo will love you 'til the end."

"Naks! Wala na ako reklamo. Pasang-awa. P'wede na..." Nagthumbs-up si AB.

Kinalabit ako ni Shield. "Boy, may ganyan ka rin?" bulong niya. Napahawak ako sa tainga at tipid na tumango. "'Di nga? Sineryoso n'yo si Risk?" Pinadaan niya ang hintuturo sa bridge ng ilong.

Ibig sabihin... wala siyang ginawa o inisip.

"Should I make one for myself?" bulong niya sa sarili.

"Ikaw naman, Boy tisoy na chinito..." Tumayo si AB at nakisiksik sa pagitan nina Shield at Angelito. Natanggal ang wire ng mic nung muntik siyang matalisod. Natabig ang isang bote at natapon ang laman sa sahig. Buti 'di nabasag.

Tumayo si Shield siguro para kumuha ng basahan nang hatakin siya pabalik ni AB paupo. "Bakit 'di mo suot ang salamin mo ngayon? Saka ano'ng tawag dito sa nakabraid na buhok na parang buntot sa batok mo? Bagong usong hairstyle?" Nanatiling nakatitig si Shield sa kanya. "Hirap mo basahin 'no? Ano pamatay mong linya diyan? 'Yung gigiba sa kuya mong kinakalawang na sa bagal."

Pumalatak si Steel sa gilid.

"I don't have one," tugon ni Shield.

Lumabi si AB, "Ba't wala? Gawa ka! Daliiiii..."

Panandaliang pinadaan ni Shield ang hintuturo sa ilong. Tila nag-iisip. "Dying is grim. But that's what I can do to shield you from everything. Anyway, Shield Pereseo is my name."

Natameme si AB. Kumurap. Napatitig kami lahat kay Shield. Ngayon niya lang naisip 'yon? Nakng!

Hiyang-hiya 'yung linya ko sa mga pamatay nilang linyahan. 'Yung sa 'kin lang ang walang sense. Ang babaw. Hindi pa maintindihan agad. Tokwa!

"Ay hala! May balak ka bang magpakamatay?"

"I didn't say that..." kibit-balikat ni Shield. "But love is a sacrifice."

"'Yung kuya mo balak mangkulong ng magnanakaw. Ikaw naman..." Humagikhik si AB at tumayo. Muntik na ulit matumba. Bago pa ako makatayo para umalalay... hinawakan ni Magnet ang braso ko. Mahigpit. Umiling siya.

Naalala ko na naman sinabi niya kanina... "'Wag n'yong pipigilan, iiyak 'yan."

"Nasaan 'yung pinakapangit na Pereseo?" Lumingon siya sa paligid. Si Risk ba tinutukoy niya?

Hinanap ko si Risk pero wala nga. Wala rin si Paris. Hindi ko napansin. Saan nagsuot ang dalawang 'yon?

"Ay hala! Nanganganib dignidad ni Paris..." Patakbo na siya kung saan man nang pigilan siya ni Steel na tumatawa.

"Tae, kulot. Baka si Risk ang nanganganib." Inalalayan siya pabalik sa sofa. "Umupo ka nga lang diyan. Lalo kang mahihilo niyan. Ang likot-likot mo."

"Eh, hindi nga ako lasing."

"Talaga ba?!" sabay sina Phil at Psalm.

"May itatanong lang ako kay Risky boy, eh." Sinipa niya ang mesa. Nagkalat sa sahig ang mga chips ng Cracklings at Marty's. Tokwa! Buti walang bote o baso. Naiiyak na rin siya. Lalo namang natawa ang mga tukmol. Nakng! Sarap pag-untugin.

"Ano ba itatanong you, Angel?" singit ni Angelito. "Ask me na lang."

"Ayoko sa 'yo! Wala ka namang birdie, eh..." asik niya. Naluluha. Ang lakas ng tawa ni Magnet. Humalukipkip tuloy si bakla sa tabi ko. "Kailangan ko nga kasi sa story."

"Mag-boyfriend ka na nga para may reference ka," suhesyon ni Steel.

"Risky boy! Ilabas mo ang birdie mo..." sigaw ni AB. "Iinterviewhin ko!" Napapisil ako sa tainga. Ang kulit!

"Bakit si Risk kailangan mo, Angel? Ano ba isusulat mo? Sëx scene?" tanong ni Phil.

"Hindi ako nagsusulat ng SPG! Manyak ka..." Tinampal niya si Philemon sa mukha.

"Eh, ano?" si Psalm.

"Realistic story. Itatanong ko lang 'yung... mga kaya niyang gawin para sa babaeng mahal niya. Namental-block kasi ako sa last update ko. I need guy's POV."

"Eh, bakit si Risk?" umiling si Steel. "Wala kang makukuhang matinong sagot dun, Kulot."

"Grabe kayo! Matino 'yon. Nakausap ko siya last time. Nabatukan ko pa nga dahil balak akong gamiting excuse. Mapagpanggap lang ang lokong 'yon. Pero in love 'yon. Halata. Sobra."

"In love?" Natawa nang pagak si Phil. "Imposible!" dugtong ni Psalm.

Sumimangot si AB. Namumungay ang mga mata. Suminghot. "Hindi pa kasi kayo naiinlove. Halata. Sobra." Tinampal niya ulit ang dalawa. "Si Steel lang tapos si Risk. Eh, ayoko na kay Bakal... alam ko na isasagot niyan." Lumabi siya.

"Mali ka, Kulot," mahinang natawa si Steel. "May isa pang in love dito." Tinuro ako ni Steel. Pinandilatan ko siya pero 'di napansin. Umurong yata lahat ng lamang loob ko. Lalo na nung nilingon ako ni AB... at ipinilig ang ulo.

Mabilis siyang naglakad papunta sa 'kin at tinabig si Angelito. "Tabi nga..." Sumiksik siya sa tabi ko. Ilang beses akong lumunok. Pigil na pigil ang hininga. Tokwa! Gusto niya yata akong atakehin sa puso.

Nagpindot siya sa cellphone. Saka ibinalik ang tingin sa 'kin. Tila kinakabisado ang buong detalye. Napayuko ako. Inilagay niya ang hintuturo sa ilalim ng baba ko. Inangat.

Nagpipigil ng tawa ang sa paligid namin. Siguro ramdam ang pagkangarag ko. Pero... hindi ko mapagtuonan ng atensiyon. Hinigop na lahat ng babae nakatitig nang matiim sa 'kin ngayon.

"Medyo magulong buhok. May iilang hiblang tumatakip sa noo. Medyo makapal na kilay." Ipinilig niya sa kaliwa ko ang mukha. "May puting hiwang peklat sa kaliwang panga. Squared-jaw. Matangos ang ilong. Kinakagat ang labi ngayon." Nakng! Pumilig siya sa kanan. "May tatlong sunod-sunod na mga nunal sa kanang panga. Meron din sa gilid ng kaliwang mata. At may maliit na patubong pimple sa gilid ng baba."

Tokwa! Pati ba naman 'yon?

Ibinalik niya ang tingin sa mga mata ko. 'Di ako makakurap. Namumula kanyang pisngi. Pati mga mata. Ang tuktok ilong. Gano'n din ang labi. Siguro sa dami niyang nainom. Ang gulo na rin nang pagkakabun ng buhok. Ang daming nakatakas sa gilid ng pisngi.

Naaalala pa ba niya ang sinabi kanina? Mukhang hindi.

"Hindi singkit. Hindi rin bilugan. 'Di kumukurap 'pag tumitig. Pero mabilis basahin. You're nervous. Natatakot ka ba sa 'kin?" Gumalaw ang gilid ng labi niya bago ipinaloob sa bibig.

Calm down, Kudos. Kalma.

"Ano'ng kulay ng mata mo?" Pinaningkitan niya ako.

"Green..." Lumabas sa bibig bago pa ako makapag-isip.

Mabilis niyang binitiwan ang cellphone. Ipinaloob sa mga palad niya ang magkabilaan kong pisngi. Nanlaki ang mga mata ko. Kumikiliti ang amoy ng T-ice sa kanyang hininga. Halos magdikit ang mga tungki ng ilong namin.

Sht!

"Itim, eh. Sinungaling..." Saka niya binitiwan mukha ko't lumayo konti. Tukmol ka, Kudos! 'Di ka muna kasi nag-iisip bago sumagot.

Palihim kong pinukpok ang dibdib.

Pinulot niya ang cellphone. Napansin kong pinindot niya ang sound recorder. "Kung may girlfriend ka... ano'ng maipapangako mo sa kanya?"

Hindi ako nakapagsalita. Gusto niyang i-record?

Lumabi siya't suminghot. Parang naiiyak na ewan. Lumingon siya. "Ayaw naman sumagot, eh. Risky boy!" tili niya. Nagtawanan sila.

"Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Sa 'yong-sa 'yo lang ako," bulong ko... kahit parang sasabog ang dibdib.

Pumihit siya paharap sa 'kin. Pinunasan ang gilid ng mata. "That's cliché."

Pinigilan kong 'wag ngumiti. "I'll take care of you. Always."

Tumango siya. "Dapat naman."

"I'll accompany you to book stores to buy your favorite novels."

"Hmmm... tapos?"

"I'll watch your favorite TV series and movies with you sitting next to me."

"Paano kung porn ang gustong panuorin nung girlfriend mo?" Nagtawanan ang mga tukmol. "Nevermind. Then?"

Nakatitig lang ako sa kanya. Gano'n din siya habang naghihintay ng sasabihin ko. "When you're hungry, I'll be your chef."

Bahagyang kuminang ang kanyang mata. "Marunong ka ba magluto?"

Pinakulubot ko ang ilong. "I'm not a good cook but I'll try to prepare anything you want to eat."

Ngumiti siya. "Okay."

Napangiti rin ako. "I'll wash the dishes and help you do the laundries."

"'Wag! Boyfriend ka. Hindi katulong."

Mahina akong natawa. Dumagundong ang boses ni Magnet. "Pagtutusukin ko kayo sa puwet! Tara na nga... makaalis sa lugar na 'to. Daming bulate!"

"Langgam," si Angelito.

"Bulate!"

"Bubuyog!" si Steel.

"Bulate!"

Saka narinig ko mga yabag nila palayo. Nanatiling nakahinang ang mga mata ko kay AB. Lilingon sana siya... hinawakan ko ang balikat niya. Agad ko ring binitiwan. "Oh, tapos?" sambit niya.

I say the things I want to do with her. "I won't mind hearing your 2AM thoughts while having a midnight snack together."

"I'll listen to your rants and problems. I'll be your living diary."

Natahimik na siya. Nakatitig lang sa 'kin.

I cleared my throat. "I'll wipe your tears every time you cry."

"I'll be your pillow in your sleepless nights." Pinakatitigan ko buong mukha niya.

I want to touch her cheeks. "When you think you're alone, I'll be your stuffed toy so you'll have someone to hold on."

"I'll be your stuffed toy again if you're angry and mad, and needed someone to punch hard." I want to trace my thumb on her lips.

"I'll tuck you under the blankets with me."

Kinuyom ko ang mga kamao. Pigil na pigil ang sariling yakapin siya. "I'll watch you sleep while holding you in my grip so you won't catch bad dreams."

I bit my lower lip. "I'll stay with you 'til you wake up, and shower you 'good morning' kisses."

"I'll be eager to start a new day with us together and do everything all over again. And again. And. Again. That's our routine." Nagwawala ang tibok ng puso. 'Di na kayang pahupain.

Iniwas niya ang mga mata. Tumitig sa cellphone niya. "Girlfriend pa lang ang tinutukoy ko... hindi asawa."

She asked me, anyway. Kahit na ibang babae ang umiikot sa isip niya ngayon. Habang siya lang ang iniisip ko habang nagsasalita. Bakit kailangan pang itago kung gusto ko rin namang sabihin at iparamdam? "If you're my girl... I'll marry you, in a heartbeat, and you'll be my one and only wife. That's my verdict!"

~.~.~

#LAFRwp @chiXnita


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE