Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

DD,

Today is November 28, 2006.

12 years old na ako. Kaka-12 nung September. Ako nga ang pinakabata sa buong batch ng High School sa 'min ngayon, eh. 11 nag-HS.

Miss na kita, Mylabs. Oo, High school na ako. Actually, malapit na ang 3rd grading exam. Todo-review na naman.

Sorry kung ngayon lang ulit kita nahawakan, ah. Mas busy pala 'pag High School ka na. 'Yung mga nilalaro namin nung Elementary, 'di ko na nagagawa ngayon. Paano, 'yong mga kaklase ko... ang dalaga na tingnan. 'Yung iba nga nagmamake-up na. Saka magkadikit ang building namin ng HS sa mga building ng College Students.

Ang school ko ngayon ang pinakamalaking school at sikat sa buong province namin. Main ang College, pero priority rin ang HS dahil nga Science School.

Yep, Mylabs. Sabay kaming nag-exam ni Brent sa SHS. May kasama pa kami na taga-sa 'min din. Pero hindi nakapasa si Brent sa entrance exam. (Kaya parehas sila ng school ni Rury, NHS) Ako lang saka si Roselee nakapasa. 'Yong kasabayan namin na kaklase rin namin nung elementary pero nagtransfer sa ibang school pagka-grade 6.

Pero 'di kami magkasection ni Roselee. Section 2 kasi ako at siya ay 3. Bali tig-3 sections lang mula first year hanggang 4th year. (Sa NHS kasi 10-12 sections, eh. Public school kasi 'yon.) Natatakot nga ako kasi grabe, mylabs... mukhang salang-sala ang mga estudyante dito sa SHS. Mga matatalino. Pati nga 'yong champion na nakakalaban ko palagi sa Quiz Bee sa Math dito rin nag-aral, eh. Pero nasa section 1 siya.

Hirap talaga nung entrance exam, eh. Buti nakapasa ako.

Ang astig pa ng pangalan ng mga sections. Science na science. Section 1, Atom. Kami, Constellations. Ang Section 3, Mercury.

Nakakaintimidate dito mag-aral. Parang ang titino ng mga estudyante. Eh, 'di naman ako matino, eh. Napressure tuloy ako. Kaya nga palagi akong nagrereview. Araw-araw akong gumigising ng alas-kwatro ng madaling araw. Ako na kasi pinapasaing ni mama. (Hindi ako marunong magluto, pero marunong naman magsaing.) Si Ate Shane kasi tulog mantika madalas. Saka balak yata nilang mag-apartment sa bayan ng isang pinsan ko dahil 3rd year HS na sila ngayon. Pero sa NHS nag-aaral si Ate Shane kaya magkaiba kami ng school.

Tapos 7:00 AM ang pasok ko araw-araw hanggang 4:00 PM. Fixed na 'yon. At strict talaga. Bawal malate. Daig ko pa sa Japan nag-aral. Doon kaya ang strikto talaga sa oras. Kaya nag-aalarm ako ng 4 AM. Nagrereview pa kasi. Palagi may quiz, eh.

'Di ba? Sobrang busy! Pero masaya naman. Maganda ang school. Malawak ang campus. Angas! Maraming gwapong college students. OMG!

Mylabs, ang daming basketball players! Gosh. Tapos nakikita ko pa minsan si Igzo Levi na nagbabasketball din. College na siya, eh.

Ayun! Gusto ko lang na mafamiliarize ka sa bago kong buhay, DD. Ibang-iba pala talaga ang HS sa Elementary. May mga kaclose na rin akong kaklase, pero madalang. Namimili kasi ako ng kakaibiganin, eh. Gusto ko 'yong mga good influence lang at 'di ako mahihila sa kasamaan. Charooot! Hahaha. Ako? Kaya kong i-handle ang sarili ko.

Hindi ako katulad ng ibang mga kabataan na masyadong atat sa experience. Atat tumanda. Atat magkajowa. Tapos 'pag nagkamali sa mga desisyon... magsisisi.

Usapang lovelife? Wala ako niyan! Kahit 'yong mga kaklase ko ang palaging topic about... crushes. Oo, marami. Mahaharot sila, eh. Kung magkwentuhan parang palaging sinusundot sa mga puwet. 'Di yata sila naporga nung mga bata pa. Tapos kapag kinikilig sila, ang lalakas tumili at naghahampasan. Brutal. Uso kasi ngayon ang confessions, palitan ng number at textmates. Palibhasa may mga cellphones na.

Pero ang babata pa nila. Okay. Namin. Uso naman magkacrush. Pero talaga ba? 12 pa lang may boyfriend na? Kumusta kaya grades nila? Legal ba sa mga parents nila?

Tapos ang ibang HS, College na ang mga syota. Gano'n ba talaga kapag nag-HS ka na? Nung elementary kasi ako... namomroblema lang ako sa mga nilalaro namin at kung ano'ng mga sagot sa assignments. Problema ko lang madalas kung paano baklasin 'yong pagkakabuhol-buhol ng mga braso't binti ng mga kalaro ko sa Doctor Kwak-kwak. Nagkakacrush, pero 'di nagtatagal. Wala na nga akong crush ngayon.

Ah, meron. Para lang matawag akong normal na babae. Crush ko na 'yong lalaki doon sa section 3. Ganda kasi ng mata, eh. 'Yung gusto kong mga mata. Kapag tumitig, malulusaw ka. Haha. 'Yong rounded eyes na matapang. Gano'n.

Saka bumili ako ng bagong notebook, Mylabs. Kulay green. Tapos tinanggal ko lang 'yong mga pages na may sulat doon sa binigay na dilaw na notebook ni Ate Princess dati sa 'kin. Saka dinikit sa bagong notebook. Mas komportable kasi ako sa green.

Ngayon lang kita nahawakan kasi katatapos lang ng event sa school. Palagi may events, eh.

Katatapos lang din ng Spelling Bee. By section ulit. Lahat p'wede sumali. From 1st year to 4th year. Taon-taon daw 'yon ginagawa sa SHS. Pero 'di ako sumali. Boplaks kaya ako sa spelling. 'Di naman kasi ako nagbabasa ng dictionary.

Tapos na rin ang battle of the bands, solo at dance competition na ginagawa tuwing Acquaintance. Ang ganda panuorin nung mga banda. Gusto ko sana sumali sa dance competition, pero by group kasi 'yon. Nakakahiyang umepal sa mga kaklase ko. May mga grupo na kasi sila. Magkaklase sila nung Elementary, eh. Kaya feeling ko... outcast ako. Kaya 'di na ako sumali.

Sasali na lang ako sa Sports Fest. Sa February daw ginaganap 'yon. Next year, bago matapos ang school year.

Nag-enjoy na lang ako sa acquaintance. Marami kasing mga booths nun, eh. Mga pakulo ng student officers at organizers. May jail booth, love booth, photo booth, at marami pang may booth sa dulo. Favorite ko 'yung jail booth at love booth. 'Yung jail booth, may mga huhulihin 'yong mga police officials (kunwari) na mga students na lumabag sa rules nila. Hal, bawal ang mga nakapula... lahat ng mga nakapula... ikukulong nila tapos makakalaya lang kapag nagbayad ng piyansa. Limang piso. Haha.

'Yong love booth naman, magbabayad ng 10 pesos ang suspect tapos ituturo niya kung sino ang gusto niyang victim. Tapos ang mga officials... lalagyan ng blindfold 'yong victim at ikukulong sa love booth. Mag-uusap ng 15 minutes 'yong suspect at victim doon sa loob. Maaaring may confession na mangyayari. Nakakakilig.

Minsan, pinagtitripan lang talaga ng mga kaklase. Magbabayad ng sampung piso tapos magtuturo ng random victims. Madalas nilang pinagtitripan 'yong mga sikat sa school at pinapares sa mga outcast. 'Yong mga hindi masyadong napapansin. In short, nerd o pangit. O kaya kapag may crush 'yong tropa nila pero torpe sila ang gumagawa ng paraan. Gano'n. Pero masaya naman. Naloloka ako. Ibang-iba kasi sa elementary days ko.

Ngayon, kasama ko 'yong dalawang kaklase ko pa. Nagrereview kami habang nakaupo sa damuhan kaharap ang palayan. Nakasandal sa punong akasya. Presko ang hangin kahit tanghali. Lunch break kaya tambay muna. Daming tao sa canteen, eh.

Kaya naisipan kong magsulat habang tumitingin sa kalangitan. Pinapanuod ang mga ibon na nagliliparan. Nakatitig din ako sa mga ulap.

Clouds! Isa ang mga clouds sa mga favorite kong titigan habang nagmumuni-muni ako. Masarap tumitig sa langit at bumuo ng mga iba't ibang shapes gamit ang mga ulap. Minsan nga, kung ano-anong kalokohang imahe ang nabubuo ko.

Kaya nung nagdiscuss ang teacher namin sa Environmental Science ng types ng clouds, kung paano nagkakaroon ng clouds, at ano'ng mga silbi ng clouds. Nakinig ako nang bongga.

Nadagdagan tuloy pangarap ko. Gusto ko na ring maging Meteorologist. 'Yung scientist na nag-aaral tungkol sa weather. Pero malabo. Walang pag-asa. Parang 'yong feelings nitong kaklase ko na kanina pa pasulyap-sulyap sa crush niya. Malabo na, wala pang pag-asa.

Tumunog na ang mahiwagang kampana, Mylabs! Tapos na ang lunch break. Konti lang tuloy nareview ko. Kapag bumagsak ako sa quiz mamaya, ikaw ang sisisihin ko.

PS: O mga bata, este mylabs, huwag kang mawawala. Hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam! (Insert Dragonball Z song.)

Nagmamahal pero hindi minamahal,
ABCD


... ... ...

AlphabetSenpai's BMT (Bitch Mode Tip)

Stay real. Be true to yourself. Don't let other people dictate you. If they hate you or judge you; just chin-up and smile while saying... "I'm simple, but look at you... you're so fvcking insecure!"

Opps! Just omit the "fvcking" if you're not fond of cussing... like me. I just put it there to give an emphasis. Chaaar.

Just...

Don't mind the bitches. Remember, you're... priceless.

*.*.*

< Kudos Pereseo >

Bubuklatin ko na ang sunod na page nang umilaw na naman ang cellphone ko. Kanina pa nagtetext si Paris. Mula school hanggang sa makauwi ako ng apartment. Ang kulit. Nagtatanong kung tinapon ko na raw ba ang diary.

Ba't ko naman kasi itatapon?

Hanggang sa tumawag na siya. Sinagot ko na lang. Hindi pa ako nakakapagsalita, sunod-sunod na agad ang tanong niya. "Hindi mo tinapon, 'di ba? Hindi mo kaya? Huhulaan ko, nagbabasa ka. May nakuha ka na bang info? O mas lalo lang dumami ang mga tanong sa utak mo? Tapusin mo na kasing basahin para-"

"Paris!"

"Asonggala! Don't shout, Lacrosse. Nandiyan ka sa apartment, 'di ba? Nandiyan si Risk? Baka ano na naman ang isipin-"

"Nag-aassume ka na naman, kaya ka nasasaktan."

"Pero nandiyan nga? Pasabi, Oppa, saranghae..." saka siya humagikhik.

"May kasamang babae. Tawagan mo."

Pumalatak siya sa kabilang linya. "Blinock na naman ang bagong number ko."

"'Di ka pa nasanay."

"Whatever. Kumusta na pala kayo ni Hazel?"

"Ayos naman."

"Seriously? Hindi kayo ayos. Tumawag sa 'kin kanina. Bakit daw 'di na kayo nag-uusap. Bakit mo ba kasi iniiwasan 'yong tao matapos niyang mag-confess sa 'yo? Grabe ka talaga. Heartbreaker. Parang 'di kayo magkaibigan ni Hazel, ah."

"Ayoko lang siyang saktan."

"Asonggala! Linyahan mo, gasgas na. Sarap mong sakalin, eh. Hindi ka nga babaero tulad ni Risk, pero insensitive ka. Tingin mo, sa ginagawa mong pag-iwas sa kanya, 'di siya nasasaktan? Grabe 'yong confession niya sa 'yo. Leche ka! Itinaya niya 'yong friendship ninyo. Hoping na p'wede kayo. Kahit na alam niyang malabo at p'wedeng may masira. Alam ko namang 'di mo siya gusto. Hanggang kaibigan lang. Pero naman, Kudos! Sasayangin mo 'yong more than 10 years of friendship dahil lang sinabi niyang mahal ka niy-"

"Oo na, Paris. I'll talk to Hazel. Just shut up."

"Good!" sabi niya tapos tumawa na naman. "Hmmm... may naisip akong scenario. Paano kung nagkita na kayo ni... the girl in the diary. Tapos naging magkaibigan kayo. Or na love at first sight siya sa 'yo. Malaki ang possibility dahil g'wapo ka. Tapos later on... nagconfess siya. Iiwasan mo rin ba?"

Natigilan ako. Ibinuka ang bibig pero hindi nakapagsalita.

Bakit ba siguradong-sigurado siya palagi sa mga sinasabi niya?

"Oh, ba't natahimik ka?" Sa lakas ng tawa niya mukhang kahit hindi ako sumagot, satisfied siya. "Goodnight, Pereseo! 'Wag masyadong magpupuyat kakabasa, ha? May pasok ka pa bukas."

Ilang minuto na ang lumipas nang putulin ni Paris ang tawag, pero nanatili akong nakatitig sa diary. Humigpit ang pagkakahawak ko dito.

Napapindot ako sa tuktok ng tainga. Bakit kahit hindi ako umimik sa tanong, may sagot na umiikot sa utak ko?

Bakit ko iiwasan ang taong gusto ko ngang makita?


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE