Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

DD,

Hi, Mylabs!

Katatapos lang ng Youth Festival namin. 3 days and 3 nights.

December 27-30, 2008.

Sa isang elementary school ginanap ang Youth Festival. Pero malayo sa barangay namin. At maraming churches ang umattend. Bali 18 churches siguro from different divisions. Pero by colors ang groupings. 4 colors.

At ang ginawa namin ni Rury para magkagrupo kami, nagbilang kami ng 1-4 bago isulat ang names namin sa registration form. Haha. Diskarte lang.

Sa classrooms kami natutulog. Pero 'yong mga lalaking youth sa church namin, nagdala ng mga tents. Nakikitulog kami minsan para mangulit. Haha.

Palaging may activities. Simula umaga hanggang gabi. Ang pahinga lang tuwing kakain at matutulog. Pero masaya naman ang mga activities.

Sa umaga, may exercise at devotion. 5-7 AM 'yon. Bawal magdala ng cellphone at dapat Bible ang bitbit.

Kasi 'di ba? Hindi mo kayang bitiwan ang cellphone mo, pero Bible 'di mo magawang basahin?

Tapos bibigyan ng time for preparation. 7-8:30 AM ang paliligo at breakfast.

Dahil gahol sa oras kasi marami kaming nag-aagawan sa banyo, sabay kami palaging maligo ni Rury. Hahaha.

Grabe! Nakita na namin lahat sa amin. Nagpapalakihan pa kami ng ano...

...ng puwet. Hahahaha.

Pero mas matambok 'yung sa kanya. Mas matangkad naman ako! Sus. Ha ha.

#BestfriendGoals kami, eh. Kaya nga ang tawag nila sa 'min... Super Twins.

8:30-11 AM may gathering ulit. Panibagong preach at activities. May praise at worship din. Then lunch break.

Sa hapon naman, may pagames... by colors. May indoor games at outdoors. May volleyball, basketball, patintero, board games at mga parlor games. Tapos may time rin para magpraktis ang by group para sa gagawing talent competition sa last night ng festival. Tambourine Dance, Battle of the Bands, Singing Group at Role Playing.

'Yung role playing, bubunot ng isang scene from the Bible at 'yon ang i-aact. Ang nabunot namin story nina David at Goliath.

Kaso hindi naman ako magaling umacting kaya hindi na kami sumali ni Rury. Mabulol-bulol pa ako dun. Panira lang kami. Haha. Sa Tambourine at Singing Group na lang kami sumali.

Sa gabi, may praise and worship ulit. Tapos syempre preach ng isa sa mga Pastor from other churches. Ang favorite ko talagang part palagi ang praise and worship, eh. 6-9 PM ang activity ever night.

Kapag natapos ang service, doon lang kami makakahawak ng cellphone habang nakahiga sa nilatag na banig sa damuhan, at nagsta-star gazing. Naghahanap ng falling star at magwiwish.

Gano'n ang routine namin sa festival. Pero ang pinakahihintay ng lahat ay ang last day, lalo na ang last night. Pati na ang praise and worship explosion after ng talent portion. Ang saya-saya! Marami pa ngang bumibisitang adults para manuod ng talent night.

Pinaghandaan namin lahat ng presentation. Pinapraktis lang namin 'yon tuwing hapon for 3 days. Pagkain at trophies lang ang prizes. Hindi naman namin kailangan ng malaking halaga. Ginagawa namin 'yon para kay Jesus.

Nung last day na, nagkaroon ng extra activity sa hapon. May message booth. Masaya. Pwede kang magtext sa ibinigay na number nung speaker/emcee o kaya humulog ng direktang sulat sa malapit sa stage. Babasahin ang text o sulat para sa papadalhan mo ng message.

Madalas puro kalokohan at naghahanap ng kadate sa last night. Hahaha.

'Yun ang inaabangan palagi ng mga youth, eh. Kasi 'yong iba... may mga crush from other church tapos gustong makipagdate.

Pero hindi 'yong date na ginagawa ng mga kaklase ko na nagtutukaan, Mylabs, ha. Hahaha.

Matino ang date sa last night ng festival. Yari sila kay Jesus kapag gumawa sila ng milagro. Haha.

Usap-usap lang, getting to know each other. Wala naman masama doon. Actually, marami nga nagkakatuluyan na mga youth dahil sa dates tuwing last night, eh.

Sayang kasi hindi born-again si Toni.

Ang haba nga ng buhok namin ni Rury. Biruin mo... dami namin nauto na magpadala ng mga text na patungkol sa 'min. Dami nagyaya na makipagdate.

Papakalbo na talaga ako. O pakisabunutan ako, Mylabs. Haba ng buhok ko, eh.

Kutang-kuta 'yong words na "singkit", "kulot", at "matangkad" na description sa 'kin kasi ang iba 'di alam name ko. Gosh!

Kahit sina Owen, Brent at Dust niyaya rin ako na "kami" raw ang last night. Kaso hindi ako pumayag kahit mag-uusap lang naman 'yon. Si Rury pumayag doon sa kabilang church kasi crush niya rin. Hala siya!

Loyal ako kay Toni, eh. Yieee!

Kaya ang ending sinamahan ko si Rury sa last night niya. Pero may third wheel din pala 'yong kadate niya. Si Migs. Kaya si Migs nakausap ko nung last night.

Bakit feeling ko date rin 'yon? Kasi kinuha niya number ko. Binigay ko na lang kasi nakakahiya naman tumanggi.

Hindi ko siya crush, Mylabs. Stick-to-one ako!

Tapos katatapos lang din ng New Year's Eve namin sa church. Sa church kami nagcountdown para salubungin ang 2009.

January 3 na ngayon. Sa January 5 ang balik-eskuwela.

Nakipaglaro na lang muna ako sa mga pinsan ko. (Sa mga bata) 'Yung karera ng mga gulong na pinapagulong gamit ang tsinelas o stick ng kahoy. Tapos 'yung dalawang lata na tinalian para gawing telepono. Saka piko.

Tapos kapag napagod sila, naglalaro kami ng SOS sa papel. Nagpaturo rin sila kung paano mag-FLAMES.

Hindi ko pa pala nasusubukan sa 'min ni Toni ang flames. Kaya 'yon sinubukan ko. Kaso nadisappoint ako sa lumabas...

Enemies.

Bakit Enemies? Dapat marriage. :(

Anyway, magkikita naman agad kami sa pasukan after ng classes ko. Hahaha.

I'm so excited, Mylabs. Kukwento ko agad sa 'yo.

~.~

January 5, 2009

Monday at 4:47 PM

Mylabs, continuation ng sinulat ko nung nakaraan. OMG! OTW na kami ni Tintin papuntang Tabing-dagat. Nandoon na kasi si Toni. Sabi niya hintayin na lang daw niya kami doon.

Sumakay na lang kami ni Tintin sa tricycle dahil 15 to 20 minutes kapag nilakad mula school hanggang Tabing-dagat. Maraming nagdadate doon palagi. Masarap kasi tumambay dahil tanaw ang sunset. Ang romantic ng setting.

Kaso kailangan ko si Tintin. Kahit doon lang siya sa tabi. Kahit manuod lang siya. O kahit mangulit siya sa 'min ni Toni. Baliwag 'yun, eh. Kinakabahan kasi ako kapag ako lang mag-isa.

Sige, Mylabs. Balitaan na lang kita later. Waaaah!

9:53 PM

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ikwento sa 'yo ang nangyari, Mylabs.

Pinagalitan ako ni mama. Kakauwi ko lang kasi. Hindi ako nakasabay kay Roselee. Napansin din niya na namumugto ang mata ko.

Ilang beses kong pinakalma ang sarili kanina. Pinahinga ang mga mata pero iyak pa rin ako nang iyak. Si Tintin nga hindi alam ang gagawin sa 'kin.

Tinatanong ako ni mama kung ano'ng nangyari. Kaso hindi ko pa yata kayang i-kwento sa kanya.

Kaya sa 'yo ko na lang muna sasabihin.

Si Toni kasi, eh. :(

Nahuli ko siyang nagsinungaling.

Alam mo naman, Mylabs na ayoko sa mga sinungaling.

Okay lang naman na magsinungaling, 'wag lang magpapahuli sa 'kin.

Pero huling-huli ko siya, eh. Kitang-kita. Ng dalawang mga mata. Ilang beses akong kumurap-kurap kanina pero alam kong siya 'yon. Kilalang-kilala ko ang built ng katawan niya kahit nasa malayo siya.

Tinawagan ko pa nga. Kaya alam kong nagsinungaling siya kasi sabi niya wala pa siya sa Tabing-dagat. Papunta pa lang daw siya.

Hindi na ako nagtanong pa. Binaba ko lang 'yung tawag. Pagputol ng linya... tumulo agad luha ko. Mas lalo lang akong naiyak nung niyakap ako ni Tintin. Pinipigilan ko pa ang sarili kong humagulhol kasi ang daming taong napapabalik ang tingin.

Inaalo ako ni Tintin pero parang wala akong naririnig. Ni wala akong makita kasi nanlalabo ang mga mata dahil sa luha.

Tinanong ko si Tintin kung sino 'yong babaeng kasama ni Toni pero hindi niya raw kilala.

Sino 'yong babae? Bakit magkasama sila ni Toni? Bakit isinakay niya sa motor niya? Bakit umalis silang magkasama?

Niloloko niya lang ba ako? May iba siyang gusto? Hindi niya talaga ako mahal?

Totoo 'yung mga hula ko dati? 'Yung nababasa ko sa mga romance books? Pinaglaruan niya lang ako? May dare? May pustahan na papaibigin niya ako tapos papaiyakin?

Puwes! Nagtagumpay siya.

Ang sakit kasi, eh.

Mahal ko na siya, eh.

Kanina pa siya tumatawag pero hindi ko sinasagot. Alam ko namang may explanation, eh. Lahat naman ng bagay may dahilan. Lahat ng pangyayari may kahulugan. Pero ayoko munang malaman.

Baka kasi kapag hinayaan ko siyang magpaliwanag tanggapin ko pa rin kahit harap-harapan siyang magsinungaling.

Natatakot ako sa sarili ko kasi alam ko na handa ko 'yung gawin sa kanya. Kahit alam ko na niloloko niya ako.

Bakit ba ganito ako?

Bakit ganito ako magmahal?

Maraming nagsasabi na crush lang 'to. Infatuation lang 'to. Bakit mas marunong pa sila sa 'kin? Sila ba ako? Sila ba ang nakakaramdam ng nararamdaman ko?

Kailangan mas mahal ko ang sarili kaysa sa iba. Kasi 'yon ang sekreto ng magandang pagmamahalan. Ng matibay na relasyon.

Oo, bata pa ako. Pero hindi ako tanga. Hindi ako ignorante.

Kaya 'wag muna. Kahit 'di ko siya kayang tiisin... titiisin ko siya. Kailangan ko munang mag-isip. Kakausapin ko naman siya, eh.

Hindi naman ako naniniwala sa Flames, pero bakit parang totoo? Pero umaasa pa rin ako na hindi. Kasi ayokong... maging enemies kami. :(

Wasak ang puso,
AB

*.*.*

< Kudos Pereseo >

(Flashback - Inserted Scene)

I want to know our destiny using FLAMES, too. But I don't know how to do it so I searched... "How to Flames" on Google.

Instruction:
You get the name of two people. Cross out the similar letters in their names, and then total the number of the remaining letters. Then count the numbers against the acronym and then you get a future prediction of your 'relationship' with the person (whose name you wrote down beside yours).

FLAMES

K U E N L A C R O S S E S E R I O Z O P E R E S E O

A N G E L I C A B I A N C A C A L A N D E M A K A P I L I

Kudos - 14 = L - Love
AB - 4 = M - Marriage
Total or end game = 18 - S - Sweet

Notes to AB:

#11 I tried to FLAMES our names. The result is... I'm in LOVE with you. You're gonna MARRY me. And it's SWEET because we're meant to be.

#12 I overlooked the "I" in my middle name. The result should be FRIENDS to MARRIAGE but we'll end up being ENEMIES? No! That can't be.

So, I tried again.

FLAMES

K U E N L A C R O S S E P E R E S E O

A N G E L I C A B I A N C A D E M A K A P I L I

Kudos - 8 = L - Love
AB - 8 = L - Love
Total or end game = 16 - S - Sweet

#13 That's it! Our destiny using FLAMES is... we're both in LOVE with each other. Isn't it SWEET?

#14 I disregarded our middle names in flames, you're gonna change your last name with mine anyway.

*.*.*

(Present Time)

March 3, 2018

NAALIMPUNGATAN AKO sa ingay ng mga tukmol sa labas ng rest house. Magkasama kaming magpipinsan dito sa kwarto. Siksikan. Pero si Risk na lang ang naiwan na nakadapa sa kama. Tulog-mantika.

Dinig na dinig ko ang boses ng dalawang tuko na may kausap na babae. Pamilyar ang boses.

Automatic na dumilat ang mga mata ko nang magsalita si Steel, "Pards, kasama mo si Kulot?"

"Ssssh! 'Wag kang maingay..." Humina ang boses ni Magnet. "Baka magising bigla si Kudos," sabay hagalpak.

"Angel!" Malakas na sigaw ni Philemon. "I miss you..." na sinundan ni Psalm. "Mabuti nakasama ka kay MM."

Saka mas lumakas ang ingay. Napabangon ako bigla. Parang lumaklak ng isang timbang kape ang diwa. Nagising nang tuluyan. Biglang nainitan kahit malamig naman. Nanlalaki ang mga matang nakatitig sa pinto. Nakaawang.

"Halika, AB! Pasok tayo sa kwarto," sabi ni Magnet. "May ipapakilala ako sa 'yo."

Halos liparin ko ang papunta sa pinto. Nahulog ang isang unan at muntik na akong sumemplang nang maapakan. Pigil ang hiningang nilock ang pintuan. Napabalik ako sa kama para ayusin ang higaan. Pero hindi ko rin natapos dahil natutulog pa si Risk. At kumakatok na ang mga tukmol.

"Kudos, alam naming gising ka na!" sabi ni Shield na nakisabay sa tawanan nila sa labas.

Kamuntikan akong madulas nang tinakbo ko ang banyo. Tumama pa ang hinlalaki sa gilid ng kama. Sinalo ko ang paa, tumalon-talon at muntik nang magmura. Nakngtokwa!

Kinuha ni Risk ang isang unan at tinakpan ang tainga. Mukhang naririnig ang ingay. Pero tulog pa rin.

Patalon-talon na pumasok ako sa banyo. Mabilis na naghilamos at nagsipilyo. Sinuklay-suklay ang buhok ng kamay pero hindi alam kung paano aayusin. Masyadong magulo. Tokwa!

Kailangan kong maligo!

Natigilan ako. Nanlaki ang mga matang napatitig sa toothbrush. Muntik nang bumaliktad ang sikmura. Ilang beses akong nagmumog.

Sht! Toothbrush ni Risk ang aking nagamit.

"Kudos, Boy!" tawag ng mga tukmol sa labas. Tokwa! May susi yata sila dahil mukhang nasa loob na sila ng kwarto. Nagtatawanan.

Nakngtokwa! How can I face AB like this? I looked like... sht!

_._._



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE