Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

DD,

Hindi pala kita kayang tiisin, Mylabs.

Para kang pera, 'di ko kayang itapon na lang basta.

You are here by my side whenever I need someone to talk to, to cry to, and to listen to me every time I'm down and I have problems.

Nandiyan ka simula uhugin ako, hanggang ngayon na medyo dalaga na ako.

Lahat ng tungkol sa 'kin, alam mo.

Hindi mo man ako nabibigyan ng mga advice 'pag may problema ako, gumagaan naman loob ko 'pag nakukwento ko sa 'yo.

Noon, inosente pa ako. Ngayon, puro kuryusidad ang laman ng utak ko.

I reread the stuffs I've written to you. Mukhang ang bait-bait ko pala nung bata. Hahaha. Nakakahiya.

Kaya ngayon, medyo marami akong isusulat sa 'yo. Para 'di ka na magtampo.

Ililista ko lang ang mga bagay na curious ako. Hindi ko kasi masagot-sagot ngayon, pero baka kapag nagreread ulit ako sa future... may knowledge na ako.

Hindi 'to tulad ng mga bagay nung bata pa ako na ipinagtataka ko. Kasi 'yong mga bagay na iniisip ko noon, medyo alam ko na sagot ngayon.

Tulad ng...

Nanganganak ba talaga ang kisses? Dumadami ba talaga sila?

Totoo bang may lalabas na kanin/bulldozer sa sugat?

Ano ba talaga nauna, itlog o manok?

May halimaw ba sa ilalim ng kama?

Bakit lumulutang ang saranggola?

Bakit lumilipad sa langit ang lobo 'pag nabitiwan mo?

Bakit nag-iiba ang boses kapag hinigop ang hangin mula sa lobo?

Bakit umiikot ang turumpo?

Bakit bumabalik ang yoyo?

Bakit lumulutang ang barko?

Bakit may nabubuong straight na ulap kapag may dumadaang eroplano?

Bakit nag-aaway ang mga gagamba?

Bakit tumitiklop ang mga dahon ng makahiya 'pag hinawakan?

Bakit matamis ang katas ng santan?

Bakit mahirap tanggalin 'pag dumikit sa buhok ang bubblegum?

Bakit nakakatuwang magsalita/kumanta sa harap ng electric fan?

Bakit nanginginig ang katawan 'pag na-ground?

Bakit 'di kayang i-balance ang ON at OFF ng ilaw?

Bakit namamatay ang ilaw ng ref kapag sinarado at sumisindi naman 'pag binuksan mo?

Bakit may salamin na minsan maganda ka, minsan pangit ka?

Bakit 'di naihahalo ang tubig sa mantika?

Bakit masakit sa tainga 'pag may nagpukpok ng bato sa ilalim ng tubig?

Bakit 'di nahihiya ang mga batang maligo at magtatakbo sa ulan kahit nakahubo o nakapanty lang?

Bakit 'pag napapanaginipan mo ang basin/bowl sa CR umiihi ka sa kama?

Ilan lang 'yan sa mga curious na tanong ko noong bata ako. Marami pa nga, eh. Hahaha. Pero kapag naiisip ko ang mga tanong na 'yan... natatawa ako. Wala pa lang sense ang iba.

Pero ngayon, Mylabs... mas dumami ang mga kuryusidad ko. Kinakabahan ako. Kasi hindi siya ordinaryong mga tanong na ipinagtataka ng mga bata. May something. And more on about love.

Big word, right?

LOVE.

Kasalanan 'yon ni Cristine. 'Yung kaklase, kagrupo sa sayaw at kaibigan ko. Marami kaming magkakaibigan sa room pero mas open ako sa kanya, eh. O... mas open siya sa 'kin.

Ang dali raw kasing mag-open up sa 'kin. Kasi 'pag gusto niyang makinig lang ako... nakikinig lang ako. Kung gusto niya ng advice, may naibibigay ako.

Sabi pa nga niya... wala naman daw akong lovelife. Hindi pa rin naman ako nagkakaboyfriend. Pero bakit ang galing ko raw? Baka raw maging love guru ako sa future.

Lakas ng topak talaga nun, eh!

Ang galing niyang magpa-boost ng confidence. Kung energetic, may saltik at baliw ako, siya mas sobra. Mas baliwag kaysa sa 'kin. Parehas kaming malakas tumawa. 'Yung walang pakialam kahit pinagtitinginan na kami ng iba. So? Masaya kami, eh. Ganito kami, eh.

May reklamo ka?

Nagkaroon kami ng girl to girl talk, lately. Medyo patago pa 'yon kasi about sa crush ang topic. May crush daw siya from other school. Tapos marami rin siyang textmates na alam niya naman na 'yong iba, nang-aaning lang. Simpleng malandi kasi siya. Gano'n. Aminado siya. Haha. Pero alam kong alam niya ang kanyang limitation as a teenager. Kaya nakinig lang ako.

Sinabi ko rin na crush ko si Rue. Nagulat pa nga siya, eh. Hindi raw halata. Bakit daw ang galing kong magpretend at magtago? Eh, kasi, eh. Crush din si Rue ni Maria Fe. Kaya 'yon... sabi ko 'wag niyang i-kukwento kahit kanino.

Saka feeling namin may gusto rin si Rue kay Maria Fe. Medyo halata, eh. At sabi ni Cristine, 'di kami bagay ni Rue. Magkaheight lang kasi kami ni Rue, eh. Mukhang mas matangkad pa nga yata ako nang konti.

Sabi pa niya, may mga nakakatext naman akong college na dahil doon sa vandal ng mga loko. Bakit daw hindi college na 'yung landiin este pagtuunan ko ng pansin? May point din naman siya. Mahilig kasi ako sa mas matanda sa 'kin. 'Yung more than 4 years ang agwat sa 'kin.

Bakit? Siguro may fetish kasi ako sa mga matatangkad. Gusto ko kasi ng binibaby ako (kahit ang corny ng dating). Gusto ko medyo mas may alam sa 'kin 'yong guy. Saka agree na agree ako, mas hot ang mga college students... tulad ni Igzo Levi.

Ipush ko raw kay Toni ('yong niloadan ako ng 500) pero hindi ako nakipagmeet. Binalik ko 'yung load kahit ayaw niya. Pero nagkakatext pa rin kami. Kasi naman... niloloadan niya ako palagi. Nakakahiyang mangsnob. Tapos kilala na rin niya ako, may nakapagturo yata sa 'kin nung dumadaan kami sa hallway ng college. Kilala ko na rin siya. Nginitian niya ako nung isang linggo, eh. Muntik pa nga lumapit pero tumakbo talaga ako.

Tinawanan pa ako ng mga kaibigan ko.

Yep. Ang childish. Pero kasi... nahihiya ako. Saka kinakabahan. Ugh, Mylabs! Ang g'wapo niya kasi, eh. Kaya bakit ako? 2nd year HS pa lang ako. Siya 2nd year College na.

'Di kami bagay!

Saka halata na maraming nagkakagusto sa kanya. Kasi 'pag napapatingin ako 'pag nakikita namin siya sa tambayan ng college, marami napapabalik ang tingin.

Hindi kaya inaaning niya lang ako? Balak lokohin? May pustahan? May dare? Tapos ako ang victim? May mga gano'n akong nabasang romance novels. Huhu. Napaparanoid ako, Mylabs!

Sabi ni Cristine, natatakot lang daw ako. I know. I'm scared. And I'm too young to feel this way. Love? Ang bata ko pa para diyan. Hindi pa ako ready. Saka sabi ko... ayokong magmadali. Bakit may mga ganyang dumadating?

Bakit agad-agad?

Paano tumakas?

Maganda, matangkad, matalino, mabait at talented naman daw ako. Kaya bakit ang dami kong iniisip at puro ako what ifs? Dami nga raw naiinggit sa 'kin dahil sa mga katangian ko.

Seriously?

Do I need to explain or defend myself?

'Yan din ang isa sa mga pinoproblema ko. 'Yung mga insecure na tao. Why? Bakit sila gano'n?

Maganda? Maganda ako kasi wala namang nilikha si God na pangit. Sino ba'ng nag-set ng standard ng maganda? Kapag ba makinis ang mukha at kutis pero may bad attitude at pangit ugali pero dahil matangos ilong niya, mapungay ang mata, at kissable lips... maganda pa rin siya? At 'yong maraming pimples pero mabait... pangit?

Iharap n'yo sa 'kin nagsabi ng ganyan. Para masuntok ko!

Magmaganda ka. Isipin mong maganda ka. Nagsisimula sa sarili ang lahat. Ano ngayon kung sabihin nilang ang feeling mo o ang taas ng confidence mo? At least walang makakatibag at makakapanakit ng loob mo.

Maganda ako. Magandang-maganda ako. Start to tell yourself that now.

Matangkad? Well, kasalanan 'yon ng genes namin. Matangkad sina mama at papa. Matangkad din sina lolo at lola. So, magiging bansot ako kasi matangkad sila?

Pero hindi porke 'di ka matangkad... disadvantage na ang height mo. Sus! Ang dami kayang mga cute na maliliit.

At may disadvantage din naman ang mga matatangkad na babae. Kasi minsan 'yong mga crush nila, mas matangkad sila. Tapos madalas pa nauuntog. At mahirap maghanap ng matatangkad na lalaki. Hays.

Matalino? Hindi ako matalino. Masipag lang akong mag-aral at magreview. Hobby ko ang mag-advance reading. Sinanay ko ang sarili magmemorize. Kapag hindi ko alam kung paano i-solve ang problems sa Math, hindi ko titigilan hangga't 'di ko nagegets. Tinatanong ko ang teacher minsan. Gusto ko kasing mag-analyze at mag-isip.

Gumigising ako ng alas kwatro ng madaling araw o alas dos kapag may quiz o exam. At kapag nakakalimutan kong mag-aral... bumabagsak din naman ako. Wala rin akong nasasagot kahit umaasa sa stock knowledge. Nangangamote.

Hindi naman akong inborn na ganito. Nagsipag lang ako. Kasi gusto kong maging proud ang mga parents ko sa 'kin. Kaya bakit nila kinaiinggitan ang bagay na pinaghirapan ko? Eh, 'di maghirap din sila.

'Di ba? 'Di ba?

Mabait? Lahat naman ng tao p'wedeng maging mabait o masama. Pero choice kong maging mabait. Choice kong sumunod sa mga payo ng parents ko. Choice kong magbasa ng Bible at magsimba palagi. Choice ko 'yon.

Kinaiinggitan din nila? Eh, bakit kasi iba ang choice nila?

Bakit kasi sila nagmumura?

'Di ba? 'Di ba?

Talented? Katulad ng talino, pinaghirapan ko rin 'to. Hindi naman ako ipinanganak na marunong na kaagad sumayaw at maggitara. Hindi naman ako nagtatabletennis at nagvovolleyball sa loob ng tiyan ni mama.

Sadyang curious lang akong bata. Mabilis makuha ang atensiyon ko ng mga bagay-bagay. Kapag nakuha ang interes ko, dapat makuha o magawa ko. Hindi ako tumitigil agad hangga't 'di ko naaabot.

Naranasan kong tumambling at sumemplang bago matutong magbike. Muntik na ako malunod bago natutong lumangoy. Nagkapaltos ang mga daliri ko bago natuto maggitara. Araw-araw akong nagpapraktis sa pagtatabletennis, badminton at volleyball kasi I love sports.

Mahal ko kasi 'yong ginagawa ko, kaya pinaghihirapan ko.

Kaya bakit nila kinaiinggitan?

Gawin kasi nila. Paghirapan nila.

'Di ba? 'Di ba?

Sabi nila, almost perfect na raw ako.

NO!

Ano ba! I am not.

Marami akong flaws.

Kung literal, may mga peklat ako sa legs at katawan ko. 'Yung iba naglaho na pero may mga natira pang bakas dahil sa bulutong ko nung Grade 2. At dahil palagi akong nadadapa dahil nga active akong bata. Meron pa akong malalim na peklat sa may noo dahil sa chicken fox.

Flatchested ako. Masaya ka na? Hindi matambok ang balakang ko. Hindi ako sexy. Pero aaminin kong maganda ako. Kasi 'yon ang gusto kong isipin ko.

Don't down yourself, so other people won't look down on you, too.

My other flaws?

Mabilis akong makalimot ng lessons. I have a short-term-memory. After ng discussion at paglabas ni prof, limot ko na agad ang tinuro. Kaya nga nagrereview ako palagi, eh. Kasi after ng test... nakakalimutan ko ulit.

Sanay ako makipagsalamuha sa tao. Siguro dahil maraming nakapaligid sa 'kin simula bata pa ako. Dahil na rin sa church at may tindahan kami. Pero ang totoo... may stage fright ako. Takot ako maging center of attraction. Hindi ako takot 'pag magpeperform like sayaw o kanta pero 'pag magsasalita sa harap... ibang usapan na.

Kaya kapag may reporting sa harap ng klase... sobrang kabado ako.

Mabilis kasi akong mautal. Maiksi ang dila. Kapag naeexcite ako, kapag sobrang saya, kapag natatakot, kapag kinakabahan... nauutal ako. Kainis nga, eh.

Hindi ako marunong magluto. Saka ayoko talaga. Tamad din ako matuto. Basta taga-kain lang ako.

Hindi ako artistic. Wala akong talent sa pananahi at mga designs etc. Mahina ako sa decorations eklat.

Gusto kong maging artist. Pero 'di talaga ako biniyayaan ng talent kahit na pinaghirapan ko. Gusto ko magaling magdrawing. Pero kahit ano'ng gawin ko... ayaw talaga.

Kaya naghanap ako ng mga bagay na p'wede akong mag-excel.

Trial and error lang naman.

So, I'm not perfect.

Sorry, Mylabs. Masyadong mahaba sinabi ko. Nagiging tunog rant tuloy. Hahaha.

Saan na nga tayo? 'Yun about kay Rue at Toni. Kainis kasi si Cristine, eh. Dati kahit may crush ako, wala naman ako paki. Crush ko lang. Ano naman?

Ngayon, ang dami ko napapansin na changes sa sarili ko. Napatunayan ko rin na observant akong tao. Kaya siguro gusto kong maging writer sa future.

I love to watch people's actions.

Mabilis akong kiligin kapag nakakakita ng couples. Mabilis ako matouch at maiyak sa stories ng ibang tao. I'm sensitive, too. Mabilis ako magtampo, masaktan at suyuin. Kainis! Ang babaw kong tao.

Tsismosa rin ako. Mahilig akong makitsismis at nakikinig sa mga kung saan-saan. Yep! Active listener. But I don't do gossips.

Kaya dumadami ang mga tanong sa utak ko ngayon (na hindi ko pa masagot-sagot.)

Kapag marriage ba ang result sa FLAMES ng pangalan n'yo, kayo ang soulmate?

Bakit si secret palagi ang crush nung mga nagsasagot sa slumnote?

Bakit kailangan burahin ang cellphone number niya kung saulo mo naman?

Bakit kailangan lagyan ng GM kung sa kanya mo lang din i-sesend?

Bakit madalas sinusulat ang pangalan ni crush sa likod ng notebook?

Bakit 'yong mga lalaki mahilig mangulit at mang-asar, 'di na lang sabihin na gusto niya ang babae?

Bakit kailangan pang lasingin para umamin?

Bakit 'yong taong gusto natin iba ang gusto?

Bakit ang taong may gusto sa 'tin, 'di natin magustuhan?

Bakit puro si crush ang topic sa usapan?

Bakit nakakatakot mareject?

Bakit nakakatakot makipagcommit?

Bakit may mga naglalaslas 'pag nasaktan?

Bakit may mga nagpapakamatay kapag iniwan?

Why?

Kasalanan ng LOVE?

Sobrang powerful naman. Nakakatakot tuloy magmahal.

Inoobserbahan ko kasi ang mga relationships ng mga taong nakapaligid sa 'kin. Simula kay mama, sa mga kamag-anak, pinsan hanggang sa mga kaibigan ko.

May mga masasayang relasyon pero nauuwi sa hiwalayan. Maraming 'di nagtatagal, may mga third parties, at toxic relationships.

At nirerelate ko palagi ang sarili ko sa mga taong nakapaligid sa 'kin. Paano kung sa 'kin mangyayari? 'Di ko yata kakayanin.

Kaya ayoko. Ayoko muna ng relasyon. Bata pa ako.

Crush lang. Crush crush lang.

Tinry ko pala magsulat na ng story, Mylabs. Pero 'di ko alam kung paano ko tatapusin. Naniniwala kasi ako na ang mga writers nagbabase sila sa mga nababasa, nakikita at sariling experience.

At dahil gusto ko talaga maging writer sa future, magsisimula na ako ngayon. Nagsulat ako ng poem. Susubukan muna sa simple. Don't rush things. Mararating din naman natin.

Sana magustuhan mo 'tong tula na ginawa ko, Mylabs. Binase ko 'to sa mga naoobserbahan ko sa mga nakakasalamuha ko. Kinakabahan ako. Baka 'di mo matripan. Hahaha.

Ako, Ikaw, Siya; Ano, Saan, Paano

Ako, ikaw, siya; paano ko ba 'to sisimulan?
Wala naman yata 'tong kabuluhan ngunit nais subukan.
Nangangarap maging manunulat kahit 'di alam kung saan magsisimula.
Gumawa na lamang ng tula para kunwari isang makata.

Seryoso 'to, walang halong biro at kaadikan.
Droga, alak, yosi, bakit may ganyan? Sunugin 'yan!
Iba't ibang letra, papel at tinta lamang ang kailangan.
P'wede mong isiping pranks na kahibangan at kalokohan
O feelings na minsan kailangan ring pahalagahan.

Wala nang pasakalye o paligoy-ligoy pa,
sadya lamang nagtataka.
Bakit nararapat gumawa ng tama,
kung ni tuldok na pagkakamali ang 'laging napupuna?
Bakit nararapat linisin ang kalooban,
kung ang madalas nakikita'y panlabas na kaanyuan?

Bakit pa ipapaliwanag ang sarili,
kung may mga negatibo pa rin silang nasasabi?
Bakit pa ipapaintindi ang mga punto,
kung huhusgahan naman 'to ng mga nakapaligid sa 'yo?

Bakit tinatawag pa na "kaibigan",
kung pagtalikod nagpaplastikan?
Bakit nauso pa ang "crush" na 'yan,
kung para sa iba siya nakalaan?

Bakit kailangan maghanap ng kapareha,
kung iiwanan din 'pag nagsawa na?
Isagad, ibaon pa natin para mas dama,
ang katotohanang may third party at ipinagpalit sa iba.

Bakit kailangan pang pakasalan,
kung magkakabit din naman?
Bakit may "happily ever after",
kung wala rin namang forever?

Bakit kailangan ng diploma,
kung tambay lang din 'pag nakapagtapos na?
Sayang lang ang matrikula!
Aanhin pa ang lupa, pera, kayamanan at katanyagan;
kung 'di naman 'to madadala sa kamatayan?

Bakit pinapahalagahan,
kung lahat ng bagay may katapusan?

Subalit sa lahat ng mga katanungan,
ito lang naman ang nangangailangan ng kasagutan.
Ano ba talaga ang silbi natin sa lipunan?
May misyon ba na sa atin nakalaan?

Ako, ikaw, siya
Ano ba ating halaga?
Para saan ang bawat paggising sa umaga?
Paano gagawing makabuluhan ang buhay na pinahiram N'ya?

Ako, ikaw, siya
H'wag magpapadikta
Ano, saan, paano
Naisip na ba ang worth mo?

Ako, ikaw, siya
Mga letra, papel, at tinta
Ano, saan, paano
Maganda ba ang plot ng buhay mo?

Ako, ikaw, siya
Tayo'y mga makata
Ano, saan, paano
Tayo ang magsusulat ng kapalaran natin sa mundo.

Bow! Haha.

Ano, Mylabs? Nagustuhan mo ba? May sense ba o walang kwenta? Huhu. Kasi naman, eh. 'Di ka nakakapagsalita. Kailangan ko ng kritiko. Kailangan may maghusga ng gawa ko. Ayoko na ipabasa kay Ate Shane, hindi naman siya naniniwala na magiging writer ako.

PS: Push or pull? Fight or flight? Hays!

Curious and confused kiddo,
AB

*.*.*

< Kudos Pereseo >

Kudos' Facebook Account

99+ friend requests 99+ messages 99+ notifications

Messages

Black Serpent (359)
Pakyu! Ginaya naman sayo.
2 minutes ago

MGA TETENG PERESEO (1857)
Add nyo kasi si AB dito para maging active si teteng tuyot!
NYAHAHAHAHAHA
3 minutes ago

Patricia Klarisse Demaloco (3)
Asonggalaaaa! Magreply ka, Lacrosse!
NAKAUWI NA SI RISK?!


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE