Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae.

< Kudos Pereseo >

NANG RUMEHISTRO sa utak ang nasabi, gusto kong ilubog ang sarili sa dagat at hayaang lamunin ng alon pailalim.

Bakit kumawala nang kusa ang mga salitang dapat sa utak ko lang?

Nakngtokwa, Kudos! Tukmol ka.

You always think first before you talk, even think twice or thrice if necessary. Then, why can’t you do it now?

You just committed suicide.

You pulled the trigger by yourself.

You shoveled your own grave.

Nanunusok ang mga titig ng tukmol. Parang gustong itanong ang… “Ibinuko mo ba ang sarili mo, Boy?”

Natigil lahat sila sa pagsubo, pagnguya… na tipong nasa isang pelikula kami at nakapause. Kaso, hindi. Dahil kahit nakaupo ako, nanginginig ang mga tuhod ko. Nahagip din ng mata ang pagtalsik ng ilang butil ng kanin sa bibig ni Magnet.

Kung de-remote lang ang tibok ng puso, kanina ko pa in-off or muted it. Kaso nawalan yata ng baterya. Nagmalfunction. Ayaw magpakontrol. Nakakabadtrip. Nakakapikon. Dahil sa bilis at lakas ng kabog nito… siguradong naririnig nina Paris at Angelito.

Kung sana may rewind, undo, ma-edit o delete… o kahit i-censored na lang ‘yung sinabi ko… para *toot* lang ang narinig nila. Pero kahit ano’ng pagdedebate ko ngayon sa utak… nasabi ko na.

Tokwa!

Pigil-pigil na magulo ang buhok o maitaob ang kawayang mesa. O p’wede rin… para maidivert ang atensiyon nila. O ‘di kaya iliko ang usapan? Kaso hindi ako expert sa gano’ng larangan… mas lalo ko lang ibabaon ang sarili.

Kaya kahit ramdam ko ang pagdaloy ng dugo sa mukha, ang pag-init ng tuktok ng tainga… at ang panlalamig ng mga paa, nanatiling nakakonekta ang mga mata ko kay AB. Hindi rin niya binabawi ang tingin… na tipong may binabasa siya sa ‘kin. Walang kangiti-ngiti. Hindi kumukurap.

At this point, alam ko… nahuli na ako. Nabuko.

But I don’t want to avert my gaze. Kapag ginawa ko, ako ‘yung talo.

I can’t retreat. I don’t want to.

I want her to know that I’m serious.

Na kapag tinangka niyang umalis, pipigilan ko siya. Na kapag tumakbo siya, hahabulin ko siya. Mapatunayan ko lang na seryoso ako. Seryoso ako sa kanya.

I’m battling with myself. 99% of me articulates that I should take it easy… slow down. May nambabantang malaking “warning” at “danger zone” signs. Dahil nakaaksidente ang over speeding. Nakamamatay. But that remaining 1% pushes me to take the risk. I should endure… kahit ano pa ang consequences.

I feel like I’m in a basketball court right now. Clutch time. Under 2 mins remaining… to make it worst, under 10 seconds. Lamang ang kalaban. Ako ang may hawak ng bola. The choices I have… do or die. I need to think about my best shot because it’s… now or never.

But the probability of me winning this battle is only… 1%.

“Why, Kudos?” she asked, but her eyes were blank. Stony. Empty.

Napakurap ako. Sa isang iglap lang, biglang nagbago. Parang hindi si AB ang tinititigan ko… ibang tao.

Naramdaman ko ang paghawak ni Paris sa nanginginig kong tuhod. Saka bumulong… “Stop overthinking.”

“May kilala ka bang lalaking ma-effort at gagawin lahat para sa ‘kin? Lalaking hindi ako sasaktan at lolokohin? Lalaking ako lang ang mamahalin hanggang dulo? Meron ba? Ipapakilala mo?” dagdag niya sa tanong… and I got tongue-tied.

Hindi ako makaimik… lalo at marahan akong sinisiko ni Angelito, tipong binabantaan ako. “Sasagutin ko pa ba ang tanong mo?”

“N-No…” Umiling ako. “It was a random question. T-Theoretical. What if. You don’t need to answer. Sorry. K-Kalimutan mo na lang…” Ni hindi ko gaano’ng narinig o nabosesan ang sariling tinig. I cleared my throat.

I got frightened of her tone.

Alam ko kung saan patungo.

Rejection.

I wanted to ask, to know her answer… but I couldn't because I knew deep inside me that I wouldn't be able to handle the truth.

Kaya kahit alam ko na… ayoko pa ring marinig mula sa bibig niya.

Tumikhim si Risk… at walang pasabing kumanta. Na sinabayan ng mga tukmol.

Risk: “Kalimutan mo na ‘yan. Sige-sige maglibang. ‘Wag kang magpakahibang. Dapat ay itawa lang.”

Steel: “Ang problema sa babae dapat 'di iniinda. Hayaan mo sila ang maghabol sa 'yo, ‘di ba?”

Philemon and Psalm: “Sabi ko naman sa 'yo, lahat ‘yan nagloloko. Pagkatapos kang pakinabangan biglang lalayoooooo.”

Shield: “Kaya ‘wag nang uulit pa. Kaya ‘wag nang uulit pa.”

With snapping at taas ng kamay pang nalalaman. May mapipikit-pikit pa. At headbang. Tokwa! ‘Di ko tuloy alam kung manununtok ako o mapapabuntong hininga.

“Asonggala! Patahimikin n’yo kaluluwa ko…” sita ni Paris na nangingitngit. “Umay na umay na ako sa kantang ‘yan!”

Biglang tumawa si Hazel. Nakitawa rin sina bossing at master. Hanggang sa mabalot ng halakhakan ang cottage. Pati si AB, natawa’t napailing.

Lalo yatang sumakit ang ulo ko sa katukmolan ng mga tukmol.

Pero hindi nagpaawat si Risk. Nagpatuloy sa pagkanta habang may pang-asar na ngisi kay Paris… “Hahayaan mo sila, hahayaan mo sila. Hahayaan mo sila na maghabol sa 'yo.” Binato tuloy ni Paris ng tinidor.

Tukmol talaga, nang-asar pa.

_..._..._


DD,

Mylabs, i-congratulate mo ako! Sa wakas… graduate na ako. Yey!

Pero hanggang ngayon, ‘di ko pa rin alam kung ano ang kukunin kong course.

Ano ba mas bagay sa skills ko?

Ano ba talaga ang gusto ko?

Gusto kong i-try ang dentistry kaso… pasmado ako. Baka ‘yong dila ang mabunot ko, hindi ang bag-ang. Haha.

May dalawang buwan pa naman ako para mag-isip.

Kukwento ko na lang sa ‘yo nangyari kahapon at kagabi, graduation at graduation ball namin… obviously.

Una, hindi nakauwi si papa. Ini-expect ko na rin ‘yon. Kahit nakakatampo pa rin. Simula elementary hanggang high school… wala pa yata siyang inaattendan. Dinaan niya ulit ako sa pa-cellphone.

Pangalawa, ‘di nakaabot si mama sa pag-march ko. Nagpaproxy tuloy ako doon sa youth president namin na nakita ko sa sulok para lang may maghatid sa ‘kin sa stage at ‘di ako magmukhang loner.

Pigil na pigil ko ang luha ko kahapon. Sayang ang make-up! Minsan na nga lang sa buhay malagyan ng kulay ang mukha.

Wala naman traffic sa ‘min, marami lang inasikaso si mama sa bahay. Pagdating niya… kalahati na ang ceremony. Kumakanta na kami sa stage… konti tuloy ang mga pictures ko.

Pero ayokong madepress. Sanay naman na ako sa gano’n. Walang bago.

In-enjoy ko na lang ang moment. Kasi once in a lifetime lang ‘yon. ‘Di na ako tutuntong ng High School ulit.

Nagperform din kami… sumayaw. May opening at farewell songs. After nun… hinagis ang mga caps. Tapos iyakan. Napahagulhol ako nang tuluyan. Niyakap ko lahat ng mga kaibigan.

Mamimiss ko sila. Sobrang mamimiss ko sila.

Marami kaming memories na magkasama. Marami akong natutunan dahil sa kanila. Ititreasure ko ‘yon lahat.

Sa puntong ‘to, natapos na ang isang kabanata sa mga buhay namin. Magkakahiwalay kami ng mga landas na tatahakin.

At alam ko na may ibang… mawawalan na ng communication sa isa’t isa. Pero umaasa pa rin ako na sana… hindi.

‘Yung iba nga… nagpaplano na kung kelan ang reunion.

Mixed emotions. May ibang nalulungkot, marami rin ang excited sa next stage ng buhay nila.

Picture dito. Picture doon. Selfie dito. Selfie doon. Groupie sa mga profs. Ipopost daw sa facebook. Kasama ang iba’t ibang batch mates pati ang pamilya ng ibang kaklase. Habang suot-suot ang togang puti.

Niyakap ko nang mahigpit si mama. Nag-iyakan kami. Hindi ganito ang pakiramdam ko nung gumraduate ako ng elementary. ‘Di ko alam kung paano ko i-eexplain ang feeling. O kung may tamang salita para mabigyan ng justice.

Ang dami ko kasing napagdaan sa High School life ko. Sobrang dami. ‘Di ko kayang isa-isahin. May good memories, marami ring nakakawasak ng puso.

Sa High School ka talaga madadapa, masasaktan, at magsisimulang magmature. Dito rin ang kasagsagan ng kalandian ng hormones. Hahaha. Parang ito ‘yung stepping stone.

After ng kasiyahan, nagsiuwian na ang mga parents. Samantalang kaming mga estudyante… diretso sa isang resort para sa graduation ball. Wala kasi kaming prom kaya ball ang in-organize ng school.

One word.

Tremendous.

One of my most unforgettable moments. Ang saya! Naisayaw ko lahat ng kaklase kong lalaki. Nagkapaltos-paltos nga ang sakong at mga daliri ko sa paa dahil sa heels. Required kasi at bawal ang flats. Daming arte!

Kaya nung ‘di ako nakatiis… nagpaa ako. Ano kung walang poise? At least… comfortable.

Ang daming handa! Bumaha ng pagkain. ‘Yung mga ilaw… patay sindi. Parang ambiance sa bar pero formal. Hindi malaswa. Tapos nakacocktail dress lahat ng babae at naka-americano ang mga lalaki.

May mga alak din. May nagpapainom sa ‘kin kahit isang tira lang daw. Itry lang kasi graduation naman. Pero umiling ako. Ayoko.

Nakasayaw ko rin si Ellis. Na tinanggihan ko ng ilang beses kasi ang sakit na ng paa ko… pero ang kulit-kulit. Sinayaw ko naman lahat ng kaklase ko, ba’t siya raw… hindi? Ang arte talaga ni commander! At dahil mataas grades ko sa CAT, pumayag na ako.

Saka mahirap tumanggi, gwapo siya sa suot na Americano. Tapos ang bango-bango niya pa. Jusko! Nagpapogi na naman si commander. Haha

Text din nang text si Cole. Gusto niya raw ako makita sa suot ko. Ay hala siya!

Feeling ko tuloy nang-to-two time ako.

Ano’ng oras na ‘yon… 12 AM?

Hanggang 1 AM natapos ang ball namin. Tapos naghintay talaga siya sa labas kasi bawal pumasok kapag walang ticket.

Kagabi ako pumayag na makipagmeet. Kahit na kilala na rin namin ang isa’t isa. Nakikita ko siya palagi sa hallway. Tinatanguan at nginingitian.

Hiyang-hiya pa siya. Dahil sa suot. Puting t-shirt at shorts, tapos nakasumbrero siya. Ano’ng nakakahiya dun? Ako kamo ang overdressed. May pa-off shoulder na nalalaman. Nakamake-up pa! Waaah.

May binigay siyang graduation gift sa ‘kin, Mylabs! Jusko. Isang libro. The Fault in Our Stars. Oh, my! Grabe. Muntik ko na siyang mayakap kagabi. Ang dami na niyang binibigay na gifts at pagkain sa ‘kin… kung ano-ano pinapadala niya sa bahay.

Kulang na lang magpagawa na ako ng cabinet na may nakasabit sa ibabaw na… “From Cole.”

Si mama, sinusulsulan ako na sagutin ko. Ay hala siya! Ayaw niya akong magboyfriend, ah. Anyareeee bigla?

Ang dahilan ko kay mama, ‘di naman ako nagpapaligaw. ‘Di naman din nanliligaw. Si Cole lang ‘yung bigay nang bigay. Sabi ni mama, tanggapin ko lang daw kasi hindi naman ako ‘yung humihingi. Aba! Abuso.

Mag alas-tres na ako nakauwi. Hinatid ako ni Cole ng motor sa bahay. Close naman sila ni mama, eh. Kaya ayos lang ‘yun kay mama.

Bagsak tuloy katawan ko sa pagod.

Paggising, ngayon ko lang napagtanto na… OMG! Graduate na ako.

Ang dami kong mamimiss.

Mamimiss ko ang paggising ng alas-kwatro para magsaing at magreview.

Mamimiss ko ang 7AM classes.

Mamimiss ko ang paninja moves nang pagpasok sa room ‘pag nalate.

Mamimiss ko magpakopya ng assignments at sagot sa exams.

Mamimiss kong ipagsulat sa notebook ang mga kaklaseng lalaki na tamad magsulat.

Mamimiss kong makarinig at makakita ng mga nanunuod ng porn sa likod.

Mamimiss kong sumama magcut ng classes nang biglaan.

Mamimiss kong tumambay sa canteen.

Mamimiss kong magbasa at magsulat sa freedom wall.

Mamimiss ko ‘yung naglalaro kami ng mga paper games. SOS. FLAMES. At ‘yung binubutas ang papel.

Mamimiss kong sumagot at magpasagot sa slamnote.

Mamimiss kong mag-send ng group messages sa text at sumali sa mga CLAN.

Mamimiss ko ‘yung pagpapalipad nila ng eroplano na may kodigo.

Mamimiss kong humingi ng papel at maging source rin madalas.

Mamimiss ko ang usapang crush.

Mamimiss ko ‘yung pagnakaw sulyap kay crush tapos kapag nahuli, iiwas ng tingin sabay ngiti.

Mamimiss ko ‘yung tanungan na… “Papasok ka ba?” at sasagot ang isa ng “Ikaw ba?”

Mamimiss ko ‘yung tanungan na… “Ano’ng sagot mo sa number 3?” at “Ilan nakuha mo?”

Mamimiss ko ‘yung usapan sa tawag o text na… “Asan ka na?” at “Wait! On the way na.” Pero ang totoo… nagbibihis pa lang talaga.

Mamimiss ko ‘yung feeling na ‘pag papasok sa loob ng faculty, nagtutulakan kung sino ang kakatok o magsasalita.

Mamimiss ko ‘yung mga pasaway na biglang nanghihila ng upuan kaya may napapaupo sa sahig.

Mamimiss ko ‘yung mga planong outing at swimming sa bakasyon at holiday na hindi matuloy-tuloy.

Mamimiss ko ang pagtatanim ng palay at mga halaman kapag may tree planting event.

Mamimiss kong manuod ng mga poging nagbabasketball sa quadrangle.

Mamimiss ko ang CAT. (Pero hindi si commander.)

Mamimiss ko ang mga fake friends at backstabbers. Hahaha

Higit sa lahat, mamimiss ko ang aking alma mater. Romblon State University, Science High School.

Basta! Ang dami kong mamimiss, Mylabs!

Pero… excited na ako sa College life.

Ano kaya ang buhay sa college? Sabi kasi nila, mas masaya ang High School life.

Parang ganito. Sa Elementary, laro days. Nababadtrip ‘pag pinapatulog dahil mas gusto maglaro. Ang High School, pinakamasaya, chill, uso ang crush at kasagsagan ng hormones. Ang College naman daw… pigaan ng utak. Tapos kahit gustong matulog, ‘di magawa kasi kabi-kabilaan ang projects.

Jusko! Kinabahan tuloy ako bigla. Pero excited at the same time, Mylabs!

Ano kaya ang ugali ng mga magiging kaklase at kaibigan ko sa Manila?

Oo, sigurado na kasi. Sa Manila ako… mag-aaral. OMG!

Matatakasan ko na ang Romblon. Hahaha

New stage of life, new life cycle.

Kakayanin ko kaya?

Marami kayang g’wapo? Haha

Mababait kaya ang mga taong makakasalamuha ko? Magiging kaibigan?

Marami pa rin kaya ang magkakagusto sa ‘kin? Ang lakas! Hahaha

Higit sa lahat… magkakaboyfriend na ba ako?

Ang tanong, kakayanin ko ba’ng magpaligaw na? For real?

BTW, Mylabs. Sinulat ko ‘yung mga katangian ng ideal guy ko. Tapos idinikit ko sa unahan mo banda. Ang standard ko sa lalaki. Maiksi lang ‘yon. 25 Qualities. Hahaha

Maghahanap ako ng tipo ko kapag naging College na ako. Wala. Para may thrill ang buhay. Hahahaha.

Magpoprovide rin ako ng isang blank page after nito. Ididikit ko doon ang “Fun Facts” about him. I-cheer mo ako, Mylabs! Project nating dalawa ‘yon. Kailangan natin makakita.

Fighting!

Excited na kinakabahan,
AB

*.*.*

< Kudos Pereseo >

MAG-IISANG ORAS nang nakaalis sina bossing at master. Nagcommute lang sila pauwi dahil wala kaming service.

Gustong sumabay ni AB kanina pero hindi siya hinayaan nina Angelito at Magnet. Nilamon tuloy ako ng konsensiya. Ni hindi ko magawang makalapit sa kanya. Kasi kahit ang tapunan ako ng tingin pagkatapos kumain… ‘di niya magawa.

Para akong tao na biglang naging hangin.

Kinakausap niya ang mga tukmol… even Hazel and Paris. Except me.

Ang hirap magpigil. Gustong-gusto ko siyang lapitan. Kausapin. Umamin. Ng feelings. Sa lahat.

Kaso bakit gano’n? Biglang cold treatment? Bakit balik sa parang strangers? Bakit ‘di p’wede? Bakit kailangan pigilan ko? Bakit may restrictions? Na mali ba ‘to? ‘Tong nararamdam ko? Kailangan ihinto? Bakit?

Single naman siya. Wala akong gusto sa iba. Bakit ‘di p’wede?

I know her story. I understand. Pero ba’t ‘di p’wedeng subukan?

Ang dami kong gustong itanong. Ang gustong sabihin. Ang gustong iparamdam at gawin. Kaso ba’t ang hirap simulan?

Ang dali lang naman isipin. Nakaorganize na sa utak ko lahat… pero bakit ang hirap mag-man up?

Nakakatakot. Nakakaduwag.

Hindi big deal sa ‘kin ang… rejection. Nasanay na ako sa bagay na ‘yon. Ilan na ba ang tinanggihan at inayawan kong babae? Kaso ngayong sa ‘kin na nangyayari… naiintindihan ko na.

Kailangan ng balde-baldeng tibay ng loob. Isang tangkeng pride. At isang dam na self-confidence para magconfess ng feelings. Samahan pa ng taimtim na panalangin na sana… OO ang isasagot niya at ‘di ka tatanggihan. Kasi isipin pa lang na tatalikuran ka niya habang nilunok mo ang lahat sa ‘yo para sa confession na ‘yon… nakakawasak. Ang bigat sa pakiramdam.

Hindi ko naman iniisip ang mga ganitong bagay, few months ago. Wala akong problema. Basketball, school activities, acads, apartment at bahay lang ang buhay ko.

It’s a cycle. A boring life.

But because of a green diary. Because I’ve read that diary… damn, everything changes.

Bumagyo ng feelings. Kumidlat ng takot. Kumulog ng pag-aalangan. Bumaha ng what ifs. Na hindi ko alam kung paano pahuhupain. Na nakakalunod. Na nakakatangay. Na baka nakamamatay rin.

Kailangan ko na ba ng tulong ng sagip-kapamilya? O ng kapuso? Dahil mas nanganganib ang puso.

I really don’t know what to do.

Dahil lahat ng nararamdaman ko, lahat ng mga iniisip ko… lahat bago. Wala akong mapagbasehan. Walang mapagkumparahan. Ang alam ko lang… nakakabaliw.

Kinausap ako ni bossing kanina bago sila umuwi. Pasimple akong inakbayan palayo sa mga kasama namin. Na imbes makatulong, mas lalo akong napressure.

“May gusto ka ba kay Eybe, Bunso?” Diretso ang tingin ko sa unahan. Nakikita ang anino namin sa buhangin na halos magkasing-tangkad.

“Masyado na bang halata, Bossing?” Huminga ako nang malalim.

“Binata ka na…” Tinapik-tapik niya ang balikat ko. Mabigat ang kamay. “Parang ilang taon ka pa lang natutuli, ah.” Nakngtokwa! “Isa lang ang mabilis na paraan para makuha ang isang babae, Bunso…”

Doon na ako napalingon. Nagsalubong ang mga kilay. Seryoso ang boses ni bossing. Kinabahan ako. Patanong na nang sundan niya ang sinabi.

“Buntisin mo…” Nakngtokwa talaga!

Paangil na ako nang humalakhak siya. “Nakikita ko ang sarili ko sa ‘yo, Kudos.” Tokwa! Ang mambuntis ng babae?

O parang alam ko na ang kasunod. “Masyadong g’wapo…” dugtong niya. Tapos tumawa ulit.

Bagay nga sila ni master. Pulos may saltik!

“Masyado ring torpe,” tumikhim siya. “Masyadong pinapangunahan ng mga iniisip. Masyadong naaalangan na ipagsigawan at pakawalan ang nararamdaman kasi isang bagsakan lang lahat. Isang buhusan. Kaya natatakot na baka malunod ang pagbibigyan. Masakal. Hindi makahinga. Tama, Bunso?

“…Pereseo ang dugo mo, kaya alam ko.”

Hindi ako makatango o makailing. Hindi ko alam. “Nakakatakot. Na baka hindi ako. Na kulang… na kulang ang pagmamahal na maibigay ko. Hindi sapat. Maraming nagmamahal sa kanya. Marami siyang napagdaan. She’s too broken.” Bumuntong-hininga ako. “I don’t think that I’m really deserving. Na ako ba dapat ‘yung lalaki? Paano kung hindi ako ang piliin? Paano kung—”

“Mahal mo ba?”

Mabilis akong tumango.

Nakng! Oo, eh. Mahal ko. Mahal ko na.

Hindi naman siguro ako magkakaganito kung hindi?

Napakamot sa ulo si bossing. Tumigil kami sa paglalakad at tumingin lang sa dagat. “Ganyan na ganyan ako noon. Isang libong rejection ang—”

“Isang libong pangbabasted ang ipinatikim ni master?”

Todo-iling si bossing. “Hindi! Siya ang nanligaw, kaya binabasted ko. Nilasing ako, kaya ‘yon nakadisgrasya. Napikot. Nanggayuma yata si Elizabeth.” Tapos humalakhak. Tokwa! Lakas-tama. Eh, alam ko namang isang salita lang ni master, tiklop na agad siya.

Seryoso ba pinag-uusapan namin ngayon o ginogoodtime lang ako ni bossing?

Hinawakan niya ang ulo ko’t ginulo ang buhok. “Kapag mahal mo, mahalin mo lang. Kapag gusto mo talaga, ‘wag mong sukuan. Effort kahit ipangbala sa kanyon ang katawan.” Tokwa! Hindi talaga matino kausap. “Kapag nagmahal ang isang Pereseo, unlimited ‘yan. Walang katapusan. Ang masaktan? Sanay tayo diyan. Isipin na lang na walang mais na nilaga, kapag ‘di pinaghirapan.”

Nakng! Natapos pag-uusap namin na wala akong napala. Walang napulot na matino. Puro katukmolan.

Nagkulong ako sa kwarto. Habang sila… naglaro ng volleyball at “Give me, give me…” game doon sa labas. Ni hindi ko magawang iharap ang sarili ko kay AB.

Tokwa!

Ano na, Bossing? Walang silbi ang pangaral. Ang hirap.

Nagchat sa ‘kin si Magnet sa real acct ko. Hindi rin yata magawang makasimpleng lapit sa ‘kin.

Magnet Mace Pinagpala . active now
Isasalpak kita sa puwet ko, Kudos! Nakakaloka ka. Nagpabuking talaga? Sige, okay lang ‘yan. Iisipin lang nun na may crush ka sa kanya. Pero ‘wag kang magkakamaling mabanggit ang diary. O nabasa mo. Mayayari tayo. I-chat mo rin. Tutal doon ka madaldal at magaling. Mehehehehe!

Nakng! ‘Wag mo sabihin na pati acct ni AB alam niya? Hacker ba ‘to si MM?

Nagchat siya ulit.

Magnet Mace Pinagpala
SEENLORD ANG PUTEK!
BAHALA KA… MABASTED KA SANA!
:PPPPP

Tokwa! I-minute ko nga sa messenger.

Pinakatitigan ko ang cellphone habang nakahiga sa kama. Kanina pa ako nagkukulong dito sa kwarto. Hindi naman ako kinukulit ng mga tukmol. Enjoy na enjoy siguro sa labas.

Nakaconnect na sa isang acct ko pa ang messenger. Nakabukas na ang head ng Bible Verse DP ni AB. Active siya 3 hours ago. Ilang beses akong nagtipa pero binura ko lang din.

Ilang minuto o oras yata akong nagdiskusyon sa sarili kong utak. 5 hours ago na siyang active. Hanggang sa panindigan na kailangan kong masend ng message. To break the ice? Siguro. Ewan. ‘Di ko alam kung tatalab.

Tinikom ko ang bibig at kinuyom ang isang kamao. “Fight!”

~.~.~

AB Calan de Makapili . active 5 hours ago

March 3, 2018

SAT AT 3:48 PM

KD Oppa:
1. Hi! I just want to tell you that…
2. Read number 4.
3. Ngiti ka lang! Diretso tayo sa 11.
4. I mean, number 12.
5. I'm really sorry but... 8.
6. Fake news, lumipad sa 10.
7. You should know that... 5.
8. I can't stop liking you, Senpai!
9. Don't get too excited. Nasa 6.
10. Eto na! No. 13 pala.
11. Last na, Mylabs... 7.
12. Nope, number 9, Miss!
13. Ang cute mo mainip, punta ka sa 3. :)

Ilang beses akong huminga nang malalim. Kung nakikita ng mga tukmol itsura ko ngayon… pinaulanan ako ng kantiyaw dahil sa katukmolan. Hindi na ako naghintay ng reply. Dumapa ako sa kutson at ibinaon ang mukha sa unan. Kinagat sa gigil. Ipinatong ang kamao sa ulo… at kinaltukan ang sarili.

Nakngtokwa ka, Kudos. Tukmol ka!

Hulog na hulog ka na ba talaga?

~.~.~



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE