Sana Ngayon ang Kahapon

Image Description Rhod Convocar Selda   |   20 March 2019


Romance/Drama novel about the two lovers separated with struggle and decision and accident.

“NAGKITA na ba tayo before?” tanong ni Brent kay Joanna.

Kaagad na nakapagdesisyon si Joanna na hindi muna bibiglain ang binata. Pero gusto niya na maging parte pa rin siya ng buhay nito.

“Uhm, yes, kahapon, nagkita tayo sa airport. Napagkamalan kitang kakilala kaya hinabol kita. Ayon, nabunggo kita,” aniya.

Marahang binitawan ng binata ang kanyang kamay. “Ah, gano’on ba? Ikaw pala ‘yon. Sorry sa nangyari, nagmamadali kasi ako. Anyway, may I know your name, please?” pagkuwa’y sabi nito.

“Joanna Mercado,” kaagad niyang tugon.

Sandaling natigilan ang binata. Kumunot ang noo nito habang titig na titig sa kanya. Mamaya’y ngumisi ito. “Weird but your name sound really familiar,” wika nito.

Not just familiar, Brent. I’m the missing part of your life.

Nalungkot siya sa katotohanang nabura siya sa isipan ng binata.

“Uhm, yes, I think we had met before. Taga Lipa ako,” diretsang sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ng binata. “Really? Me too. Saan sa Lipa?”

“Sa San Antonio. Doon talaga ako ipinanganak.”

“Wow, small world. Akalain mong magkababayan pa tayo? Siguro nga ay nag-meet na tayo before. Ang dami na kasing nangyari kaya hindi ko na maalala ang ibang tao na nakilala ko noon.”

Pilit siyang ngumiti. “Ganoon talaga. Dumarating ang panahon na may mga taong biglang nawawala sa buhay natin,” makahulugang sabi niya.

Ngumiti nang matipid ang binata. Pagkuwa’y kinuha nito ang record ng kotse na gusto niya sa alalay nito. Pinakita nito sa kanya ang papeles. Pero bago sila nag-usap tungkol sa produkto ay inanyayahan siya nito sa opisina nito.

“First price ng toyota vios ay 1.6 million. Pero nasa sale na siya ngayon. Tumatanggap na rin ako ng installment bases, depende sa kakayanan ng buyer. I need a proof of bank savings and client job background. Of course we need to sign the contract agreement first,” sabi ni Brent.

Napaisip siya. Kahit may pambayad siya ng cash ay mas gusto niya ng installment para magkaroon siya ng dahilan para palaging nakikita ang binata.

“I have a couple of bank account. Six years na akong flight attendant. Mostly sa flight ko ay international. Meron din akong collateral na house and lot na namana ko sa parents ko sa Lipa. Gusto ko lang talagang magkaroon ng sariling sasakyan,” aniya.

Ipinakita niya sa binata ang mga katunayan na tama ang sinasabi niya. Wala naman siyang nakikitang pagdududa sa mukha nito.

“Nice. Convincing. But I need at least thirty percent deposit. Magbabayad ka lang after na makapag-sign na tayo ng agreement. Kailangan ko rin ng photo copy ng titulo ng lupa mo, okay na ‘yon sa akin.”

Napangiti siya. Napakabait na negosyante ni Brent. Kaya hindi siya magtataka kung bakit bigla itong umasenso.

“Thank you. Bukas kaya puwede na tayong magbayaran?” aniya pagkuwan.

“Yeah, sure. Bukas din ay maire-release ang kotse. Kami na ang bahala sa papeles.”

Umaapaw ang excitement ni Joanna. Hindi rin mapakali ang mga mata niya na panay ang sulyap sa guwapong mukha ng binata. Noong magkarelasyon pa lang sila ay in-love na in-love na siya sa mistisong mukha nito kahit noon ay hindi pa ito maskulado at desente. Pero ngayon, tila lalo siyang mahuhulog sa binata.

Nagpaalam na siya kay Brent dahil mukhang marami pa itong gagawin. Pero kung hindi lamang nakakahiya ay tatambay pa siya roon at makikipagkuwentuhan dito. Ang kaso, nakita niya si Nika. Baka bigla siya nitong ipakilala kay Brent, kung sino talaga siya.

Nakasakay na ng taxi pauwi si Joanna nang matuklasan niya na wala sa kanyang wallet ang dalawang ATM cards niya. Naalala niya na ipinakita niya iyon kanina kay Brent bilang patunay na mayroong siyang existing banck account. Inutusan niya ang driver na bumalik sa pinanggalingan nila. Pero ang sabi ng staff ni Brent, nakaalis na raw ang binata. May pupuntahan daw. Maaring dala daw ng binata ang naiwang cards niya.

Kinakabahan siya. Pero nang ma-realize na si Brent ang may hawak sa cards niya, napanatag ang loob niya. Hindi naman si Brent ang tipo na abusado. Pero naalala niya, binigyan pala siya ng binata ng calling card.

Pagdating niya sa bahay ay kaagad niyang tinawagan ang numerong binigay ni Brent. Ring lang nang ring. Tumigil lang siya sa pag-dial nang pangatlo na’y wala pa ring sumasagot. Nagpadala na lang siya ng mensahe rito tungkol sa kanyang cards.

Nakatulog si Joanna pagkatapos niyang naglaba. Bigla siyang nagising nang tumunog ang cellphone niya. Bumalikwas siya ng upo. Hinagilap niya ang kanyang cellphone na natatakpan ng kumot.

Unregistered number ang tumatawag. Baka importante kaya kaagad niyang sinagot.

“Hello! This is Joanna Mercado speaking!” sagot niya.

“Hi!” anang buo at pamilyar na boses ng lalaki.

“Who’s this, please?” aniya.

“I’m Brent Volksky, the owner of Volksky auction and auto company. Nag-send ka ng message sa akin regarding sa cards mo. Sorry sa missed calls. May kausap kasi akong client kanina.”

Parang may naghahabulan sa loob ng dibdib ni Joanna. Impit siyang tumili nang malamang si Brent ang kausap. Ganoon ang pakiramdam niya noong nililigawan pa lang siya ng binata. Pero mukhang nag-level up ngayon. Ikinalma muna niya ang kanyang nerves bago nagsalita.

“Uhm, yes, I called you three times. But it’s okay. Inaalala ko lang kasi ang cards ko,” aniya. Nasa tinig pa rin niya ang tensiyon.

“Oh, don’t worry, hindi ko papakialaman ang pera mo,” sabi nito.

Naalarma siya. May mali ata sa sinabi niya kanina kaya ganoon ang naging punto nito.

“Ay hindi, I mean, first time ko kasing naiwan ang cards ko. Baka na-misinterpret mo. Nako, nahiya naman ang laman ng cards ko sa pera ng isang businessman. Okay lang talaga,” tudo depensa niya.

Narinig niyang humagikgik ang binata. Natulala siya. Kakaiba ang dating sa kanya ng boses ni Brent sa phone.

“What’s funny?” matabang na tanong niya.

“Nothing. Kahit sino naman ay matataranta kapag naiwan kung saan ang ATM card na maraming laman. Anyway, hindi ko na ipapabukas ito. Available ka ba tonight? Where do you want to meet? At the same time, we can have dinner together, para hindi naman masayang ang oras.”

Parang aatakihin sa puso si Joanna. Hindi niya ini-expect na ganoon kabilis ang pagkakataon na maglalapit ang landas nila ni Brent. At hindi niya palalampasin ang pagkakataong ‘yon. Palagi niyang panalangin na sana ay ngayon lang ang kahapon, nang maitama niya lahat ng pagkakamali niya. Pero hindi man niya maibalik ang kahapon, sisikapin naman niyang maibalik ang tiwala at pagmamahal ng lalaking hindi kailanman pinakawalan ng puso niya.

“Yes, I’m free. Actually I’m bored,” sagot niya nang bahagyang kumalma ang kanyang puso.

“Really? So, where? Your place or mine?” pagkuwa’y tanong nito.

Tumikwas ang isang kilay niya. Medyo dare ang pagkakaintindi niya sa sinabi nito, na kaagad din niyang pinakli.

“Uhm, makakapunta ka ba rito sa Pasay? May restaurant malapit dito sa condo ko,” aniya.

“Sure. Paki-send na lang sa akin ang exact address and name ng establishment. I’ll be there before eight,” sabi nito.

“Okay. Maghihintay ako.” Desperada na siya.

Nang matapos ang pag-uusap nila ng binata ay in-send na niya rito ang address ng restaurant. Hindi siya mapakali. Alas-singko pa lamang ng hapon ay inihanda na niya ang susuutin niyang damit. Sisiguruhin niya na kahit nabura siya sa alaala ni Brent ay mabubuhay niya sa puso nito ang pagmamahal sa kanya.

MAYA’T-MAYA ang lingon ni Joanna sa pinto ng restaurant. Panay din ang sipat niya sa suot niyang relong pambisig. Isang minuto na lang alas-otso na ng gabi. Nagsimula na siyang kabahan. May kahalating oras na siyang naroon sa restaurant. Ganoon siya ka-excited. Doon talaga siya pumuwesto sa mesa malapit sa pinto para mas madali siyang makita ni Brent.

Naalala niya bigla. Ang first date na napag-usapan nila noon ni Brent bilang magkasintahan ay hindi ito nakarating sa tagpuan. Napaaway ang lalaki dahil tinulungan nito ang kaibigan na pinagtripan ng mga lasing kaya hindi ito nakarating noon. Sinundo niya ito sa istasyon ng mga pulis. Palibahasa minor pa lang ito noon kaya hindi nakukulong. Ilang beses pa niya itong napiyansahan. Sixteen years old siya noong opisyal niyang naging boyfreind si Brent, at malaki na ang savings niya sa bangko na ang magulang niya mismo ang nagpupundo. Kaya lahat ng pera niya ay nagagastos niya kay Brent. Pero pagdating sa mga date nila ay ito ang gumagasto.

Kinabahan siya nang pasado alas-otso na’y hindi pa dumarating ang binata. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Brent. Sinagot naman siya nito.

“Tumawag ka pa, narito na ako,” sagot ni Brent.

Nagulat siya. Paglingon niya sa pinto ay naroon na si Brent. Naglalakad na ito palapit sa kanya. Ibinaba naman niya ang kanyang cellphone. Hinila nito ang silya sa tapat niya saka ito umupo roon.

“Huwag kang mag-alala, never akong nan-Indian ng babae,” nakangiting sabi nito.

Anong hindi? Pinaghintay mo ako noon tapos hindi ka dumating. Mas inintindi mong makipagbasag-ulo! Ngali-ngali niyang sabihin.

“Ang sabi mo kasi ay before eight. Hindi kasi ako naka-base sa nakasanayan ng ibang mga pinoy na hindi marunong sumunod sa pinangakong oras,” dahilan niya.

“Sorry, traffic lang talaga. Nanggaling pa ako sa kumpanya at tinapos ang pending paper works ko. Hindi kasi ako sanay na ipinapabukas ang trabaho. Mahalaga din sa akin ang oras,” sabi nito.

Nagbago na talaga si Brent. Lahat na unti-unti niyang nadediskubre sa pagkatao nito ngayon ay malayong-malayo kumpara noon. Siguro nga, ito na ang panahong sinasabi nito noon na kapag naging successful na ito ay kakalimutan na nito ang mga kaugaliang kinalakihan nito. Pangako nito iyon sa kanya.

“Sisikapin kong maging karapat-dapat sa ‘yo, Joan. Patutunayan ko sa mommy mo na kaya kitang bigyan ng magandang buhay.” Naalala niya’ng sabi noon ni Brent.

Nanikip ang dibdib ni Joanna. Kahit anong pagsasantabi niya sa nakaraan ay pilit itong nagbabalik, lalo at kasama niya ang lalaking bumubuo sa kanyang nakaraan.

Nagbukas siya ng menu book. Kanina pa kasi kumakalam ang sikmura niya. Mamaya’y iniaabot na sa kanya ni Brent ang dalawang ATM cards niya. Ibinaba niya ang libro saka kinuha ang cards.

“Thank you. Kung hindi dahil sa cards na ito ay hindi tayo nagkasama ngayon,” seryosong sabi niya.

Matipid na ngumiti si Brent. “Maybe, yes. But I think there are reasons why we’re here. It’s not an accident anyway. Wala naman sigurong magagalit sa akin dahil sa dinner na ito,” kaswal na sabi nito.

Saglit siyang ngumiti. Tumitig siya diretso sa mukha ng binata. Gusto niya ang suot nitong gray polo-shirt. Bagay sa kulay ng balat nito ang tela. Ngayon lang niya napansin na mas bagay kay Brent ang simi long hair at kalat-kalat ang kulot na hibla nito. Lalong lumitaw ang German blood sa aura nito, na minana pa nito sa lolo nitong German. Maputi naman ito noong mga bata sila. Laman lang ng kalsada at bilad sa araw kaya umitim ito noon. Pero ngayon, mas attracted na siya rito.

“Hindi ba parang ang bilis ng oras? From car inquiry to dinner?” aniya.

“Oo nga. But honestly, I felt I know you. Parang matagal na kitang kilala. Sure ka ba na ngayon lang tayo nagkakilala? Kasi same place ang pinanggalingan natin,” naguguluhang sabi nito.

Gusto nang magsabi ng totoo ni Joanna pero natatakot siya. Mas gusto niyang magsimula silang muli. Gusto na lang niyang kalimutan ang nakaraan sa mga sandaling iyon. Dahil alam niya na kapag naalala na ni Brent ang tungkol sa kanya ay baka masasaktan lang siya. Gusto niyang unti-unting maaalala nito ang lahat.

“Nag-aral ako sa central school pero nasa private na ako noong high school,” sabi na lamang niya.

“Sa Lipa Central School? Doon din ako nag-aral base sa records ko. Sorry, nagkaroon kasi ako ng temporary amnesia after ng accident sa Kuwait. I don’t remember anything about my past. Meron lang akong kaibigan na tumutulong sa akin para makilala kung sino ako. Three months kong pinag-aralan ang background ko base sa mga records ko. But I still can’t remembers a lot of people from my past,” kuwento ni Brent.

Nasasaktan si Joanna dahil isa siya sa taong nabura sa alaala ng lalaking mahal niya. Parang gusto na niyang mag-walk-out. Kung patuloy na magkukuwento si Brent tungkol sa karanasan nito ay baka hindi siya makapagpigil. Iniba na lamang niya ang paksa.

“God is good, you still alive after the accident. Hindi naman importante ang nakaraan, eh. Ang mahalaga, ang future,” aniya.

“Tama ka, utang ko sa Kanya ang pangalawang buhay ko. Siguro may dahilan Siya kaya niya ako binigyan ng pangalawang pagkakataon. Mahalaga ang future, pero hindi natin ito mararating kung hindi dahil sa nakaraan. Kaya gusto kong umuwi ng Lipa this coming summer. Baka sakaling kapag nabalikan ko ang lugar ay unti-unting babalik ang alaala ko. Magmula daw kasi noong pumunta akong Kuwait ay hindi na ako bumalik ng Lipa. And I want to remember why I leaved Lipa. No one in my relatives can tell me the reasons why I chose to leave. Basta umalis na lang daw ako.”

Parang dinudurog ang puso ni Joanna. Hindi na siya nagsalita. Tinawag niya ang waiter at sinabi ang kanyang order.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE