Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Bakit Bumabalik ang Kahapon

Image Description karenmeiccaro   |   23 May 2020


Akala mo nakalimutan mo na pero masakit pa rin pala

Ilang taon na ang nagdaan
Pero bakit patuloy ka pa ring nasasaktan
Dapat hindi mo na ito nararamdaman
Kasi ayos na ang lahat
Masaya ka na sa buhay na mayroon ka

Ngunit hindi pala ganoon
Pwede pa palang bumalik ang sakit ng kahapon
Akala mo nakalimutan mo na
Akala mo hindi ka na apektado 'pag may nabalitaan ka
Pero masakit pa rin pala
Kahit sinasabi mo na nakalimutan mo na siya

'Yung pagmamahal na hinahanap mo sa kanya
'Yung pag-aalaga na kahit kailan hindi niya pinakita
'Yung mga bagay na hindi niya nagawa sa'yo noong kayo pa
Kayang-kaya niya palang gawin sa iba

Minahal ka nga ba niya talaga?
Kasi kung oo, dapat iniisip niya kung masasaktan ka
Dapat umiwas na lang siya
At lumayo kasama 'yung bagong mahal niya
Doon sila sa malayong mundo, kung saan sila lang dalawa

Pagod ka na sa sakit
Patuloy ang pag-agos ng luha habang nakapikit
Hindi maipaliwanag ang kirot sa iyong dibdib
Sana paggising mo, okay ka na ulit
Sana hindi mo na kailangang magpanggap na masaya
Sana 'yung ngiti mo, maging totoo na

Ang pag-ibig na tulad niya ay parang damit
Akala mo bagay sa'yo noong nakasuot sa manekin
Hindi mo na sinukat kasi nakita mong maganda
Pero pag-uwi mo, hindi pala kasya
Masikip, hindi kumportable, pahihirapan ka lang pala

Kaya dapat hindi nagmamadali sa pagpili
Dapat tinitingnan munang mabuti
Para hindi ka magsisi
Ngunit ayos lang din kasi minsan ka namang pinasaya kahit sandali
Naramdaman mo ang kilig na akala mo mananatili hanggang sa huli

Tahan na, heto ang tisyu, punasan mo ang iyong mga luha
Kung hindi man para sa'yo ang damit na tulad niya
Mas marami pa rin ang magbibigay sa'yo ng saya
Lalo na 'yung makulay na bestida kung saan lumulutang ang iyong ganda
Kaya, tama na, kalimutan mo na ang nakaraan
Huwag ka nang umiyak kasi sayang lang    Dahil kahit ano'ng gawin mo, wala na siyang pakialam


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

SEPARATION ANXIETY

The book is a collection of some of my self made poems from the last couple of years of my life that tackles my personal experiences in love, personal struggles, depression, heartbreak and moving on.

Image Description
SADMARKWRITES
23 August 2018