Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Mixed Signals

Image Description ShellyEileen   |   09 February 2018


#WalaKayoSaExKo...although nakipagbalikan siya, wala na dun yung willingess niyang ayusin yung relasyon.

Nagstart kami as friends kasi same school kami nung grade school. Naging close kami ay nung 1st year highschool kasi may gusto siya sa bestfriend ko. Naging kaklase ko siya ay 3rd year and 4th year highschool, and dun na nagstart. Broken hearted siya nun dun sa nililigawan niya tapos nakakatext ko siya at madalas ko siyang nakakausap. Wala lang naman sa akin nung una, pero nagstart ko siyang magustuhan nung inasar na kami nung bestfriend niya at nung iba kong barkada kasi napapansin nga nila yung closeness namin.

At dahil nga alam ko na may gusto siyang iba, medyo umiwas ako. January 2013 ng malaman ko na meron daw gusto sa akin. February siya umamin sa akin tapos dun siya nagstart manligaw. So, bale mutual relationship na yung meron kami, pinakilala niya ko sa kanila nung graduation tapos pinakilala ko naman siya nung birthday ko. Legal kami kasi close yung mama niya sa tita ko kaya medyo okay na din sa parents ko. Sinagot ko siya ay June 16,2014. Dun kami naging official. Masaya naman, okay yung relasyon kasi lagi din kaming magkasama dahil same yung course na kinuha namin. Pero ang not until nung nag october kasi nahuli ko siyang may nilalandi sa text.

Nakipagbreak ako sa kanya that time pero nagkabalikan din kami kasi humingi siya ng chance, kasi sabi niya wala lang naman daw yun, bored lang daw siya kasi hindi ko daw siya narereplyan nung time na yun. So, pinatawad ko naman kasi baka nga nagkulang ako and nagbalikan kami. Pero hindi na din bumalik sa dati yung relasyon, masaya pero andun na yung doubt na baka may chinachat or tinetext na naman siya na ibang babae. Lagi akong si tamang hinala. Pero hindi ko na naman siya nahuli ulit. Di ko alam if magaling lang siyang magtago or di na niya talaga inulit. Naging on-off na yung relationship namin ng dahil sa trust issues ko sa kanya, kasi kada magagalit ako eh nakikipagbreak na ako sa kanya. April 2015 medyo di na talaga kami okay, araw araw ata kaming nag-aaway. Hindi na siya kagaya nung dati na susuyuin ako or tatawag para lang masettle yung problema, yung away namin eh natagal na ng ilang araw.

Hanggang sa nakipagbreak ulit ako. Pero this time, pumayag na siya. Ayaw na din daw niya. Hinayaan ko na kasi akala ko babalik pa, baka nadala lang ng galit. Pero days na ang lumipas at wala pa din. So, ako ang nang-iwan, ako pa din ang bumalik. Triny kong makipag-ayos sa kanya pero ayaw na daw niya talaga. Nalaman ko weeks after namin maghiwalay eh dinate niya yung nililigawan niya bago ako. So, dun na ako tumigil sa pakikipag-ayos sa kanya. Pero hindi pa din ako naging okay kasi di ko din alam kung bakit natapos talaga. May times na binabalikan ko siya, almost every month ata itatry kong itanong sa kanya if pwede pang ayusin, tapos same answer lang siya na wag na dahil mas magkakasakitan pa.

December 2015 may sinurprise kami na kabarkada, by partners yung pagbili ng gift, and dahil nga alam nila na mag-ex kami, pinagpartners nila kaming dalawa. Sabay kaming bumili ng libro, and dun medyo naging okay kami, nawala yung awkwardness and parang naging friends ulit. Niyaya niya akong kumain at nagoffer siya na ihatid ako. Pero humindi na ako kasi parang uy ano to mixed signals si gago hahahaha. Tapos after ng surprise namin dun sa kabarkada namin, nakipagbalikan siya sa akin. I-try daw namin ulit ayusin, kaso sana daw amin na lang muna. Eh di ako naman, dahil mahal ko pa siya, go agad ako sa offer niya, pero ayun ramdam ko na hindi na magwowork, kasi although nakipagbalikan siya, wala na dun yung willingess niyang ayusin yung relasyon. May araw na di siya magpaparamdam, siguro dahil nga busy na din siya nun sa pag-aayos ng pma, tapos ako ganon pa din, tamang hinala na baka nambabae siya. January 2016 naginuman sila ng mga kabarkada ko, tapos nung medyo lasing na siya, tinanong siya nung friend ko "mahal mo pa ba si shelly?' tapos diretso yung sagot niyaa na "Hindi na. Wala na". Pero kami pa nun ha. Tapos kwinento sa akin yun nung friend ko, dun ako nagdecide na tapusin na talaga.

Nakipagbreak ako sa kanya tapos di ko na siya pinansin masyado after nun. Pero pag may events naman gaya nung debut nung isa pa naming friend, parang kami kung makainarte siya, naakbay, nahawak sa kamay ko, kaya parang gago mixed signals. Nagka-closure lang kami ay bago siya umalis pa-pma, nag-usap kami kasi balak ko talaga sana siyang intaying bumalik. Pero tangina ang sweet niya pa din sa akin nung araw na yun. Pero sabi niya wag ko na daw siyang intayin at maging happy na daw ako. Dun na natapos kasi 1 year ko din siyang di nakita after nun.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

ACCIDENTALLY KISS IN SUMMER

#SummerFling I really hate summer, hindi dahil sa init ng panahon, hindi rin dahil sa wala akong pera para makapagbakasyon, swimming at magtampisaw sa beach. It was because of the heart breaks I had.

Image Description
Yazuakie
01 May 2018
ACTIVE NOW

What if you have fallen into love with the most unexpected person at the most unexpected time? Will you rather ignore your heart or follow its beat?

Image Description
Sassy Missy
24 April 2018