Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Ang Mayor Nang Puso Ko

Image Description Badiday_1992   |   21 March 2020


ImposibleSobrang layoAng pagitanAng distansyaPano mo mapapansinO mananatili na lamang sa aking panalangin

Vico Sotto.

yan ang pangalan mo.

Anak nang dalawang premyadong tao sa showbiz.

May takot sa Diyos.

May puso sa tao.

Mabuting anak.

Yan ang Mayor nang Puso ko.

Sandali lang,teka lang--bago pakiligin ang aking puso.

Gusto kong simulan ang aking kwento.

Nang ikaw ay nagsisimula pa lamang politiko

Ang matunog,maingay at matamis mong pangalan sa industriya ang bumuhay sa aming katawang lupa.

Dahil sa wakas may isang maginoong binata,isang binata na kung tumindig ay buong tapang.

Na kung ngumiti ay tila ba isang matamis na pangako.

Isang pangako na hindi kayu maiiwan.

Kayu ay aalagaan.Pagsisilbihan nang buong puso kasama ang Diyos.



Oo kasama niya ang Diyos,isang ginoong marunong tumingala sa Langit kapag nagigipit.


Kapag naiipit sa sitwasyung bayan muna o sarili-uunahin hindi ang kapakanan nang sarili kundi nang bayang pinaglilingkuran.

Isang ginoong kakapit sa Maykapal at hindi sa may pangalan lamang.

Isang ginoong marunong tumingin sa ibaba sa gitna nang katanyagan.


Ang aming panalangin ay matagpuan mo na ang iyong bini-bini.

Ang iyong magiging katuwang sa paglilingkod sa iyong nasasakupan.

Ang iyong kabiyak na magiging karamay mo at kahati mo sa pagpapalaganap nang katwiran sa iyung bayan.

Ang iyong makakasama sa hanggang kailanman,sapagkat busilak ang iyong puso sa bayan.


Nais ko lamang ibahagi ito ang laman nang aking puso.

Nang aking panalangin

Sakaling hindi mo man mapansin.

Naway dinggin nang Panginoon ang aking panalangin.

Manatili nawa ang kabutihan nang iyong puso,ang kalakasan at ang iyong talinot katwiran at higit sa lahat ang iyong pananampalataya sa Maykapal.

Muli

Ito ang aming ginoo.

Ito ang Mayor nang aking Puso.

Ang puso nang Pasig.

Ang Mayor Nang Puso Ko❤

Vico Sotto.

Yan ang Kanyang Pangalan.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

SEPARATION ANXIETY

The book is a collection of some of my self made poems from the last couple of years of my life that tackles my personal experiences in love, personal struggles, depression, heartbreak and moving on.

Image Description
SADMARKWRITES
23 August 2018