Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




S1ngle Problems

Image Description mysteriousweirdo   |   12 November 2018


Pag single ka tapos halos ipamigay ka na ng mga kakilala mo sa mga kakilala rin nilang single. #image credits to the owner (Tom Sawyer Memes)

Anong meron sa title? Bakit parang wrong grammar? Well, hindi siguro. Nagsimula ito sa isang kasal na dinaluhan ko. Nang makita ako ng mga kamag-anak, kaibigan, kakilala, ni Kapitana, ng mga tanod, pati ng ikakasal, aba’y lahat sila nagsipagtanungan ng kung anu-ano at ang common denominator ay single pa kasi ang inyong lingkod. Nori as in Norilationship. (No relationship) Iyak na talaga ako.
Kaya tuloy ito na, wit lang.
May nabasa kasi akong nakasulat sa T-shirt sa kasalubong ko sa mall, NO BOYFRIEND NO PROBLEM. NO BOYFRIEND, NO PROBLEM daw? Huh...(Sarcastic na tawa sabay smirk. Hindi totoo yan. Naranasan ko kasi ang mga ito:
1. ANG MAIBUGAW???
Masyadong mabigat na ang salitang bugaw? Eh parang gano’n na rin kasi kung halos ipamigay na sa mga kakilalang single din. Bakit kaya kapag may bagong kakilala o ipapakilala na single din, ituturo ka agad. Kahit kung sinu-sino na lang eh no. Don't ME (Wag ako) Wag ganon, uy... Pambubugaw na yan. BUGAWWW... Wag kayong nagtuturo, baka kayo manuno. Nunooo...
2. ANG HUSTISYANG NAWAWALA
Bakit kaya kapag nakita ka nilang malungkot,sasabihin agad nila na siguro single ka? Huh... Bakit, lahat ba ng taken masaya? Pag malungkot single agad, di ba pwedeng wala lang sa mood o kung ano pa man. Kapag nakita ka naman na masaya, sasabihin naman nila, siguro may bf ka na kaya ka masaya. nasaan ang hustisya. Hustisya naman uy....
3. ANG PRESSURE
Kapag single, sasabihan nila na MAG-ASAWA na. Hahanapan na ng apo, pamangkin, etc. Itatanong na kung kelan na ang kasal. Kesyo meron na gustong mag-abay, magbestman, magkasal, magsindi ng kandila, may panregalo ng ref, rice cooker, pitsel at kung anu-ano pa. Hello, BF nga wala pa, yan pa kayang mga request na yan... Naman eh.
4. ANG MAGING SRIPTWRITER
Lagi kang tatanungin kung mayron nang bf, at sasabihin ko na lang na meron na, kaso di pa niya alam na boyfriend mo siya o kaya sasabihin ko sa kanila na meron na pero LDR (long distance relationship) lang nang matigil na sila. STOP ME (Tigilan niyo ko.) Ang hindi nila alam, mag-isang in love ako kay OPPA tapos move on ka nang move on kahit hindi naman kami mag-ON. Wahahaha. OPPA-kan ko kayo diyan eh. MABUHAY ANG MGA SINGLE!
(Hindi naman ako masyadong bitter no?)


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

SEPARATION ANXIETY

The book is a collection of some of my self made poems from the last couple of years of my life that tackles my personal experiences in love, personal struggles, depression, heartbreak and moving on.

Image Description
SADMARKWRITES
23 August 2018