Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Mr. Popular meets Miss Nobody (REVERSE)

Image Description Pinkyjhewelii   |   01 August 2018


Ang istoryang sinubaybayan ng lahat... Paano kung si Kyle ang mahirap at si Chelsea ang mayaman? Magtatagpo rin ba ang mga puso nila sa bandang huli mabaliktad man ang lahat?

CHELSEA POV

NGUMITI ako sa  mga taong nakaabang sa akin pagpasok ko ng mansyon. Nakangiti silang lahat sa akin. Nakaka-overwhelmed na napaka-init nang pagtanggap nila sa akin.

Narito lang naman ako sa Aguilar Mansion. Mansyon? Oo. This is the first time na makakatira ako sa isang malaking mansyon. Dati ay nakatira lamang ako sa bahay ng Tiya Yolly ko na mayroong karenderya pero ngayon, heto at itinuturing na akong prinsesa.
Nalaman kong mayaman pala ang tunay kong ama. Nalaman ko ring buhay pa pala siya at matagal na niya akong ipinapahanap. Lumaki ako sa nanay ko at stepfather ko pero namatay rin sila noong bata pa ako kaya nga si Tiya Yolly na ang kumupkop sa akin. Bilang pagpapatira niya sa akin ng libre sa bahay nila ay tumutulong ako sa karenderya nila.

Matagal kong pinag-isipan kung tama bang iwan ko nalang sina Tiya Yolly at sumama sa totoo kong tatay pero naisip ko na matagal na palang nangungulila sa akin ang tatay ko. Mabuti na lamang at hinayaan niya akong manatiling gamitin ang epilyedo kong “Torres”. Ako nga pala si Chelsea Torres, laking mahirap ako at ngayo-y magbabago ang buhay ko.
Nalaman ko sa tatay ko, or let’s say Papa, dahil iyon ang gusto niyang itawag ko sa kaniya mula ngayon, na may kapatid ako—half sister kumbaga. Nasa abroad siya at model siya roon. Akalain mong ang bata pa niya para maging model dahil halos kasingtanda ko lang siya.

“Magandang araw po, Miss Chelsea.” Bati nang mga katulong.

“Magandang araw po sa inyong lahat.” Bati ko naman.

“Ihahatid ko na po kayo sa magiging kwarto niyo.” sabi naman nung lalaking katulong na parang mayordomo or butler ba siya? Katulad sa mga napapanood ko sa mga palabas. Hindi pa naman kasi ako sanay sa mga ganito.

Nakakalula ang kalakihan ng mansyon na ito at hindi ko pa rin lubos maisip na dito na ako titira—na bahay namin ito—na pag-aari ito ng tatay ko.

Nang maihatid ako sa kwarto ko ay halos mapanganga ako sa laki nito. Lahat ng makikita sa kabuuan ay kulay pink. Girl na girl. Grabe! Never ko na-imagine na mararanasan ko ito.

“Miss Chelsea, kapag may kailangan po kayo ay tumawag lamang kayo dito sa intercom. Tawagin niyo na lamang po akong butler.” Aniya saka itinuro ang intercom sa dingding malapit sa pinto.

“Sige po. Thank you, butler.”

Nang makaalis na siya ay hinila ko ang maleta ko palapit sa may kama ko. Oo, akin na ‘to! Malaki at malambot na kama na ni minsan ay hindi ko pa naranasang mahigaan sa tanang buhay ko.

Humiga ako saka ngumiti nang pagkalapad.

“Thank you, God!” sabi ko.

Bumangon na akong muli para pagmasdan ang buong kwarto. Itinaas ko ang maleta ko sa kama saka binuksan iyon. Para namang napakarami kong gamit samantalang ilang piraso lang naman ang mga damit ko na nabili ko pa sa ukay ukay. Sa gitna ang malaking kama na kulay pink lahat ng bedsheets and pillow case. May dalawang side table sa magkabila. Sa isang side table ay mayroong lamp at sa kabilang side table naman ay may telepono. Kinuha ko ang picture frame galing sa maleta ko at ipinatong doon. Picture iyon na Mama ko kasama ako noong baby pa ako. Ngumiti ako. Nakaka-miss din pala magkaroon ng ina.

May study table sa gilid. May nakapatong nang computer doon at meron pang laptop. Sa akin ba talaga ang lahat ng ito? Napansin ko din ang isang pinto sa gilid kaya binuksan ko iyon. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkamangha. Isa iyong walk-in closet. Ang daming mga damit at mukhang bagong bili lang. May mga shoes din at mga bag. Hindi pa rin ako makapaniwala sa tinatamasa ko ngayon. Binuksan ko naman iyong isa pang pinto, bathroom naman ito. May bathtub pa na never ko pa ring nasubukan. Grabe, nakakatuwa naman! Ang dami kong bagay na mararanasan dito nang unang beses pa lamang.

Lumakad ako patungo sa kabilang side ng kwarto at mayroon doong table na may mirror. Sa table ay mayroon nang kung anu anong gamit tulad ng make up, blower, lotions at kung anu ano pa. Samantalang noon, hindi naman ako nag-lo-lotion saka okay na sa akin iyong polbo lang.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa maliit kong bag. Oo, may cellphone na rin ako at touchscreen ito. Isang lingo kong ginugol ang oras ko para matutunan ang paggamit ito. Hindi naman kasi ako gumagamit ng cellphone dati dahil wala naman akong pambili. Isang dahilan na rin ang wala naman akong paggagamitan niyon.

Ngumiti ako nang maka-recieve ng text mula kay Papa.

From: Papa
Iha, anak. Mag-enjoy ka lamang sa mansyon. Kailangan kong bumalik sa States para sa business. Tulad nang pinag-usapan natin ay maayos na lahat ng papel mo sa Shinwoo University. Huwag mo ring isipin ang pera dahil may allowance ka sa ATM card na ibinigay ko sa iyo. Maraming salamat sa pagtanggap sa akin, anak.

Ngumiti ako. Napakabuting tao ng tatay ko. Akala ko kasi dati lahat ng mayayaman, matapobre pero hindi pala. Meron pa rin palang mababait tulad ng Papa ko.

Binuksan ko ang wallet ko. Tiningnan ko ang ATM card na galing kay Papa. 

Tinuruan din niya ako kung paano mag-withdraw ng pera gamit ito. Feeling rich kid na tuloy ako dahil dito. Isipin mo pa na hindi ko daw kialangang magtipid. Gastusin ko daw ang perang laman nito hangga’t gusto ko. Grabe si Papa, e saan ko naman gagastusin iyong laman nitong ATM card ko na one hundred thousand? Oo tama! One hundred thousand ang laman nito at allowance ko daw ito for one week. Hindi ko kinakaya si Papa, promise! E kasya na nga sa akin ang two hudred sa isang linggo. Tapos, may mga gadgets na naman ako, bago rin ang mga damit, bag at sapatos ko. Ano pa ang gagastusin ko? Wala na, maliban sa mga project sa school. Magkano lang naman iyon.

Siguro ay pupunta na lamang ako ngayon sa mall para mamili ng gamit ko para sa school. Simula na ng first semester bukas at first year college na ako. Nakaka-excite din dahil first time kong makakapag-aral sa isang exclusive school.



FIRST DAY OF CLASS. Kinakabahan akong bumaba sa kotse. Sosyal ‘diba, naka-kotse pa ako pagpasok ng school kasi may sarili akong driver. Paano ba naman akong hindi kakabahan, e nakikita ko palang ang mga estudyanteng bumababa galing sa kaniya kaniyang sasakyan dito sa parking lot ng school, e parang nanliliit na ako. Napakasimple naman kasi ng itsura ko saka hindi ako mukhang mayaman.

Muli akong huminga nang malalim saka bumaba na. “Manong, salamat po sa paghahatid, ingat po kayo pabalik ng mansyon.”

Ngumiti naman ang driver. Mabuti nalang talaga ay napakababait ng mga tao sa mansyon. Kaninang umaga ay ipinaggawa pa ako ni Manang Maring ng lunchbox. Para tuloy akong bata pero nakakatuwa kaya. Na-appreciate ko siya ng bongga do’n.

Naglakad na ako patungo sa building kung nasaan ang room ko. Sa room 201 ako kaya lumapit ako sa guard na on-duty sa loob ng campus.

“Ateng guard, saan po ang room 201?” tanong ko.

Sumimangot siya. Ang kapal kapal naman ng make up ni Ate. “Bakit, estudyante ka ba rito? Paano ka nakapasok rito?”

Natulala ako sa kaniya. Una sa lahat, napaka-judgemental naman niya. Nakaka-insulto iyong tanong niya. “Opo, estudyante po ako dito at doon ako galing sa parking lot.”

“Aba iha, sasakyan lang ang pwedeng pumasok sa parking lot. Bakit doon ka dumaan?”

Napakamot ako sa ulo ko. “Ateng guard naman, hinatid po ako ng driver ko.”

Nanlaki ang mata niya at sumimangot muli. “Talaga ba?”

“Ateng guard, saan nga po ang room 201?” muli kong tanong.
Parang labag sa loob pa niya akong tiningnan. Inaano ko ba  siya? Bigyan ko siya bukas ng harina para sa mukha niya.

“Patingin nga ng assessment mo.” Aniya.
Aba ayaw talaga maniwala ni Ateng guard, nakakaloka. Ganito na ba talaga sa school na ito? Porke mayayaman ang nag-aaral, kaming galing sa hirap ay mamaliitin nalang?

“Doon sa second floor. Pagka-akyat mo, kumaliwa ka tapos dumiretso ka, kapag nakita mo iyong restroom, kumaliwa ka pa tapos makikita mo ang library, lampasan mo iyon, kumanan ka at doon dumiretso ka sa dulo saka ka lumiko pa-kaliwa ulit at doon, makikita mo ang room 201.”

Medyo nahilo ako sa paliwanag ni Ateng guard. “Pwede bang pakiulit, Ate?”

“May shortcut naman, pag-akyat mo ng hagdan, kumanan ka lang tapos makikita mo na ang room 201.”

Ay nalintikan naman! Sa haba haba ng explanation niya, may short cut naman pala. Papahirapan pa talaga ako ni Ateng guard. Grabe siya!

“Sige, Ate salamat.”

“Ma-swerte kang makapasok dito. Scholar ka ba?” pahabol na tanong niya.

Umiling ako. “Hindi po. Anak po ako ng bagong may-ari ng school.” Sabi ko saka iniwan na siyang nakanganga roon.
Hindi ko naman masisisi si Ateng guard. 

Bukod sa wala naman akong kaayos-ayos, simpleng t shirt lamang ang suot ko saka pantalon. Hindi naman kasi ako marunong pang manamit ng pang-sosyal. Saka sayang naman iyong mga nabili ko sa ukay ukay kung hindi ko gagamitin. Saka ko na gagamitin iyong mga bagong damit ko. Kahit sino, iisipin na mahirap lang ako.

Nang makarating ako sa room 201 ay sumalubong sa akin ang maingay na klase. Magulo at may kanya kanyang mundo ang mga students.

“Oh my, as in oh my! Who the hell are you?” tanong agad nang mataray na babaeng naka-mini skirt lamang. Pwede pala iyon dito?

“Chelsea.” Sabi ko. Sino daw ako, e.

“What I mean is, hello! This is Shinwoo University. This is an exclusive school! 

This is a school for us, para sa mayayaman lang. Sino ka? Our personal maid here?”

Nagtawanan ang buong klase. Lahat sila ay kakaiba ang tingin sa akin. Aba, aba! Namumuro na sa akin ang babaeng ’to ah! Huwag niyang sabihing mayaman siya, dahil mayaman na din ako ngayon. Pantay lang kami saka kahit pa mahirap man ako, lahat ng tao dito, dapat pantay pantay lang.

Hindi ko muna siya pinansin. Humanap muna ako ng mauupuan ko. Tumuloy ako sa last row dahil ayokong mapaggitnaan ng mga salbaheng students. Nang makaupo ako ay lahat sila’y nakatingin sa akin. Ano na naman ba?

Kinalbit ako ng babaeng nasa unahan ko. 

“Reserve seats ‘yan.”

“Huh?” hindi ko pa agad na-gets.

Napatayo ako dahil reserve seats pala ang upuan dito sa last row. Grabe may ganito pala sa school na ‘to?

Kinalbit ulit ako ng babae sa unahan ko. “Dito ka nalang sa tabi ko.” nakangiting sabi niya.

Napangiti ako dahil hindi lang siya maganda. Maganda rin ang ugali niya. Umupo na ako sa tabi niya saka tiningnan siya. “Uy, salamat ha?”

She smiled again. “It’s okay! No worries. Anyway, I’m Janna.”

Mukhang friendly nga siya. Ang swerte ko naman dahil kahit puno nang mga salbaheng students dito sa room na ‘to ay meron pa palang mababait tulad ni Janna.

“Ako naman si Chelsea. Salamat talaga, ha?”

“Alam mo, huwag mo nalang pansinin ang sinasabi nila.” Aniya. “Huwag ka din papayag na inaapi ka, okay?”

Natuwa naman ako sa kaniya. “Oo naman! Ako yata si Chelsea Torres.”
Natahimik ang buong klase nang dumating na iyong professor namin.

“Goodmorning everyone! I know, familiar na kayo sa ibang kaklase niyo since dito na kayo nagsimulang mag-aral mula nang elementary until now. Pero may iba tayong new students kaya mas mabuting magkaroon tayo ng introduce yourself, isa isa.”

Nakakahiya naman. Magpapakilala pa kami isa isa. E sigurado namang wala silang pakialam sa akin.

“Hello, I know you know me guys, one of the most popular student here at SWU. I’m Angel Vanna Sabina who owns the beauty of a real angel.”

Iyong mataray na babae ang nagsalita. Napaka-kapal pala naman ng mukha niya. Kasingkapal ng make up niya.
Natapos ang first row, hanggang second row, pero biglang nagsigawan ang buong klase. Kami lang yata ni Janna ang hindi at saka iyong mga kaklase naming lalaki.

May tatlong lalaki palang papasok sa classroom namin at nang makita ko sila, wow! Wow ulam! Saang planeta sila galing? Hindi ko akalaing makakakita ako ng mga ganyang ka-gwapong lalaki. Akala ko sa TV lang ako makakakita ng ganyan.

“I love you, Kyle!”

“I love you, Adrian!”

“I love you, Lance!”

Habang nakatingin ako sa mga lalaking iyon ay para silang ng-slow motion. Parang kumikinang, parang si Edward Cullen lang ng twilight. Hindi pa magkamayaw sa tilian ang mga kaklase namin hanggang makaupo sa likod namin ni Janna iyong tatlong ulam—este tatlong lalaki.

Teka, sa likod ko sila? Kyaaaaaa! Nahiya ako bigla kasi naman! Never pa akong humanga sa kagwapuhan ng isang lalaki pero iyong beauty nang tatlong ito, bongga!

Hindi ko tuloy namalayan ang sarili kong nakasunod na ang tingin ko sa kanila habang sumisigaw ang isip ko ng... hmmm yummy!

“Now, let’s continue class.” sabi no’ng professor.

Ako naman ay hawak hawak ang pisngi ko para mapigilang lumingon sa likuran ko, My golly! Dalaga na yata ako. Kumekerengkeng na ako!

Napatingin ako kay Janna nang siya na ang magsalita.

“Hi guys! I’m Janna Ruiz. Hope we’ll all be friends. I hate maarte so back off bitches.”

Natawa naman ako sa pagtataray niya. Kasi naman, mukha pa rin siyang mabait.

Tumayo na ako dahil turn ko na pero nagsigawan iyong mga classmates ko.

“Boooo!”

“No need to introduce yourself, bitch!”

“She’s like a maid, gosh!”

“Paano ‘yan nakapasok dito?”

“Ang dungis dungis naman niya, ew!”

Wow ha! Matatanggap ko pa iyong sabihin nila na mukha akong katulong pero iyong madungis ako? Aba, sumosobra naman yata sila!

Tumikhim ako saka nagsalita. “Excuse me lang ha. Hindi ako katulogn at may pangalan ako. Ako si Chelsea Torres. Hindi naman po sa pagmamayabang pero gusto ko pong ipaalam sa inyo na ako ay anak ng bagong may-ari ng school. Siguro mukha nga akong mahirap dahil galing naman talaga ako sa hirap. Pero kahit nalaman kong mayaman ang tunay kong Papa, hindi ako nagmataas sa inyo. Hindi kasingganda ng suot ko ang mga suot niyo. Hindi naman kasi ako sanay pa sa mamamahaling damit pero hindi naman ako madungis.”

Natahimik silang lahat.

Tumingin naman ako sa pasimuno ng katarayan. “At ikaw, sa ugali mong iyan, mas madungis ka pa sa aking tingnan. Tingnan mo nga iyang make up mo, ang kapal kapal. Estudyante ka ba o hostess sa bar?”

Nagtawanan naman ang buong klase. Para namang uusok ang ilong ni Angel sa galit.

Ngumiti ako sa buong klase. “Kaya kahiya hiya man sa inyo, hayaan niyo akong mag-aral ng matiwasay dito dahil iyon lang ang hangad ko. Kaya kung ako sa inyo, sa halip na kalandian at pamamahiya ang atupagin niyo, mag-aral nalang kayo.”

Huminga ako ng malalim saka tumingin sa professor. “Sorry po, Ma’am kung masyadong mahaba ang introduction ko. Thank you po.”

Umupo na ako at nagulat ako ng magpalakpakan ang iba kong classmates kasama na si Janna na ngiting ngiti sa akin.

“I like your power, girl! Ang bongga mo! I like you na talaga! Ikaw na talaga ang bestfriend ko!” niyakap pa niya ako.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. 

“Bestfriend?”

“Oo! Ano ka ba, wala din naman akong friends dito dahil hindi ako dito pumasok ng highschool. Elementary lang ako pumasok dito at kakabalik ko lang din ngayon kaya bestfriends na tayo ha!”

“E, sige.” Nahihiyang sagot ko.

Kahit puno ng mga laiterang classmates ang room na ito, natuwa ako na kahit isa lang ay nagkaroon ako ng kaibigan.
Pero nagtataka talaga ako dahil hindi na nagpakilala iyong tatlong ulam—lalaki sa likod dahil nagsimula na ang professor sa pagka-klase.


  • (26 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018