Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Kailan kaya mapapalitan ng tamis ang pait sa isang pusong labis na nasaktan ng dahil sa pag-ibig?

Dear ex,

Puro saya ang aking naramdaman mula noong ika’y aking natagpuan. My heart was literally racing tuwing ikaw ay aking nakakausap. We promised to love each other until the end. We promised to never give up... to never let go of each other’s hand. And here I am asking, why?

Naalala mo ba noong nagliligawan pa lang tayo? Samu’t saring matatamis na salita ang lumalabas mula sa bibig mo. Pick up line dito. Pick up line doon. Ako naman ay parang bulateng inasinan sa sobrang kilig na nararamdaman.

And when that day when I finally said yes, you were the happiest. You said “I love you” every day and I never failed to answer “I love you too”. Good morning message first thing in the morning. The sweetest good night message before we go to sleep. I felt like I was in Cloud 9 everytime na magkausap tayo. Akala ko ikaw na. Akala ko tayo hanggang huli. Akala ko iba ka. Akala ko hindi tayo susuko. Ang lahat pala ay puro mga maling akala.

Hanggang sa dumating ang araw na aking kinatatakutan.. bigla kang nagbago. Tila ba ako ay isang hangin na lamang na nararamdaman ngunit hindi pinag-uukulan ng pansin. Ang dating mahahabang good morning at good night messages, napalitan ng “Mornin” at “Night.” Tila ba nawalan ka na ng gana sa relasyong ating pinaghirapang buuin.

Ang dating mainit na samahan na para bang wala nang hanggan, nanlamig... naglaho.

Ang dating dahilan ng matatamis na ngiti, siya rin palang magiging sanhi ng pagluhang hindi ko maikukubli.

Bakit? Bakit mo ako iniwan? Bakit mo ako sinaktan? Paano? Paano ako magsisimula? Paano kita makakalimutan? Saan? Saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali? Paulit-ulit kong itinatanong sa aking sarili ang mga katanungang hindi mo nabigyan ng kasagutan.

Hindi ako galit sa iyo. Hindi kita kinamumuhian. Disappointed lang ako. Wanna know why? Because you turned out everything you said you'd never be. Mga pangakong napako, mga planong hindi na maisasakatuparan, ang dream wedding nating matagal nang pinagpaplanuhan, ang basketball team na ating bubuuin, ang bahay na magkasama nating pag-iipunan. Para silang mga bula.. bigla na lang nawala.

Mahal pa ba kita? Oo sobra. Pero tama na. Sapat na iyong sakit na iyong dinulot sa aking pusong sawi. Sapat na ang mga luhang nailabas sa aking mga mata. Tao lang ako. Napapagod din. Sumusuko rin kung alam kong wala na talaga.

Pinapatawad na kita. Hindi ka pa man humihingi ng kapatawaran, ay napatawad na kita. Pinapalaya ko na ang sarili ko sa galit at sama ng loob. Malaya ka na. Malaya na rin ako. Hindi man kita kayang harapin sa ngayon pero darating ang tamang panahon... na ang ating mga landas ay muling pagtatagpuin ng mapaglarong tadhana. Pag dumating ang oras na iyon, sisiguraduhin kong kaya ko na. Kaya na kitang tignan sa iyong mga mata at sabihing, “Masaya na ako... mas masaya akong wala ka...”

Hanggang sa ating muling pagkikita.


Nagmamahal pa rin,

Heart


  • (5 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Girl in the End

Lies. Deception. Lust. Who gets the love? Who should be loved? Girl in the end.

Image Description

09 August 2018