Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Mia

"Trese anyos pa lang si Mia. Si Ron magsasampung taon pa lang. Samantalang si Jen ay napakaliit pa sa pitong taon na edad niya. Kawawa naman sila para maagang maulila sa ina."

Yakap ko ang dalawa kong kapatid habang sabay-sabay kaming umiiyak. Sa murang edad naming tatlo, naiintindihan na namin ang ibig sabihin ng kapitan ng aming baryo. Wala na si inay. At mag-isa na lamang si itay para itaguyod kaming mga anak nila. Biglaan ang nangyari. Ayon sa narinig ko, may aksidenteng naganap sa isang gusali kung saan pumunta si inay. Sa pagnanais niya na makahanap ng maayos-ayos na hanapbuhay, tinungo niya ang Maynila para makipagsapalaran. Hindi maiwan ni itay ang sakahan dahil siya lamang ang nakakaalam kung paano iyon patakbuhin. Kung may pagpipilian siya, hindi niya hahayaan ang ilaw ng aming tahanan na mawala at umalis para pandagdag ng aming ikabubuhay. Pero ngayon ay huli na. Wala nang kwenta kahit magsisi kaming lahat.

"Ate, makikita pa ba natin si inay?" nag-aalala ang tinig ni Ron. Napaluha ako nang hagurin niya ang buhok ng aming bunsong kapatid.

Paano pa namin makikita si inay? Ang dinig ko ay nagkalasog-lasog ang katawan niya dahil sa pagbagsak ng gusali. Naroon si inay ng araw na bigla na lamang gumuho ang inakala niyang mag-aahon sa amin mula sa kahirapan.

"Hindi ko alam, Ron. Pero kailangan nating tulungan si itay. Nakita nyo ba kung paano siya umiyak? Hindi tayo dapat ganito. Dapat ay alagaan din natin si itay. Baka parehas pa silang mawala sa atin."

Lalong umiyak si Ron. Dahil malapit ang mga kapatid ko sa isa't-isa, ang makitang lumuluha at nasasaktan ang isa sa amin ay parang kami na rin ang dumaranas. Kaya ganoon na lamang ang pag-iyak ni Jen.

Marami ring mga kabaryo namin ang nakidalo noong araw na ilibing na si inay. Tinulungan kami ng ilang mga kaanak at kaibigan upang mairaos ang pagpapalibing sa sementeryo 'di kalayuan sa aming gawa sa kawayan na bahay.

Ilang araw na hindi makausap si itay. Naantala ang pagpasok namin sa eskwela. Sa totoo lang, ayoko na ring mag-aral. Gusto ko na lang tumulong sa bukid. Gusto kong makatulong kay itay at alagaan ang mga kapatid ko.

Nagdaan ang mga araw at unti-unti na naming natatanggap ang pagiging ulila sa ina. Nagsisimula na si itay sa panibagong pagsasaka sa bukid. Dumalo siya sa maraming pagpupulong upang mas matuto sa pagtatanim.

Nakatapos ako ng high school. Iginapang kami ni itay. Kaya masisisi ba ako ng kahit sino dahil sa pagtanaw ko sa kanya ng utang na loob? Nakatapos ako ng simpleng kurso sa office administration. Sa bayan lang ako ng Palayan nagtapos. Iginagapang din ni itay ang pag-aaral nina Ron at Jen.

Lumuwas ako pa-Manila. Sumubok maghanap ng kahit na anong mapapasukan. Sa simula ay mahirap. I didn't know about the descrimination between graduates from provinces compared to those prestigious schools in Manila. Kahit pa matataas ang mga grado ko, iba ang pagtingin ng marami dahil galing ako ng probinsiya. Kaya nanilbihan muna ako bilang serbidora sa isang canteen. Doon ko nakilala si Atty. Lumida Magno. Nang minsan mapadaan siya sa canteen at natapunan niya ako ng tingin habang nagpupunas ng mesa. At sa mismong gusali kung saan ako nagsisilbi, natagpuan ko ang opisina ni Atty. Magno.

Tatlong taon na pahirap. Tatlong taon na pagtitiis. I endured everything for my family. Atty. Magno was indeed generous. Pero kapalit naman ay ang panlalait niya sa pagkatao ko. Yes, she's a good lawyer. Pero magaling din siyang mambaluktot ng batas. Isa siyang matandang dalaga na kahit sa magandang anyo ay tuso at mabangis sa kapwa. Hanggang sa hindi ko na natiis ang marinig pa ang masasakit na salita mula sa bibig niya.

"Wala ka rito kung hindi dahil sa akin. You're nothing when I found you from that dirty food stall. If not with my kindness, you'll end up as a prostitute. You'll be fvcking every men that walk into you for money. Nakakadiri ka na sana ngayon dahil kung sino-sinong lalaki na ang kumalantari sayo! Nagdidildil na siguro ng asin ang mga kapatid pati na ang ama mo!"

Naubos ang lahat ng pagtitimpi ko. I fought and answered her back. I thought she could be my good samaritan. But I thought it wrong. Kahit wala siya, kahit hindi dumating si Atty. Magno sa buhay ko, makakaraos kami dahil mabuti at masipag na tao ang itay ko.

"Hindi kami aabot sa sinasabi mo attorney. Dahil hindi kami katulad mo na walang puso at walang respeto sa damdamin ng ibang tao. Abogado ka nga pero para kang walang pinag-aralan!"

That was the trigger. That was all she was waiting to hear from a simple, lower class clerk like me. And so I was terminated. Immediately.

ONE NIGHT RIDE by MAR MOJICA

COPYING AND ANY FORM OF PLAGIARISM WILL BE APPREHENDED


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
03 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
28 August 2019