Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Kapag Muling Tumibok ang Puso

Image Description karenmeiccaro   |   23 May 2020


Kapag muli kang nagmahal, piliin mo na ang magtatagal

Bakit ka pa nagmamahal kung masasaktan ka din lang naman?
Pasasayahin ka sandali ngunit iiwan ka din pala sa huli
Bibigyan ka ng rosas at tsokolate, kasabay ng matatamis na mga salita, ngunit ipagpapalit ka rin sa iba
Hahawakan ang mga kamay mo na tila ayaw kang pakawalan ngunit lahat ay pansamantala lang

Parang ang hirap nang maniwala
Kasi parang pare-pareho lang sila
Walang pinagkaiba
Sasaktan ka din katulad noong una
Hindi mo alam kung sino ang tapat
Kung sino ang tunay na nagmamahal
O baka naman ginagawa ka lang panakip-butas at libangan

Sa susunod na magmamahal ka, dapat mong maunawaan na maari ka pa ring masaktan Pero huwag mo nang hayaan na maulit na naman ang nakaraan
Matuto ka na sa iyong mga pinagdaanan
Na kapag nagmahal ka, mag-iwan ka din ng para sa sarili mo para kapag iniwan ka, meron pa ring natira para sa'yo

Kaya kapag muling tumibok ang iyong puso, piliin mo 'yung tao na minamahal ka nang totoo at buong-buo
'Yung hindi nananakit
'Yung hindi nagbibigay ng sama ng loob
'Yung hindi ka pinagseselos
At 'yung hindi ka niya bibigyan ng dahilan para pagdudahan mo ang kanyang nararamdaman

Kaya kapag natagpuan mo na siya, huwag mo nang pakawalan
Yayain mo na agad na magpakasal
Kasi endangered species na ang mga ganyan


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

SEPARATION ANXIETY

The book is a collection of some of my self made poems from the last couple of years of my life that tackles my personal experiences in love, personal struggles, depression, heartbreak and moving on.

Image Description
SADMARKWRITES
23 August 2018