Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Love Me

Image Description @JoAnDi17   |   23 May 2020


Is it true that the more you hate the more you love

Part 1: On my own

"Ingat kayo"! ", I slurred at my words. Nahihilo na rin ako sa dami ng nainom ko. Nagpaalam na ako sa kanila ng makasakay sila sa taxi. Gusto kong mahimasmasan at mawala ng konti sa sistema ang alak kaya naglakad-lakad ako. Dinama ko ang malamig na simoy ng hangin. Malalim na ang gabi at may pailan-ilan na lang na naglalakad rin kagaya ko. Ganunpaman, buhay na buhay pa rin ang buong siyudad.

Si Antonia kaya? Nagkita kaya sila ni Andrew? Natawa ako sa sariling naisip. Siguradong nagkita sila. Si Andrew pa ba? Pagkagaling sa airport, si Antonia agad ang hinanap nya. Binulabog nya ang nananahimik ko cellphone sa mga tawag at text nya. Wala syang sinayang na oras ng malaman nyang umuwi na si Antonia at kasama pa si Carlos. Bwisit talaga yung lalaking yun. Napakaepal.

"Bwisit na Carlos!", sabay sipa ko sa maliit na bato sa daraanan ko. Dahil na rin siguro sa pagkahilo, napaupo ako sa kalsada.

"Ah!", napatuon sa semento ang kamay ko at nadoon ang maliit na gasgas.

"Do you think it's fair to curse someone ng wala nang ginagawang kasalanan at masama sayo?", napatingala ako sa taong nagsalita.

Speaking of fhe devil.

"Kahit wala kang ginagawa, masama ka", sagot ko habanh pinipilit tumayo. Nahihirapan ako. Dahil na rin siguro sa sakit ng tuhod ko ng matumba ako kanina.

"Umalis ka nga sa harao ko, bwisit ka!"

He smirked at me. Natutuwa sa paghihirap na nararanasan ko. He was definitely laughing at me.

"Ayoko nga. I will make this my personal entertainment to see you slump on the road"

Nakakapag-init talaga ng dugo 'tong bwisit na playboy na' to. Minamalas talaga ako kapag nandito 'to eh.

"Kung tinutulungan mo kaya akong tumayo"

"Why would I?"

"Alam mo, bwisit ka talaga. Hindi ka talaga gentleman"

"At sino' ng nagsabing gentleman ako? At sayo pa talaga? Wala kang ginawa kundi sabihing playboy ako kaya bakit kita tutulungan?", at ang bruho, nagtaas pa ng kilay. Bunutin ko yang kilay mo makita mo!

"Whatever", pinilit ko pa ring tumayo.

"Arghh!"

I was concentrating on putting all of my strength to stand when I saw a flash of light from above me.

He took pictures of me!

"Stop it!", sigaw ko sa kanya. Pero tinaasan lang nya ako ng kilay. Bubunutin ko talaga yan!

He stopped though and put his phone on his pocket.

"Delete it!"

"I may use it in the future kaya hindi ko buburahin"

"As if namang matatakot ako sayo. Kahit ilabas mo pa yan sa publiko at dyaryo, wala akong pakialam"

"Thought so. Kaya it will stay there"

I rolled my eyes on him.

At ang lalaking walang modo, umalis ng hindi ako tinutulungan. He walked away like he didn't know me. Ni hindi man lang ako tinulungan. Wala talaga akong maasahan sa kanya.

I was struggling but I made a stable stand and walked. I could still see his back while he trudge along his path. He gulped down from the bottle in his hand na noon ko lang napansing hawak nya.

His back looked so broken. His back looked so sad.

Napailing ako. Pakialam ko naman kung malungkot sya. Madami syang babae kaya hindi sya malulungkot.

At wala akong pakialam sa kanya. I continued walking on my own.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019