Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




King of Jealousy

Image Description mixhaelle   |   13 May 2018


"Sa pagiging seloso niya, minsan nakakasakal na at gusto kong kumawala. Pero narealized kong sa pagiging seloso niya napatunayang mahal na mahal niya ako." -His queen.


“Sino na naman iyang ka-chat mo?” nagulat naman ako ng may isang gwapong lalaki ang tumabi sa’kin.

Meet Skye. He is my over-protective, conservative and possessive boyfriend.
Mahal na mahal niya ako. At syempre mahal na mahal ko din siya.

Breaktime kaya naman ngayon lang ako makakapag-open ng social media. Pareho kaming second year college pero magkaiba ang course na kinukuha.

“Nagti-text ba din sa’yo iyong Luke na iyon?”

Si Luke ang long-time admirer ko. Simula high school pa lang kami ay sinabi na niya sa’kin ang nararamdaman niya. Oo, mas una ko siyang nakilala kay Skye. Pero alam niyo iyong pakiramdam na may mga taong minamahal talaga at may mga taong mahalaga lang. Si Skye lang ang mahal ko at minahal ko. Naging kaibigan ko na din naman si Luke at walang awkward moments kahit na alam naming pareho ang nararamdaman namin sa isa’t-isa. Magkaklase kami ngayon, at siya ang madalas na pagselosan ni Skye.

Two years na kami ni Skye. Two years na lambingan, asaran, tampuhan at selosan. Nagkakasundo naman kami sa lahat ng bagay, iyon nga lang siya ang hari ng selos kaya lagi na lang kaming parang aso’t pusa kung magbangayan.

Alam niyo ba iyong konting mapalingon ka lang sa lalaki, magagalit na siya at susuntukin na iyon.

Iyong eksanang lahat ng social media accounts ko alam niya ang password at kung minsan pa siya ang nag-ooperate. Siya lang din ang may karapatang mag-accept ng friend request doon.

Iyong lahat ng suot ko kailangan ko magpicture at isend sa kaniya para lang iapprove niya. Bawal ang short o palda. Basta kahit anong damit na hindi lampas tuhod, BAWAL.

Iyong kailangan ko na lang lagi patunayan sa kaniya na siya lang naman talaga ang mahal ko. Aaminin ko, nasasakal na ako. Sino nga ba naman ang hindi kung ganyan ang boyfriend mo? Pero mahal ko lang talaga siya. Mahal ko siya kahit parang wala siyang tiwala sa nararamdaman ko para sa kanya.

“Friend ko si Luke at partner ko siya sa project.” Plain kong sagot

Heto na naman kami. Magpapaliwanag ako at hindi na naman siya maniniwala.

“Project? Bakit wala ka atang nasabi sa’kin na ganoon.”

“Wala ba? Sorry, nalimutan ko lang siguro.”

“Nalimutan or ayaw mo lang talaga ipaalam sa’kin para magkaroon kayo ng oras ng Luke na iyon na hindi ko nalalaman.”

“Skye!” napataas na ang tono ko.

Unti-unti na naman akong naiinis sa ugali niyang iyan.

“Partner ko lang siya, okay. Si Luke na naman ba ang pagtatalunan natin.” Mahinahon kong saad sa kaniya. kailangan kong kumalma kapag ganiyan siyang parang leon na galit na galit na naman.

“Iwasan mo siya at hindi na tayo mag-aaway.”

“Okay. Kung gusto mo akong bumagsak sa subject kong iyon na kapartner ko siya, iiwasan ko.”

“Gusto mo rin kasi na kapartner ang Luke na iyon.”

“Pwede ba, Skye. Nakakapagod magpaliwanag sa’yo. Itigil na natin ‘to.” Paalis na ako nang hawakan niya pa ang kamay ko dahilan para mapatigil ako sa pagtayo.

Kahit gaano mo pala talaga kamahal ang isang tao, darating din iyong oras na susuko ka na lang. Hindi dahil ayaw mo na, kundi ang sakit-sakit na. Pakiramdam ko hindi ako makahinga sa tuwing ganiyan siya.

Umabot kami ng two years at ngayon pa ba talaga ako susuko? Ngayon lang ako sumuko, ngayon ko lang gustong bumitaw na lang. Sadyang nakakapagod din talaga. Gusto ko munang magpahinga sa lahat ng pagseselos niya. Gusto ko lang makahinga!

“Jea naman.” Malambing niyang boses. Dadaanin na naman niya ako sa ganiyan?

“Kung mahal mo talaga ako, hahayaan mo ako.” matapang kong sambit

Sa totoo lang, naiiyak na ako? Pakiramdam ko gusto kong bawiin ang sinabi ko. Pero gusto ko rin lang muna mag-isa, iyong walang Skye na dinidiktahan ang lahat ng kilos ko.

“Para ano, mapunta ka sa iba? Hindi ako tanga, at hindi ako ganoon kagago para bitawan ka at makitang hawak ng iba.”

“Ayoko na, Skye. Pakiramdam ko, hindi na ako si Jea na minahal mo.”

“I’m sorry. Sorry kung ano man iyong nasabi ko.” Napayakap pa siya sa’kin.

“I’m sorry.” Bago pa man magbago ang isip ko, umalis na ako at iniwan siya doon.

Ang sabi ko sa sarili ko noon, habulin mo lang ako at magiging okay tayo. Oo, konting suyo pa at bibigay ako. 
Pero hindi niya iyon ginawa. Sa lahat ng pag-aaway namin ngayon lang niya ako hindi sinuyo pa, ngayon lang niya ako hinayaan umalis. Ngayon lang. Siguro nga, sinunod niya ang gusto ko. Siguro nga, nagsawa na din siya.

Ilang araw pa ang lumipas, ang Skye na makulit na nagtetext sakin, iyong lalaking nagpapaalala sa’kin ng mga dapat kong gawin, iyong taong nagpapahalaga sa’kin ng lubos ay hindi na nagparamdam.

Ganoon ko din ba siya nasaktan?
Ganoon niya ba nirerespeto ang gusto ko?

Ilang beses na nagkasalubong kami pero para lang akong hangin na hindi niya nakikita. Ilang beses niya pa akong nakitang kasama si Luke habang nagdi-discuss kami ng about sa project namin, pero binaliwala niya iyon. Sinubukan ko din magsuot ng mga binabawal niyang damit sa’kin pero hinahayaan niya lang din iyon. Bakit nga ba ako nasasaktan? Heto ang gusto ko diba?

Pakiramdam ko, ako iyong iniwan kahit ako naman ang nang-iwan.

Lumipas pa ang ilang buwan at umakto akong masaya kahit ang totoo unti-unti na akong pinapatay ng pambabaliwala niya sa’kin. Minsan pa, iniisip ko na lang na magiging maayos din ang lahat, na masasanay din akong wala siya sa tabi ko, na mas magiging okay ako na walang boyfriend na ubod ng seloso. Ginusto ko siyang mawala sa buhay ko diba? Ako ang unang bumitaw kaya dapat lang na kayanin ko ito. Kahit masakit, lalaban ako. 

Noong nagkaroon ng event ang university namin, pumunta ako at sinigurado ko talagang magpapakasaya ako.

“Okay lang ba sa’yo na uminom? Baka magwala ang boyfriend mo ha.” Biro ni Luke sa’kin.

“Ex.” Pagco-correct ko pa at natawa naman siya doon.

Ang totoo niyan kahit ngayong wala na kami ni Skye, hindi na ako nag-entertain ng iba pang manliligaw, even Luke. He only stay as my bestfriend.

“Kung hindi ka na niya pinagbabawalan, sa’kin bawal.” Sabay kuha ni Luke ng basong hawak ko.

Tiningnan ko naman siya ng masama saka pinilit kunin ang basong iyon na may laman na alak.

“Huwag ka ngang umarteng parang siya. I’m sick of it.”

Napatigil naman si Luke at napatingin sa’kin. Nagulat din naman ako sa nasabi ko, hindi ko sinasadya iyon. Simula din kasi noong wala na kami ni Skye, si Luke ang nagbabawal sa’kin, although bestfriend lang ang turingan namin. May mga pagbabawal pa din naman as bestfriend diba, he cares too much at ang sakit lang kasi sa tuwing ganoon siya it reminds me of Skye.

“Iyon na ba iyong bagong nililigawan ni Skye? I heard transferee siya at close na close ang family nila.” Narinig ko namang bulong-bulongan ng mga babae sa likuran ko. Wala naman ako magawa upang tingnan iyon, at oo maganda siya. Mukhang masaya din naman si Skye sa kaniya? Ganoon na lang din ba ako kadali ipagpalit? Kaya ba  sumuko na lang siya ng tuluyan at nagmahal na lang ng iba?

Dear girls, masakit makita ang taong sobrang pinahalagahan ka noon pero heto’t pinapahalagahan na ng iba.

Anong nangyari sa sinabi mong [“Para ano, mapunta ka sa iba? Hindi ako tanga, at hindi ako ganoon kagago para bitawan ka at makitang hawak ng iba.”] ?

Bumitaw ako, pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na kita mahal.
Iniwan kita pero hindi ibig sabihin noon ipagpalit mo na lang ako ng ganoon kadali.
Minahal mo ba talaga ako?
Tapos ako heto ngayon at pinagduduhan ang pagmamahal na ipinaramdam mo noon. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Nakakahibang pala mag-isip. Nakakabaliw pala kapag wala ka.
Ang sakit lang pala makita ka na may bago ka ng minamahal at pinoprotektahan. Hindi na ako.

Pinagseselosan mo din ba ang lahat ng lalaking nakapalibot sa kaniya?
Pinagbabawalan mo din ba siyang makipagkaibigan sa mga lalaking hindi mo kilala?
Mahal mo din ba siya tulad ng pagmamahal mo sa’kin noon?

Pwede bang maging si Basha ako at bawiin ang panahong iyon? Pwede bang tayo na lang ulit? Tayo na lang ulit Skye.

“Okay ka lang?”, napalingon naman ako sa nagtanong na iyon at si Luke pala.

Ngumiti naman ako at sinabi ang kaplastikang linya , “Oo naman.”

Inabot niya ang basong inagaw niya sa’kin, “Ngayon lang kita hahayaang maglasing ha.”

Unti-unti naman tumulo ang luha ko at pinalusot na, “Masyado akong na-touch sa sinabi na naiyak tuloy ako.”

“Halika, may ipapakita ako sa’yo.”

Dinala naman ako ni Luke sa rooftop ng building namin at nakita doon ang napakaraming stars.

“Ang ganda.” Para naman akong bata doon na tuwang-tuwa sa nakita ko

“Katulad ng mga stars na iyan ang pagmamahal ni Skye para sa’yo.”

Napatingin naman ako sa kaniya na may pagtataka.

“Hindi kailanman nawala ang mga bituin na iyan sa kalangitan, pero tuwing gabi mo lang sila nabibigyang pansin dahil sa nakikita mo sila. Hindi naman dahil sa hindi mo na sila nakikita at nakakasama ay iniwan ka na nila ng tuluyan. Hindi siya nawala at umalis sa tabi mo, Jea. Patuloy ka niyang pinapahalagan at iniingatan. Kaya ako nagstay sa tabi mo dahil na rin sa pinaki-usapan niya akong h’wag kang gumawa ng kung ano-anong makakasama sa’yo. Ako na pinagseselosan niya ng husto ang pinagkatiwalaan niya na ingatan ka habang hindi mo pa kaya na bumalik sa dating Jea na sinabi mong nawala simula noong minahal mo siya. Gusto niyang ibalik sa’yo ang lahat ng hindi niya naiparanas sa’yo noong kayo pa. Gusto niyang mahalin mo ulit ang sarili mo.”

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko dahil sa sinabing iyon ni Luke.
Napalingon ako at gusto ko siyang puntahan at yakapin ng makita ko ang isang Skye na nakatayo sa harapan ko.

Iniwan kami ni Luke doon at patuloy lang akong nakatitig sa lalaking akala ko nawala na sa’kin.

“Pwede na ba kitang mahalin ulit, Miss Jealin Luz?”

Napayakap naman ako sa kaniya at ilang tango ba ang kailangan kong gawin para sabihin at iparating sa kaniya na “Oo. Oo na.”

“Mahal na mahal kita, Jea. I’m sorry kung akala mo iniwan kita ng ganoon na lang. Binigyan kita ng oras at naisip ko din na tama ka. Kailangan natin iyon upang mas mahalin ang sarili natin. Mas nakilala ko ang sarili ko dahil sa ginawa mong iyon. Akala ko dahil sa paghihigpit ko hindi ka na mawawala pa sa’kin, pero mali ako, lalo ka lang pala nasakal at naging dahilan iyon upang lumayo.”

“Okay na ako. Kahit ilang pagseselos at paghihigpit mo pa, hindi na kita iiwan pa.”

Minsan ang akala natin na tapos na, ay hindi pa pala.
Bago pa man mahuli ang lahat, iparamdam natin sa taong mahal natin at nagpapahalaga sa’tin kung gaano natin sila kamahal bilang sila.

“Teka nga, sino iyong kasama mo kaninang magandang babae ha?”, bigla kong pagbago ng emosyon at pagtataas ko ng boses. Wala eh, bigla kong naalala.

“Nagseselos ka ba?”

“Skye! Sumagot ka na lang kundi sasabunotan ko ang malanding babaeng ‘yon!”

“Ikaw na ba ang selosa kong girlfriend?” natatawa niya pang tanong

“Ayaw mo talaga sumagot,ha. Mahal mo din iyon ano!”, naiinis na naman ako

“Pinsan ko iyon. Isa pa, ikaw lang ang mahal ko.”, sabay halik niya sa noo ko.

This is our second chapter.
Hopefully maging happy ang ending kahit na alam kong mapupuno pa din ang pagsasama namin ng saya, asaran, tampuhan at selosan. It all belongs to the journey of love at hindi mawawala iyon o maiiwasan man. Ilang libong selos pa iyan, hinding-hindi ko na siya iiwan pa. Bukod sa ayaw ko ng magmukhang tangang nagpapaka-plastik maging masaya ay hindi ko pala talaga kaya na wala siya. Ipagbawal na niya ang lahat, h’wag lang iyong bawal na mahalin siya. Papahalagahan ko siya higit pa sa pagpapahalagang ipinaramdam niya.

Mahal na mahal kita Skye kahit pa ikaw ang “King of Jealousy”.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

She's the Bad boy's Princess

A feisty province girl was tasked to tame the most notorious, most evil and most feared bad boy prince of the all Westside University, Jave Santillan-the Campus Demon Rex.

Image Description
VixenneAnne
11 September 2018
The Black Sheep

Sa lahat ng bagay ay panalo si Luis Armando Arguello. Name it and he has it. The fame, money, face and body that women desires and men covets to have.

Image Description
Makris Orpilla
16 September 2018