Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Alas dos ng hapon ay naisipan ko nang umalis sa hotel na tinutuluyan ko at nagtungo sa bahay ni Renzo. It was huge as usual but looks so sad now after what happened.

Sa gate ay nagbabantay ang isang gwardiya. "Good morning, Ma'am." bati niya.

Nginitian ko si Manong at saka tumanaw sa pinto na kita mula rito sa labas ng gate. "Nasaan po si Renzo?"

"Ay nasa barangay hall, Ma'am. Doon sila nag-uusap ng mga kliyente nila."

"Malayo po ba 'yun dito?"

"Mag tricycle na lang kayo sa sakayan, Ma'am."

"Ah sige, salamat po."

Nang makarating ako sa barangay hall ay hindi ko naman alam kung saan ko hahanapin si Renzo. Lumapit ako sa isang ginang na mukhang dito nagtatrabaho. "Ma'am, nandito pa ba si Renzo Solivares?"

"Nandito pa si Sir Renzo pero may meeting sila sa taas. Gamit nila ngayon 'yung function hall."

"Ah sige, maghihintay na lang po ako rito."

Umupo ako sa bakanteng silya at naghintay. Halos isang oras din ang nakalipas nang matanaw kong may mga bumababa sa hagdan. Una kong nakita ang dalawang lalaking may edad na at nang umangat ang tingin ko ay laglag ang panga ko habang nakatanaw. Kahit sa simpleng pagbaba sa hagdan ay napakakisig niyang tignan. Imbes na lapitan siya ay nanatili akong nakaupo dahil nanghihina ang tuhod ko. Litaw na litaw siya sa lahat dahil sa kaniyang tangkad. When we were dating, he's already 6 feet tall but right seeing him this close right now, alam kong tumangkad pa siya lalo.

Mas nahubog na ang kaniyang panga pero ang noo niyang madalas kumunot ay ganoon pa rin dahilan para mapansin mo ang makapal niyang kilay at mga matang kulay tsokolate. He's still handsome and mature looking as ever. Unang tingin mo pa lang ay mararamdaman mo agad ang pagiging seryoso niya sa lahat ng bagay, sa pag-aaral, pagtatrabaho o sa pakikipag-usap. Tamad na nakadantay ang dalawa niyang palad sa kaniyang balakang habang nakikipag-usap sa mga kliyente na tila nagpapaalam. He looks frustrated.

Nang dumapo ang tingin niya sa akin ay halos mapigil ko ang paghinga ko. He still has this effect on me, pakiramdam ko'y hinahalukay niya ang puso ko gamit lamang ang mga tingin niya. His dangerous looking eyes are telling me to run for my life.

Kumunot ang kaniyang noo, lumapit at saka tinuro ako habang ang isang kamay ay nasa balakang niya pa rin. "Nagpunta ka talaga rito?"

Umiwas ako ng tingin. He smirked and looked at me with disbelief. "Go home." Yumuko ako. Something inside me is crumpling by the way he looks at me. I feel so.. insignificant.

"Hindi naman ako bumiyahe ng dalawang oras patungo rito para lang umuwi. I want to help."

"Did I ask you to do this?"

"No, but.. I want to help."

"You can't help."

"Just let me know the whole situation and I will try to help."

"I can handle this. Go back to Manila."

"Renzo, I want to help."

"Bakit ba ang kulit mo?!"

"Because I care!"

He bit his lower lip at umiling. Mukhang sumuko na rin siya pero hinila niya ako palabas ng barangay. "Where are you taking me?"

"Hindi ko 'to maaasikaso kung nandito ka. Makakagulo ka lang, umalis ka na."

"No. Hindi ako makakagulo, promise!"

Umigting ang kaniyang panga at sa sobrang gulat ko ay nanatili ang tingin ko roon. Tila gigil na gigil siya sa kakulitan ko. "Bahala ka." Saka siya lumingon sa bawat sulok ng kalsada habang ako ay pinagmamasdan lamang siya.

Nakakunot ang kaniyang noo dahil sa sikat ng araw habang bahagyang nakabukas ang kaniyang bibig, these small details about him is what I love the most. The way he licks his lips, scratch his irritated neck.. or blink, it all mattered to me, like a view I would love to memorize.

May mga taong nagdatingan at isa-isa silang kinamayan ni Renzo. Tinatawag siyang Sir at may suot silang magkakaparehong ID kaya sa tingin ko ay sila na ang mga empleyado. Nasa labinlima ang narito at sabay-sabay silang umakyat sa taas.

Imbes na sumunod ay lumapit ako sa gwardiya. "Kuya, nasaan ang kusina ng barangay?"

"Bakit, Ma'am?"

"Ipagtitimpla ko ng juice tsaka gagawan ko ho ng meryenda 'yung mga dumating na empleyado ni Renzo." Saka ko tinuro ang hagdang inakyat nila kanina.

"Ah, kilala niyo pala si Sir Renzo, Ma'am?"

Ngumiti ako at tumango.

"Sige, Ma'am. Sa kanan po tapos diretsuhin niyo hanggang dulo. Nandon si Menchi, magpatulong na lang kayo sa kaniya."

Ngumiti akong muli. "Salamat po."

Agad akong nagtungo sa kusina at naabutan ko roon ang isang dalagang medyo mas bata sa akin, nakasuot ng parehas na uniform tulad ng mga empleyado sa labas. "Good afternoon, Ma'am." Aniya nang makita ako.

"Hi. Ako si Wendy.. uh, Menchi, right?"

"Yes, Ma'am. Bakit po?"

"Kaibigan ako ni Renzo Solivares, do you know him?"

"Yes, Ma'am. Nasa taas po sila."

"Uh.. magpapabili sana ako para sa mga bisita ni Renzo."

"Sige, Ma'am. Ano po bang bibilhin?"

Saglit akong nag-isip.. "Hindi ko kasi alam kung anong tinitinda rito. Basta kahit anong inumin at pang meryenda ng mga bisita." Saka ko siya inabutan ng pera.

"Ilan ba, Ma'am?"

"Yung kasya sa labinlimang tao."

Nag-isip pa siya at saka tumango. Maya-maya ay bumalik na siya kaya sabay kaming gumawa ng meryenda. Pag-akyat namin sa taas ay tila Biyernes Santo dahil sa lungkot na nakapaskil sa mga mukha nila kaya nang lumingon sila sa akin ay nginitian ko sila at inangat ang tray na hawak ko.

"Magandang hapon po. Meryenda ho?" Tumango sila kahit halatang nagtataka.. at ngumiti pabalik. Lumingon ako kay Renzo na nakakunot ang noo at masamang nakatingin sa'kin. Siya ang nakaupo sa dulo ng lamesa kaya kitang kita niya ako. Ngumiti lang ako sa kaniya at muling itinaas ang tray na hawak ko. Nauna nang lumapit si Menchi sa mga empleyado kaya sumunod na rin ako. Nilapag ko ang tray sa ibabaw ng lamesa at isa-isa silang inabutan.

"Thank you, Ma'am.."

"Naku, salamat po, Ma'am.."

May isa pang natira dahil para iyon kay Renzo na walang kibo, nakaupo lamang habang nakatitig sa lamesa at nakahalukipkip. Kinuha ko ang sandwich at saka naglagay ng juice sa baso. "Kumain ka." Ngumiti ako at nanatili sa gilid niya.

Umangat ang tingin niya sa akin at saka umiling. "Hindi ako gutom."

Nagkibit balikat lang ako. "Pero mainit ngayon, malamang uhaw ka, kaya uminom ka lang." Saka ko inilapit ang baso na may lamang juice.

Napalingon ako sa isa niyang empleyado nang biglang magsalita. "Salamat sa meryenda, Ma'am.. pero.. bakit niyo po ito ginagawa? Kaibigan ho ba kayo ni Sir Renzo? Ngayon lang namin kayo nakita. Taga-Maynila po ba kayo?"

Ngumiti ako at saka tumango. "Magkakilala kami.. Gusto ko lang makatulong dahil nalaman ko ang nangyari sa inyo. Mayron na nga akong naisip para makatulong.. sana mapagbigyan niyo 'ko."

"Uh.. ano 'yun, Ma'am?"

"Advertisement company rin ho ang negosyo namin pero meron din po kaming cruise line. Ngayong nawalan ho kayo ng trabaho, pwede po kayong mag-apply sa amin. Sa akin na kayo direktang magpasa ng resume. Ako ang CEO ang OneClick."

"O..OneClick ba kamo, Ma'am? 'Yung sikat na kumpaniya sa Maynila?"

"OneClick Advertising Incorporated?" Tanong naman ng isa.

Pansin kong nanlaki ang mga mata nila sa gulat kaya ngumiti na lang ako at yumuko habang yakap ko ang tray. "Kaya lang, nasa Manila ang main branch namin. May branch naman kami rito sa Mindanao kaso iyong Cruise Line lang sa Surigao pero makakaasa naman kayong pagdating niyo sa Manila, siguradong may trabaho at matutuluyan na kayo dahil may mga empleyado kaming stay in."

"E, kaya lang. Nasa bente ho kami, kakayanin ho kaya?"

Ngumiti ako at tumango. "Marami kaming branch sa Manila, meron nga rin pala sa Visayas kung gusto niyo talaga ng mas malapit pero ito ho ang tip ko sa inyo, mas malaki ang sahod sa Manila.. tsaka mas maraming oportunidad."

Nagtanguan sila kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko. "Nandito ako hanggang bukas, pwede niyo hong iabot sa akin ang resume niyo hanggang bukas ng hapon."

"Nako, thank you, Ma'am! Mabuti nandito kayo, hindi ko ho alam kung saan ako kukuha ng pang tuition ng anak ko sa susunod na semestre." Ang sabi ng isang lalaki na mukhang nasa mid 40s.

"Oo nga, Ma'am.. nakakalungkot ang nangyari sa iMake.. hindi namin 'to inasahan. Buti at nagpasiya ho kayong mag-offer."

Isa-isa na silang nagpaalam para makaalis habang si Renzo ay tahimik pa ring nakaupo kaya umupo na lang din ako sa tabi niya. "Nalaman ko kay Menchi na ngayon mo raw pwedeng makuha ang abo ni Tita Ida, hindi ka pa ba pupunta?"

Napalingon siya sa akin na tila naputol sa pag-iisip. "Yeah, I'll go ahead." Tumayo na siya at lumapit sa pinto pero bigla siyang huminto.

"Uh.." Napalunok ako dahil sa pagtitig niya. Ngumiti ako at tumikhim.

"Thank you." aniya. Napangiti ako at tumango.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019