Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Nalaman agad ni Julius ang nangyari kaya narito na rin siya sa opisina ko ngayon. Sa tingin pa lang niya ay alam kong naaawa at disappointed siya sa akin. Si Gigi naman ay inabutan ako ng tissue.

Nilapag ni Julius ang baso ng tubig sa lamesa ko. Saglit siyang tumitig kaya mas lalo akong napaluha. Maybe I really look so pitiful. "Do you know why are we all friends despite our status?"

I had to stop breathing just so I could also stop myself from sobbing.. "Why?"

"Because you always exercise fairness. You treat all people the same.. rich or poor. But looking at your right now.. napaka-unfair mo.."

I cleared my throat and calmed myself a bit. "What do you mean?"

"You are so unfair to yourself. We all make mistakes but in your case.. I know you still deserve to be happy. Iyon ang pinagkakait mo sa sarili mo." 

I smiled weakly and shook my head gently. "After everything that happened, I don't think I still deserve to be happy. Ang laki laki na ng kasalanan ko."

Umiling din siya. "Kapag ako naging presidente, lahat ng tanga sa pag-ibig, ipapadala sa buwan." Agad siyang hinampas ni Gigi. "Kung ikaw ang ipadala ko naman sa North Korea, ha?" Umismid sila sa isa't isa at sa harap ko na nagbangayan.

Napagpasiyahan kong umuwi na lang dahil naubusan na ako ng lakas sa lahat ng nangyari. Pagbukas ko ng pinto ay nakaramdam agad ako ng lungkot. Inilibot ko ang paningin ko sa buong sala. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko inakalang sobrang hirap pala ng ganito. 

Ang dami kong gustong mangyari sa buhay ko kasama si Renzo at halos lahat ng pangarap ko ay may malaking parte siya roon pero mukhang iba ang gusto ng tadhana. Mukhang hanggang dito na lang talaga ako, sa pangangarap. Si Renzo, alam kong malawak siya kung mangarap pero kahit gaano pa 'yon kalawak, wala akong puwang doon.

Nagluluto ako sa kusina nang marinig kong bumukas ang pinto sa sala. Dumungaw ako at nakita ko si Renzo. He looked so tired.. maluwag na ang kaniyang neck tie at nakatanggal ang unang butones ng kaniyang pang-itaas. Nagtama ang aming tingin pero mabilis akong umiwas. Narinig kong binuksan niya ang fridge at naupo sa lamesa habang may kinakalikot sa cellphone niya. 

I cleared my throat and faced him. "Renzo.." Lumingon siya sa akin at saglit na tumitig, tila binabasa ang nasa isip ko. "Yes?"

Hindi ako nakasagot agad. Naninibago ako sa pagiging kalmado niya. Imbes na tumitig pa lalo ay umiwas ako nang tingin lalo na nang bumalik sa isip ko ang pagluhod ko kanina. So fucking.. desperate.

"Hindi ko na hihintaying umabot pa ng dalawang linggo. Sinabi ko na kay Dad ang tungkol sa annulment, nagsisimula na siyang asikasuhin iyon."

Sinulyapan ako siyang muli, titig na titig lang siya sa'kin. Sa loob-loob ko ay umaasa akong pipigilan niya ako. Parang tanga lang. 

Wala naman siyang masabi kaya nagsalita ako ulit. "Kumain ka na ba?" Umiling siya. Wala akong makitang pagkairita o galit sa awra niya ngayon. Para siyang pagod, pagod na pagod. "Maluluto na itong ulam. Konting hintay na lang." Tumango lang siya at bumuntong hininga habang nakatitig pa rin sa akin. It's like I am a puzzle he's trying to solve. 

Is this about what happened earlier? Maybe he's just too stunned.. That me, an heiress of a conglomerate begged in front of him.. Sa sobrang pagkawala ko sa sarili ay ilang beses akong nahiwa. Tiniis ko na lang ang hapdi hanggang sa matapos akong magluto. Naglagay lang muna ako ng band aid sa dalawang daliri ko at saka siya inayang kumain.

Habang kumakain ay natagalan siguro ang pagtitig ko sa kaniya kaya nag-angat siya ng tigin sa akin. "Bakit?" 

Mabilis akong umiling. Tatayo na sana ako para kumuha ng tubig pero hinawakan niya ang kamay kong may mga sugat. Hinaplos niya ito ng marahan at napasinghap ako nang ilang segundo niya itong idinikit sa kaniyang pisngi bago lumingon sa akin. 

My heart is pounding hard and tears started to fill my eyes.. how can I be this emotional just by him holding my hand? "I'm sorry.." He whispered.. 

Ngumiti ako at pagod na tumango. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Siguro'y pagod lang din siya kaya niya ito nasasabi.. Ni hindi kayang tanggapin ng utak ko na humihingi siya ng tawad. Hindi ko alam.. pero para sa'kin, it's impossible that he mean it. Siguro nga.. baka pagod lang talaga. Hindi ko alam.

Nang umangat ang tingin niya sa'kin ay nginitian ko lang din siya. Gaya niya, pagod na rin ako. "Don't worry, malapit nang matapos 'to. You look so tired.. and so am I.. I guess we're both drained already.. we should.. take a rest.." A permanent rest, Renzo. We are having an annulment very soon.. 

Kinabukasan ay hindi ako nagising ng maaga kaya nagmadali akong bumaba. Nagulat ako nang maabutan ko pa si Renzo sa kusina at natigilan nang tumambad sa akin ang kaniyang likod. Walang siyang suot na pang-itaas pero nakasuot niya ng apron. Bumaba ang tingin ko at haos mahigit ko ang pahinga ko nang tanging itim na boxer shorts lamang ng suot niyang pang-ibaba!

Napalunok ako habang pinagmamasdan ang bawat kilos niya at kung paano gumalaw ang muscles sa kaniyang likod. Damn.. he matured so much. "S-sorry, hindi ako nagising ng maaga." Handa na ako sa pagsigaw niya o kung ano man nang humarap siya pero tumango lang siya at saka nilapag ang plato na may bacon sa lamesa. "Hindi rin ako nagising ng maaga."

Sa pagkakaalala ko ay maaga kaming natulog kaya hindi ko alam kung bakit pareho kaming tila puyat na puyat. Maybe.. we're really exhausted.

Agad akong lumapit sa kaniya na ngayon ay hinahalo ang noodles ng ramen. "Ako na diyan, maligo ka na. Bumaba ka na lang pagkatapos mo."

Tumingin siya sa akin. "Ayos lang." Saka siya nagpatuloy sa ginagawa. Nakatalikod na siya pero ako ay namamaang pa rin. Siguro sa sobrang pagod, ayaw niya nang makipagtalo..

Nauna na akong maligo at pagbaba ko ay nagulat ako nang hindi pa siya kumakain. Gusto kong magtanong kung hinintay niya ba ako pero hindi ko na naitanong pa dahil hindi na kailangan. Nang makaupo ako at nagsandok ng kanin ay saka lang siya kumilos para naman kumuha ng ulam. 

Sabay kaming kumain at talagang hindi ako mapakali. Sobrang naninibago ako sa kaniya. Nauna siyang matapos at saka lumapit sa pader kung nasaan ang first aid kit. Tumigil ako sa pagkain nang lumapit siya sa akin at nilagyan ng band aid ang sugat ko. My initial reaction was.. to move my hand away.. his touch is addicting.. I am trying to let him go, he can't just do random things like this.. baka magbago ang isip ko. Pareho lang kaming mahihirapan.

Akala ko ay hihinto na siya pero pilit niyang inabot ang kamay ko. Sa huli, masyado niya itong napisil kaya napadaing ako sa sakit.. "Stop it!"

Natigilan siya at mabilis na bumaba ang tingin sa hawak niyang band aid. My heart is aching to death! Why is being like this all of a sudden?! "I'm sorry.. Just let me.. please.."

He was sorry and he pleaded at the same time. What kind of miracle is this? Dahan-dahan niya muling inabot ang kamay ko at marahang idinikit ang band aid doon. Tinitigan ko lamang siya habang seryosong nakatingin sa aking kamay. Bawat haplos ng kaniyang daliri ay tila nagsisindi ng apoy sa iba't ibang parte ng aking katawan. He's my fire..

Nang matapos ay saglit niya muling hinaplos ang kamay ko bago lumingon sa akin. He's not smiling but he doesn't look mad either.. he's just.. worried.. 

"Thank you." I smiled and continued eating.

Hawak ko ang susi ng aking sasakyan nang bumaling ako sa kaniya. "Mauuna na ako sa opisina." Nagmadali siya sa pagkuha ng kaniyang bag sa coffee table at saka agad na lumapit sa akin. "Sabay na tayo." 

Naningkit ang mga mata ko sa kaniya. "Hindi naman coding ngayon. Magagamit mo ang sasakyan mo."

Tumango siya bilang pagsang-ayon. "Alam ko. Ako ang magmamaneho." Ngumuso lang ako at saka tumango. Tahimik lang kami sa biyahe. Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw pero hindi ko alam kung bakit.. tila napapawi unti-unti ang sakit. Ang makasama siya ngayon.. tila ba sapat na... Sapat na bago kami maghiwalay. Hindi na ako hihiling ng higit pa. 

Banayad ang paghinga ko pero halos malaglag ang puso ko nang muntikan na kaming bumangga sa isang van na nagtake-over. Biglang pumreno si Renzo at saka hinarang ang kamay niya sa harap ko.

Hinawakan niya ang aking makabilang braso para bahagya akong maiharap sa kaniya. "Are you okay?" Higit ko ang aking paghina habang nakatitig sa kaniya. Ang kaba ko ay unti-unti ring napawi. Hindi ko alam kung bakit ako naluluha. Pinagsamang panlulumo at panghihinayang. Kung sana, naging maganda ang nakaraan namin, baka magawa kong maging masaya habang nakatitig siya sa akin ng ganito. 

Pinagmasdan niya pa ako ng ilang saglit bago huminga ng malalim na tila na naginhawaan. "You're fine." He brushed his hand against my cheek down to my neck. His warm touch sent me shivers down my spine.Damn.. with just simple gestures like that, my heart is racing like mad.  Natahimik na ako matapos 'yon. Agad kong tinapat ang kamay ko sa aircon para damhin ang lamig. Ang init bigla. Napalingon naman ako kay Renzo nang medyo luwagan niya ang suot niyang neck tie.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019