Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Mas pinili kong kila Gigi pumunta kaysa umuwi kila Dad. Tinext ko na lang si Mom na kila Gigi ako tumuloy at sinabing huwag na siyang mag-alala.

"Tama lang naman ang ginawa mo, e. Isipin mo ha, buntis man si Emily o hindi, maghihiwalay din naman kayo. Kahit pa sabihin nating naging normal ang pakikitungo ni Renzo sayo these past few days, never naman niya in-assure sayo na ikaw ang pipiliin niya, e. Ni hindi niya nga sinabing huwag nang ituloy ang annulment and that only means looking forward pa rin na makipaghiwalay ang gagong malanding hayop."

Kahit anong pagpapatahan ang gawin ko sa aking sarili. Tuloy tuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. "Umasa ako... kahit papano.."

"Aasa ka talaga! Paasa ang hayop na 'yon, e! Dapat kasi, Wendy.. hope for the best pero expect the worst, ganon! Alam mo.. sasakit lang ulo mo sa kakaiyak. Matulog ka na. Puntahan ko lang 'yung kapatid ko sa kabilang kwarto, baka nagpupuyat na naman."

"Thank you, Gigi."

"Ikaw pa ba? Sanay na ko sa'yo."

Nang makaalis siya ay pinili ko munang mag-shower para mahimasmasan ako. Habang nagsasampay ng tuwalya sa rack lumingon ako sa aking cellphone nang tumunog 'yon. Agad kong kinuha at napagtantong tumatawag si Renzo. Saglit kong tinitigan ang aking cellphone, nagdadalawang isip kung sasagutin ko ba pero sa huli ay sinagot ko na.

"Hello? Renzo?" Nailayo ko ang cellphone ko sa aking mata dahil sa lakas ng ingay. Nang ilapit ko na muli ang tainga ko ay isang hindi pamilyar na lalaki ang nagsalita sa kabilang linya. "Hello, Ma'am?"

"Who is this? Bakit ikaw ang sumagot?"

"Bartender po ako, inabot na lang bigla sa'kin ni Sir Renzo itong cellphone niya, Ma'am. Pwede po bang sunduin niyo na 'to si Sir? Marami na hong nainom."

"Nasan kayo?"

Nagbihis ako at saka dumiretso sa bar na sinabi ng bartender. Napasinghap ako dahil sa sobrang ingay ng mga tao at sobrang lakas ng tugtugan. Siguro'y may sikat na DJ o guest doon sa stage.

"Renzo." Tinapik tapik ko ang pisngi niya kaya unti-unti siyang dumilat. "Wendy?"

Saglit niya akong tinitigan. Dahan-dahan siyang ngumiti at inabot ang kamay ko. Dumaloy agad sa aking buong katawan ang bolta-boltaheng kuryenteng dala ng haplos niya. 

"You're really here? Or it's just the alcohol?" Aniya habang nakasandal pa rin ang ulo sa mataas na counter.

"Umuwi ka na. Halika na." Pinilit ko siyang dalhin sa kotse ko kahit ang bigat niya.

"I missed you." He said out of nowhere. Tinitigan ko lamang siya habang iniikot ang basong hawak niya.

"The marriage contract is fake? Why is it fake? We didn't even get married?" Umupo siya ng diretso at hinawakan ang aking magkabilang braso. "I claimed you.. I told my colleague that I have an incredibly beautiful wife.. but it turned out.. you're not.. my wife?" He rested his head on my shoulder. The pain is consuming me making my knees week.

"It's not even real.. we're not even.. real." He sniffed on my neck.. so I gasped for air my heart skipped a beat.

I looked away when my eyes started to well. "Let's go home.."

He looked up with his needy eyes.. "You're going home?"

I sighed. Maybe he's just too drunk..

"Renzo!" Napatayo bigla si Emily nang makapasok kami sa gate. Natigilan naman ako dahil sa gulat, dito na nakatira ang babaeng 'to?! Tinulungan niya akong alalayan si Renzo hanggang sa kwarto.

Bumaling sa akin si Emily. "Wendy, kumuha ka ng maligamgam na tubig sa baba." Saka siya tumalikod sa akin at humarap kay Renzo.

Excuse me?! Napanganga ako habang nakatingin sa kaniyang inaalis ang sapatos ni Renzo. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Ginawa ko ang sinabi niya at inakyat sa kwarto ang isang maliit ng plangganang may lamang tubig.

Kumuha siya ng maliit na tuwalya sa closet at inalis ang button down shirt ni Renzo at saka ito pinunasan. Habang pinapanood ko sila ay doon ko lang napagtantong na mas bagay silang maging mag-asawa.

Literal na kumikirot ang puso ko habang pinagmamasdan ang dalawa. Sa tingin ko ito na talaga ang tamang oras para iwan ang lahat. Para kalimutan si Renzo dahil hindi niya na ako mamahalin pa.

"I claimed her.." Narinig ko si Renzo pero natatakpan siya ni Emily kaya hindi ko siya makita. "But she's not even mine.. Her parents are so.. unfair.. I thought they already gave her to me? She's supposed to be my wife! My wife.."

Tears started to trickle down my cheeks.

"Emily, I'll go ahead.."

Lumingon siya sa akin at tumango. "Salamat sa paghatid sa kaniya.." 

"She's here?" Narinig ko pa ang tanong ni Renzo pero tumalikod na ako at naglakad palapit sa pinto.

"Where is she?"

"Renzo.. matulog ka na.." Emily tried calm him down..

"Where's my wife?!"

Agad kong sinara ang pinto kasabay ang pagtulo ng mga luha ko. Sa sobrang panghihina ay bumagsak na ako sa sahig habang tinatakpan ang aking bibig. I embraced all the pain once more.. the shiverings, the trembling.. the wailing and all the tears.. I let it consume me one last time..

Habang nagmamaneho pabalik kina Gigi ay wala pa rin habas ang pagtulo ng aking luha. Hindi ko alam kung kailan ako maghihilom..  ang alam ko ngayon ay sobrang sakit nito.. pero kung ito ang kabayaran sa lahat ng kasalanan ko ay handa akong tanggapin. Pampalubag loob na lang sa akin ang isiping walang wala ang sakit na ito kumpara sa sakit na naranasan ni Renzo nang mawala ang kaisa-isang pamilyang natitira sa kaniya. 

Pagbalik ko kila Gigi ay naabutan ko siyang gising pa. "San ka galing? Bakit hindi ka nagpapaalam?"

"Akala ko kasi tulog ka na."

"Saan ka ba galing? Tignan mo magang maga na 'yang mata mo."

"Nagpahangin lang sa labas."

"Ang layo mo naman magpahangin, buksan mo lang itong bintana sa kwarto, e." Umirap ako at saka sinundan siya papunta sa kwarto. Binuksan nga talaga niya ang bintana kaya pumasok ang malamig na hangin. "Happy? Sige na, matulog ka na. Bukas mo na isipin kung paano magmove on."

"I'm resigning and I want to leave the country as soon as possible."

"Resigning? I gave you OC because it's important to me. You can't just leave it hanging."

"Tutal sobrang malaking asset naman si Renzo para sayo, e 'di gawin mong CEO."

Natahimik siya. Hindi ko alam kung ayaw niya ba sa ideya o pinag-iispan niya na agad kung kailan niya gagawing CEO si Renzo. 

Bumuntong hininga ako at tamad na bumaling sa kaniya. "Sa sinasahod ni Renzo bilang content creator, kahit buong buhay siyang magtrabaho, hindi niya mababayaran ang 50 million na pinautang mo. Gawin mo siyang CEO since he's also really good in doing business and he will also need enough money to support his chi-" I stopped.

Kumunot ang noo niya. "What?"

"Just think about it."

"If you're leaving, I want your mom to come with you-"

Umismid ako. "What for?"

Tumalim ang tingin ni Dad. "I'm afraid you might harm yourself again for that bastard."

"Pagod na ko that's why I'm leaving. I want to move on. He's not for me and I'm so stupid to realized it too late. Things would have been better. Hindi sana nawala si Tita Ida. Now I'd forever be guilty."

"You didn't kill Ida."

Tinignan ko ng mariin si Dad. "Don't speak of her name unless you regret everything you did."

"I did it for you."

"When I drank all night, cut my risk and attempted suicide, I never asked you to get Renzo for me. I never asked you to do such horrible things. Pinagbayaran ko na ang lahat ng ito at sa kahit anong paraan, sana mapagbayaran mo rin ang lahat ng ginawa mo." 


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019