Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Nagtext ako kay Renzo umuwi nang maaga para sabay kaming makapag-dinner mamaya pero hindi man lang ako nakatanggap ng reply galing sa kaniya. Nilapag ni Gigi ang shawarma rice sa lamesa ko at saka tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "Parang wala namang nagbago?" aniya.

Tinaasan ko siya ng kilay at saka uminom ng malamig na tubig. "Nagbago saan?"

"Nag-sex man lang ba kayo kagabi?"

Halos masamid ako sa sarili kong laway. "Ang bastos ng bibig nito!" Tumawa lang siya at saka binuksan ang sarili niyang packed lunch. "Geez. 24 ka na, tuyot na tuyot ka pa rin." Hinagisan ko siya ng tissue at saka umirap. "Alam mo naman ang tungkol sa kontrata, napilitan lang siyang ikasal sa'kin para sa 50 million at para hindi siya makulong." 

Umismid siya habang ngumunguya. "Sabagay, who wants to go to jail, anyway? Kung ako rin, magpapakasal na lang ako kaysa makulong. Pero hindi man lang ba tinablan si Renzo sayo? Alam mo 'yun? Nasa iisang bahay kayo tapos kayong dalawa lang."

Ako naman ang umismid at tinitigan lang ang pagkain ko habang nilalaro gamit ang tinidor."Hindi tatablan 'yon. He even said that boobs are not attractive."

Lumagapak sa tawa si Chelsea habang pumapalakpak. "Mapagpanggap yang asawa mo! 36-B na nga yan, imposibleng hindi tinablan! Nalilibugan din 'yan, nagpapanggap lang na hindi."

Halos mawalan ako ng gana sa mga pinagsasabi ng babaeng 'to.. "Tss. Kumain ka na nga lang." 

Napalingon ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Nag reply si Renzo pero tipid na "Okay" lang ang sagot niya. At least, pumayag.

Nagpasama ako kay Gigi na mag grocery at ang kaibigan kong ito.. kung ano ano ang gustong bilhin. "Aanhin ko yang rice cooker? Meron niyan sa bahay." Umirap siya at saka tamad na tumingin sakin. "Okay, fine." Binalik niya sa kung saan niya man nakuha 'yong rice cooker dito at maya maya ay bumalik sa'kin. 

"Alam mo, kung napipilitan lang si Renzo sa kasal, bakit hindi mo na lang sulitin?"

Lumingon ako sa kaniya. "Sulitin?" Kumuha siya ng mga tissue. "Be a good wife! Malay mo naman mahulog ulit sayo yung tao, e 'di hindi niyo na kailangang maghiwalay. Tsaka mahal mo naman na siya noon pa 'di ba?" 

Naisip ko na rin naman ang sinabi niya pero kapag sa ibang tao ko pala naririnig, medyo naaasiwa ako.. Dahil sa totoo lang, ako naman talaga ang dahilan kung bakit nawala si Tita Ida at kung bakit nasunog ang iMake na pinaghirapan nila ni Renzo. We are in this situation because of me. Halos bumabaligtad ang sikmura ko sa tuwing naiisip 'yon. 

Naglagay si Gigi ng sliced carrots sa cart. "Kung nagdadalawang isip ka, wag ka na lang mag-isip." Sinamaan ko siya ng tingin. Bumuntong hininga ako at saka tinulak ang cart patungo sa meat section. 

Sa oras na malaman niya ang dahilan ng pagkamatay ni Tita Ida, alam kong hindi kami magkakaroon pa ng pag-asa.. Sa laki ng kasalanan ng pamilya namin sa kaniya, baka mapatay niya ako kung malalaman niya ang totoo. Nakakatakot isipin na anumang oras ay baka sugurin niya na lang ako pero kung makagagaan sa loob niya, hahayaan ko siya. Pagbabayaran ko ang kasalanan ko.

"Isang buwan lang naman. Malalampasan niyo rin 'yan." Ang sabi ni Chelsea sa aking tabi habang namimili ng karne. 

Nilihis ko na ang isip ko sa usapan dahil baka maiyak lang ako rito. Pagkatapos naming mag-grocery ay umuwi na ako para makapagluto. Unang dinner namin itong magkasama kaya dapat matuwa siya at sabi nga nga nila a way to a man's heart is through his stomach. Halos dalawang oras akong nagluto at nang tignan ko ang mga pagkain sa lamesa ay mas lalo akong na-excite. Naligo ako at nagbihis saka tinignan ang cellphone ko, alas otso na pero wala pa rin siya. Bumaba ako sa sala at doon naghintay habang nanonood ng TV pero tatlong oras na akong naghihintay, walang Renzo na dumating.

Dumilat ako at agad na napabalikwas nang mapagtantong nakatulog ako. Lumingon ako agad sa hagdan at umakyat sa kwarto, wala pa rin si Renzo. Nagbihis na ako ng pantulog pero hindi naman ako makatulog. Nakakainis, kung wala pala siyang balak sumunod sa usapan, sana nagsabi siya agad.

Lumingon ako sa pinto nang makarinig ng ingay na mukhang galing sa baba. Mabilis akong nagtungo sa sala at naabutan ko si Renzo na nagtatanggal ng suot niyang suit. Kung kanina lang ay ang dami kong gustong sabihin, ngayon ay tila nakalimutan ko 'yon lahat. He looks so manly and authoritative as he click his neck and massage his nape. 

Nilagpasan niya lang ako at saka umakyat patungo sa kwarto. Sinundan ko siya sa kwarto at pinulot sa sahig ang hinubad niyang slacks at long sleeves. Napalunok pa ako nang makita ang kabuuan niyang katawan na nakatalikod sa akin.

He's only wearing a boxer shorts now..His firm arms and well-toned bare back sexily contracted in unison as he massage his left shoulder.

Dumiretso siya sa banyo at nag-shower. Paglabas niya ay doon ko lang naipon ang lakas ng loob ko para magsalita. "Ginabi ka."

Tamad siyang tumingin sa'kin habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang tuwalya. "Alam ko." Bumuntong hininga ako at nilagay sa tray ang mga damit niya. "Tinext kita kanina, pumayag kang magdinner tayong dalawa kaya naghanada ako. Hindi mo ako nasabihang gagabihin ka pala. Sana nagsabi ka kung nagbago ang isip mo." 

Hinagis niya ang tuwalya sa vanity table. "Ang dami mong sinasabi."

"Ang sa'kin lang naman, sana nagsasabi ka kung may iba kang gustong gawin para hindi naghihintay sayo 'yung tao." Pahina ng pahina ang boses ko dahil umuusbong sa akin ang takot nang tapunan niya ako ng nakamamatay na tingin. His lower jaw are moving sideways.. like he's ready for a brawl..

"Sinabi ko bang maghintay ka?"

"E, 'di ba nga pumayag ka?" Nang mapagtanto kong nataasan ko siya ng boses ay kinagat ko ang ibabang labi ko.

Siguro ay dahil nakainom kaya wala siyang kwentang kausap ngayon.

"Dapat natulog ka na. Pagod ako tapos pag uwi ko, bubungangaan mo 'ko?"

"Gusto ko lang maintindihan mo 'ko."

"Stop me with your fucking drama. My mother just died! And I'm a fucking mess-"

"Alam ko! Pero hindi kita matutulungan kung hindi mo ko hahaya—"

"Get out! Lumabas ka na. Stop testing my patience."

"At anong gagawin mo?"

"Sinabi kong lumabas ka na!" Napaatras ako nang umaba siyang lalapit.

Gulat na gulat pa rin ako nang bigla niyang hablutin ang braso ko. "Renzo, ano ba!"

Hinila niya ako patungo sa pinto at tinulak palabas. "Fuck off." Saka niya padarag na sinara ang pinto. Nanatili lamang akong nakatitig sa sahig..

Naramdaman kong kumikirot ang puso ko pero pinilit kong balewalain. I knew it. He wants to do this hard. Really hard.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019