Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Sa sumunod na mga araw, halos hindi ako makapaniwalang lumipas ang mga iyon nang hindi kami nagtatalo ni Renzo. Normal naman ang pakikitungo niya sa akin bukod sa minsan ay hindi kami nakakapag-usap ng matagal. Hindi ko alam pero parang naiilang kami sa isa't isa. Minsan ay lilingon ako sa kaniya at mahuhuli ko siyang nakatingin sa akin pero umiiwas din naman agad.

"Do you want to say something?" 

Pinapatuyo ko ang aking buhok habang nakaharap sa aking vanity mirror sa nahuli ko siyang nakatitig sa akin - or should I say.. aking dibdib. I am only wearing a loosely tied robe, so my collar bone and cleavage are showing.

Umiling siya. "Nothing.." I fixed my robe and cleared my throat.

"You should get dressed. You're.." 

Nilingon ko siya.. 

"Tempting.." 

I exhaled violently and stood up. Sometimes, I am so used to him being always mad at me that I totally forgot he's still a man.. a man with his needs!

Hindi ko na nakikitang kasama niya si Emily pero pakiramdam ko'y nagkikita pa rin sila sa ibang lugar. Gabi-gabi pa rin iyong bumabagabag sa akin kahit minsan, sinisiguro ni Renzo sa akin na hindi na sila nagkikita.

"She's out of town, we don't talk anymore.." He stroked my hair spread messily on my back. 

"Hindi ko tinatanong.." I turned off the television kung saan lumabas siya sa isang entertainment segment ng balita. Indeed, she was out of town. She's seen in a public beach with a female friend which is also a popular model. But that does not mean that they don't communicate anymore. 

"I'm telling the truth.." 

Nilingon ko si Renzo. Hindi niya pa rin tinatantanan ang isyu. I smiled and nodded. "Noted." Telling the truth my ass!

Normal na ang pakikitungo ni Renzo sa akin pero alam kong malayo pa rin kami sa buhay ng isang mag-asawa. Minsan ay siya ang nagluluto pero wala akong maramdamang espesyal doon. Naiisip ko na baka ginagawa niya rin kay Emily ang mga bagay na ginagawa niya para sa'kin.

Kung tutuusin, kinakabahan ako. Parang ito ang sinasabi nilang the calm before the storm. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. Lumingon ako sa lamp table nang tumunog ang cellphone ni Renzo kaya bumaling ako sa kaniya pero mukhang hindi siya nagising. Nagpabalik balik ang tingin ko sa kaniya at sa cellphone niya bago ako nagpasiyang kunin na ito. Galing sa isang unregistered number ang text.

Nagdadalawang isip ako kung babasahin ko pero sa huli ay napagdesisyonan kong huwag na lang. Tumunog ulit ang cellphone niya hudyat na may tumatawag. Naka-save ang number bilang Secretary. Kaya ginising ko na siya. "Renzo, wake up. May tumatawag sa'yo." 

Nilahad niya ang kamay niya kaya inabot ko sa kanya ang cellphone. "Hello?" 

Tumingin na lang ako sa kisame habang nakahiga pa rin. His raspy voice sent shivers down my spine. It sound so.. sexy.

"Cancel everything.. Yes.. hmm.. emergency." Nang matapos ang tawag ay inabot niya sa akin ang cellphone niya kaya binalik ko iyon sa lamp table.

"Emergency?" I asked.

Tumango lang siya at ngumiti bago pumikit ulit. Tatayo na ako nang bigla niya akong hilahin pabalik. Bumagsak ako sa kaniyang braso at agad niya akong niyakap. Ang kamay ko'y nanatili sa kaniyang tagiliran.. too scared to touch his bare chest. "What are you doing?!"

Umagang umaga ay napapasigaw ako!

"Shh.. let's sleep more." He sniffed on my hair and rested his lips on my head.

"Sa tingin mo'y makakatulog ako ng ganito?!" He chuckled.

He fucking chukled! Tinulak ko na siya at naupo ng maayos. "Did you drink when I was asleep? What's gotten into you?" 

He stared at me, a.. cute smile.. still plastered on his lips. Ang tibok ng puso ko'y hindi na para sa inis kundi sa pagtambad ng kaniyang ngiti. Kahit ang maliliit na bagay tungkol sa kaniya ang nakakaapekto sa akin ng ganito but of course, there's no way I'd let him know! 

I rolled my eyes and decided to leave the room. Pagkasara ko ng pinto ay halos mangatog ang tuhod ko sa panghihina.Nakatitig lang ako sa laman ng fridge habang nag iisip ng lulutuin.

"i just want some toasted bread."

Mabilis akong napalingon sa likod ko dahil sa gulat. "Bakit ka nanggugulat?!"

Kumunot ang noo niya at sumandal sa gilid ng lamesa habang nakahalukipkip. Tipid siyang nangingiti kaya umiwas ako ng tingin.

"Sorry, my bad." Ngumuso siya at naglakad patungo sa counter. Nakahinga ako ng maluwag nang alisin niya ang tingin sa akin.

Matapos kaming kumain ay naligo na ako. Paglabas ko galing sa banyo ay nahigit ko ang paghinga ko nang masulyapan siyang nakatitig na naman sa akin habang nakahilig sa headboard ng kama.

"B-bakit ka nakatingin?"

Huminga ako ng malalim. Siya yata ang ikamamatay ko. Napakakisig niyang tignan kahit nakasandal lamang siya sa kama habang hawak ang remote. "Huwag na muna tayong pumasok. Aalis tayo." 

"Saan tayo pupunta?"

"Mamamasyal tayo." Ngumiti siya bago pumasok sa banyo. Agad akong nagbihis sa closet at hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko. Nagsuot ako ng kulay asul na dress at itim na flat shoes. Masaya ako. Kahit papano, alam kong maganda ang mga huling alaala namin bago maghiwalay. Maybe this way, I can finally let him go. 

Mula sa tingin ko sa kalsada ay lumingon ako sa gilid para tanawin kung saan kami huminto. Laglag ang panga ko habang nakatanaw sa malawak na entrance ng lugar. Zoo?! Sa dinami rami ng lugar.. zoo?! 

"Anong gagawin natin dito?"

"Maglalaba."

Umirap ako at sumulyap sa kaniya. "Ano nga?"

Tumingin siya sakin ng diretso. "We'll enjoy the day."

"May lagnat ka ba?"

Umiwas siya ng tingin kaya hindi ko na napigilang ngumiti. Sinundot ko ang pisngi niya at nauna nang maglakad. Napabuntong-hininga ako habang hindi mapalis ang ngiti sa labi ko. Susulitin ko na lang habang hindi pa dumarating ang annulment papers.

Una naming nadaanan ang mga ostrich na talagang sobrang tangkad. "Hi!" Kinawayan ko ang mga ostrich. Lumapit sa akin ang isang zookeeper at nag-abot ng pagkain. "Gusto niyo po bang pakainin, Ma'am?" Tumango ako agad at nilahad ang kamay ko.

 "Mag-ingat ka." Naramdaman ko agad ang kamay ni Renzo sa balikat ko. "Ayos lang, kaya ko 'to." Habang kinakain ng otstrich ang mga inaabot ko ay hind ko mapigilang matuwa. "It's so cute!"

Umiling siya habang nakangiti. Saglit ko siyang natitigan dahil doon. Somewhere in my heart, parang may natutunaw dahil sa ngiti niyang nakikita ko ngayon. "Na-miss ko 'yan." Saka ko tinuro ang labi niya. Sumara ang bibig niya habang nakangiti pa rin. Saglit din siyang tumitig sakin. "Ito ang na-miss ko." Lumapit siya at saka ako hinalikan sa noo. Nang umatras siya ng bahagya ay nagsimula na akong maglakad bago pa niya mapansing mas lumawak ang ngiti ko. 

Naglibot libot pa kami sa buong zoo. Ni hindi ako nakaramdam ng pagod dahil siya ang kasama ko. Mabilis at malakas ang tibok ng puso ko. Tila ba hindi nito kayang saluhin ang lahat ng tuwa na aking nararamdaman. This is the day I long wanted to come since our wedding.. now that's it is here.. although I know what's coming next, I am still thankful. At least, he gave us a chance to have a one last beautiful memory together.

"Ma'am pwede po kayong sumakay at magpapicture." Ang sabi ng zookeeper habang hawak ang tali ng kabayo.

"Talaga, Kuya? Renzo, thank a picture of me!" Tsaka ko inabot sa kanya ang cellphone ko. Nagpa-alalay ako sa zookeeper pero biglang lumapit si Renzo sa amin. "Ako na." Kitang kita ko ang paghawi niya sa braso ng zookeeper bago niya nilapat ang kamay sa makabilang gilid ko at mabilis akong iniaangat pasakay sa kabayo. Umuga ang buong sadle na nakakabit sa kabayo pero nakasakay na ako sa ganito noon kaya hindi naman ako natakot.

May iba pang kabayo sa gilid ko kaya sa harap ng kabayo pumwesto si Renzo. He smiled and held the phone up. "Family picture."

"Shut up." Umirap ako at saka ngumiti. After that, we walked around and enjoyed the view. Ang iilan ay sinusundan kami ng tingin, some obviously finds us sweet and some.. are just merely too overwhelmed to see a handsome man like Renzo, strolling around.

His outfit really suits the place but with his firm jaw, toned muscles, incredible height and powerful aura is too much for a place like this.. This is supposed to be a place for people to relax and unwind but he managed to fill these women's heart with overflowing adoration. Everyone is going wild just by staring at him! A woman way younger than me was shamelessly taking a picture of him. Wow.

Umupo kami sa isang bench doon habang pinanood ang mga taong naglalakad. "Bakit dito mo ako dinala?"

There's too many people. Though I love people, some are just shamelessly revealing how much they wanted to snatch this man from me. I am still his wife, maghintay kayo!

"You already went here before.." It's not a question but I nodded.

"Oo, but I'm still young back then."

"I told you before that my father is a zookeeper.. and here.. is where he worked. Dinala niya ako rito sa unang beses, dito kita unang nakita."

Lumingon ako sa kaniya. Utot! Utot mo Renzo! Wag mo' kong niloloko! 

"Don't make up stories. I'm not bored, you don't have to entertain me."

He smiled and shook he's head like he cannot believe of something. "That was 18 years ago but that one memory never faded."

"Sobrang tagal na 'non, paano mo pa naalala?"

"You're that child who cried hard because the monkey snatched your doll. Sinong makakalimot sa'yo?"

Napangiti ako at ngumuso na lang. Really? Nakita niya nga ako noon. Tama siya, umiyak nga ako noon. Nagpigil ako ng ngiti habang nakatingin sa malayo. He held my hand and gently caressed it. My heart is going wild again because of his warm touch!

I calmed myself a bit pero agad ko ring binawi ang kamay ko nang hindi niya namamalayang naiaangat niya na ang bracelet na suot ko. Bahagyang bumukas ang bibig ko para makahinga ng maigi, pakiramdam ko'y tumigil sa pagtibok ang puso ko nang naramdaman kong nahaplos niya ang peklat ko.

Nagkatinginan kami at nakumpirma ko sa mga mata niya kung ano ang nakapa niya sa palapulsuhan ko. Nilahad niya ang kamay niya. "Gusto kong makita."

Kagat ko ang labi ko habang umiiling. Sobrang nahihiya ako at hindi ko alam kung bakit naiiyak na ako ngayon. Ayaw kong.. ayaw kong makita niya pa ang bakas ng kahibangan ko noon.. Nakakahiya, sobrang nakakahiya. 

"Wendy, I want to see it." Ngumiti siya habang nakalahad pa rin ang kamay niya, tila pinapakita niyang ayos lang.. ayos lang dahil matatanggap niya.. pero ako, hindi ko tanggap!

"Trust me.."

Umiling ako habang nangingilid ng luha. "Maghihiwalay na rin tayo, hindi mo na kailangang makita-"

"Please?"

Saglit kaming nagkatitigan. Desidido siya. Walang balak sumuko. Huminga ako ng malalim at dahan dahang nilahad ang palapulusuhan ko. Maghihiwalay din kami, so what if he sees this? Maghihiwalay din kami! I can just run far far away!

Hinaplos niya muli ang aking palapulsuhan. Hindi na ito masyadong kita pero kung hahawakan ay madadama ang malilit peklat galing sa pamamaga nito noon.

Saglit siyang tumitig habang hinahaplos ang palapulsuhan ko.. "This must be painful..." Malungkot ang mga mata niyang tumingin sa akin. "You must be so hurt that I.. left you.."

Babawiin ko na sana ang kamay ko pero hindi niya ito binitwan. Kagat ko ang labi ko habang nagpipigil ng luha. Kumikirot na naman ang puso ko nang sumariwa ang araw na 'yon at ang mga sumunod pang araw na halos hindi ko kayanin dahil wala siya sa tabi ko. 

"T-tama ka naman.. baka idamay ni Dad ang scholarship mo kapag hindi pa tayo.. naghiwalay. Ako ang may problema sa atin noon pa lang.. I don't know how to prioritize things before, I was.. I was so immature and childish. Ngayon nga ni hindi ko pa rin masabi sa sarili ko kung isa ba akong girlfriend material.. Sometimes I feel so insecure.. pakiramdam ko hindi naman ako maganda, hindi ako sexy, hindi ako matalino.. parang.. parang wala naman nang magkakagusto sa'kin dahil.. hindi naman ako.. kagusto-gusto."

After he left me.. I lost all the confidence I have.. the only thing that made me believe why I deserve the position of being the CEO of the OC is the fact that I graduated with the highest Latin honor.

Umiling siya at saka inangat ang palapulsuhan ko para halikan. Napasinghap ako habang pinapanood siyang gawin iyon. Seryoso ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.. Pilitin ko mang maging kalmado, naghaharumentado na ang puso ko 

He sighed painfully. "How could you love me.. all these years?"

Saglit ko siyang tinitigan. I smiled weakly.. "Siguro dahil mas marami akong oras? Siguro ikaw.. wala ka nang oras sa pag-ibig kaya nagawa mong iwan noon si Jessica bago ka kumuha ng master's degree. Tsaka alam ko ring naka-focus ka sa pagpapalago ng iMake noon."

"Jessica? You know here?"

"He's the girlfriend of the man I admire, how can I not know her?"

I cannot read what he's possibly thinking. His emotionless eyes stared at me. "Hindi naging kami."

"Maghihiwalay na lang tayo, nagsisinungaling ka pa."

I was taken aback by how his expression quickly turned vicious. "You're my first and last girlfriend."

Napanganga ako at saka tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata, baka sakaling niloloko niya lang ako. "Don't lie to me. You have pictures posted online!"

"We're not even friends in social media, bakit kami lalabas na kaming dalawa lang? We had few pictures but I'm sure, we went out as a group."

Umirap ako at umiwas ng tingin. Fine. 

Nang medyo dumidilim na ay nagpasiya na kaming umuwi. Before we reached the door, I faced him. "Salamat ulit. Ito ang pinakamasayang araw ko simula nang ikasal tayo." Nginitian niya ako at ginulo ang buhok ko. 

Nagluto ako ng dinner habang si Renzo naman ay pumanhik sa taas. Nang matapos akong magluto ay umakyat na rin ako sa kwarto. Natigilan ako nang tumambad siya sa akin nang naka-boxer short lang at walang suot na pang itaas kaya malayang kumakaway ang magandang hubog ng kaniyang katawan.

"L-luto na 'yung ulam.." Pero mukhang busog na 'ko. Damn it. Umiwas ako ng tingin nang makita ko ang mapaglarong ngiti sa kaniyang labi. I cleared my throat. "Magdamit ka na.. para makakain na." Pero busog na talaga ako!

Kagat ko ang labi ko bago sumulyap ng isa pa. Nahuli niya akong nakatingin kaya mabilis na akong tumalikod. Bago ko pa masara ang pinto ay narinig ko siya. "This body is yours anyway.."

What? Nagmadali na akong bumaba habang damang dama ko ang mabilis na pintig ng puso ko. Goodness.

Nang matapos kaming kumain ay masasabi kong masaya akong matutulog. Hindi ko maiwasang magpasalamat sa Diyos binigyan niya pa rin sa akin ang araw na ito. Hindi na ako mang-aabuso pa. Sapat na ito. Kung noong hiniwalayan niya ako ay nasasabi kong hindi niya ako deserve. Ngayon ay ibang iba na. Alam ko at malinaw na sa akin, siya ang hindi ko deserve. He deserves someone better. My love is toxic.. hindi siya pwede sa akin.

Mapait na katapusan pero wala akong magagawa.. Binuksan ko ang malaking bintana at umupo sa sofa habang si Renzo naman ay nakahiga sa kama habang nagbabasa ng libro. It's still early actually, but we spent the whole day outside so I thought, he must be exhausted already.

"Renzo?"

"Yes?"

"Inaasikaso na ni Dad ang annulment. Ginagawa niya ang lahat para doon. Sigurado naman tayong wala siyang hindi makukuha kaya baka ngayon, bukas o sa makawala, pareho na nating pipirmahan iyon.." It's weird na nagsasalita ako nang hindi nakatingin sa kaniya pero alam kong ito ang dapat. 

Dahil kung lilinungin ko siya ay baka humagulgol lang ako sa kaniyang harap. Tiningala ko ang half moon sa langit. Tulad ng buwang iyon, madilim ang kalahati.. madalim ang kalahating parte ng buhay ko.. dahil si Renzo.. mawawala nang muli sa akin.. sa pangalawang pagkakataon.

"Gusto ko lang sabihin na.. maraming salamat sa lahat and I'm sorry for everything.. If I could turn back time, babalik ako sa panahong nagkakilala tayo. Pipigilan ko ang sarili kong mahalin ka para hindi tayo umabot sa ganito at para hindi ka na masaktan. I'm sorry if my love is toxic, I'm sorry for Tita Ida's death and I'm sorry kung naitali kita sa kasal na 'to.."

My tears flowed like a wild river. Kagat ko ang labi ko para pigilan ang paghagulgol. It's like dying.. for a second time.. Nakatanaw pa rin ako sa maliwanag na buwan sa labas pero napasinghap ako nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod.

Mabilis na nagharumentado ang puso ko sa ginawa niya at tila kinukurot ng paulit-ulit ang puso ko. Sobrang sakit. Kahit nakayakap na ang kaniyang bisig ay sobrang sakit pa rin. Tila walang yakap ang sasapat para ibsan ang sakit na haharapin ko kapag napawalang bisa na ang kasal. 

"W-what are you doing, Renzo.."

Naramdaman ko ang noo niya sa aking balikat. Kusang akong napasandal sa kaniyang dibdib dahil sa panghihinga nang maramdaman ko ang maiinit niyang paghinga sa aking leeg. 

"You should've not knelt down that day." Humigpit lalo ang kaniyang pagyakap at mas ibinaon ang kaniyang mukha sa aking leeg. Mahina at malalim ang boses niya kaya hindi ko malaman kung galit ba siya.

"What's so wrong.. about that?" Though I know the answer, I still want to hear it from him. I don't know why but I want him to hurt me more.. to give me more reason, to let go.

"Nothing.."

"Then what's wrong?"

"Me.."

"You?"

"It's like I was hit in the head.. so fucking hard.."

He sniffed on my neck kasabay ang muling pagbuhos ng luha ko. The pain just won't stop.. I feel it.. Tila ito na ang pinakarurok.. bago ako ibagsak pabalik sa lupa. I indulged myself in his warm hug.. the first and last.. before the marriage voids.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019