Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Habang nasa flight, isa-isa kong tinignan ang mga litrato sa photo album na pinagawa ni Jax at Gale. Narito ang karamihan sa mga litrato naming magkakasama sa tatlong taon ko sa Bon Voyage.

Matagal kong pinag-isipan bago ako nagdesisyon na bumalik sa Pilipinas. Maganda ang buhay ko sa US pero alam kong hindi ko kayang manatili na lang doon. I miss my parents and of course, my friends.

Nasabihan ko sina Gigi at Julius through skype kaya siguradong naghihintay sila sa airport kasama sina Mom and Dad.. Hindi ko lang inaasahang paglabas ko patungo sa waiting area ay kasama nilang naghihintay doon si Renzo. What is he doing here?

Bumagal ang paglalakad at agad na napansin iyon ni Mom. So I smiled and walked faster trying to conceal my reaction.

"Wendy!" Agad akong niyakap ni Mom kaya niyakap ko rin siya pabalik. "I missed you, Mom.."

She pulled herself away and cupped both of my cheeks. "I missed you too, Hija.."

Lumapit si Dad at tinapik ng marahan ang balikat ko. He smiled weakly. "I missed you." Tumango lang ako. His sins are still etched in my heart. There's no way I'll forget everything.

Agad na lumawak ang aking ngiti nang yakapin ako ni Gigi. "Grabe ka! Paano mo natiis na iwan kami ng ganoon katagal ha?" Napalingon naman ako kay Julius nang tapikin niya rin ng marahan ang balikat ko. "Five years din 'yon."

"Naging masaya ako doon. Alam kong naging masaya rin kayo dito. Finally, we all reached our dreams!" I smiled at them as Gigi hugged me once again. "Gosh! Na-miss talaga kita!" Nang magtama ang tingin namin ni Renzo ay unti-unting napawi ang ngiti ko habang kumakalas sa yakap ni Gigi.

"Why are you here?" I tried to sound as calm as I can but I guess, the awkwardness can't be concealed. They all remained silent, waiting for Renzo's answer. Ginawa nga siyang CEO ni Dad but after that, I refused to receive any news about him, good or bad.

He smiled.. genuinely. "Welcome back."  Tumango lang ako, walang masabi. 

Sabay sabay kaming nagtungo sa van na naghihintay sa labas ng airport. Bago ako makapasok ay naramdaman ko ang kamay na marahang humaplos sa aking braso.

Paglingon ko'y naktitig si Renzo sa akin.. tila nananantiya.. "I'll go ahead. See you around." At saka siya lumingon kay Dad. "I'll go ahead, Sir."

Sir.. he's too respectful to the person who killed his mother..

My father nodded. "Okay, I expect the papers after lunch."

"Don't worry, Sir."

I watched him walk away. Julius gently caressed my back making my eyes dart at him. "We'll eat somewhere, anong gusto mong kainin ngayon?"

I shrugged. "Anything." Actually, the shock of seeing Renzo today made me lose my appetite.

"Nagutom ako sa paghihintay sa'yo kaya halika na." Saka ako hinila ni Gigi papasok sa van kung saan nakasakay na sina Mom and Dad.

Huminto ang van kaya isa-isa kaming bumaba at pumasok sa isang fine dining restaurant. Gigi nudged me after we all ordered our meal. "Magkwento ka na dali!"

Nagkibit balikat ako at tumingin sa kanilang lahat. "Anong iku-kuwento ko?"

"Tungkol sa trabaho mo, of course!"

Julius nodded. "I heard it's really dangerous sometimes?"

I shrugged.. "Well..we usually travel far para makapunta sa location ng coverage. Sometimes, we trek mountains covered with snow or we run in the forest to tail the animals we have tagged. Mahirap pero naging masaya naman ako. Photography is my real passion anyway."

Sumulyap ako kay Mom na tipid na nakangiti habang si Dad naman ay hindi ko mabasa kung ano ang iniisip. But I know, as he stare at me, he really missed me a lot.

Nagkuwento pa ako habang kumakain at nang matapos kami ay nagtungo na sila Gigi at Julius sa OC. 

"Hihintayin ka namin doon, ha?"

"But for now, you should take a rest."

I smiled and nodded. "Ingat kayo." Pinanood ko silang dalawa na sumakay sa sasakyang pinadala ni Julius. 

Ako naman ay nagpasiyang umuwi sa mansyon kasama sina Mom and Dad. The housemaids greeted us as we entered. 

"I'll take a rest." 

Mom smiled at me. "You should. I'll cook for dinner so make sure to come home early if you happen to leave later, alright?"

"Yes, Mom." Umakyat na ako sa hagdan nang hindi nililingon si Dad. Mang Jerry followed me upstairs with my luggage. 

Naglalagay ako ng ilang mga gamit ko sa vanity table nang makita ko ang box ng wedding ring ko. Saglit ko itong kinuha at tinitigan. Renzo and I.. can't really be together. I have already given up that possibility years ago.. but I guess, there are things that we can't just really erase. It will remain, somewhere in our heart, forever. Binalik ko ang singsing sa lagayan at tinabi na lang sa pinakailalim na drawer ng lamesa. 

Bumaba ako sa sala at napabalikwas nang makitang naroon si Renzo. Anong ginagawa niya rito?! Saglit ko siyang tinitigan. His thin stubble, expressive double-lidded eyes and clenching jaw made him look more.. handsome.. as ever. He's just simple reading a magazine but his powerful aura and serious eyes can draw anyone's heart.

Nang lingunin niya ako ay napadiretso ako ng tayo habang nakapatong ang isang kamay sa banister ng hagdan.

"What are you doing here?" I asked.

He picked up an envelope beside him and stood. "I came here to give this."

"Para kanino 'yan?"

"For your Dad. He has to sign these papers." 

Hindi ko na alam kung anong estado ng samahan nila ni Dad but I think they're trying to get back things to normal. Since Renzo is the CEO of OC, he has to at least be civil with my Dad. Pero kung ako nga ay umaasa pa ring pagbabayaran ni Dad ang ginawa niya, I'm sure iyon din ang gusto ni Renzo. 

"O-okay.." 

Hinagod niya ng tingin ang katawan ko. I'm wearing a simple white shirt and maong shorts. Mukhang wala naman na siyang sasabihin kaya naglakad na ako patungo sa kusina. Hindi naman talaga sinasara ang pintuan sa kusina pero sinara ko iyon at napalakas pa nga!

Saka lang ako nakahinga ng maluwag. Habang umiinom ng tubig ay paulit-ulit sa utak ko kung paano niya ako hinagod ng tingin. Men in the US are no different, some will gawk at me but I don't give a damn.. pero pagdating kay Renzo, my heart is racing like mad! I'm afraid that he'll find any flaw..

Napahawak ako sa aking pisngi.. so far, I still have no wrinkles and thankfully no white hair.. at kahit busy sa trabaho, inaalagaan ko pa rin ang sarili ko. Hindi rin naman ako mahilig sa makapal na make up and my baby face helps me look younger.

Narinig ko sa labas ang boses ni Dad habang nag-uusap sila ni Renzo tungkol sa negosyo. They really seem okay, I just don't know if five years is enough para makapagpatawad si Renzo or if that's even possible?

Binanlawan ko ang ginamit kong baso habang nag-iisip kung ano bang gagawin ko ngayong nakabalik na ako. Hindi ko alam kung kukunin ko na ba agad ang OC o kung magiging photographer doon.

"Did you have fun in the US?"

Napabalikwas ako nang marinig ko si Renzo mula sa aking likod. Sa sobrang taranta ko ay dumulas sa aking kamay ang baso at diretsong bumagsak sa sahig. Ni hindi ko man lang narinig na bumukas ang pinto!

Kumalansing ang mga bubog sa sahig kay kusa akong napapikit at napasigaw. Mas lalo akong nagpanic nang mabilis siyang naglakad palapit kaya inamba ko ang kamay ko para pigilan siya. "I'm fine. Stay back!"

Don't you dare get any close!

Natigilan siya dahil sa pagiging alerto ko. Nang mapagtanto ko ang pagtaas ng sariling boses ay natigilan din ako at umiwas ng tingin. "I'm fine.." I exhaled violently.

Tinanaw ko ang sahig at naglakad na habang iniiwasan ang mga bubog. Bago ko pa mapihit ang pinto ng kusina ay marahan niya nang hinuli ang braso ko kaya mabilis akong kumawala.. Stop touching me!

"What?" I couldn't hide my irritation anymore.

He smiled.. is he amused? Tila natutuwa sa iritasyon ko.. "You didn't age a bit.." 

Naitikom ko ang bibig ko pero nang makabawi, I smiled. "Thank you but.. you don't have to touch me if you want to say something."

I'm not really comfortable anymore.. Agad naman siyang tumango habang nakangiti pa rin. "Okay." Bumaba ang tingin niya sa aking labi. My initial reaction was.. to step back. But he's way faster. Hinila niya ako palapit at nang magtama ang aming tingin ay halos matumba ako sa pagkakatayo. My heartbeat isn't normal and I can't even stare back at him!

He pulled me closer that I can already feel his warmth.. Bumaba ang tingin ko sa aking kamay na namamahinga sa kaniyang dibdib.. With my palms, I can feel his heartbeat. I concentrated to feel it more and my eyes automatically darted at him when I realized that our hearts are both pounding fast and loud..

He smiled sweetly as he tried to pull me for a hug. My arms immediately clung onto his neck.. The calmness that his warmth brought me feels like.. "Welcome home.." He whispered. I closed my eyes trying to prevent my tears. Not all dreams that come true, are destined for us. 

Before his touch pull me into the abyss of obsession again, I pushed him. "Stay away from me."

Nagmadali akong umakyat sa hagdan. Matapos kong isara ang pinto ng aking silid ay napatitig lamang ako sa sahig.. Nanginginig ang aking buong katawan sa kaba at masakit na ang bawat tibok ng puso ko. I don't understand. I haven't seen him for years.. hindi ko alam kung bakit.. umiling-iling ako para iwaksi ang naiisip. No. Not again, Wendy. 

Nang sumapit ang hapon ay napagpasiyahan kong lumabas muna dahil mag-isa lang ako sa bahay. Si Mom at Dad ay nasa Fidel pa.

Nadaanan ko ang isang playground na maraming batang naglalaro. Bumaba ako at umupo sa isa sa mga swing dito. Habang pinapanood ko ang mga batang naglalaro ay natanaw ko ang isang pamilyar na pigura ng babae na umupo rin sa swing.

"So you're really back." Aniya nang hindi tumitingin sa akin kundi sa mga batang naglalaro sa slide. "Hindi ka na dapat bumalik." She added. I stared at her. Her aura is darker than ever. We're both 29 years old but with the heavy make up and a daring outfit, she looks like 35. 

"What?"

Emily flipped her hair and rolled her eyes. "Alam kong narinig mo ako. Unless nabingi ka?"

I sighed in disbelief. "Are you looking for trouble?"

Her eyes were filled with undeniable rage as she stood and pointed her finger at me. "I hate you Wendy! Lumayo ka nga pero amoy na amoy ko pa rin ang presensya mo! You stink!"

Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. I'm still on my calmest state but looking at her, it's like she's already going to explode right now. "What's wrong with you?"

"Wala sa akin ang mali! Nasa 'yo! Ikaw ang palaging sumisira sa mga plano ko sa buhay! At ikaw lagi ang umaagaw sa mga bagay na dapat ay sa akin! You will surely pay for this! Sana hindi ka na lang bumalik! I hate you. I really hate you!" Saka siya tumayo at naglakad palayo.

Childish.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019