Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Madalas kami ni Renzo sa mall para mag-date ngunit ito ang unang beses na dinala niya ako sa isang nature park, medyo nakakapagtaka pero hinayaan ko na. Mabuti nga ito, para may bago kaming napupuntahan. Hawak ko ang shawarmang kinakain ko nang muntik na akong mahagip ng bisikletang dumaan pero mabilis niya akong nahila palapit sa kaniya. "Mag-ingat ka."

Tumigil ako sa paglalakad at tumitig sa kaniya. Mababakas ang iritasyon sa kaniyang mukha, hindi ko maintindihan. Hindi naman nakakunot ang kaniyang noo at hindi rin salubong ang kaniyang kilay ngunit sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay pakiramdam ko, isa akong malaking iritasyon at abala. "Why are you so grumpy?"

"Kung mahagip at nagkasugat ka riyan, anong ipapaliwanag mo sa Daddy mo?" Saka siya umiiling na naglakad patungo sa isang stall na nagbebenta ng paborito niyang ramen. Tahimik lang ako sa tabi niya habang siya ay patuloy na kumakain. Napairap na lang ako sa hangin dahil hindi niya man lang ako nililingon. Mas maswerte pa nga 'yung ramen, hinihigop na, nilalasap pa!

Tumayo ako para sana bumili ng tubig ngunit bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Ngumisi ako at bumaling sa kaniya. "Oh? Buti naalala mong may kasama ka?"

"Mag-usap tayo." Saka niya iginilid ang mangkok na wala nang laman.

Natigilan ako roon. Unti-unting sumilay ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag. Dahan-dahan akong naupo habang nanunuyo ang lalamunan. Tinitigan ko lamang siya habang siya ay matamang tumingin sa akin.

"Maghiwalay na tayo."

"Huh?"

"Maghiwalay na tayo."

"Are you kidding?" Bumuntong hininga siya at umiling na naman. Napasinghap ako habang hindi makapaniwala. "Isa pang iling mo puputulin ko yang leeg mo, Renzo! Sumagot ka nga ng maayos!"

"Ayoko na. Let's stop this."

"Anong ayaw mo na? Why?"

"Kapag nalaman ng Daddy mo ang relasyon natin, magagalit siya sayo, sa'kin, baka madamay ang scholarship ko."

"You, bastard! Dalawang taon na natin itong tinatago tapos ngayon mo lang naisipang tapusin? Sana noon pa! Pinaasa mo lang ako na kaya mong harapin si Dad someday!"

"Bata ka pa, marami ka pang makikilala."

Natigilan ako habang nakatingin lamang sa kaniya. Ang kaba ay unti-unting napalitan ng sakit. Kung saan saan na lumipad ang isip ko, ni hindi ako makatingin ng diretso sa kaniyang mga matang desidido na.

"Renzo, please. Let's fix.. this.." Nagbara ang kung ano sa aking lalamunan, resulta ng pagpipigil ng iyak. No.. this is not happening..

"Renzo, please. Ang sabi mo kakayanin natin 'to, 'di ba? Ang sabi mo ipaglalaban mo ko. Bakit umaayaw ka kaagad?"

"Wala tayong patutunguhan, Wendy."

Buo na ang kaniyang desisyon.. hindi na mahalaga ang opinyon ko, kahit lumuhod ako sa kaniyang harap, hinding hindi niya ako pagbibigyan. Sa isang iglap, ang lalaking halos sambahin ako, ay tinitignan ako ngayon na tila isa akong estranghero.

Maybe, we're not really meant to be together. 


  • (5 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE