Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Nagising ako dahil sa walang habas na pumupindot ng doorbell sa gate. Nataranta na rin ako dahil sunod-sunod iyon. Pagbukas ko ng pinto ay natanaw ko si Emily sa gate. Binuksan ko iyon pero hinarang ko ang kamay ko. "What?"

"Kailangan kong makausap si Renzo.." Napansin ko ang pamumula ng kaniyang mga mata at ilong. Halatang kagagaling lang sa iyak. Her resting bitch face was gone.. she looks like a mess. 

"He's still asleep."

Pumikit siya at huminga ng malalim.. She's unbelievably calm. "M-may kailangan akong sabihin sa kanya. May kailangan siyang malaman." I sighed in disbelief. She may look like pitiful but still.. shameless. 

Pinapasok ko siya sa loob ng bahay at umakyat ako sa kwarto para gisingin si Renzo. Tinapik tapik ko ang balikat niya. "Renzo, wake up."

"Hmm?" Mabilis niyang hinuli ang kamay kong nasa balikat niya at hinalikan iyon. Pinanatili niya iyon sa kaniyang labi.. My heart skipped a bit by his gesture. I stared at him for a while and can't help but to smile.. I'm gonna sure miss him.

"Si Emily.. gusto kang makausap.." 

Parang isang sampal ng katotohanan ito, kahit anong gawin ko. He's committed to someone else. Ang lahat ng ipinakita niya kahapon, siguro ay dahil lang guilty siya. Kumunot ang noo niya habang nakapikit pa rin. "Send her off."

"Pinapasok ko na.." Kumunot ang noo niya at unti-unting dumilat. Bumuntong hininga siya kasabay ang mabilis na pagbawi ko ng aking kamay. Saglit siyang natigilan doon pero tumalikod na ako. 

Maglalakad na siya diretso sa pinto pero mabilis kong inabot ang kaniyang t-shirt. "Magdamit ka." Naunahan na ako ng inis kaya umirap na lamang ako. Nakita niya iyon at sinubukang hulihin ang kamay ko pero naglakad na ako palabas sa pinto. Saglit pang humaplos ang kamay niya sa palad ko kaya halos mapasinghap ako sa kakaibang sensayon. 

Lumapit si Renzo kay Emily na nakaupo sa sofa habang ako ay nakatayo lamang dito sa hagdan. Nagmamasid at naghihintay sa kung ano namang drama ang gusto ni Emily ngayon. "What are you doing here?" Renzo's facing Emily but I can sense that he's trying to contain his irritation.

"Pwede bang tayong dalawa lang ang mag-usap?" 

Huh? Napairap ako at bago pa man ako sabihan ni Renzo ay umakyat na ako sa hagdan. There's no way that I'll let him shoo me away for her! Pero dala ng kuryosidad ay nanatili ako sa dulo ng hagdan kung saan hindi nila ako nakikita.

"Renzo.." Emily's wailing and sobbing echoed in the whole place. 

"I told you, we're done."

"Renzo, hindi ako nagpunta dito tungkol doon.." 

Tumahimik silang dalawa ng isang saglit.

"Buntis ako."

What? What?! My heart pounded in pain. Her words kept playing in my mind.. every word sounding like a bomb.. Buntis ako.

Agad na nangilid ang luha ko habang nakaupo't nakasandal sa pader, tulala. Ang bawat sulok ng puso ko ay kumikirot sa sakit. Tila napipigtas ang lahat ng ugat doon.

"Are you.. sure?"

"Oo.. I'm.. t..two weeks pregnant." Sinilip ko sila sa baba, may inabot na puting bagay si Emily kay Renzo, pregnancy test yata iyon. Napasinghap si Renzo at saka umiling.. "We'll talk about this later."

"S-sige." 

Hindi ko namalayan ang pagbuhos ng luha ko habang nakatulala. Nang mapagtanto kong tapos na ang pag-uusap sila ay pumasok na ako pabalik sa kwarto.

Humiga ako ulit sa kama at nagtalukbong ng kumot kasabay ang pagbukas ng pinto. Tulala lamang ako habang hinahayaang bumuhos ang lahat ng luha. Paulit ulit na tila dinudurog ang puso ko sa natuklasan. The calm is done.. this is the storm. 

Tanggap ko maghihiwalay na kami.. Hinanda ko ng sarili ko pero hindi ko inaasahan ito. Masyado itong masakit! Tila pinipiga ang puso ko. Literal ang pagkirot nito na kumakalat sa buong katawan. I feel like I can die of crying.

"Wendy..." Narinig ko ang mahinahong boses ni Renzo. "I'm sorry.." Dagdag niya habang hinahaplos ang aking hitang natatakpan ng kumot.

Isang sigaw ang napakawalan ko bago ako tuluyang bumangon at humarap sa kaniya. "Fuck you!" Kitang kita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha nang makita ang itsura ko. Oh yes, Renzo! I'm crying myself to death, you asshole!

"Nakakadiri ka! Nakakadiri na nga ang isiping ikinakama mo ang babaeng iyon, tapos nag-kaanak pa kayo?! Nagkaanak kayo nang kasal pa tayong dalawa?! Maghihiwalay din naman tayo! Bakit hindi ka nakapaghintay?! Ang tanga mo! Ang tanga tanga mo!"

Imbes na sigawan ako pabalik ay nanatili siyang tahimik. Mas lalo akong nanlumo at napahagulgol. "Ano?! Wala ka bang sasabihin?!" Nanatili siyang tahimik kaya tanging paghikbi ko lang ang naririnig sa buong silid.

"Paano kung hindi ako makipaghiwalay ha?! Paano kung gawin kong bastardo habangbuhay ang anak mo?!" 

Hindi nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Tila alam na alam niyang hindi ko naman talaga magagawa iyon. Tinakpan ko ang mata ko gamit ang likod ng aking palad kasabay ang paghila niya sa akin para mayakap ako. His warm hug didn't sooth me.. it disgusts me!

Tinulak ko siya at hinarap. "Mahal mo ba siya?" 

Umiling siya. Umiling siya pero hindi nito nabawasan ang galit sa puso ko, gusto ko itong ilabas! "Ang sakit sakit ng ginawa mo sakin, Renzo! Ang sakit sakit nito! Hindi ko 'to kaya.." Hindi na ako makahinga dahil sa sunod sunod na paghikbi. 

Lumapit siya at niyakap akong muli.. "I'm sorry.." Pero mas lalo lamang akong nasasaktan. Kahit anong higpit ng kaniyang yakap.. wala na kaming maibabalik, nangyari na ang lahat.

Umiling ako habang patuloy ang paghikbi sa kaniyang dibdib.. "You.. cheated on me.. tiniis ko 'yon.. kasi may kasalanan ako.. pero hindi ko na 'to kaya.. ang sakit sakit na.." Nauubusan na ako ng malalanghap na hangin dahil sa pagkirot ng puso ko and I'm staring to panic for my own life kaya mabilis ko siyang itinulak.. I won't die yet.. I won't die just because of this!

Umalis ako sa bahay at nakipagkita kila Gigi sa opisina ko. Pagdating ko ay naroon na sila. Niyakap ko agad si Gigi habang hindi ko na napigilang umiyak.

"Si Renzo ba?"

"Ano bang ginawa niya?"

"Nakabuntis siya. Nabuntis niya si Emily.." Tulala na lang ako dahil hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang sunod sunod na pagkirot ng puso ko.

"Pabilisin mo ang annulment.. pabilisin mo ang annulment!" 

Isang tango lamang ang naisukli ko sa pagsigaw ni Gigi. Ngunit sa huli.. kahit anong galit 'ko.. hindi ko maipagkaila.. "Mahal na mahal 'ko siya.."

"Lintik na pagmamahal 'yan, Wendy. Wala nang magandang naidulot sayo yan. That's not love!" 

Lumapit si Julius at hinawakan sa balikat si Gigi para pakalmahin. "Calm down. You're not helping."

Sigurado akong pananagutan ni Renzo si Emily pero hindi niya magagawa ng buo ang responsibilidad niya kung nakatali siya sakin. Tuluyan nang bumuhos ang luha ko dahil sa tuwing iniisip ko ang paghihiwalay namin nanghihina ako, pero kailangan kong maging matapang at kailangan kong ipakita kay Dad na kaya ko kahit wala si Renzo. Para hindi na siya gumawa ng kahit ano pang makakagulo lalo sa sitwasyon.

Sumandal ako sa aking upuan habang nakatanaw sa wedding picture namin na nasa aking lamesa. "I thought I was ready to let him go. I thought.. it will not hurt this way.. but I'm wrong. He just gave me one big blow before the annulment."


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019