Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Dala ko ang isang brown envelope na may lamang mga resume habang pabalik ako sa Manila. Isa isa ko iyong binasa habang nasa flight ako. Magagaling pala ang mga empleyado nila. Ang ilan ay nanalo ng local awards, nagtapos sa magagandang kolehiyo at ang ilan sa kanilang content creator ay lagpas sampung taon nang nagtatrabaho sa industriya.

Sinama rin nila ang kopya ng kanilang mga portfolio.. bago at magaganda ang mga ideya nila. Pagdating ko sa airport ay naroon na't nag-aabang ang driver.

Bumati agad si Gigi pagpasok ko sa opisina niya. "Good morning."

"Good morning Gi, can you do me a favor?"

"Of course, no need to ask. Ano 'yun?"

Umupo ako agad at nilabas ang mga resume. "These are all qualified applicants, I already checked it and I want you to distribute these papers to other HR managers sa iba't ibang branch natin. Give all of them the job suited for their qualification."

"Ang dami naman nito. Saan mo 'to nakuha?"

"Siguradong alam mo na ring nasunog ang iMake Digital? These people are their content creators and administrative staffs. Gusto ko silang hanapan ng trabaho so I hope you can help me."

"Wow, that's so noble of you." Saka nanlaki ang mga mata niya. "Oh my gosh! Sabi ko na nga ba meron tayong dapat pag-usapan e! Ito 'yon! Nalaman ko sa mga post ng mutual friends namin ni Renzo.. He's mom is dead?!"

Dahan dahan akong tumango. "Yes. So I went to Davao para makatulong pero I know na he's not in the mood kaya pagkatapos ko siyang makausap, hinayan ko na."

"Wow. You went to Davao?"

"Wow, rhyme."

"I'm serious!"

"Oo nga. Friday night bumiyahe ako papunta roon then Sunday night din ako umalis."

"Tsk, tsk. To the rescue ka naman."

Bumalik na ako sa bahay pero bago ako makapasok sa pinto ay nakatanggap ako ng text galing kay Renzo. 

Renzo: Good morning.. I badly need your father's help. I want to set an appointment bur I know his schedule is too tight. Can you help me?

Daddy met Renzo a few times. Nagkakilala sila dahil nalaman ni Dad na si Renzo pala ang nakaisip sa content ng isang sumikat na commercial ng kanilang kumpaniya. Iyon ang dahilan kaya nakilala ang iMake. Renzo is the humblest person I know, hindi niya ipinagyayabang ang talento niya, malalaman mo na lang kapag naipakita niya na ang kaniyang husay. 

The commercial went viral nationwide for almost two months because of the humorous concept and the jingle was really catchy. I even unconsciously sing the jingle in the shower sometimes and when I browse my social media accounts, memes and jokes about the commercial were spread everywhere. We lost two shareholders because of that, they pulled out their shares and invested in iMake pero hindi naman iyon nagdulot ng malaking danyos sa OC. Dad was mad as hell pero lumipas din naman and I'm happy for iMake success, really. 

After that phenomenal commercial, Dad tried to persuade Renzo na magtrabaho sa amin pero of course, hindi 'yon papayag. Alangan namang iwan ni Renzo ang sarili nilang kompanya para magtrabaho sa amin.

I replied: Okay, I'll set you an appointment. Kailan ka pupunta rito?

Renzo: I'm already here in Manila, sorry for the rush.

Ako: No, it's okay. I'll talk to Dad. Ite-text na lang kita kung anong schedule ang available.

Renzo: Thank you.

I rushed to the kitchen kung saan paniguradong nag-aalmusal sina Mom and Dad. "Finally you're here. I thought your flight was 4am? Dapat nandito ka na by 6, bakit ngayon ka lang?" Mom asked.

"Nagpunta pa ako sa OC, nagpasa ng mga resume kay Gigi."

"Resume? Kaninong resume?"

"Sa mga empleyado ng iMake."

Kumunot ang noo ni Mom at lumingon kay Dad. "Did you know about this?"

He shrugged. "We raised a noble kid, didn't we?" He smiled weirdly, I stared at him for a while pero binalewala ko na ang kakaibang ngiti niya.

Napangiti na rin ako at umiling. "I just tried to help. Moral support? For sure kaya na iyong ibigay ng family nila but what they need right now to survive is a job."

Naglapag si Mom ng plato sa lamesa at inabutan ako ng kubyertos. "E, anong ini-offer mo kay Renzo?" Nakataas ang kilay niya kaya natawa ako.

"This." Humarap ako kay Dad. "Dad, he wants to set an appointment with you. Pwede mo ba siyang isingit sa sched mo?" He smiled at saka tumango. "I can prioritize him."

Umiling ako. "Oh that's too much, but can you?" He chuckled and nodded as he pinch my nose.

Bumalik ako sa office pero lutang naman ako kaya I asked Gigi to come with me sa cafeteria ng OC. "Puro ka naman shawarma. Mamamatay ka diyan." Saka niya nilapag ang shawarma rice na inorder niya para sakin.

"Hindi naman araw-araw. Anong nangyari sa mga resume?"

"Nabigay ko na kanina pa. Baka tinatawagan na sila right now. Pero eleven sa kanila, naipasok ko rito sa OC."

Napabuntong hininga ako habang hinahalo ang pagkain ko. "Sa tingin mo, ito na kaya 'yung sign na magkakabalikan na kami ni Renzo?"

Naningkit ang tingin niya sa akin. "Sa tingin ko ito na nga 'yung sign."

Ngumiti ako at lumapit sa kaniya. "Talaga?"

"Ito na 'yung sign na dapat ka nang mag-move on! Jusko naman 8 years na! Move on!"

Ngumuso ako at binalik sa ayos ang upuan ko. Nagpatuloy lang kami sa pagkain pero hindi talaga ako mapakali. "Iba ang pakiramdam ko."

"Saan?"

"Hindi ko alam. Parang may hindi magandang mangyayari, e."

"Wow, psychic?"

"Seryoso ako." Bumuntong hininga na lang ako at napalingon sa cellphone ko nang umilaw ito. 

Isang text galing kay Renzo: Papunta na ako sa office ng Daddy mo, thank you sa tulong.

Ngumiti ako habang kagat ko ang kutsurang hawak ko.

"Hoy, sino 'yan?" Inagaw ni Gigi ang cellphone ko kaya nagpatuloy ako sa pagkain habang hindi maalis sa akin ang mapangiti.

"Ang landi mo talaga. E, 'di puntahan mo na. Ano pang ginagawa mo rito?"

"Ha? Bakit ko naman pupuntahan?"

"Akala ko ba kinakabahan ka? Malay mo yan 'yung dahilan."

"Hindi naman siguro. Hindi na ko pupunta, baka maka-istorbo lang."

"Neknek mo! Pumunta ka na. Akin na nga yan, puro ka cholesterol." Inagaw niya ang kinakain ko at saka ako inabutan ng tubig kaya mabilis ko iyong ininom bago kinuha ang cellphone at ang bag ko.

"Babalik ako mamayang 4pm."

"Sige, lumandi ka na 'don. Support lang ako."

Umirap lang ako at saka nagtungo sa main building ng Fidel kung nasaan si Dad. Tiningala ko ang mataas na gusali. Ito ang headquarters ng Fidel Cruises. Hindi naman ito ang unang kumpaniya na naipundar ni Dad pero hindi ko alam kung bakit mas pinili niyang ito ang i-handle. Masaya na rin ako na binigay niya sakin ang OC, iyon kasi talaga ang unang kumpaniyang naipatayo niya noong nagsisimula pa lang sila ni Mom.

Pagdating ko sa office ni Dad ay naabutan ko ang sekretarya niya.

"Good afternoon, Ma'am!"

"Good afternoon, Chelle! Si Dad?"

"Nasa loob po, Ma'am Wendy. May kausap po, e."

"Ah, si Renzo Solivares ba?"

"Opo."

Tumango ako. "Sige." At saka naglakad na pero pinigilan ako ni Chelle.

"E, pero Ma'am bawal po pumasok, e."

"B..bakit daw?"

"May pag-uusapan daw po silang kontrata, bawal daw may makarinig."

"Ang confidential naman niyan. Kahit anak, hindi pwedeng marinig?"

"Hindi ko naitanong Ma'am, e."

Ngumuso ako at naupo sa waiting area. "Maghihintay na lang ako rito."

Makalipas lamang ang limang minuto ay lumabas na si Renzo pero hindi ko inaasahan ang masamang timpla ng mukha niya. Nakakunot ang noo niya at tila wala sa sarili.

Tumayo ako agad kaya nagulat siya nang makita ako. "What happened?" I asked.

Pinagsingkitan niya ako ng tingin na tila hindi makapaniwala sa tanong ko. "You don't know?"

"Ang alin?"

"I don't know what your father was thinking.."

"A-ano ngang sinabi niya?"

"In exchange of his help.. I have to marry you."


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019