Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

"Have you heard the news?" 

Mula sa malayong tingin ko ay napalingon ako kay Gigi na kasama kong nagbibisikleta. "Good news o bad news?" ang tanong ko pabalik.

"Both."

I shrugged. "Spill it."

"Nandito sa Manila si Renzo."

"Ano 'yung bad news?"

"He's with his girlfriend."

Napairap ako sa hangin at saka ngumisi. "Saan ba galing 'yang chismis na nakalap mo? Wala na siyang girlfriend ngayon. They broke up before he took his master's degree four years ago." 

Lumingon ako kay Gigi nang tumawa siya ng malakas. "Oh my God, you're a damn good stalker." Saka siya nagpatuloy sa pagtawa kaya binilisan ko na lang ang pagbibisikleta. 

I asked her to come with me para makapagrelax kaming dalawa pero sumama lang yata ang bruha para asarin ako. "Do you really still love him?" Ang tanong niya. Walong taon na ang nakalipas pero mahal na mahal ko pa rin si Renzo. I was just 16 noong naging kami and we broke up 2 months after my 18th birthday, the worst part of my life.

I went home before 6 pero wala pa sina Mom and Dad. Sa pagkakaalam ko ay maaga silang uuwi kaya tinawagan ko na si Mom.

"Where are you?"

"Papunta na kami sa airport, sorry we'll gonna be late."

"What happened? I thought 4pm pa lang babiyahe na kayo?"

"Your father was rushed in the hospital; inatake ng asthma dahil nakalanghap siya ng maraming usok galing sa sunog."

"Sunog? Anong sunog?"

"Iyong advertsiment agency ni Matilda, malapit lang sa naganap na conference dito sa Davao so we thought we could pay a visit but the road was blocked, they said that there was an explosion in the building that started the fire.. The area was filled with smoke."

"Nasaan si Dad?"

"He's beside me, nagpapahinga. Renzo talked to us over the phone, humingi ng paumanhin, he's been really guilty but I let him slip, hindi naman niya iyon kasalanan."

Magsasalita pa lang ako ulit pero biglang naputol ang tawag. Agad kong tinawagan ulit ang number ni Mommy pero hindi na ako makakonekta sa kaniya. What the hell happened? Umupo ako sa sofa at agad na binuksan ang TV. I switched the channels hanggang sa makakita ako ng balita but there was no news about the fire yet. I opened my social media accounts to stalk Renzo pero walang bagong update. 

Mas lalong namuo ang kaba sa akin, if Renzo is here in Manila.. then it means wala siya doon sa sunog and he's safe. But what about his mom? Mayroon akong bagong number ni Renzo pero kahit minsan ay hindi ko siya naisipang tawagan matapos ang break up namin. I was in the middle of thinking kung tatawagan ko ba siya nang saglit akong lumingon sa TV. There, ibinalita na ang nangyaring sunog.

"Alas dos ng hapon ay nagkagulo sa kahabaan ng Mamay Road matapos itong mapuno ng mga truck ng bumbero dahil sa nangyaring pagsabog sa isang advertisement company. Dalawang oras na nasa alert level 4 ang sunog at tinalaga lamang na under control kaninang alas kwatro ng hapon. Mabilis namang naapula ang sunog dahil dalawang palapag lamang ang gusali. Ayon sa mga empleyado, lahat sila ay nasa ikalawang palapag nang makaamoy ng tumatagas na gas mula sa kusina na nasa unang palapag naman ng gusali.. Ang lahat ng empleyado na nasa ikalawang palapag ay nailigtas mula sunog matapos marespondehan makalipas ang ilang minuto."

Halos hindi ako humihinga habang nanonood. Gusto kong lumunok pero tila may nagbabara sa lalamunan ko. Pakiramdam ko'y may kulang pa sa balita. May kulang pa..

"Sa tala ng mga pulis, tatlo ang namatay sa aksidente kabilang dito ang dalawang gwardiya na nasa unang palapag at ang mismong may-ari ng kumpaniya na si Matilda Solivares.. na ayon sa sa mga empleyado ay nasa kaniyang opisina nang maganap ang pagsabog. Apat na sibilyan naman ang sugatan dahil sa bubog na tumalsik mula sa gusali. Patuloy na iimbestigahan ng mga pulis ang nangyari upang kumalap—"

Tila unti-unting nawala sa pandinig ko ang boses ng reporter. Dahan-dahan akong kumurap upang intindihin ang nangyari. Tila may kung anong bumagsak sa akin nang mapagtanto ko ang lahat.. Renzo's mom is gone.. Tita Ida is gone?! 

 No.. Renzo's all alone.. I quickly dialed his number.

"Hello?" 

I gasped when his raspy voice filled my ears. Pumikit ako nang madama ang pagod at lungkot niya roon. "I.. I heard what happened.."

Saglit siyang natahimik. Siguro'y tinatantya kung sino ako base sa boses. "I'll be busy, Wendy. Ibaba ko na 'to, nasa biyahe ako papuntang Davao."

"I..I'll come with you."

"What?"

Napalunok ako dahil sa tono nang kaniyang tanong, tila ba isang kahibangan ang ideya ko. Yeah, I must be crazy. Gusto ko siyang damayan, wala na siyang makakapitan ngayong wala na si Tita Ida. Although he broke up with me,  I kept admiring him.. his passion, hardwork, perseverance.. every bit of him. 

Hindi ako nakasagot agad kaya nagsalita na siya ulit. "Don't bother. I'm fine." Saka niya pinatay ang tawag. 

It's Friday night at wala naman akong gagawin this weekend kaya mabilis akong nagtungo sa kwarto. Alam kong sobrang nasasaktan si Renzo, someone has to be with him kahit hindi naman ako ang kailangan niya. I just have to do this, I know I need to do this. I waited for Mom and Dad to come home and it was 9 in the evening when they arrived. Mabilis akong bumaba sa sala dala ang aking malaking backpack.

"Where are you going?" Agad na tanong ni Mom nang makita ako.

"I'm going to Davao. Renzo needs someone to be with him."

"Obviously, it's not you."

Mom knows kung gaano ko kagusto si Renzo dahil I opened up to her few weeks after our break up but since that day, she just really hated him. However, I know that my Dad is always supportive so I looked at him.. he nodded. Mom removed her glasses hastily bago bumaling kay Dad. "Lagi mo na lang kinukunsinti si Wendy sa kahibangan niya."

"Anything for my unica hija, Love." Nginitian ni Dad si Mom pero umirap lamang siya.

"Fine. Take care on your way." She said.

I smiled and kissed them goodbye bago ako tuluyang lumabas. Nagpahatid ako sa driver ko patungo sa airport. Nakapag book na ako ng ticket kanina and my flight is 2am, I think I just arrived on time. I have two hours to kill bago ang mismong flight kaya kinuha ko ang cellphone ko at nag browse sa social media accounts ko. Since some of my friends on Facebook ay kaibigan rin ni Renzo, the topic on my feed was centered to what happened in Davao.

Maraming tagged post kay Renzo but he didn't bother to comment on anything. He just liked one post na galing pa sa huling ex-girlfriend niya, cheering him up. Instead of posting, I texted him. "Pupunta rin ako sa Davao, I'll try to help." It took him an hour bago nakapag reply.

"Don't bother. Hindi ka kailangan dito." 


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
03 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
28 August 2019