Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Hindi ko na masundan ang mga pangyayari.. As much as I want to help Renzo, hindi ko iyon magagawa kung hindi niya ako hahayaan. Kailangang matuloy ang kasal para hindi siya makulong dahil sa paglabag niya sa kontrata. Kung gusto niyang tulungan ko pa siya sa imbestigasyon niya ay gagawin ko pero kapag ganitong galit na galit siya, mahihirapan akong tumulong.

Dad called pero pinatay ko lang ang tawag. Mas gusto ko siyang makausap ng personal to clarify some things. Pag uwi ko ay nakakain na sila. Umakyat ako agad sa office ni Dad, nagbabakasakaling gising pa siya. "Dad?" I knocked twice.

"Come in."

Agad kong binuksan ang pinto at saka umupo sa silyang katapat ng kaniyang lamesa. "Hindi mo na dapat pinapunta rito si Renzo." Bungad ko.

"Hindi niya dapat makalimutan ang kasal."

"Dad, dalawa ang kondisyon ninyo 'di ba? Ang una ay kailangan niyang magtrabaho sa OC, ginawa naman niya, content creator na siya sa OC. Baka naman pwede niyo na muna siyang hayaan sa Davao? Marami pa siyang kailangang gawin doon at nagluluksa pa nga 'yung tao e."

"Wendy, I'm doing this for your own good. I don't want worst things to happen again.. like.. that." Saka niya tinuro ang kanang palapulsuhan kong nakapatong sa lamesa. I immediately hid it behind me kahit alam naman niya na kung anong nangyari roon. It was just so embarrassing. Kung maibabalik ang oras, I would never ever slit my wrist again. It's a pathetic way to handle a problem. Ni wala ngang naresolba, nadagdagan lang ang problema ko dahil kailangan ko itong itago.

"I can control my emotions now, okay? Please Dad, ayoko nang makadagdag pa sa problema niya. I'm supposed to help him." 

Plus, the guilt is consuming me. This is all my fault. Tumayo na ako at saka nagtungo sa kwarto ko. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Renzo pero hindi siya sumasagot. Gusto ko pa naman sabihing huwag na muna siyang mag-alala tungkol sa kasal. Hindi naman siguro masama kung hahayaan ko siyang manatali muna sa Davao. Nakailang ring na ang cellphone ko pero wala pa ring sumasagot kaya hindi ko na sinubukan pang tumawag uli. Tatayo na ako mula sa kama nang mapabaling ako sa aking cellphone dahil sa pagtunog nito.

"Renzo?"

"Ma'am? Kaibigan ba kayo ng may-ari nitong cellphone? Kayo yung huling tumawag sa cellphone niya, e."

"Where's Renzo?"

"Bouncer po ako rito sa Canon Grill, lasing na lasing itong kaibigan niyo, Ma'am. Nanggulo kaya inilabas na muna namin. Baka pwede kayong magsama ng maghahatid sa kaniya pauwi?"

"Ah sige po, pupunta ako."

Pagbaba ko ay naabutan ko sa sala si Mom. She looked at me, shocked. "San ka pupunta? Gabing gabi na. Nag dinner ka na ba?"

"Kay Renzo, Mom. Naglasing. Magaling na ba si Mang Andoy? Magpapasama sana ako sa kaniya."

"Pinadala ng Daddy mo sa ospital dahil mataas ang lagnat pero nandiyan pa naman sa labas si Jerry. Sabihin mong samahan ka."

"Thank you, Mom."

"Mag-iingat ka."

Hawak ko ang susi ng kotse ko at agad na pinatunog. "Kuya Jerry, pasama naman. May susunduin tayo."

"Sige po, Ma'am." Hinayaan ko na siyang magmaneho at agad kaming nagtungo sa bar na tinukoy ng tumawag na bouncer. I closed the google map on my phone at saka agad na lumabas. 

Natanaw ko si Renzo na nakaupo sa gutter habang nakayuko at ang dalawang braso'y nakapatong sa kaniyang magkabilang tuhod. "Renzo.." I tapped his shoulder. His scent is a combination of perfume and alcohol. Just enough to send me impure ideas again.. damn.

Lumapit ako agad at inangat ang ulo niya. Nakapikit lang siya habang bahagyang nakabukas ang bibig. Tinulungan na ako ni Kuya Jerry na buhatin siya at pagdating namin sa bahay ay nag-aabang na roon si Mom at Dad.

"Bakit hindi pa kayo natutulog?" I asked.

"What happened to him?" Ang tanong ni Dad pabalik imbes na sagutin ako.

"Nalasing nga po." Saka ko hinayaan si Mang Jerry na dalhin si Renzo sa guest room.

"Ako na ang bahala sa kaniya, Mom, Dad. Magpahinga na kayo." Agad akong nagtungo sa kusina para kumuha ng maliit na planggana at nilagyan ng tubig. Pag-akyat ko sa guest room ay nanuot muli sa ilong ko ang pinagsamang pabango niya at amoy ng alak. Kung sa ibang tao ko naamoy ito, siguro'y mandidiri ako but knowing that this is Renzo's scent, it's sending me a different feeling.

Agad kong hinubad ang suot niyang button down shirt kahit nanginginig ang kamay ko. I have seen him half naked before but seeing him now.. all grown up, mature, toned and fine.. I know that a work of art is hidden under the soft fabric of his shirt. 

Nang tuluyan kong makalas ang mga butones ay dahan-dahan akong lumunok. Suddenly, parang biglang uminit ang paligid. Napatitig ako sa kaniyang dibdib pababa sa kaniyang pekpektong hulma ng abs at nang-aakit na V-line. The bulk on his pants proves that he's huge even when asleep. What more kung.. shit.

I cleared my throat and darted my eyes somewhere else. Ngunit sa huli, dumapo lang muli ang tingin ko sa kaniyang malapad na dibdib. It's like.. his perfectly chiseled body is begging to be touched.. Mabilis na akong tumayo at kumuha ng bimpo sa closet ko. Pagbalik ko sa kama ay nilublob ko ang bimpo sa maliit na planggang nakapatong sa lamp table. 

Dahan dahan kong pinunasan ang kaniyang noo. "Hmmm.." He murmured and tilted his head to face the other side. Imbes na ibalik paharap sa akin ang kaniyang mukha ay pinunasan ko na lang ang kaniyang panga pababa sa kaniyang mamula-mulang leeg. Nanginginig ang kamay ko habang pinupunasan ang kaniyang dibdib. He work out a lot, huh?

Nang matapos ay pinagmasdan ko lang siya habang natutulog. Kung saan saan na lumipad ang isip ko ngayong gabi.. ano kayang pakiramdam kapag nasa iisang bubong na kami? Dumilat ako nang maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko. 

Natanaw ko si Renzo na masama ang tingin sa akin. "Where's my shirt?" Shit! Mabilis kong hinagilap iyon sa paligid pero nasa hita ko lang pala. Agad ko itong kinuha at inabot sa kaniya. Nakatulog pala ako rito sa lapag habang nakadantay sa kama.

Lumingon ako sa wall clock, alas dos pa lang ng madaling araw. Halos tatlong oras pa lang siyang tulog. Isinuot niya ang kaniyang damit pero hindi na kinabit ang butones kaya ang kaniyang nakakaakit na katawan ay malayang kumakaway. "M-matulog ka lang. Bukas ka na umalis. Babalik na ko sa kwarto ko—"

Natigilan ako nang bigla niyang kunin ang maliit na planggana at sumuka roon. Hinimas ko ang mainit niyang likod, hindi ko alam kung anong tulong nito, ginawa ko lang. "Ang dami mo kasing nainom, e." 

Lumapit ako sa maliit na fridge dito sa kwarto at saka inabutan siya ng isang bote ng mineral water.

"I just.. want to forget everything." That's almost a whisper.. Napabuntong hininga na lang ako habang pinapanood siya. 

Mabilis siyang nagmumog gamit ang tubig na inabot ko at niluwa iyon sa planggana saka niya dire-diretsong nilagok ang natira. Agad ko namang dinala sa banyo ang planggana at flinush sa toilet ang laman bago binanlawan at tinabi sa gilid ng sink.

Nang makablik ako sa kama ay nakahiga na siyang muli. Lumapit pa ako at naupo sa kaniyang tabi. The view of his body is still making me all sweaty.. the obscene thoughts and everything.. damn..

"Kung kakalimutan mo ang lahat, paano mo malalaman ang totoong nangyari kay Tita Ida?"

Idinantay niya ang kanang braso niya sa kaniyang mata. When his arms flexed, it's like something in me is aching for his touch. God! Gabing gabi na, Wendy!

"It's your father's fault. Malakas ang kutob ko. Takot ang mga empleyado ko na magsalita, kahit ang mga tao sa paligid, I can feel that they are hiding something, even the clients. I know they're hiding something, I know it." 

Nawala ang kahalayan sa isip ko dahil sa sinabi niya. That's one hard slap for me, seeing how the man I love.. detest my own father.

"It's not my father's fault, Renzo. Kaya ganoon ang date ng kontrata tungkol sa 50 million ay dahil kinausap na siya ng mama mo 4 days before she died, the date was supposed to be March 26, there was an error sa pag-type ng date. My Dad knew that you'll need 50 million dahil kinausap siya ni Tita Ida. She asked for help. In exchange, marriage."

Hindi na siya sumagot pa. I just stared at him.. awang awa ako sa kaniya. He lost his father in an accident at her mother died in fire. He's left all alone.. Hindi ko alam kung paano niya kinakaya ang lahat. 

What he needs most right now ay mga taong iintindi sa kaniya kahit gaano pa siya ka suplado. I know that this is just his defense mechanism.. akala niya'y sasaktan siya ng lahat kaya wala siyang pinagkakatiwalaan, kaya duda siya kaninuman..

"I understand your pain, nandito lang ako para tumulong sa kahit anong paraan."

I was surprised when he spoke. "Hindi mo 'ko maiintindihan. No one ever will." 


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019