Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Pag uwi ko ay dumiretso ako agad sa sofa at pumikit. This is fucking ridiculous. Renzo is dating someone else?! Jesus!

Pinaypayan ko ang sarili ko habang nakahilig sa sofa at nakapikit. Mahal na mahal ko siya pero kaya ko bang magpaka martyr? Paulit ulit akong lumulunok para ibsan ang pagbara ng lalamunan ko. Nararamdaman ko na rin ang pagtutubig sa gilid ng mga mata ko. I can't even describe how painful this is. 

Napalingon ako sa bag ko nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha at binasa ang text galing kay Gigi. "Oo nga't napilitan lang si Renzo pero dapat niya pa ring irespeto ang kasal niyo. Hindi ba siya makapaghintay ng isang buwan bago humarot sa iba? Ikiskis mo sa pader kung kating kati na siya."

Hindi na ako nagreply dahil lalong sumasakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. Lumingon ako sa pinto nang makakarinig ako ng tunog ng sasakyan. Naglakad ako palapit at binuksan iyon pero mukhang hindi naman kotse ni Renzo ang dumating. Sumilip ako sa labas ng gate at halos manghina ang tuhod ko nang matanaw ko si Emily na bumababa sa kotse ni Renzo. His car was parked in front of a mansion just few meters away.

Emily lives in the same subdivision with us?! What a fucking coincidence.

"So you also live here 'di ba? Saan dito?" Lumingon lingon si Emily kaya umatras ako palayo sa gate at pumasok sa pinto. He's really dating her! Sunod sunod ang pagkirot ng puso ko at iniiwasan ko nang pumikit para lang hindi tumulo ang mga naipong luha. Why does it have to be so painful like this? 

Nagtungo ako agad sa kwarto at nagbihis habang walang habas ang pagbuhos ng luha ko. Pagbaba ko ay nasa sala na si Renzo. Nang makita niya ako sa hagdan ay umiwas siya agad ng tingin at lalagpasan na sana ako pero hinila ko siya.

"Nakita kita kanina. You're with someone else."

Kumunot ang noo niya at hindi nagsalita. "Renzo, we're married. Irespeto mo naman ang kasal natin. Why are you dating someone else?" I'm supposed to sound angry but my voice screamed of pleading and desperation.

"Lalaki ako at may mga pangangailangan ako!"

Tumalikod na siya ulit pero hinila ko siya. "Are you crazy?! Kating kati ka na ba at hindi ka na makapaghintay ng isang buwan lang? Isang buwan lang ang hinihingi ko sa'yo, Renzo!"

"Do you expect me to be fucking faithful?!"

"You're crazy!"

"Hindi ako ang hibang sa ating dalawa. Hindi ako magpapakamatay just because of stupid.. love!" He looked at me with disgust at halos mapaluhod ako sa panghihina. He knows.. 

Wala akong nasabi habang nakatitig sa kaniya..

"It's you who's crazy, Wendy.. and sometimes, you really scare me."

I took a step back at yumuko. Umakyat na siya sa hagdan at padabog na sinara ang pinto. I bit my lower lip para kumalma, hindi ko inakalang magiging ganito kahirap ang makasama siya. I punched my chest hoping that it could help me ease the excruciating pain.

Nagluto ako ng hapunan at saktong 7pm nang matapos ako. Pupuntahan ko na siya sa kwarto pero paglabas ko ng kusina ay palabas na siya ng bahay. "Saan ka pupunta?"

Hindi siya sumagot at dire-diretso lamang na lumabas. Nagtungo ako sa kusina at mag-isang kumain. Kung ayaw niyang kumain dito, bahala siya. Lumingon ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Nakatanggap ako ng text galing kay Dad. "How's living with him?"

Hindi na ako nag reply. Sa dinami rami ng nangyari, hindi na ako naging komportable pa kay Dad. Parang ibang tao na siya, hindi ko na siya kilala. Another text came. "Answer."

Umirap ako at saka nagtipa sa aking cellphone. "We're fine. Stop texting. You're creeping me out." Nawalan na ako ng ganang kumain. Hindi ko makayanan na kami ng daddy ko ang dahilan kung bakit may buhay na nawala. Nakakasuka.. nakakatakot. 

But I'm still hoping that he'll pay for what he did. Still.. death.. as the best punishment.

Naghintay ako kay Renzo habang nagbabasa ng ilang files na dinala ko mula sa opisina at natapos ko nang basahin ang lahat ay wala pa rin siya.

Nagpapahid ako ng scar remover sa palapulsuhan ko nang makarinig ako ng tunog ng sasakyan. Bumaba ako agad at nagulat ako nang bumukas ang pinto. Shit?! What is this?! Renzo is with another woman.. and they're fucking kissing!

Tumalikod ako agad nang bumagsak sila sa sofa. What the hell, Renzo?! Nanginginig ako at hindi ko alam kung anong gagawin but when Renzo groaned, I lost my shit.

Lumapit ako at hinablot ang buhok ng babae. "Get out of my house!" Tumili ang babae at walang nagawa nang kaladkarin ko siya patungo sa pinto.

"Wendy!" Narinig ko ang sigaw ni Renzo kasabay ang paghawak niya sa braso ko pero tinabog ko iyon. Siguro'y lasing din siya kaya walang sapat na lakas. 

"Let me go! Ah!" Matinis ang sigaw ng babae pero hindi ako nagpatinag. Her dress was torn, maybe si Renzo pa ang pumunit nito kaya mas lalo akong nanggigil. 

"Bitawan mo ko!" Pilit siyang pumipiglas but I'm taller and she's freaking thin kaya madali ko siyang naitulak palabas ng pinto. "He's married! Back off!" Saktong pagsara ko ng pinto ay naramdam ko ang sobrang higpit ng paghila ni Renzo sa braso ko. "What the fuck is wrong with you?!"

Mabilis ko siyang sinampal kaya nabitawan niya ako. "You're disgusting!"

Saglit siya natigilan pero nang makabawi ay mahigpit niyang kinabig ang panga ko kaya napasandal ako sa pinto. Halos tumalon palabas ang puso ko sa sobrang kaba. Nanghihina ang tuhod ko at ang lakas na naipon ko kanina ay biglang nalusaw. 

"Don't you fucking dare meddle with my business again! I can kill you, Wendy! I swear!" Pinilit kong alisin ang pagkakahawak niya sa panga ko. Kung pwede lang tumakbo palayo rito ay ginawa ko na. Nakakapanindig balahibo ang kaniyang tingin at ang naiwang sakit sa aking panga ay dumaloy sa buo kong katawan. It's like I'm facing the Devil right now but am I kidding? He's not the bad guy here.. It's me.. and my father. 

Gusto ko mang tumakbo, alam kong kailangan kong harapin ito. "I am trying to set things straight.. Bakit hindi mo ako mapagbigyan?" Maybe it's my soft voice that calmed him a bit pero kitang kita ko pa rin ang paghingal niya na tila nagpipigil ng galit.

"Ano pang itatama mo? Magulo na ang sitwasyon."

"Give us a chance. We can be happy!"

"You don't deserve to be happy! You killed my mother! And if I can give you all the pain this world could offer then I will!"

Saglit akong napatitig sa kaniya. This is hopeless. So fucking hopeless. Nag-unahan na sa pagtulo ang luha ko and he gave me that stern look again. "I'm sorry, Renzo.. Hindi ko ginusto lahat ng nangyari.. Pasensya na kung minahal kita ng sobra.. I'm so sorry!"

Umalis ako roon at mabilis na nagtungo sa kwarto. Hindi ko na napigilang humikbi kaya kinuha ko ang unan para takpan ang mukha ko. Kung pwede ko lang sana alisin ang puso ko para wala na kong maramdaman, para hindi ko na siya mahalin at para hindi na ako masaktan.

Maya maya ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Mas lalo kong idiniin ang unan sa aking mukha dahil hindi ko na mapigil ang paghikbi. Naramdam ko ang paghiga niya sa tabi ko, alam kong may distansya pa rin iyon dahil hindi ko naramdaman ang kaniyang katawan sa likod ko.

"I'll file an annulment in two weeks." Hindi ko alam kung narinig niya iyon pero ilang sandali lang ay sumagot siya..

"Two weeks, 1 year, I don't care. You'll suffer with me."

"I'm sorry."

"I don't forgive. I get even. After that, we're done."


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019