Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Mga alas kwatro ng hapon ay nagpunta si Julius sa opisina ko. "Wendy?"

"Yes?"

Ngumiti siya at lumapit paupo sa silyang katapat ng lamesa ko. "Labas tayo."

"Saan tayo pupunta?" Ngumiti lang din siya ulit. Ginamit namin ang sasakyan ko na siya ang nagmaneho. Huminto kami sa isang park. "Dito tayo para medyo kumalma ka. Tindi ng drama mo kanina pang indie film, e." Napangiti ako at saka umirap. 

Pinagbuksan niya ako ng pinto at sabay kaming nalakad papasok sa park. Agad na bumaling ang atensyon ko sa isang malaking fountain na narito.

Umupo kami sa isang bench at nahagip ng tingin ko ang isang pamilyang masayang nagpi-picnic sa ilalim ng puno. Ganyan ang pinangarap ko para sa amin ni Renzo pero alam kong hindi na mangyayari dahil ay anak na sila ni Emily. 

That child deserves to have a happy and complete family. Nakita ko kung paano nahirapan si Renzo mula nang mamatay ang tatay niya kaya alam kong hindi niya ipagkakait ang kumpletong pamilya sa sarili niyang anak.

"Mas masakit pala ang magparaya." Hinarap ako ni Julius. "You're wrong, someday you'll realize that sometimes.. holding on is actually more painful that letting go. Besides, we all make mistake, nagkamali ka at nagsisi ka na, 'yun ang mahalaga." 

Hinila niya ang kamay ko at naglakad-lakad kami sa paligid ng parke. Huminto lamang kami nang may nadaanang matandang lalaki. May mahawak na gitara habang kumakanta at may diperensya yata sa kaniyang paningin.

"Ah, Manong." Nagulat ako nang tawagin ni Julius ang matanda kaya tumigil ito sa pagkanta.

"Ano 'yun, hijo?"

"Pwede ko po bang hiramin 'yang gitara at mic niyo?" Nagtaka ako sa gustong mangyari ni Julius kaya medyo umatras ako. Inabot naman agad ni Manong ang gitara at mic niya. 

Binitawan ni Julius ang kamay ko at umupo sa bakanteng silya katabi ni Manong. Sinipat ko siya. "Anong ginagawa mo?" 

"Tutulungan ko si Manong." Saka niya ako kinindatan. Nagsimula na siyang mag-strum at kumanta ng pamilyar na awitin. 

I was taken aback by how good his voice is. It's so angelic! Unti-unti kong napansin ang pagtigil ng mga tao sa paligid para makinig sa kanya. Nang lingunin ko siya, kitang kita ko ang malalim na emosyon sa kaniyang mga mata. 

Bumilog ang mga tao sa paligid namin. Sobrang banayad ng kaniyang boses at parang hindi mo gugustuhing tumigil siya sa pagkanta. Narinig ko ang usapan ng mga teenager sa likod ko.

"Ang sweet ni Kuya!"

"Grabe, uso pa pala ang mangharana?"

"Ang swerte ni Ate! Super gwapo ni Kuya."

Maya't maya kung magtilian ang mga tao sa paligid habang sinasabayan ng palakpak ang pagkanta ni Julius. Hindi mapawi ang ngiti ko dahil ganito pala ang pakiramdam. Ni minsan ay hindi pa ko naharana, ngayon lang.

Nang matapos siyang kumanta ay masigabong nagpalakpakan ang mga tao. Isa-isa silang naglagay ng pera sa donation box ni Manong. Ngumiti sila sa akin habang ang iba ay kilig na kilig talaga lalo na ang mga teenager sa paligid. 

"Manong, thank you po." Ang sabi ni Julius habang inaalalayan si Manong na isukbit ang strap ng gitara sa kaniyang katawan.

"Ako ang dapat magpasalamat sa'yo dahil ang daming nagbigay. Salamat, Hijo."

"Walang anuman po."

Nagsimula na kaming maglakad-lakad pero ang mga tao ay sinusundan pa rin kami ng tingin. Hindi mapawi ang ngiti ko habang inaalala ang pagkanta niya. "Ang lakas mo mang -agaw ng atensyon."

Ngumuso siya at saglit na bumaling sa'kin. "Hindi ka ba nagandahan sa boses ko?"

"Ano ka ba? You're great! Hindi ko nga alam na may hidden talent ka pala."

"See, gwapo na talented pa."

"Oo na, Mr. President."

"So in love ka na sa'kin?"

"Ewan ko sa'yo."

Inakbayan niya ako habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. "Basta. Someday, you'll drool over me." Tumawa ako at muling umirap. "In your dreams!" Nagkwentuhan lang kami hanggang sa mapagod kaming maglakad. Nang medyo dumilim na ay nagpahatid na ako sa kaniya pabalik sa bahay.

"Julius." Hindi pa siya nakakasagot ay agad ko na siyang niyakap. "Pinasaya mo talaga ako ngayon, thank you." Nang kumalas kami sa yakap ay tinignan niya ako ng mabuti. It's like he wants to say something but smiled instead. "You're welcome."

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Renzo sa sala. Nakasandal siya sa sofa habang ang isang kamay na may hawak na beer ay namamahinga sa kaniyang isa. Nilingon niya ako at tinitigan. 

"Have you eaten yet?" I asked as I closed the door. Pumikit siya at sinandal ang ulo sa sofa na tila naginhawaan. "I thought you already left me.."

May kung anong bumara sa aking lalamunan. Padarag kong binaba ang aking bag sa kaniyang tabi at lumuhod para pulitin ang mga lata sa sahig at sa lamesa.

"Stop cleaning! You're not a housemaid!"

"I am your wife!" 

"Then remain as my wife!" 

I stared at him. Trying to weigh if he's really serious. "Stop joking around, Renzo. I'm not in the mood."

He leaned back against the couch like he just lost all his strength and looked at me with his pleading eyes.. "Wendy.."

My heart ached in the sight of him. His vigor aura was gone.. like he finds the situation really difficult. I rolled my eyes. "Don't worry. The annulment.. I'll make sure it'll come tomorrow so that way, you won't look as miserable as you do right now." He looked at me again.. but this time it's like he just lost all the hopes that he have. Though I don't know what those hopes are for. 


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019