Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

"Asawa?"

I rolled my eyes. "Bakit may iba ka pa bang asawa?"

His brows furrowed as his eyes narrowed in confusion. "Are you referring to yourself?" He slightly smiled and continued eating.

"The fuck is wrong with you? I'm talking about Emily." Muling bumagal ang kaniyang pagnguya habang nakatitig sa akin na tila naguguluhan. 

I exhaled violently and dropped the conversation. Sa gilid ng mata ko'y kita kong niluwa niya ang buto ng dalandan. Nang lingunin ko'y nangingiti niyang itinapon ang buto sa likod namin at naupo paharap sa akin habang ang siko'y nakapatong sa tuhod. "Are you jealous?"

Kumunot ang noo ko at hindi ko matanggap na pakiramdam ko'y nagseselos nga ako pero nanindigan ako. Dumiretso ako ng upo.  "Hindi. Ako. Nagseselos."

"Hindi ko siya asawa."

"Liar!"

His face turned serious. "To whom did you get that false information?" 

"Gigi told me. You married Emily few months after I left."

He nodded repeatedly like he just solved a mystery case. "Your friend hates that much that she'll make up stories so you'll hate me too, is that it?" 

Laglag ang panga ko habang nakatingin sa kaniya. "How dare you? She wouldn't lie to me."

"If she wouldn't lie to you, did she ever claimed that what she told you was true?"

"Hindi namin alam kung saan sila nagpunta. Si Renzo lang ang bumalik noong una, we concluded that they got married somewhere."

Concluded. Gigi only concluded that Renzo and Emily got married. No one confirmed their marriage! That's explains the smiles and approval from our staff a while ago. It's because Renzo is.. single?

"Or did you just assumed that she's telling you the truth?" He added.

Lumingon ako kay Renzo. I sighed and pointed my fingers at his wedding ring. "How do you explain that? If you didn't get married, why do you have a wedding ring?" 

He smiled widely like he's about to tell me a surprise. "This is our wedding ring.." Huh. Stupid joke. He stared at me innocently. "Nasaan 'yung iyo?"

Hindi ko napigilan ng pagkunot ng aking noo habang nakatitig sa kaniya. Naghihintay na tumawa siya at bawiin ang sinabi niya pero patuloy lang siya sa pagnguya habang sumusulyap sa akin. "Nasaan yung sa'yo? Tinapon mo?" Ngumuso siya habang ngumunguya.

Huh! Stupid!

"That's not our wedding ring." Giit ko. 

"This is exactly our wedding ring. Ako ang pumili nito, 'di ba? 600 thousand pesos and a cent?"

Tumaas ang dalawang kilay niya habang naghihintay ng kumpirmasyon ko. Noong naghahanda kami para sa kasal, mas pinili niya iyong simpleng wedding ring lang para sa aming dalawa.

Iyon ang mga pagkakataong akala ko'y magiging maganda ang kahihinatnan ng kasal dahil magaan naman siya makitungo. Pero nang malaman niya kay Mommy na ako ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng iyon, hindi ko masisisi kung bakit mas nadagdagan ang galit niya.

"Stop kidding, Renzo."

Kumunot ang kaniyang noo at muling iniluwa ang buto. "I'm not kidding." Ngayon ay tila naiinis na siya. Padarag niyang tinapon sa malayo ang buto.

Tumayo siya at lumapit sa ice box para kumuha ng bottled water. I patiently waited for him to sit again beside me. "Ang bata? Kung hindi kayo ikinasal, kanino nakatira ang bata?" 

He stared at me with brows furrowed and mouth slightly open. May nasabi ba akong mali? 

"Noong nasa US ka, inalam ko ang lahat tungkol sa'yo. How 'bout you? Did you even wonder if I'm still alive?" 

"No."

Hindi siya nakasagot agad. Sa huli ay tumango na lang. "I understand. I was an asshole."

"Ang bata? Kanino nga nakatira?"

Huminga siya ng malalim na tila disappointed dahil wala akong alam. "He's two years old when he got ill. Hindi kinaya ng katawan niya kaya mabilis itong bumigay. Ronin's death ended everything between me and Emily. I don't love her, she knows that from the very beginning.. We didn't get married."

Natigilan ako habang nakatitig lang sa kaniya na nagbabalat ng isa pang dalandan. He sighed.. "I believe it's my karma. Nakita siguro ng Diyos na hindi ko pa kayang maging mabuting ama lalo na nang.. iniwan mo 'ko kaya.. binawi niya ang anak ko."

"You can't blame God for what happened."

Umiling siya at ngumiti. "Of course, I never blamed Him. Every single day for the past five years, I'm blaming myself."

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nanatili akong tahimik.Luminga-linga ako sa paligid. Tulog pa rin ang mga kasama namin habang ang ilan ay nasa dalampasigan.. kasama roon si Emily.

"Noon umalis ka, akala ko ayos lang." Muli akong napabaling sa kaniya. Ayos lang?!

Tumingin siya sa akin gamit ang mapupungay niyang mga mata.. "When you left me, I thought it's going to be okay.. But it didn't.. because when you left.. you took my heart with you.." 

His voice cracked and it broke my heart. Nangingilid ang luha ko. You moved on, Wendy. Bakit masakit pa rin ito ngayon? Anong nangyari sa limang taon?

"Sometimes, I smell your scent in my office.. Sometimes I hear your voice.. waking me up.. calling me for dinner.. I imagined you fixing my tie for me.. I imagined you.. as my wedded wife. But I can't go on like that.. thinking that I won't see you again.. I got so fucking scared.. so I followed you like mad dog in the US."

I gasped.. "That's impossible."

"You don't know what else I can do just to have you back.." 

Nang magtama ang tingin namin ay tuluyang nang bumuhos ang luha ko. I don't know why it fucking hurts.. seeing him like this.. confessing..

Ngumiti siya at pinunasan ang luha ko. "You're such a crybaby." Humarap siya sa akin at huminga na tila naluwagan ang pakiramdam niya. "I waited so fucking long to tell you all of this.."

For a long time, almost 15 years, ito ang unang pagkakataon na sobrang dami niyang nasabi sa akin. Kahit dati, hindi siya mahilig sa mahahabang usapan pero ngayon, pakiramdam ko'y ibinuhos niya ang lahat.

"Ang tagal kong naghintay para masabi sayo na mahal-"

"Guys! Sunset na, o! Tara na sa dagat!" Sumigaw si Direk Mikey sa mga staff na natutulog kaya napalingon kami sa kaniya. 

Mabilis akong tumayo at nagtungo sa dalampasigan dala ang camera ko. Nanginginig ang aking katawan sa mga nalaman at ang mabilis na tibok ng puso ko'y damang dama ko sa aking dibdib. 

Talaga ngang mas maganda tignan ang sunset dito dahil mas malaki ang araw at mas kulay kahel ang paligid. Lumusong ako sa dagat at nang umabot sa tuhod ang tubig ay huminto na ako at saka ibinaba ang aking camera. Sakto lang para makunan ang tubig kasama ang araw. Pag-ahon ko ay inabutan ako ni Faye ng tuwala. 

"Salamat." Pinunasan ko ang aking paa at ipinagpag ang buhangin. Hinayaan ko ang tuwalya sa balikat ko habang nanonood ng sunset. May mga camera rin sa nakaset-up para kunan ang haring araw.

Napapapikit pa ako dahil sa malakas at malamig na simoy ng hangin. Naramdaman ko na may tumabi sa akin kaya dumilat ako nakita si Renzo na kinuha ang tuwalyang nasa balikat ko at saka iyon ibinalot sa akin.

Ngumiti lang siya at kahit wala siyang sinasabi ay damang dama ko ang nangingibabaw na emosyon sa kaniyang mga mata. "Why are you so happy?" I asked.

He smiled sweetly.. "How did you know?"

Natigilan ako at napatitig sa mga mata niya.. "I just.. know."

Ngumiti siyang muli at bumaling sa direksyon ng araw. Bumuntong hininga siya at sumulyap sa'kin. "I'd give anything to spend more sunsets with you."

Habang nakatitig ako sa kaniya, tila may pilit na umiibabaw sa puso ko pero pilit ko ring ibinabaon kaya bumaling na lang din ako sa dagat. Kahit naiintindihan ko na ang mga nangyari, hindi ko pa rin lubos na matanggap. May kung anong pumipigil sa akin.

"I wish you'd forgive me for everything that I've done before.." Nilagay niya sa likod ng aking tenga ang ilang takas na buhok.. "I love you, Wendy." 

  "I love you, Wendy."  

My heart is beating loud and fast again. Veins in my heart ached in shock and a storm of shivers traveled my whole body.. 

"I love you so much.. Wendy. I love you so much that I wouldn't know what to do if you leave me again.. Shall I beg? Do I need to beg? Because I'll fucking beg right now.. just come back to me.." 

Hindi na ako nakasagot. Hanggang sa lumubog na ang araw ay walang umiimik. Diretso ang tingin ko sa dagat habang siya'y nakatitig sa akin. Ang kirot sa puso ko'y sobrang hirap tiisin. My eyes welled with tears as I tried to control my emotions.

Nang tuluyan kaming lamunin ng dilim ay saka lang ako nakapagsalita. "You realized it too late, Renzo."

He cupped my face. I couldn't see him clearly but I can feel his warm breath.. he's so close.. "I know it's too late but I won't stop until you're married to me.. for real."

His pulled me closer until I'm already sitting on his lap, my palms automatically rested on his shoulder for support. He held my nape and pressed his lips against mine. My jaw dropped at his move and he took it as a chance to kiss me deeper.. His warm kisses set my whole body on fire!

The softness of his lips rekindled the lust and passion within me. My heart is pounding in joy as my whole body reacted to his gentle touch.  He caressed the small of my back as his other hand is gently touching my leg. He whispered with our lips still touching.. "I missed you.." 


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019