Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Nagising ako nang marinig kong bumukas ang pinto. Lumabas sila Mishelle at Shanah, na kasama ko rito sa silid. I sighed and stared at the open window. Memories of my conversation with Renzo flashed through my mind. The bastard is really confused.

Masakit man ang aking ulo ay tumayo na ako at nagtungo sa ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto ni Julius. Kakatok pa lang ako pero lumabas na roon si Jake. "Uh, good morning, Ma'am."

"Si Julius?" 

"'Yun nga, Ma'am. Dinala na ho namin sa ospital kaninang madaling araw. Tumaas ang lagnat."

Agad akong nagpanic. Isa ito sa dahilan kung bakit ako napuyat, hindi ako mapakali sa kalagayan ni Julius. "Bakit hindi niyo 'ko sinabihan?"

"Pinagising ka namin kay Mishelle, Ma'am kaya lang bilin ni Mr. Solivares na hayaan ka na raw na magpahinga."

I exhaled violently. "Saan ospital siya dinala?" 

Napakamot sa kaniyang ulo si Jake habang hindi makatingin sa akin. "Jake?"

"Mahigpit kasing bilin ni Mr. Solivares na huwag na kayong hayaang umalis."

"What for? I'm fine.."

"Mainit ka rin daw po kahapon, Ma'am. Kung babiyahe pa kayo papunta sa ospital, baka lumala naman po ang lagnat niyo. Magpahinga na lang daw po kayo." 

I gritted my teeth. "Nasaan si Renzo?" 

"Nasa baba, Ma'am. Nag-aalmusal na po sila." 

Agad akong nagtungo sa isa sa mga malalaking cottage ng resort kung saan ginawa para maging kusina at dining area lamang. Hindi ko man tanaw kung sino ang mga nasa loob dahil sa kawayang pader ng cottage, dinig na dinig kong naroon si Emily.

Bukas at umaalingawngaw ang tugtog galing sa videoke machine na sinasabayan ng pagkanta niya. Her voice is really good but it only irritated me more. Ang aga aga! Pagpasok ko'y masaya silang nagkakantahan habang kumakain sa dalawang makatabing mahabang mesa. 

Karamihan ay lumingon sa akin nang matanaw ako sa pinto. Nang hanapin ng mata ko si Renzo ay katabi niya si Direk Mikey habang magkausap at diretso ang tingin kay Emily. I sighed and gave up the possible argument nang matanaw ko ang pagkain sa lamesa. I'm starving. 

"Good morning, Ma'am Wendy!"

"Good morning, Ma'am!"

Isa-isa silang bumati nang makalapit ako. Ngumiti ako at tumango. "Good morning. Sorry, na-late ako ng gising."

"Naku! Ayos lang 'yun, Ma'am. Kumusta na po ang pakiramdam niyo?" 

I smiled awkwardly.. how did they know that I'm not feeling well? "Ayos na ako." 

Bumalik sila sa kaniya-kaniya nilang pagkain habang nilalahad sa akin ang mga hinanda nila. Naupo ako sa isang tiffany chair at sumandal habang nakatingin kay Emily sa harap. She's enjoying the attention so I let her be. 

May kung sinong naglapag ng baso at saucer na may gamot sa lamesa. Nang mag-angat ako ng tingin ay likod na lamang ni Renzo ang natanaw ko. Bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ni Direk Mikey at ang iba pang staff.

"Ma'am, buti na lang napansin ni Sir Renzo na masama ang pakiramdam niyo kagabi. Muntik na namin kayong gising nung dinala sa ospital si Julius."

Agad akong naalerto at humarap kay Mishelle. "Kumusta na siya?"

"Sinasamahan siya ngayon doon ni Kuya Delfin at ni Roger."

Tumango ako kahit hindi pa rin mapakali. Gustong gusto kong sumunod sa ospital. I sighed and took the medicine. 

As much I wan't to leave my work for Julius, I know I just can't. This is my first assignment, I can't go back to Manila with only half of the result on my hand so I decided to just visit Julius once we come back later.

Lahat kami ay nagtipon tipon muli sa cottage kung saan naghihintay na ang mga lifeguards para magbigay ng instructions. Sa kabilang lamesa ay tanaw na tanaw kong nakatitig si Renzo sa akin. It's like he disapproves something about me. Bumaba ang kaniyang tingin sa aking hita. I am wearing a black rashguard and a pair of swim shorts. I rolled my eyes at him. Mas lalo siyang nairita at napailing na lamang. Stop staring and stop meddling with my business! Tss.

Isa isa kaming binigyan ng life jacket habang ang mga cameramen na lalangoy sa dagat ay tinuruan ng mabuti kung paano gagamitin ang oxygen tank. Nakinig rin ako ng mabuti dahil kasama ako sa mga sisisid. Ipinaliwanag din kung anong gagawin kung sakaling ma-injure sa mga coral reefs sa ilalim. Nang makabitan ako ng life jacket ay agad kong kinunan ang pagbibigay ng instructions ng mga life guard. Isa ito sa mga magagandang perks ng resort. Complete safety instructions.

Sa gilid ng aking mata ay kitang kita ko kung paano tulungan ni Emily si Renzo na ikabit ang kaniyang lige jacket. "I'm fine, Emily. I can do this." Tumagilid si Renzo para iiwas ang jacket kay Emily. 

His.. wife.. pouted and slightly slapped his shoulder. "You're being too hard on me these past few days, are you okay?" 

Renzo looked at her with total confusion. "Hard on you? I'm always like this to you and to anyone. Plus, I'm fine.." He smiled and left the cottage while stretching his perfectly toned arms. Nahagip ako ng tingin ni Emily. She gave a stern look before walking away. 

Kahit mainit mamaya at tirik na ang araw, kailangan naming tiisin dahil ito ang pinakamagandang oras para kumuha ng video at mga larawan sa dagat dahil maliwanag at kitang kita ang mga isda.

Agad akong lumapit kay Direk Mikey. "E, ako Direk. Hindi ba ako bibigyan ng oxygen tank?" Tinuro ko ang mga sisisid, handa na sila at nakabitan na silang lahat.

Umiling siya at ngumiti. "Hindi na, Wendy. Inutos ni Mr. Solivares na 'wag ka raw payagang sumisid."

Napanganga ako at natigilan. "What? E, ano hong gagawin ko doon?"

"Mag enjoy. May pupuntahan tayong isang isla pagkatapos. Ayos ba?"

Ngumiti ako at tumango kahit hindi ko pa rin tanggap ang pangyayari.. "O..okay."

Agad akong lumingon kay Renzo na ngayon ay nakikipag usap sa isang lifeguard. Sa mga speed boat ay napagpasiyahang pagsama samahin ang mga babae at lalaki. Apat na speed boat ang dala namin. Nang makita kong sumakay na si Emily, pinili kong sa kabilang speed boat na sumakay. I hate her. Period. 

Nang isa-isa nang pinaakyat ang mga staff ay pinauna ko na ang mga mas bata sakin. Naglahad ng kamay ang lifeguard para umalalay sa pag-akyat pero natigilan ako nang may isang kamay na lumahad rin sa gilid ko. Napalingon ako at napagtantong si Renzo iyon na nakatayo sa gilid ng upuang tinutungtungan ko. Ngumiti lang siya at nilahad lalo ang kamay.

Babawiin na sana ng life guard ang kamay nito pero pilit ko iyong inabot at hindi na pinansin pa ang kamay ni Renzo. Nang makaupo ako ay lumingon ako muli sa lifeguard nang magsalita ito. "Sir akala ko ho, sama sama ang mga babae at lalaki?"

"Babantayan ko siya."

Nagulat ako nang ituro ako ni Renzo kaya paglingon ko ay nakangiti na sa amin ang mga staff. Why are you smiling?! Your boss is already married to his secretary!

Ngumiti rin ang lifeguard at saka tumango. "Sige po, Sir."

Sa speed boat namin ay apat na babae, si Renzo at iyong isang lifeguard na magpapaandar ng bangka ang kasama ko. Saktong lowtide at kalmado ang dagat kaya hindi kami masyadong natagalan.

Sa kanang bahagi ko ay si Renzo na nakatanaw sa dagat. Kaming dalawa ang nasa pinakalikod ng speed boat. Pinanood ko siya habang sumusulyap sa mga diver sa ilalim at nakikipag usap sa mga staff sa kabilang speed boat. "That's quite a lot of species down there, isn't it?" Aniya habang nakatanaw sa malinaw na tubig. 

"Magaganda rin ang coral reefs, Sir. Walang mga basag, o."

Walang sabi-sabi'y lumingon sa akin si Renzo at sa gulat ay hindi na ako nakaiwas pa ng tingin. Ngumiti siya pero hindi ko magawang ngumiti pabalik. "Hindi mo naman kailangang sumampa rito sa speed boat namin." I whispered but enough for him to hear.

"Your safety comes first." 

Napatitig ako sa kaniya. Ngunit sa huli, nagkibit balikat na lamang ako. Malamang. My safety comes first. Ako ang nag-iisang tagapagmana ng OC. Kapag napahamak ako, siya ang malalagot. I smiled bitterly.. now I know that he only thinks of me as a responsibility.

"Dapat hinayaan mo na lang ako na sumisid, nagawa ko na iyon noon." I said without looking at him.

"As long as I am around, hindi ka pwedeng lumapit sa mga bagay na ikapapahamak mo."

"E, bakit nandito ka ngayon sa tabi ko?"

Natigilan siya. Imbes na maghintay ng sagot niya ay kinunan ko na lang ang magandang langit at ang ibang isla sa 'di kalayuan.

Isang pagyanig ang naramdaman namin sa speed boat. Nagkabunggo ang dalawang bangka! Mabilis akong napahawak sa pinakamalapit sa akin at huli na nang mapagtanto kong ang hita ni Renzo ang nahawakan ko habang naramdaman ko naman ang kaniyang kamay na nakakapit ng mahigpit sa aking bewang.

"Are you okay?" He asked. Sobrang lapit ng mukha naming dalawa at literal na kumirot ang puso ko habang nakatitig sa mga mata niyang puno ng pag-aalala. Hindi ko alam kung bakit ang sakit.

Mabilis kong inalis ang kamay ko sa hita niya at umupo ng maayos. "Sorry.." 

Imbes na kumalma ay muli kong nahigit ang aking paghinga nang kunin niya ang kamay ko saka ito muling ipinatong sa kaniyang hita. "Kumapit ka lang kung natatakot ka. Hindi na kita bibitawan."

Tumikhim na lang ako at lumingon lingon sa paligid. Nang magtama ang tingin namin ni Emily ay mabilis kong binawi ang kamay ko. Hindi ko alam kung nakita niya ba iyon. I exhaled violently as I try to hold back my tears. So this is what temptation feels like? This is how it feels to love someone who is already committed to someone else?

I cleared my throat and that made him look at me immediately. Pinilig ko ang aking ulo para iiwas ito sa kaniyang paningin. Once we hop out of this boat, there's no way I'll let him touch me again.

Nang matapos sa pagsisid ang mga diver ay nireview ni Direk Mikey ang mga kuha. Nasiyahan naman siya. "Good job, everyone! This is the last part of the ad, job well done!" Nagpalakpakan kaming lahat at saka nilingon ang islang tinuro niya. "Let's go enjoy the rest of the day!"

Pinaandar na muli ang mga speed boat patungo sa isla. Nang makarating kami ay namangha ako agad sa matataas na mga punong narito. Ipinagbawal na tirhan ng mga residente ang islang ito kaya puro mga puno lamang ang makikita at napakalinis ng paligid.

Nang makababa kami ay agad akong sumilong sa mga puno. Nag-abot naman si Faye ng payong pero tinanggihan ko na. Lumapit si Renzo na may dalang bote ng tubig. "Water?" Uhaw na uhaw na rin ako kaya tinanggap ko.

Binalak na ni Direk Mikey na dito na rin kami mananghalian kaya pinasok namin ang isla habang ang ibang staff ay dala ang mga pagkain. Naglakad lakad kami para puntahan ang sinasabing bakanteng lote rito kung saan walang matataas na mga damo at mga puno kundi mga tuyong dahon lamang.

"Mas maganda manood ng sunset dito, mas malapit tayo sa direksyon ng araw." Ang sabi ng isang lifeguard kay Direk Mikey. Ngumiti si Direk Mikey at nagthumbs up. "Then let's get a better shot of the sunset." Kung sabagay, narito kami sa isa sa dalawang isla na pumapagitna sa araw tuwing sunset.

Matapos ang lunch, saglit na namahinga ang mga staff. Ang ilan ay nakatulog na dahil malakas ang hangin at masilong rito. Nang medyo humapon na ay saka nila naisipang lumangoy. Inaaya ako nila Faye pero tumanggi ako. Mas gusto kong damhin ang malamig na simoy ng hangin.

"Okay lang ako. Enjoy kayo.." Ang sabi ko habang nakangiti sa kanila.

"Sige, Ma'am. Susulitin na namin ang dagat, ang linaw at ang linis, e!" Ngumiti ako at tumango.

"Come on, let's go for a swim!" Lumingon ako kay Emily na hininila si Renzo na nakasquat habang may kikalalikot sa isa sa mga basket. 

"I'm not in the mood, Emily. Go enjoy the beach, don't mind me." Ni hindi niya nilingon si Emily na ngayon ay halatang nagtatampo na. Padarag niyang inalis ang sarong sa kaniyang bewang at saka lumapit sa akin. 

Naka-indian sit ako sa mga tuyong dahon kaya tiningala ko siya para matama ang aming tingin. "What do you want?"

 She looked at me with distrust. "Keep your hands to yourself." It's only a whisper but enough for me to hear. I watched her walk away as she flaunt her curves. 

While browsing the pictures I took, someone sat beside me. Sa kaniyang amoy pa lamang ay alam ko na kung sino iyon kaya tiningala ko gamit ang matalim kong tingin. "What?"

Ngumiti siya at inabutan ko ng dalandan. Nang mapagtanto niyang wala akong balak kunin iyon ay binalatan niya na lang.. "You have a tempting body shape. It's good that you decided to just hide it." Napangiti siya habang nagbabalat.

I started at him with disbelief. "Are you on drugs?"

Ngumuya siya ng isang pirasong dalandan habang hindi pa rin napapawi ang kaniyang ngiti. "You're my drug."

Umirap ako. It's not funny. "Kapag narinig yan ng asawa mo, magwawala 'yon."

Natigilan siya sa pagnguya at tumitig sa akin. "Asawa?"


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019