Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Mula sa kalsada ay kinunan ko ng iilang litrato ang hilera ng mga puno. Huminto lamang ako nang isang sasakyan ang huminto sa parking area. Wearing an off-shoulder jumpshort, Emily hopped out of her car. 

Bumaling ako kay Julius na gumuguhit ng kung ano sa buhangin. "Akala ko hindi na makakasama si Emily?" Nagkibit balikat lamang siya. Kung narito sina Emily at Renzo, sinong.. magbabantay sa.. anak nila? Nagtagal ang titig kay Emily na agad lumapit sa set at binati ang mga naroon. "Hi guys! You're working too hard!" They laughed and offered her a seat at one of the tents but she refused.

"Don't mind them." Bumaling ako kay Julius na ngayo'y nagpapagpag ng kamay.  Nilingon ko ang ginuhit niya at awtomatikong napangiti. It's a calligraphy of my name. Umupo kami sa gilid ng kalsada habang nanonood sa mga staff na mag-ayos ng set.

Lumabas si Renzo sa malaking bukana ng resort kasama si Direk Mikey. Mayroon silang pinag-uusapan pero natigil nang sumalubong si Emily.

"Good morning, Direk Mikey! Am I still able to catch up?" 

Her bubbly aura made the director smile and helplessly nod. "Of course, Emily." He tapped Renzo's shoulder and signaled him that he'll go ahead first. 

"I thought you won't come?" Renzo asked with both of his hands slid inside his pocket. Mabilis na lumapit si Emily at inangkla ang kamay sa braso ni Renzo. "I am your secretary-" Dahan-dahang kinalas ni Renzo ang kamay sa kapit ng kaniyang asawa.. asawa. Hmm..

"Let's focus on our work, then." 

Nauna nang maglakad si Renzo habang nililibot ang paningin sa set kaya umiwas na ako ng tingin at inayos ang focus ng camera para kunan ang calligraphy ng aking pangalan sa buhangin.

Nang dumating na si Kap Manuel, ang kapitan ng barangay, ay tinawag na kami ni Direk Mikey para makapagsimula. Kinunan ko ng litrato si Kapitan habang kinukuwento niya sa harap ng camera kung paano nagtulungan ang mga residente rito para sa tree planting project na pinasimulan niya. Natigilan naman ako nang lumapit si Renzo at sinikop ang aking buhok.

Mabilis kong tinampal ang kamay niya pero hindi siya natinag. Kaya pinilit kong sumulyap sa akin likuran. "Anong ginagawa mo?" Naglingunan ang mga kasama namin pero agad ring umiwas ng tingin.

Mabilis siyang naglabas ng itim na scarf mula sa kaniyang bulsa. Itinali niya ito nang maayos sa buhok ko. Nang matapos siya ay hinawakan ko kaagad scarf na ginamit niyang pamusod. "You don't have to do this."

"I just want things to be easier for you."

"I told you, you don't have to do this."

"I'm done doing nothing, Wendy." Seryoso ang kaniyang tingin. I can see both pain and determination in his eyes. It made me more confuse. We're obviously not in a situation where we just met. We already know each other for ages, we thought we're married, he cheated and I left.. ang dami nang nangyari. But why is he making it look like we're starting again? From the beginning? Where he do things to capture my heart?

I didn't mind the trace of longing in his eyes. He has Emily and their child. He practically has a family, what else does he wants? Is he not done yet with the revenge thing? 

Bumalik na ako sa pagkuha ng mga litrato at nang matapos ay nakipagkamayan kami kay Kapitan at sa mga residente. "Siguradong dadami na naman ang mga turista rito, Ma'am. Makakatulong ito sa kabuhayan namin.." Ang sabi ng isang ginang habang malawak ang ngiti. 

Tinitignan ko ang mga kuha ko nang biglang may humablot sa panyong nakatali sa'king buhok. "What the?" Paglingon ko ay nakita ko si Emily na nakasimangot sa akin.

"What's your problem?"

"Kinuha ko lang ang panyo ng asawa ko." Her brow shot up waiting for my response. I looked at her from head to toe. You're not worthy of my attention.. I walked away.

Sama-sama naman ang buong team na nagtungo sa dalampasigan para kunan ang sunset, nagsiahon ang mga turista para makanood din. Nang mapansin kong ang lahat ay nasa dalampasigan na para manood, tumayo ako agad at nagtungo sa pinakagilid. Kinuhanan ko ng litrato ang mga taong pare-parehong nakatanaw sa dagat. Saka ako naglakad palayo sa dalampasigan at sa likod nilang lahat. Kumuha ako ng isang panorama shot para makunan ang silhouette ng buong paligid.

May humaplos sa aking likuran at paglingon ko'y nasa gilid ko na si Renzo. His hand rested on the small of my back while the other one is holding a coconut with a straw stuck inside. "Buko juice?" He asked. I stared at him. His baritone voice matches the mystique of the sunset.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang matanggap ng isip ko kung paano siya makitungo sa akin ngayon. He's not just civil.. he's very heart warming as well. Hindi ko alam kung ganito ba talaga siya o baka ako lang ang nagbibigay ng kulay. 

Tumaas ang dalawang kilay niya at saka inangat muli ang buko. "Ayaw mo ba?" Umiling na lang ako. "Okay lang ako."

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naupo. Tinuro niya ang araw na papalubog na. "Stop taking pictures.. live in the moment." Diretso ang tingin niya sa dagat kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na titigan siya.

"This is my job.."

"Then I want you to forget it for a while.."

"That's too unprofessional.."

"I am your CEO. That's an order."

Laglag ang aking panga. Unti-unti siyang ngumiti at bumaling sa akin. "And of course, you're the CEO's boss." The he took a sip of his coconut juice, eyes are still on me. 

CEO's boss my ass! Hindi na ako sumagot at bumaling na lamang sa haring araw na papalubog na.

"Let's just enjoy little things from now on, Wendy. This opportunity.. is very rare." Saka siya bumaling sa akin kaya kusa rin akong napalingon sa kaniya. "I waited for this.. for so many.. so many lonely years.."

Lonely. He has his own family.. anong kaligayahan pa ba ang hinahanap niya?

Nang hindi ako sumagot ay yumuko na lamang siya at bumaling sa dagat. Napatitig akong muli sa kaniya. Napakagandang pagmasdan kung paano kumulay sa kaniyang mukha at mga mata ang kulay kahel na sinag ng araw. Mas lalong naging kulay tsokolate ang kaniyang mga mata at hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin pero inangat ko ang aking camera para kunan siya. Napansin niya agad iyon at lumingon sa akin kasabay ng shot.

Umiwas ako ng tingin pero agad ding napabaling nang kunin niya ang camera ko. Saglit niya iyong tinitigan habang ako ay nakatingin lang sa kaniya. "Nice shot."  aniya.

Binalik niya sa akin ang camera at ako naman ang tumingin doon. Kahit gumalaw siya ay hindi blurred ang kuha. Maganda ito lalo na't nasama sa likod niya ang mga souvenir shop sa likod na may makukulay nang ilaw dahil gabi na. 

Lumingon siya sa akin at saglit na tumitig kaya mabilis na nag-init ang aking mukha. "Bakit?"

Nilabas niya ang kaniyang pitaka at saka may kinuhang papel sa loob nito. Nang buklatin niya ay napatitig ako agad doon. Halatang ginupit ang papel na iyon mula sa isang magazine at alam kong ako ang kumuha ng larawang iyon. 

Dalawang ibon na nasa iisang sanga habang ang background ay isang waterfalls. Kinunan ko ito sa Colombia kung nasaan ang may pinakamaraming species ng ibon sa buong mundo. Iyan ang una kong nakunan na nilagay sa magazine ng Bon Vo. "Nang malaman ko kung saan ka nagtatrabaho, binibili ko ang lahat ng magazine nila simula noon." Mula sa pagkakatitig niya sa papel ay umangat ang tingin sa akin. "I'm your fan."

Lumingon ako sa papel na inabot niya habang hindi ko mapigilang unti-unting mapangiti. Marami nang nagsasabi sa akin sa US na magaganda raw talaga ang mga kuha ko, kahit ang mga boss doon ay tuwang tuwa sa akin pero parang ngayon lang.. ngayon ko lang naramdaman na tama ang desisyon kong gawin ito. Hindi ko alam.. kung bakit pakiramdam ko'y naging sulit na ang  limang taon ko sa ibang bansa. 

"Thank you." Iyon lang ang nasabi ko kahit nangingilid ang luha ko. Sa sobrang pagtuon ko ng atensyon sa papel na hawak ko ay hindi ko namalayang kinuha niya pala ang camera ko. Narinig ko ang pagclick nito kaya lumingon ako sa kaniya. "You're crazy." Agad kong binawi ang camera ko.

Pagtingin ko sa kuha niya ay mas lalo akong natigilan. Maganda rin ito. Kahit hinahangin ang buhok ko at ang ilang hibla nito ay nakaharang sa aking mukha, hindi iyon malabot at naging maganda ang kinalabasan ng mga puno ng niyog sa likod ko.

"I-ikaw rin, magaling ka rin palang kumuha." Iyon lang ang nasabi ko. Umiling siya at saka ngumiti. Dumapo ang tingin ko sa nakabukas na wallet sa kaniyang hita. 

Hindi nakawala sa paningin ko ang litrato ng isang bata doon. Agad ko iyong kinuha at hindi ko alam kung bakit ako kusang napangiti. "This is your baby?" 

Tumango siya. 

"He's so cute." I added. Habang tinitignan ko ang bata, tila may humaplos sa aking puso. I sacrificed the love of my love for this child and I don't know why I felt so proud. Kahit masakit ang pinagdaanan ko, tila ba worth it ang lahat. Dahil ang batang ito, may kumpletong pamilya ngayon. 

Napalingon ako sa likod namin nang marinig kong may tumikhim. Ang nakasimangot na pagmumukha ni Emily ang sumalubong sa akin. Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig. At the sight of her, it's like I'm slapped with the truth. You no longer have a place in Renzo's life, Wendy! Why are you still here? Sitting beside him? Taking picture of him?!

Emily pointed her finger at the set. "The shoot is done. We should get ready for dinner." 

Agad akong lumingon sa dalampasigan at doon ko lang napansing nagsitayuan na pala ang halos lahat ng mga nanonood ng sunset kanina. Binalik ko ang papel kay Renzo at mabilis na naglakad palayo. I feel so inferior right now! Pakiramdam ko'y nakikiagaw pa rin ako kay Renzo at sa pangalawang pagkakataon ay talo na naman ako. 

Bitterness filled me as I walk away. I tried to keep my composure but the cold breeze triggered my tears. Tinakbo ko ang daang bato patungo sa kalsada at tinawid ito. Naupo ako sa gilid habang nakatitig sa dilim. 

Palayan ang nasa tapat ko pero hindi ko na ito masyadong maaninag dahil sa dilim. Sumisilip ang buwan sa malayong banda kaya iyon na lamang ang pinagtuunan ko ng pansin. Isang tela ang bumalot sa akin at bago ko pa iyon malingunan ay tumabi na siya sa akin.

"What did you talk about?" 

Seryoso ang tingin ni Julius sa akin at tila nagbabantang huwag akong magsinungaling. Ngumuso ako at umiling habang nakatitig sa buwan. "Nothing important."

"Nothing important but you walked away and wanted to be alone?" 

"I'm fine." 

We remained silent for a while until he pulled me closer para makasandal sa kaniyang balikat. Agad akong napalayo nang maramdaman kong sobrang init ng kaniyang leeg. "May lagnat ka?" 

Tinitigan ko ang mga mata niya at kahit sa sinag lamang ng buwan ay kitang kita ko ang pamumula nito. "Are you okay?" Kinapa ko ang kaniyang noo at nakumpirmang may lagnat nga siya. "Bakit hindi ka nagsasabi?!" 

"I'm fine, sinat lang 'to-" Hinila ko na siya patayo. "After we eat our dinner, uminom ka ng gamot okay? May dalang med kit sila Faye." 

Pagkatapos ng dinner ay tumulong ako sa pag-aayos ng lamesa. Pilit man nilang sinasabi na kaya na nila ang gawain ay tumutulong pa rin ako. Si Julius ay pinauna ko na sa kwarto niya. Ako na rin ang magdadala ng gamot niya mamaya. 

"Ma'am, ito na po 'yung gamot."

Kinuha ko kay Faye ang isang bote ng gamot na may lamang mga tableta. Saka niya ako inabutan ng isang baso ng tubig. "Thank you." 

"Walang anuman, Ma'am." 

Ngumiti ako at pumasok na sa loob. Inakyat ko ang 2nd floor kung nasaan ang kwarto ni Julius.

"Julius, ito na 'yung gamot." Pinabangon ko siya at habang nakaalalay sa kaniyang likod ay damang dama ko ang init ng katawan niya. Nang matapos siyang uminom ay inalalayan ko siyang makahiga ulit ng maayos.

"Thank you.." Aniya. Napapaos ang kaniyang boses kaya natatakot akong iwan siya rito. Alam na ni Direk Mikey ang kalagayan niya at bukas, kung hindi pa huhupa ay dadalhin na siya sa ospital. 

I caressed his shoulder. "Hihintayin ko na lang sila Kuya Delfin na dumating bago kita iwan dito." Sila Kuya Delfin ang kasama niya sa kwartong ito. Mabuti nang may maiiwan sa kaniya at mababantayan siya. 

Umiling siya at ngumiti. "I'm fine. You should take a rest too." I sighed and shook my head. "Magpahinga ka na." Nanatili ako sa tabi niya hanggang sa mag-alas onse ng gabi. Saka lamang pumasok sila Kuya Delfin. Mukhang nakainom sila pero nang makita ako ay dali-daling inayos ang sarili at dumiretso ng tayo.

"S-sorry, Ma'am. Hindi namin alam na nandito kayo."

Ngumiti ako at umiling. "It's okay." Hinagod ko ng tingin si Kuya Delfin, Roger at Jake. Si Jake lamang ang mukhang hindi nakainom. "Jake, pwede mo bang bantayan si Julius? Baka kasi tumaas ang lagnat niya ngayong gabi, para sana madala agad sa ospital."

Ngumiti siya at tumango. "Oo naman, Ma'am. Ayos lang. Kami na pong bahala."

Ngumiti ako at tumango rin. "Sige, I'll go ahead." Ngumiti sila Kuya Delfin at yumuko na lamang. Tila nahihiya pa rin. 

Paglabas ko ay lumiko na ako pakaliwa para makaakyat a hagdan pero nagulat ako nang isang braso ang marahas na humablot sa akin. "Renzo?! What's wrong with you?"

"What did you do in there?" Then he pointed his chin on his side.. "That's a bedroom for men." 

Napatitig ako sa kaniya. Nakainom din siya. His eyes are reddish and filled with anger. "What did I do, huh? How dare you ask me that? It's none of your business!" He blinked once and looked at me with disbelief. "Julius is in that bedroom, too. What did you do in there?" 

I was about to explain but I closed my mouth immediately. Wala akong dapat ipaliwanag! Kumalas ako sa kaniyang hawak at naglakad na pero nahuli niya ang aking braso.

He crouched and met my gaze. "You're killing me.." The anger in his eyes was gone.. it was replaced with pain and sadness. My heart started to race like mad and I slightly opened my mouth just so I could breath properly.. 

"What did you do in there?" His voice is now begging for an answer. His gaze is unstable... like with just one wrong word from me, he'll break into pieces.

I gently shook my head. "I didn't do anything wrong.." I stared at him as his expression soften and turned calm. He sighed and nodded as he stare at my lips. "I believe you.." 

I gently pushed him away and I can sense his panic and confusion, maybe thinking.. did he do something wrong? Yes, Renzo. This.. everything.. about us at this moment, is wrong!

"I don't want to be like Emily. Don't turn me into your mistress. Don't make things more complicated for me!"

"What are you saying-"

I walked away. Hindi lang dapat siya ang kailangang tumigil. Dapat ako rin! Stop being a bitch, Wendy! Your job here is freaking easy, don't turn things into a roller coaster ride!


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019