Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Nagising akong dahil sa sobrang sakit ng ulo. Ilang oras yata akong umiyak kagabi bago ako nakatulog. Isama pa ang sama ng loob ko dahil lagpas alas dose na ay hindi pa rin umuuwi si Renzo. Saglit pa akong nakatitig sa kisame habang iniisip ang mga nangyari kagabi bago ko naisipang bumangon.

Saan naman kaya natulog si Renzo at bakit hindi siya umuwi? Maraming tumatakbo sa isip ko pero mas pinili ko na lang ituon ang atensyon ko sa paggawa ng almusal. Dahil kung iisipin ko pa kung ano ang posibleng ginawa nila kagabi, baka mamatay ako rito. 

Natigilan lang ako sa paglapag ng pagkain sa lamesa nang makarinig ng ingay sa hagdan. Alam kong tunog iyon ng takong kaya mas lalo akong nagtaka. Mabilis akong sumilip sa pinto at halos takbuhan ako ng kaluluwa nang matanaw si Emily sa sala.

"Anong.. anong ginagawa mo rito?"

Natigilan siya sa paglalakad at saka ngumisi. "Oh, good morning."

Bumaling ako sa hagdan kung saan tanaw ang pinto ng guestroom. "Nasaan si Renzo?" 

Tumaas ang isang kilay niya at nagkibit balikat. "Nasa taas, tulog siya. Napagod kami kagabi, e."

Tila nahulog sa kung saan ang puso ko habang pinagmamasdan si Emily. Ang utak ko'y lumipad na sa kung anong maaaring ginawa nila kagabi. Hindi ako nakasagot agad dahil tila pinipiga ang puso ko. Ang kirot ay kumalat sa buong katawan ko, nanunuot at halos magtindigan ang aking balahibo sa katawan. I know I am not done being hurt but I know very well where the end of my patience lies.

"You cunning bitch!" Buong lakas ko siyang sinampal. She was shocked and remained silent for a while. I am gasping for air as I try to contain my anger. It's too much that I just want to kill this fucking bitch. 

Pero imbes na matakot ay mas lumapad ang kaniyang ngisi. "Anong magagawa ko? Siya ang lumapit sa'kin." 

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "You're disgusting."

Umirap siya at saka tamad na tumingin sa'kin. "Ano bang pinaglalaban mo? Hindi masaya sa'yo si Renzo, mag-asawa lang kayo sa papel kaya huwag masyadong makapal ang mukha, okay?"

Filled with rage, I grabbed her hair and dragged her outside the house. Masakit ang kalmot niya sa kamay ko pero hindi ko ito pinansin. " Let me go! Ah!"

Tinulak ko siya palabas ng pinto kaya sumalampak siya sa sahig. "I am still his wife kaya matuto kang lumugar!" Saka ko pinulot ang sapatos niyang natanggal at hinagis iyon sa kaniya. "You're filthy!" At padarag na sinara ang pinto.

"Anong nangyari?"

Lumingon ako sa hagdan nang marinig ko ang boses ni Renzo. Pumikit ako para kumalma. I don't want to argue with him.. no! I am trying not to argue with him because if I do, this place will turn into a war zone!

Agad akong nagtungo sa kusina pero naramdaman ko ang mahigpit na paghawak niya sa braso ko. "What did you do to her?"

Binawi ko ang kamay ko at buong lakas siyang sinampal. He head remained tilted sideways. 

"Eh ikaw?! What did you do to her? Sa sarili nating pamamahay?!" Nag unahan na sa pagtulo ang mga luha ko dahil tila bumabaligtad ang sikmura ko dahil hindi matanggal ang isip ko ang kung anong ginawa nila kagabi. At ang isiping nasa kabilang kwarto lang sila magdamag ay halos sumabog na ako sa galit!

"Kaya kong tanggapin kahit anong gawin mo! Alam kong ginagantihan mo ako sa mga nangyari pero irespeto mo naman ako kahit papano!"

I'm literally screaming but he didn't even flinch. Nilingon niya ako na tila hindi makapaniwala sa lumalabas sa bibig ko. Umiling siya at ngumisi. "You don't deserve it."

Tila gatilyo iyon na nagpaalab lalo ng galit ko. "I don't deserve it? Fine! I don't fucking deserve anything but pain! Pero gusto kong malaman mo na I tried to help you as much as I can! Alam kong nasasaktan ka dahil nawala si Tita Ida but-"

"For someone who has a complete family and always get what she's wants, you will never understand me."

Natigilan ako roon. Panibagong luha na naman ang bumuhos mula sa mga mata ko. Malabo na siya sa paningin ko pero kitang kita ko ang pagkamuhi niya. 

I sobbed as warm tears trickled down my cheeks. I stared at him helplessly.. "Hanggang kailan mo pa ko parurusahan dahil minahal k..kita?" 

"Hanggang sa pagsisihan mong minahal mo ako."

Umiling ako at sumalampak sa upuan. Nanghihina sa lahat ng nangyayari. "Hindi ko alam kung kailan, Renzo. Ilang taon ko nang sinusubukang kalimutan ka pero ikaw pa rin ang mahal ko. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong kalimutan ka na pero para pa rin akong tangang bumabalik.."

"YBecause you never tried hard enough." Then he walked away. Tulala lamang ako habang nakatingin sa sahig.. still feeling every corner of my heart pound in pain.

Pagdating ko sa opisina ay naabutan ko si Gigi at si Julius. Mula sa pagkakatingin nila sa isang papel ay umangat ang tingin nila sa akin. "Why are you here?"

Umirap si Gigi at tumayo. Inabot niya sa akin ang isang litrato galing sa isang pamilyar na event. "Ang magaling mong asawa, caught in the act! Nakakadiri!" Ang mga litratong inabot niya ay mga litrato ni Renzo at Emily na naghahalikan sa reunion.

"Imoral." Ang narinig kong sabi ni Julius habang tamad na nakatingin sa akin. "Pag ako naging presidente, bawal na malalanding dugyot dito sa Pilipinas." 

Tumawa si Gigi habang ang titig ko'y nanatili sa litrato. "Yan ang epekto kapag ang alak napunta sa utak, e." Umupo na ako at nagsimulang magbukas ng folder na nasa lamesa ko. "Bumalik na nga kayo sa baba. Puntahan niyo na lang ako rito kapag lunch na." Nang makaalis ang dalawa ay saktong nakatanggap ako ng tawag galing kay Dad. Palagi kaming magkatext ni Mom pero kami ni Dad ay ilang araw nang hindi nag uusap. 

"Hello?" 

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago nagsalita. "How are you?" 

Hindi ko rin mapigilang mapabuntong hininga. Kinamumuhian ko siya pero alam kong may kasalanan din ako kaya hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan. Tila napakaimpokrita sa parte ko ang magalit sa kaniya gayong ginawa niya ang lahat ng ito para sa'kin.. pero hindi ko rin mapigilang magalit dahil wala magandang naidulot ang lahat ng iyon.

"I'm fine." Saglit siyang natahimik kaya akala ko'y binaba niya na ang tawag pero bigla siyang nagsalita. "Are you happy?" 

Hindi ako nakasagot agad. I don't know what they call this but I feel like I'm on the borderline of life and death. Nandito na naman ako.. tulad ng buhay ko nang iwan ko ni Renzo.. alive but barely living.

"What do you want?" I asked instead.

He sighed again. Maybe he sensed, that I wasn't okay.. that after all, everything he did.. only resulted into chaos! "I'm sorry, Wendy."

Natigilan ako roon. I can feel his sincerity but the apology..

"Hindi ka dapat sa akin humingi ng tawad kundi kay Renzo. Dad, you killed his mother! Kaya galit na galit siya sa atin ngayon! Inuubos mo ang lahat-lahat sa kaniya! Nakikinabang ang OC sa talento niya at sana sapat na iyon para mabayaran niya ng paunti unti ang 50 million. Makikipaghiwalay na ako. Ayoko na."

"Then what? You'll cut your wrist again? Skip your meals? Jump-"

"Hindi na! I can handle myself! Kaya ko nang wala siya! Hindi na ako masaya! Ayoko nang ipilit pa ang sarili ko! I wants this all to stop.. please.." I gasped for air as tears stream down my cheeks. It's all fucking lies. I can't do this without him.. I can't live without him.. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin pagkatapos ng lahat ng ito. But I have to be strong.. I have to let him go.

"It's not easy to file an annulment, Wendy."

"i know you have your connections. Huwag mo sabihing ngayon ka pa naubusan ng paraan?" Wala siyang naisagot so I ended the call. I sighed to calm myself. I spent two hours of thinking before I decided to bring  packed lunch for Renzo in his office. 

But instead of him, I found Emily comfortably sitting on his chair.

"What are you doing here?"

Mula sa pagkakalikot sa kaniyang cellphone ay umangat ang tingin niya sa akin. She smirked. "Hinihintay ko si Renzo, aalis kami para mag-lunch." Saka niya ako tinaasan ng kilay.

"Hoy babae." Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko si Gigi. Nanlilisik ang mata niya habang nakatingin kay Emily. "Mahiya hiya ka nga sa balat mo! Lalandi ka na lang, hindi ka pa marunong pumili!"

"Mind your own business-"

"What's happening here?" Sabay sabay kaming lumingon sa pinto. Naroon na si Renzo at nakatingin sa amin ng masama. Dire-diretso siyang lumapit kay Emily. "What did they do?" Umiling lang si Emily at saka tumayo na. Nangingilid na ang luha ko at sa muling pagkakataon ay umaasa akong pipiliin ako ni Renzo.

Hinaplos ko ang kaniyang braso para lumingon siya sa'kin. "Renzo.. don't do this please.. Kahit ngayon lang.. please.. choose me.." 

I can feel that Emily and Gigi was taken aback.. I know.. never did once they saw me beg. This is the first time.

His eyes were filled with amusement and the smirk plastered on his face showed how he finds me ridiculous. "I don't have to choose you. You're not one of my options." Saka niya hinila si Emily palayo. 

Habang pinagmamasdan ko siya palabas ng pinto ay tila lumulubog ang puso ko. It feels like I am watching my whole world tear apart and I'm so scared to just watch him walk away. Pakiramdam ko sa oras na ito, kapag umalis siya.. ay tuluyan na siyang mawawala. Ang dalawang linggong palugit namin.. paubos na.

Sinundan ko silang dalawa hanggang makarating kami malapit sa elevator. Agad kong hinawakan ang braso ni Renzo bago niya maiangat ang kaniyang kamay. He was stunned when he saw me. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at halos nanginginig na ako sa pag-iyak.. "Renzo, please! I'm sorry.. I'm so sorry.. Alam kong.. nagkamali ako pero handa naman akong bumawi.. Please, patawarin mo na ko.."

Hindi ko na napigilan ang muling pagbuhos ng mga luha ko at bawat patak nito.. pakiramdam ko ay dinudurog ang puso ko. Kahit noong iniwan niya ako.. I never begged in front of him.. Hindi ko hinayaang makita niya kung gaano ako nawasak.. I cried on my own.. hindi ko siya hinabol dahil nirerespeto ko ang gusto niya.

But this time.. it felt different.. the desperation is consuming me. The fear of suffering the pain all over again resonated in my whole system.

"Renzo, hindi ko 'to kaya mag-isa.. Please Renzo.. I'm sorry.. Nagmahal lang naman ako.. Nagmahal lang ako." Ang kirot sa puso ko ay paulit ulit na kumakalat sa aking buong katawan kaya napaluhod ako sa panghihina. "I'm really sorry.." My knees hurt but the pain is nothing compared to the melancholy that is consuming me.. 

Napaatras siya sa gulat. I am holding his wrist as I try to convince him.. "Don't leave me.. please.." Mas lalo siyan lumapit at inalalayan akong tumayo. "Wendy, stop it.." He blinked a few times and his gaze became unstable.. making myself believe that maybe.. he still cares for me. Pinunasan niya ang luha ko.. his rough thumb felt so gentle against my skin.. Kasabay ang pagbukas ng lift ay ang paghila sa kaniya ni Emily. "Let's go. I'm starving!'

Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan siyang sumama sa iba. This is the most painful part, still holding on.. even if you already have all the reasons to let go.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019