Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Araw ng kasal pero hindi mahagilap ang groom.

"Nako, kinakabahan ako. Iba ang kutob ko e, tawagan niyo nang tawagan."

Nagpapanic na si Gigi habang inaayos ang laylayan ng wedding gown ko. Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Renzo. Kung maisipan niyang iwan ako sa araw ng kasal namin para makaganti, I know I deserve it so it's okay..

Kinakabahan lang ako sa kung anong gagawin ni Dad. Sana kung magpapakalayo layo si Renzo, doon siya sa lugar na hindi siya mahahanap ng aking ama.

Pero kahit tanggap ko.. naninikip pa rin ang dibdib ko sa kaiisip sa posibilidad na baka takbuhan nga ako ni Renzo.. I don't know why my undying passion for him never faded. Thus, it hurts this way..

"Sumagot!" Ang sabi ng isang coordinator. Lumapit ako agad sa kaniya at kinuha ang cellphone 'ko. "You're not planning to ditch me on our wedding day, are you?"

He chuckled. "No. After all, no one wants to leave the pit so.. I wouldn't spoil the fun."

Lately, palaging sarcastic si Renzo at napapansin ko ring napapadalas ang pag inom niya. Pagkatapos ng trabaho sa OC ay dumidiretso siya sa isang bar at magpapakalasing doon. I hate what's happening to him pero wala akong magawa..

"Are you drunk?"

"Hmm, drunk? Who's drunk?"

Nasapo ko ang noo ko. "Renzo, get your shit together. If you decided to ruin this day, make sure you have an escape plan. My dad is watching."

Mukhang wala na siyang kinatatakunan. He's full of hatred. Kahit tingin niya pa lamang ay talagang nagsusumigaw ng galit. Hindi ko alam kung anong balak niya sa loob ng isang buwan pero.. gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako. I feel so guilty na handa akong tanggapin ang galit niya kahit gaano pa ito kasakit. For someone who lost everything, hindi ko maisip kung gaano kahirap ito para sa kaniya.

Gladly, sumipot siya sa kasal. The ceremony felt empty dahil damang dama ko ang hindi niya pagsang-ayon sa mga pangyayari.

"You see, sa lahat ng ginawa ko ikaw din naman ang makikinabang so stop complaining." Halos bumaligtad ang sikmura ko sa sinabi ni Dad habang nagsasayaw kami sa reception.. hindi ko maatim na may pumanaw nang dahil sa akin.

Pinilit kong kumalma.. "Stop reminding me about it."

Isang araw. Hinihiling ko talaga na dumating ang araw ni Daddy. That was my greatest wish so far. Masakit pero kailangan kong tanggapin. Death.. is the best punishment he could receive.

"Everything worked. You get what you want which is Renzo; I get the best for OC which are he's innovative ideas. He's a great asset; we have to make him stay at OC." I stopped dancing at saka bahagyang umatras. I hate everything that happened but my Dad seem to be so happy about it. Lumingon ako kay Renzo na nakatulala lamang sa lamesa at saka naglakad palapit sa kaniya.

"Are you okay?"

"I hate this day."

He's been grumpy hanggang sa makarating kami sa mansyong tutuluyan naming dalawa. Regalo ni Mom sa aming dalawa ito, she sincerely wished us na maging masaya. Fully furnished na ang bahay kaya wala na kaming kailangan pang alalahanin but Renzo seemed pissed about everything kaya hindi niya na nagawa pang i-appreciate ang magandang disenyo ng bahay.

Agad siyang nagtungo sa isang kwarto doon at nakatulog na. It's nine in the evening at pagod na rin ako kaya nagbihis na ako at sinabit ang long gown ko sa closet.

Pinagmasdan ko muna si Renzo habang mahimbing na natutulog. Wala siyang suot na t-shirt pero nakabalot siya ng kumot. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang kaniyang braso. God.. how is it possible for my heart to race just by staring at him?

Unti unting napawi ang ngiti ko nang dapuan ako ng lungkot.. Is it possible for him to fall in love with me, again? With everything that happened, may pag-asa pa ba kami? Saglit akong napalingon sa kalendaryong nasa pader, I have a month to help him heal.. to at least help him ease the pain.. to be there kapag kailangan niya ng mapaglalabasan ng sama ng loob. I'll willingly accept all his insults.

Nang matapos akong makapag-shower ay humiga na ako sa tabi niya. My heart raced once again when impure thoughts filled my mind. How could I think something like this gayong alam kong kinamumuhian niya na ako? My God, Wendy. 

Humarap siya sa akin kaya napigil ang paghinga ko. Nanlaki ang kaniyang mga mata at iritableng inangat ang kalahati ng katawan. His muscles sexily flexed at the sudden move..

"What are you doing here?" His angry tone of voice scared the shit out of me. Tila ba isang leon ang anumang oras ay lalapa sa akin. His massive upper body is too much to take kaya umiwas ako ng tingin.

Bigla siyang bumangon at bumaba sa kama kaya napalingon ako sa kaniya.

Lumapit siya sa pinto at padarag niya itong sinara. Mukhang sa kabilang kwarto niya na balak matulog. Nakatitig lang ako sa kisame habang kagat ang labi ko.. nagpipigil ng luha.

Paggising ko ay gumawa ako agad ng almusal. Pancakes, sandwich, meat, vegetable salad at saka ramen. Gumawa ako ng marami para may pagpipilian siya at gumawa na rin ako ng ramen baka sakaling mas gusto niya ito. Nag-practice kami ni Mom na gumawa ng ramen noon kaya sigurado akong magugustuhan ito ni Renzo. 

Pagbaba niya ay nakasimangot na siya agad. Hindi ko maisawang mapatitig sa kaniya. He's wearing a white sando that revealed his perfectly toned muscles. He looks irritated but it just made him more handsome and.. hot.

Nang magtama ang tingin namin ay agad akong tumingin sa hapag. "Gumawa ako ng almusal, kumain ka na."

Pag upo niya ay napatitig siya sa ramen na nakahain. Umupo na rin ako sa tapat niya at naglagay ng pancakes sa plato ko. "Do you like ramen for.. breakfast?"

Saglit siyang bumaling sa'kin at hindi nagsalita. Fine. Pinagmasdan ko siyang kumuha ng kutsara at humigop ng sabaw. Blangko ang ekspresyon niya bago humigop ulit ng sabaw pero matapos 'yon ay padarag niyang binitawan ang kutsara. "Maalat." Saka siya tumayo at kinuha ang mansanas sa gitna ng lamesa. Agad akong lumipat sa upuan niya at tinikman ang ramen. "Hindi naman, a?"

Hindi na siya nagsalita kaya umirap na lang ako. He wants to do this hard, isn't it? Napagdesisyunan kong hindi ako papasok ng maaga para makapag bisikleta. Malamig ang simoy ng hangin ngayon at saka gusto ko ring libutin ang subdivision. Kinuha ko ang bisikleta ko sa garahe at inilabas sa gate. Halos trenta minutos akong nagbisikleta bago ko naisipang bumalik sa mansyon.

Uminom ako agad ng malamig na tubig galing sa fridge at saka ko hinubad ang suot kong sweatshirt kaya sports bra na lang ang suot kong pang itaas.

Nahagip ng mata ko ang palapulsuhan kong may mga peklat. Saglit ko iyong tinitigan pero nagulat ako nang mapansin kong nasa harap ko na si Renzo. Mabilis kong tinago ang kamay ko sa aking likuran at saka humarap sa fridge. Shit! Nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko'y anumang oras ay sasabog na lang ito.

"D..do you need anything?" I asked.

Tinuro niya ang boobs ko at nanlaki ang mga mata ko kaya agad ko itong tinakpan gamit ang isa ko pang kamay. Tumapon tuloy ng kaunti sa dibdib ko ang malamig na tubig galing sa baso. "What's wrong with you?"

Umiling siya. "Hindi bagay sa'yo." Yumuko ako para tanawin ang maliit na tattoo sa ibabang bahagi ng collar bone ko, it's a minimalist heart beat tattoo. Bumuntong hininga na lang ako, wala lang sigurong magawa ito kaya nang-iinis. Tumalikod na siya kaya maglalakad na rin sana ako pero natigilan ako nang magsalita siya. "Plus, your boobs are not attractive."

Umirap ako sa hangin. Leche ka, Renzo.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019